Share

Professor

Eksaktong 7 am ako nagising dahil hindi nag alarm yung alarm clock ko. Nakalimutan ko rin mag set ng alarm sa phone kaya ngayon taranta ako. Binilisan ko yung pagligo ko tapos agad na nagbihis. Naghanda na rin si mama ng almusal para samin ng kapatid ko pero dahil nagmamadali ako kumuha lang ako isang slice bread at konting higop sa kape. Tapos nagpaalam na ko.

Narinig kong tinawag pa ko ni mama pero di ko na pinansin. Naghintay din ako ng mga 15 mins sa sakayan ng jeep kaya naman sobrang late na ko.

After 30 minutes, nasa school na ko. Dahan dahan pa kong sumisilip sa pintuan ng room para silipin kung may prof na bang nagtuturo para makapagpaalam man lang tutal late naman ako. Nakita kong sinenyasan ako ng isa kong kaklase. Si Finn. Yung kalaro ko sa codm at bff ko na rin. Third year college na rin naman kami at three years na kaming magkasama sa iisang section isama mo pa si Lei at Hansel.

Kaya naman lakas loob akong nagbukas ng pinto at kapal ng mukha na humarap sa prof namin.

Nastun ako sa di malamang dahilan nang humarap sya sakin. Naipit pati dila ko. Hindi ko alam kung anong irarason ko. Kesyo napuyat ako kagabi sa paglalaro at sa kalaro ko. Ba yan!

"Tatayo ka lang ba dyan, miss?" saka naman ako natauhan.

Napatingin ako sa mga mata nya. Gagi naaakit ako. Ang gwapo nya kasi. Parang lumuluwag panty ko. Help!

"A-ah.. S-sir. Sorry I'm late!"

"Okay. For now, papalampasin ko yang pagkalate mo. Pero next time sana hindi ka na malelate. Understand?" sabi naman nya.

Strict! My gosh! Bago lang ba to?

Tumango naman ako.

"You may take your seat now!"

Kaya naman agad akong pumunta sa tabi ni Finn.

"Di ka pa nag out kagabi no?" bulong sakin ni Finn.

"Wag ka maingay," bulong ko.

"Ok balik tayo sa sinasabi ko. Yung assignment ang deadline nyan next week at gawin nyo syang video. Walang ibang choice kundi video. Para naman mapraktis na kayo as future educator. May additional points ang maganda ang pagkakagawa ng video. Ayun lang. Class dismissed! Pwede na kayong pumunta sa next subject nyo!" tapos tumalikod na sya samin.

Akala ko lalabas na sya pero humarap sya ulit at nagsalita,"by the way, anong name mo late comer?"

Grabe sya saken. Ngayon lang naman ako nalate kung makasabi naman ng late comer eh!

"Demi Xienne Santos po, sir!"

"Okay, thank you. Bye, class!"

Tapos lumabas na sya ng room. Ganon din ang iba naming classmates. Naiwan lang kaming apat muna sa room.

"Gwapo ni sir, Xienne!" kinikilig naman na sabi ni Lei.

"Mukhang masungit naman!" sabi ko.

"Baka stress lang!" sabi naman ni Hansel.

"Bago lang ba yun? Parang ngayon ko lang sya nakita," sabu ko.

"Si Sir Harith T. Gomez!" sabat ni Finn.

Tumango tango naman ako.

Pag usapang pogi si Lei ang masarap kausap dyan. Ako din naman naiinlab sa pogi lalo na kung hot pero kung di ko keri ang attitude wag ba girl. Si Hansel naman paminta to eh. May pagkabading pero kilos lalaki naman. At si Finn ang lalaki talaga samin. Di ko na matandaan kung pano ko naging kaybigan to dahil medyo mahirap din maging kaclose to. Pero thankful ako kasi friends kami. Sya rin yung talagang nakakatulong sakin pag need ko ng tulong kasi sila Lei at Hansel may kanya kanyang style ng paggawa ng assignment at project yan eh.

Nakalimang subject rin kaming araw at medyo nakakaantok na nakakapagod yung mga nangyari.

Kinuha ko yung phone ko at nakita kong nagchat din pala si Harry.

Mayang gabi nalang tayo. Busy rin ako ngayon. Maraming kaylangan gawin eh. Update nalang ako mamaya.

Ang sweet no?

Actually, di naman kaylangan. Di naman kami magjowa. Playmate lang. Di ko pa sure kung permanent kasi mukhang temporary lang naman to. Syempre ganon naman talaga walang permanent lalo na kung never mo pang nakita.

Kaya naman nagsend lang ako ng like para na rin sa pag sang ayon.

"Uy laro tayo ulit mamaya. Bawi tayo!" aya ni Finn.

"Oo ba! Sayang antok na kasi ko kagabi," sabi naman ni Lei.

"Anong oras pala?" tanong ko.

"As usual!"sagot ni Finn.

"Di muna ko maglalaro bawi nalang kao next time kasi naman si Cheska bigla biglang mag aaya ng date!" sabi naman ni Hansel.

"Lalaki ka na pala pre?" tanong ni Finn na medyo tatawa.

"Lalaki naman ako ah! At saka walang masama sa date. Wala naman kaming label!"

"Magkakalabel palang!" sabi ko naman.

Tapos nagtawanan naman kami.

"Guys, sorry. Mukhang di rin ako makakalaro," sabi naman ni Lei. "Si John kasi eh, nagpapasama!"

"Teka, sabi mo kanina sasali ka!" angal ni Finn.

"Oo nga kaso ngayon lang nagchat eh

Sorry na. Bawi ako next time!"

"Sige. Pero libre mo kami ah!" ani Finn.

Tumingin naman sya sakin, "oh baka ikaw ano? Magsabi ka na. Ayoko ng umaasa!"

"Hugot yan! Pero sasali ako syempre," sagot ko.

"Buti naman. Tara na nga!" tapos inakbayan nya ko.

Medyo nagulat ako kasi biglaan eh.

Nang makauwi na kami nagpaalam na si Finn ganun din ako.

Nag open na ko ng app nung matapos na ko sa every night routine ko. Nagchat na rin ako kay Finn na nakaopen na ko pero wala syang response. Naghintay pa ko kahit isa pang oras pero wala talaga. Iniisip ko natulog na siguro pero di man lang nagpasabi.

Kaya naman ako nalang ulit mag isa tapos random ally.

Pipindutin ko na yung start ng makareceive ako ng chat galing kay Harry.

Nakaopen ka na ba?

Sorry ah. Kasi tinapos ko pa yung mga gagawin pero pwede na tayong maglaro.

Tapos nireplyan ko sya na mag open na.

Gaya ng reply ko nag open na nga sya tapos ininvite ko sya sa lobby tapos naglaro na kami.

Habang naglalaro kami lalo syang kumukulit. Medyo pamilyar pa nga boses nya eh pero di ko nalang pinansin. Masaya naman syang kalaro kasi kahit ilang beses na kong mamatay sa game di sya napapagod kunin ang dogtag ko. Naka three games din kami.

Tapos nung nasa lobby na kami last game pa sana pero sabi nya bukas nalang ulit.

"May klase ka ba ulit bukas?" tanong nya.

"Oo eh. Matutulog na rin siguro ko pag out ko kasi late ako nagising kanina. Late rin ako sa school," tapos tumawa ako.

"Naku po, dapat nag aalarm ka. Sige goodnight!"

Tapos pindot ng quit sa codm app.

Alas onse na rin ng gabi kaya naman nagdecide na kong matulog. Nag off na rin ako ng wifi kasi baka mamaya di ako makapagpigil maglaro na naman ako ulit.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status