Share

JOIN ME: Rigel Skye
JOIN ME: Rigel Skye
Author: Yenoh Smile

SIMULA

RIGEL SKYE'S POV

"Siya na po, Mr and Mrs. Abellana." tinuro ako ni sister sa mag-asawang mukhang mayaman.

Narinig ko sila na gusto nilang mag-ampon upang magkaroon ng anak. Nais nilang mag-alaga ng bata at baka sakaling biyayaan sila ng anak.

"Ilang taon na siya?"

Nilingon ko ang may katandaang lalaki noong lumuhod ang isang tuhod nito at humarap sa akin.

"9 years old na po, Sir," si sister na pumunta sa likod ko at hinagod ang buhok ko.

"Iniwan po siya ng nanay niya, kumpleto naman po ang dokumento niya. Okay lang po kahit hindi ninyo palitan ang apleyido niya. Ang importante po ay may kumupkop sa kanya." Naluluha pa si sister habang sinasabi iyon.

Kulang na daw kasi ang pondo ng bahay ampunan at kailangan ng magbawas ng mga bata. Tatlo na ang nabawas at ngayon ay namimili pa ang mag-asawang Abellana.

"Hon, siya na lang. Gusto ko siyang alagaan." Hinawakan ako sa balikat ng babae at hinaplos ang pisngi ko. Mas bata siya ng kaunti kumpara sa lalaki. Sa palagay ko ay nasa edad magkukwarenta pa lang siya.

Hindi ko siya mabigyan ng ngiti dahil ayaw ko naman talagang umalis sa ampunan. Baka balikan ako ni nanay tapos wala na pala ako dito.

Ngunit wala akong nagawa, tumambad na lamang sa paningin ko ang malaking bahay at maraming sasakyan.

"Rigel baby, dito ka na titira sa amin. Kami na muna ang mga magulang mo. Kapag nagka-baby na ako, ipapakasal ko siya sa'yo para maging tunay mo na kaming mga magulang."

Si Mrs. Myra Abellana, gusto niya na tawagin ko siyang mama at daddy naman kay Mr. Avier Abellana. Pareho silang mabait at lahat ay binibigay nila sa akin.

Ang kwarto ko ay puno ng laruan at magagandang damit. Pinasok ako sa magandang eskwelahan at kinuha ng piano lesson kahit ayaw ko.

"Sige na, gift namin sa iyo ito," si Daddy na hinarap sa akin ang bisekleta. May ribbon pa iyong asul at mukhang mamahalin.

Nahihiya kong tanggapin dahil hindi naman nila ako anak, kaya lang ayaw ko na lumungkot sila.

Lahat ng luho binigay nila ngunit lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nagbuntis si Mama.

Okay lang daw at nandito naman ako. Pinasyal nila ako sa ibang bansa at sinama sa iilang party nila. Kita ko naman na masaya na sila at hindi na umaasa pang magkaka-anak ng tunay.

Sa ikalawang taon ng pag-aalaga nila sa akin ay tumambad ang malaking ngiti nila sa labi at ang malaking cake sa mesa.

"Rigel baby, gusto mo na bang maging kuya?"

Napatitig ako kay Mama at tumango na lamang nang marahan. Gusto ko naman magkaroon ng kapatid at magiging masaya pa ako lalo kung magbubuntis na si Mama.

Kinuha nito ang kamay ko at linagay sa tiyan niya. Si Daddy naman ay lumuhod at ginulo ang buhok ko.

"Paano ba 'yan, hindi ka na baby. Magiging kuya ka na."

Nanlalaki ang mga mata kong liningon si Daddy. Malaki ang ngiti nito at naluluha pa.

Lumuhod din si mama at niyakap ako. Pinaulanan din ako nito ng halik sa mukha. Natatawa pa akong umiiwas.

"Swerte ka talaga, Kuya Rigel. Mag-aral kang mabuti at paglaki ni baby, kung babae siya ay ipapakasal ko kayo." Niyakap pa ako ulit ni Mama nang mahigpit.

"Talaga po? Hindi na po ba ako pweding manligaw ng ibang babae?" pareho silang nangiti at pinisil pa ako sa pisngi.

"Syempre naman kung babae siya. Ngayon pa lang hindi ka na pweding tumingin sa iba." Kiniliti pa ako ni Mama na tinawanan lang ni Daddy.

Sa loob ng siyam na buwan ay hinintay ko ang paglabas niya. Hindi ako nabigo noong malamang babae siya at sobrang ganda.

"Rigel, halika. Tignan mo ang kapatid mo," si Daddy na nakasandal sa pink na crib nito.

Lumapit ako at inakbayan pa ako ni Daddy.

Nang masulyapan ko siya ay tila naestatwa ang tingin ko sa kanya. Ngumiti pa ako at hindi lubos maisip na may matatawag na akong kapatid.

"Ang ganda po niya," hindi ko maiwasang puri sa kanya. Tulog siya ngunit ang hugis puso niyang mukha ay sapat na upang sabihing lalaki siyang maganda.

"Heaven. Iyan ang pangalan niya." Nakangiting binuhat ito ni Daddy at linapit sa akin.

"Heaven!"

Tumakbo ako at hinabol siya. Lumaki siyang makulit at madaldal. Madalas maglambing at maglambitin.

"Kuya!"

Muntik na akong mawalan ng balanse noong bigla itong dumamba sa likod ko.

She's already ten years old. Eight years na lang ay legal na siya. Laging sinasabi ni Mama at Daddy na ako daw ang napili nilang mapangasawa ng anak nila. Ngunit hindi ko iyon sineseryoso.

Kapatid ang tingin ko sa kanya at gusto kong ganoon na lamang iyon. Subalit nag-iba ang ihip ng hangin. Uminit iyon at tila ako'y inaakit.

Bumaba siya sa engrandeng hagdan suot ang pulang gown. Kita ang isang hita niya na mahaba at makinis. Maging ang magkabilang bewang niya ay agaw pansin. Mababa din ang neckline ng suot niya at sumisilip doon ang kalahati ng kanyang dibdib. May manggas naman ang suot niya ngunit isang malinaw na lace lamang ang panakip sa likod.

Ang labi ay mapula at ang mga biluging mata ay nangungusap. Iba ang kulay niyon at tila nagsuot siya ng contact lenses na kulay abo.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya lalo na sa leeg niyang makinis at kumikinang kasabay ng mga ilaw. Litaw iyon dahil na rin sa pagkakapusod ng buhok niya.

Hinintay ko siyang makababa bago inalok ang kamay ko.

"Happy eighteen birthday, Heaven," bulong lamang iyon sa tainga niya ngunit ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Thank you, Kuya!"

Hindi pa rin niya alam na hindi na niya dapat ako tawaging kuya kung ikakasal kami. Hindi ko naman balak na tanggapin iyon ngunit ayaw kong nakikitang may umaaligid sa kanyang lalaki lalo na at ang pananamit niya ay masyadong nagpapakita ng balat.

"Kuya, tabi tayong matulog mamaya. Ayaw akong painumin ng alak ni Dad. Puslit natin sa kwarto mo," bulong lamang iyon at ayaw niyang marinig nila Mama.

Natahimik ako at nagwala ang kaloob-looban ko. She's young and innocent. Kahit na walang malisya ang anyaya niya ay iba ang dating niyon sa akin.

How can I resist her charm if she keeps on clinging to me?

Big brother lang ang tingin niya sa akin at mas gusto ko sanang ganoon. But every move she makes is killing me.

Kahit pa alam kong sa akin siya sa dulo ay hindi ako mapapanatag kung wala siyang alam.

What if they found someone better than me? more handsome than me? And more loving than me? I will not allow that. Ako ang dahilan kung bakit siya isinilang kaya ako din ang huling mag-aalaga sa kanya.

She's my prize, and I will claim her. Not now, but soon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status