Mag-log inChapter 5
Claudia Diaz POV
Nagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.
Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala niya ay simpleng assistant lang ako nito. Pumayag naman si Van. Gusto ko kasing makita at malaman ang tunay na intensiyon nito. Nalaman ko na, hindi natuloy ang pakikipag-ugnayan niya kay Miguel. Nakukulangan siya rito at naghahanap ng mas mayaman at mas makapangyarihan. Sinuportahan pa rin siya ng kanyang mayayamang mga magulang. Sunod-sunuran ang mga ito sa kanya.
Mas matalino na ako ngayon. Hindi ko na hahayaang may makasira sa amin ni Van, sa lalaking mahal ko. Buo ang tiwala ko sa kanya, pero hindi pa rin ako kampante sa mga babae na katulad niya na umaaligid na gaya ng ahas na naghihintay ng pagkakataon para mangbiktima.
Kinukuwento pa niya sa akin na patuloy pa rin siyang hinahabol ni Miguel. Naghahanap siya ng mga pagkakataon para inisin ako. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi niya. Malaya na ako sa mga taong iyon.
Naghanda na rin si Van ng mga ebidensiya laban sa mga banta ng mga Montefalco. Kaya hindi na ako dapat matakot, at kaunting panahon na lamang ay maipagbabangong-puri ko ang aking pangalan.
Naitanong ko kay Van, kung bakit ako ang pinili niyang maging asawa. Ayon sa kanya, sa simula pa lang ay alam na niya. Nakilala na niya ako noon pa.
“I specifically chose you.”
Teenager pa ako noon. Nagkrus na ang landas namin sa Luisiana. Naging tauhan siya ng aking ama sa negosyo nito habang nag-aaral pa siya sa kolehiyo at di niya makakalimutan ang kabaitan nito.
Naibahagi niya rin na hindi naman siya lumaki sa pamilyang Amores at di niya dinala ang apelyido nito noon, pero dahil sa kasabikan na magkaroon ng anak na lalaki ay pilit siyang kinuha mula sa kanyang ina, natutuhan niyang hindi laging patas ang laban sa buhay kaya natuto siyang pag-aralan at laruin hanggang sa naging eksperto na siya.
Habang pinapakita sa kanya ang mga aplikasyon noon para sa bagong assistant position, nakita niya ang pangalan ko at mula sa larawan ay alam niyang ako ito. Nanabik siya bawat araw, hindi man niya ipinahahalata, ay nag-aalab na ang damdamin niya para sa akin. Kaya, sa pagkakataong hinimok siyang mag-asawa na at kumuha na mula sa mayayamang magdadagdag ng kapangyarihan.
Nakaisip siya ng paraan. Hindi na siya papayag na madiktahan pa.
Ang gusto niya ay ako lamang.
“Van, saan mo gustong magpakasal?” sinadya ni Elaine na iparinig sa akin ito
Hindi kumibo si Van. Naroroon ako at nakikinig.
“Claudia, na-experience mo na bang mapakasalan?” pangiinsultong tono ng boses nito.
“Van, basta ako gusto ko ng grand wedding ha, just like Princess Diana’s or mas engrande pa.
“Kaya mo namang ibigay sa akin ’yon, ’di ba?” malanding pagtatanong niya.
“For our honeymoon, san mo gusto? Puwede bang ako rin ang pumili?”dagdag pa niya.
Lumapit siya kay Van para lambingin ito. Nagbuhos ako ng tubig sa baso at nagkunwaring iaabot ito kay Van, pero itinapon ko ito sa kanya.
Nagulat siya dahil sa napakalamig ng tubig, kaya nagsisigaw at nag-hysterical siya. Sa isip-isip ko, pasalamat siya dahil malamig lang ’yon, pero sa susunod, titiyakin ko na mainit na ito.
Simpleng natatawa si Van.
“I’m sorry, Ms. Elaine, hindi ko po sinasadya,” pagkukunwaring sinabi ko sa kanya.
“Fire this bitch Van.” utos sa asawa ko.
“Don’t make a fuss about it, Elaine, tubig lang yan,” ang sagot niya.
Lumabas na lamang ito sa opisina dahil basang-basa siya. Unang lihim na pag-atake ko pa lamang ito. Marami pang susunod. Nilapitan ako ni Van at hinawakan niya ang baywang ko.
“Jealous? I like that.”pagbibiro nito.
Biglang pumasok si Ms. Linda kaya nagulat kaming pareho. Patay-malisya siya at kunwaring may inuutos sa akin. Pero matalas ang pakiramdam ni Ms. Linda dahil sa edad niya; alam niya ang nangyayari.
Nag-report na ito sa kanya. Ako naman, dahil sa hiya ko, ay lumabas na rin ako ng CEO’s Office.
Kumalat ang mga tsismis tungkol kina Van at Elaine. Kaya mas lalong lumalakas ang loob ni Elaine para magreyna-reynahan sa loob ng Amores Building. Kapag dumadaan siya, ay yumuyuko ang lahat at bumabati sa kanya. Proud na proud naman sa sarili ang walang hiya.
Marami siyang eksena para magpapansin sa asawa ko. At ang pinili niyang playground ay ang opisina.
Sa isang pagkakataon, naimbitahan sina Van at ang mga executive sa isang event. Pupunta roon ang mga kilalang negosyante, politiko at mga high-profile sa lipunan. Ang host ay ang pamilya ni Elaine.
For a Charity Cost daw iyon. At gusto ni Van na sumama ako.
“Kailangan ko ba talagang sumama diyan?”
“Of course, you need to be there. Marami kang makikilala doon at lalawak ang socials mo.”
“Don’t worry about it, I've got you, Honey. Magtiwala ka lang.”
Dumating ang araw ng event at namili na ako ng isusuot. Sabado ito, pero umalis si Van para may asikasuhin na mahalagang bagay. Pagkatapos niya akong halikan, nagbilin siyang magkita na lamang kami sa event. Susunduin ako ng driver. Tumango na lamang ako kahit napipilitan.
Habang nagpapahinga sa aming silid, kumatok ang isang kasambahay.
Inabot niya sa akin ang isang malaking box. Nang buksan ko ito, naglalaman ito ng puting gown, sapatos at emerald na hikaw at necklace. Nasa note ng box “I hope to see you tonight, my love” from Van.
May mga dumating ding glam team, para tulungan akong magbihis.
Nang nasa venue na ako, karamihan ay pinagtitingnan ako. Na-conscious ako dahil baka masama ang hitsura ko. Sinalubong ako ni Mr. Glenn Ferrer.
“Wow, Claudia, you look stunning.” Nginitian ko na lamang siya.
Nanduduon na rin si Elaine. Ang sama ng tingin niya sa akin. Nakasuot siya ng itim na gown. Pero mukhang natalbugan ko siya dahil nanlilisik ang mata niya sa akin.
“Claudia!” Nakilala ko agad ang boses na iyon. “Si Van”
Lumapit siya sa akin na napakalaki ng ngiti. Bumulong siya sa tainga ko. “You’re so beautiful.” Kinilig ako habang naririnig ko ito.
Mabilis namang lumapit si Elaine at nilingkas ang asawa ko.
“Oh, darling.” Biglang humalik ito sa pisngi niya.
Muntik ko na siyang masuntok. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko.
Kapag nalilingat si Elaine, pumupunta sa akin si Van. Hindi nalalayo ang tingin nito sa akin at nakabantay pa rin.
Malapit nang matapos ang event, kaya nagspeech na ang ama ni Elaine at sa harap ay tinawag niya sa Van, at pagkatapos ay sumunod na rin si Elaine.
“Mr. Amores, do you have something to say. Everyone is excited sa sasabihin mo.
Kinuha niya ang mic. In-address niya ang presence ng mga tao doon.
Lumapit at humawak si Elaine sa kanya. Ang laki ng ngiti nito at proud na proud sa sarili.
Tumingin siya dito.
“Every one, Elaine” dahan – dahang nagsalita.
“Let me introduce. The one I love, my wife.”
“Mrs. Claudia Diaz Amores.”
Gulat na gulat ang lahat na naroroon. Iba-iba ang mga reaksiyon, anupat napuno ang bulwagan ng mga bulong-bulungan.
Maging ako ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Bumaba si Van sa stage at nilapitan niya ako na may napakalaking ngiti. Kinuha ang kamay ko at hinalikan ko ito.
Chapter 82Claudia’s POV“Honey, kausapin mo nga si Gabriel. Ilang araw ko ng napapansin laging tahimik.”May problema ba sa opisina?”Sandaling nag-isip si Van.“Wala naman.”“Pero bakit siya ganun? Kapag kinakausap ko siya, madalas wala sa sarili.”Hindi ko maiwasang mag-alala.Bilang ina, ramdam ko kapag may dinadala ang anak ko. Kahit hindi siya magsalita, kahit pilitin niyang ngumiti, alam kong may kung anong bumabagabag sa kanya.“Hindi kaya may problema sila ni Seo-ri?”Tumaas ang mga kamay ni Vanruth at ang kilay.“Honey, kung iyan man ang problema niya, hayaan mo muna siya.”“Hindi na siya bata para pati buhay pag-ibig niya ay saluhin mo.”Napakagat-labi ako.Hindi naman sa nakikialam ako sa buhay at desisyon ng anak ko.Gusto ko lang na makita siya na laging masaya.Simula nang magbinata siya, alam kong hindi naging madali para kay Gabriel ang magmahal. Hindi siya iyong tipo ng lalaki na basta-basta nagpapapasok ng tao sa buhay niya. Kapag nagmahal siya, buong puso.Kaya mar
Chapter 83Claudia’s POVInilabas ni Gabriel ang katotohanan tungkol sa nangyaring pagkakalason sa isang pamilya. Gumawa siya ng release statement tungkol sa nasabing insidente upang tuluyan nang malinawan ang publiko.Ipinaliwanag niya na may nagsabotahe sa aming 24-hour convenience stores at nagpakalat ng mga malisyosong balita at propaganda upang sirain ang aming negosyo at pangalan.Hindi man nito agad nawala ang lahat ng pagdududa ng mga tao, unti-unti namang nagbabalikan ang aming mga customer.Isa-isa silang bumabalik.May ilan na dati ay araw-araw namimili sa aming stores ngunit biglang nawala. Ngayon, muli silang pumapasok, bumibili at nakikipag-usap sa aming mga empleyado na parang walang nangyari.Hindi pa rin pinangalanan nina Van at Gabriel ang mga taong sangkot.Wala kaming sapat na ebidensiyang maaari naming iharap sa publiko. Ayaw din naming magbintang nang walang matibay na basehan.Ang lahat ay pawang paninira lamang—hanggang sa mapatunayan kung sino talaga ang nasa
Chapter 81Claudia's POVMatapos naming pag-aralan ni Van ang lahat ng ebidensyang nakalap namin, lalo lang gumulo ang buong kaso.Ang akala namin ay malapit na naming makuha ang katotohanan.Pero sa bawat sagot na nakikita namin, mas marami pang tanong ang lumilitaw.Nakatitig ako sa monitor habang paulit-ulit naming pinapanood ang CCTV footage."Pause mo diyan," sabi ko kay Van.Agad niyang ipinahinto ang video.Nakatutok ang camera sa grocery aisle.Kitang-kita si Armando.Palihim niyang tiningnan ang paligid bago mabilis na kumuha ng ilang de-latang pagkain mula sa estante.Isa-isa niya itong isinilid sa kanyang backpack.Pagkatapos ay umalis na parang walang nangyari."May kasalanan siya," seryosong sabi ni Van.Tumango ako."Oo... pero pakiramdam ko hindi ito ang buong kuwento.""Bakit?""Iba ang kilos niya."Napakunot-noo si Van."Anong ibig mong sabihin?""Hindi siya mukhang sanay magnakaw."Muli kong pinanood ang video.Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay.Paulit
Chapter 80Claudia’s POVAt doon namin nakita ang hindi agad napansin.Habang abala ang ibang empleyado sa kani-kanilang trabaho at walang nakatingin sa kanya, mabilis niyang kinuha ang ilang de-latang pagkain mula sa estante.Mabilis ngunit maingat ang bawat kilos niya.Palihim niyang isinilid ang mga iyon sa kanyang backpack.Maya-maya ay isinara niya ang bag at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga paninda na para bang walang nangyari.Kung ordinaryong mata lang ang nakakita, iisiping wala lang iyon.Pero malinaw na malinaw sa CCTV ang bawat galaw niya."Teka..." mahina kong sambit.Hindi pa man ako nakakapagsalita ay may binuksan na namang panibagong encrypted video si Van."Ito ang ipinadala kagabi," sabi niya habang pini-play ang video.Sa umpisa ay wala akong maintindihan.Hanggang sa lumabas ang eksena sa stockroom.Isang empleyado ang may iniabot kay Armando.Ilang de-latang pagkain ang laman ng karton."Sundan ninyo ang CCTV footage sa stockroom."Kasama sa anonymous message ang ek
Chapter 79Claudia’s POVIsang tahimik na umaga ang bumungad sa amin ni Van. Katatapos lamang naming mag-almusal nang biglang tumunog ang encrypted phone na eksklusibo lamang naming ginagamit para sa mga sensitibong impormasyon.Pareho kaming napatingin dito.Ibig sabihin...May panibagong mensahe na naman mula sa aming anonymous source.Si Van ang agad na kumuha ng telepono. Gumamit muna siya ng security key bago tuluyang mabuksan ang mensahe."May attachment," sabi niya."Video?"Tumango siya.Tahimik naming pinanood ang ilang minutong video.Sa unang tingin ay wala itong kakaiba.Isang ordinaryong empleyado lamang ang makikita. Nakasuot ito ng uniporme ng DAY to DAY Supermarket habang maayos na naglalagay ng mga paninda sa estante.Mukha siyang masipag.Magalang din sa mga customer.Madalas pang ngumiti."Pasundan mo ang taong ito."Iyon lamang ang nakasulat sa encrypted message.Napakunot-noo ako."Anong ibig sabihin nito?" tanong ko."Wala namang paliwanag," sagot ni Van.Pinanoo
Chapter 78Claudia’s POV"Expired?"Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ang incident report na kakarating lamang sa opisina ko.Mabilis akong napatayo sa kinauupuan."Paano nangyari ito?"Halos hindi ako makapaniwala.Isa sa mga branch ng Day to Day 24-Hour Convenience Store ang inireklamo matapos umanong makabili ng expired na canned product ang isang pamilya. Ilang oras matapos nila itong kainin ay isinugod sila sa ospital dahil sa matinding pagsusuka, pananakit ng tiyan, at food poisoning."Ma'am..." nanginginig na sabi ng branch manager sa video call. "Nasa ospital na po ang buong pamilya."Napapikit ako.Hindi ko muna inisip ang negosyo.Hindi ko muna inisip ang pangalan ng kumpanya.Ang una kong naisip ay ang mga taong naapektuhan."Kamusta na sila?""Nasa stable condition na po ang dalawang bata. Pero naka-confine pa rin silang lahat."Huminga ako nang malalim bago nagsalita."Makinig ka.""Opo, Ma'am.""Unahin ninyo ang pamilya.""Sagutin natin ang lahat ng gastusin sa ospit
Chapter 4Claudia Diaz POVTinanggap ko ang offer. Hindi ko alam kung bakit, pero pinirmahan ko. Baka nga si Van Amores ang maging daan para makabalik ako sa pamilya ko na matagal ko nang inaasam. Ang makaganti sa mga kasumpa-sumpang mga taong humamak sa akin.Pinaayos na ni Van ang lahat. Nakali
Chapter3Claudia Diaz POVDumating si Mr. Amores sa kanyang opisina. Kasunod niya ang 6 na executive. Tumayo ako nang tuwid at taas noong bumati sa kanya.Huminto siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Walang ekspresyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos ay pumasok na. Halo
Chapter 2Claudia Diaz POVSa Maynila ako napadpad. Kailangan kong lumayo sa mga Montefalco. Sa tuwing naalala ko ang pangalan nila, nag-aapoy ako sa galit.Nagbigay ng kondisyon si Senyora Ingrid, “Huwag na huwag na raw akong lalapit pa sa kanila kung ayaw kong makulong.” Kalimutan ko na si Migu
Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng







