Partager

Penalized

Auteur: Ely
last update Date de publication: 2026-07-26 20:06:11

Chapter 78

Claudia’s POV

"Expired?"

Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ang incident report na kakarating lamang sa opisina ko.

Mabilis akong napatayo sa kinauupuan.

"Paano nangyari ito?"

Halos hindi ako makapaniwala.

Isa sa mga branch ng Day to Day 24-Hour Convenience Store ang inireklamo matapos umanong makabili ng expired na canned product ang isang pamilya. Ilang oras matapos nila itong kainin ay isinugod sila sa ospital dahil sa matinding pagsusuka, pananakit ng tiyan, at food poisoning.
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Penalized

    Chapter 78Claudia’s POV"Expired?"Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ang incident report na kakarating lamang sa opisina ko.Mabilis akong napatayo sa kinauupuan."Paano nangyari ito?"Halos hindi ako makapaniwala.Isa sa mga branch ng Day to Day 24-Hour Convenience Store ang inireklamo matapos umanong makabili ng expired na canned product ang isang pamilya. Ilang oras matapos nila itong kainin ay isinugod sila sa ospital dahil sa matinding pagsusuka, pananakit ng tiyan, at food poisoning."Ma'am..." nanginginig na sabi ng branch manager sa video call. "Nasa ospital na po ang buong pamilya."Napapikit ako.Hindi ko muna inisip ang negosyo.Hindi ko muna inisip ang pangalan ng kumpanya.Ang una kong naisip ay ang mga taong naapektuhan."Kamusta na sila?""Nasa stable condition na po ang dalawang bata. Pero naka-confine pa rin silang lahat."Huminga ako nang malalim bago nagsalita."Makinig ka.""Opo, Ma'am.""Unahin ninyo ang pamilya.""Sagutin natin ang lahat ng gastusin sa ospit

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Eyes

    Chapter 77Vanruth's POVHindi ako mapakali.Paulit-ulit kong binabasa ang encrypted message na natanggap ko kagabi.Iisang lokasyon lamang ang nakalagay.Walang pangalan.Walang paliwanag.Walang kahit anong detalye.Kasunod lamang nito ang maikling mensahe."If you want the final evidence... come alone."Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko.Maaaring bitag iyon.Posible ring isa na naman iyong pagtatangka upang tuluyan akong patahimikin.Ngunit kung sakaling totoo ang sinasabi ng anonymous sender...Maaaring iyon na ang huling piraso ng ebidensiyang matagal ko nang hinahanap.Ang ebidensiyang kayang tuluyang magpabagsak sa mga Alvaro.Huminga ako nang malalim."Hindi na puwedeng umatras."Pagod na akong habulin ang mga taong iyon.Pagod na akong makakita ng mga inosenteng nadadamay.Kung may pagkakataon nang matapos ang lahat...Handa akong sumugal.Makalipas ang isang oras ay nakarating ako sa itinakdang lugar.Isang lumang warehouse sa labas ng siyudad.Tahimik.Halos

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Evidence Everywhere

    Chapter 76Vanruth's POVMatagumpay.Iyon lamang ang salitang pumasok sa isip ko nang matanggap ko ang encrypted confirmation mula sa lead operative namin sa Europe."Package delivered. Safe. No tail. Mission complete."Tahimik kong ipinikit ang mga mata habang nakasandal sa upuan sa aking opisina.Sa wakas...Nakarating nang ligtas si Congresswoman Gomez at ang dalawa niyang anak sa ibang bansa.Isa iyon sa pinakamahirap na extraction mission na pinangunahan ko.Tatlong beses silang nagpalit ng sasakyan.Apat na magkakaibang passport ang ginamit.Tatlong bansa ang dinaanan bago makarating sa kanilang tunay na destinasyon.Lahat ng galaw ay planado.Lahat ng kilos ay siniguradong walang kahit isang CCTV ang makakabuo ng buong ruta nila.Hindi maaaring magkamali.Dahil ang pinakamaliit na pagkakamali ay katumbas ng kamatayan.Hindi lamang para sa kongresista...Kundi para rin sa kanyang mga anak.At higit sa lahat...Hindi sila maaaring matunton ng asawa niyang handang gawin ang lahat

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Running Away

    Chapter 75Vanruth's POVMatagal na akong nakatitig sa malaking digital map na nakabukas sa monitor sa loob ng aking opisina. Iba't ibang ruta ang nakamarka rito—mga airport, private ports, at ilang safe houses sa iba't ibang bansa. Bawat linya at simbolo ay may katumbas na buhay na kailangang mailigtas.Ilang oras na rin akong walang tigil sa pakikipag-usap sa mga pinagkakatiwalaan kong kaalyado sa America.Hindi ito ordinaryong operasyon.Kapag nagkamali kami ng kahit isang hakbang, maraming inosenteng tao ang maaaring mamatay."Everything is ready," sabi ng isa sa mga dating kasamahan ko sa encrypted video call."We'll receive Congresswoman Gomez and her children as soon as they land."Tumango ako."Double the security. Walang dapat makaalam ng lokasyon nila.""Understood."Isa-isang nagsara ang mga monitor matapos kong tapusin ang meeting.Napabuntong-hininga ako.Hindi lamang ang mga anak ni Congresswoman Gomez ang poprotektahan ko.Kasama siya.Alam kong oras na lamang ang binib

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Joint Force

    Chapter 74Vanruth's POVPagkalabas pa lamang namin sa tahanan ng mga Alvaro ay hindi na mawala ang kutob ko.May mali.Hindi iyon basta hinala lamang.Bilang isang hukom, nasanay na akong magbasa ng kilos ng tao. Maraming taon kong pinag-aralan ang bawat tingin, bawat galaw, bawat katahimikan na kadalasan ay mas nagsasalita pa kaysa sa mga salita.At ngayong gabi...Ramdam kong may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko.Tahimik kong minasdan ang side mirror ng sasakyan.Parehong itim na SUV ang ilang beses kong napansing sumusunod sa amin.Hindi sila lumalapit.Hindi rin sila lumalayo.Eksakto lang ang distansyang parang ayaw nilang mahalata.Pero huli na.Napansin ko na sila.Pagdating sa bahay, agad kong tinawag ang lahat ng security personnel."Increase security."Nagkatinginan silang lahat."Magdoble kayo ng bantay. Walang papasok at walang lalabas nang hindi ninyo kinukumpirma ang pagkakakilanlan.""Yes, Judge.""Huwag ninyong aalisin ang mga mata ninyo sa paligid.""May sumusu

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Chin Up

    Chapter 73Claudia’s POVHindi nakaligtas si Lindsay sa mapanghusgang mga mata ng mga tao.Kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang lumabas ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kanila ni Matthew, hindi pa rin tumitigil ang mga usap-usapan. Lalo na sa social media at maging sa legal community kung saan kilala si Lindsay bilang isa sa mga pinakabatang mahuhusay na abogado."Matalino nga... pero bobo naman sa pag-ibig.""Top lawyer pero hindi marunong pumili ng lalaking mamahalin.""Nadala ng emosyon.""Bumagsak ang career dahil sa puso."Iyan ang mga komentong paulit-ulit naming nababasa.Sa umpisa, natatakot akong baka tuluyan nang masira ang loob ni Lindsay.Pero mali ako.Mas lalo siyang tumatag.Parang bakal na ilang beses isinabak sa apoy.Hindi na siya umiiyak sa bawat masasakit na salita.Hindi na siya nagpapaliwanag sa kahit kanino.Ang tanging pinagtutuunan niya ng pansin ay ang anak niya.At iyon ang higit kong hinangaan sa kanya.Isang gabi, kinausap siya ng kuya niyang s

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Revelation

    Chapter 5Claudia Diaz POVNagpakilala itong si Elaine sa mga staff. Ibine-landra niya ang katawan niya sa Amores Building. Siya daw ang fiancé ni Van at malapit na silang magpakasal. Ang yabang niya. Napakahaliparot naman.Hindi pa rin ako nagpakilalang ako ang asawa ni Van Amores. Ang akala n

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Acceptance

    Chapter 4Claudia Diaz POVTinanggap ko ang offer. Hindi ko alam kung bakit, pero pinirmahan ko. Baka nga si Van Amores ang maging daan para makabalik ako sa pamilya ko na matagal ko nang inaasam. Ang makaganti sa mga kasumpa-sumpang mga taong humamak sa akin.Pinaayos na ni Van ang lahat. Nakali

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   The Offer

    Chapter3Claudia Diaz POVDumating si Mr. Amores sa kanyang opisina. Kasunod niya ang 6 na executive. Tumayo ako nang tuwid at taas noong bumati sa kanya.Huminto siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Walang ekspresyon ang mukha niya habang ginagawa iyon. Pagkatapos ay pumasok na. Halo

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Accused

    Chapter 1Claudia Diaz POVHinahabol ko ang hininga ko. Pagod na pagod na ako. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng dalawang malalaking plastic bag na bitbit ko.Tirik na tirik ang araw dito sa Divisoria, pero mas matindi ang init na nagmumula sa semento at sa dikit-dikit na katawan ng

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status