Share

Reputation

Author: Ely
last update publish date: 2026-04-28 04:32:21

Chapter 16

Claudia’s POV

Hiniling ni Van sa akin na pansamantala muna akong huwag pumasok sa opisina. Gusto niya kasing maging maayos muna ang mga kasong kinasangkutan ko. Mula sa akusasyon ni Elaine at ang ginawang pambubugbog sa akin sa kulungan. Nagsumite ng mga ebidensiya si Van tungkol sa di-umanong pananakit ko. Isinawalat ng CCTV na ang unang umatake ay si Elaine at hindi ako. Ang pagtulak ko sa kanya ay hindi isang pag-atake, bagkus ay pagtatanggol lamang sa sarili.

Marami ring m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Keeping Myself Busy

    Chapter 55Claudia’s POV“Hon, Claudia, kung samahan mo kaya ako sa opisina?”Napalingon ako kay Van na noon ay nakayakap sa akin mula sa likuran habang nag-aalmusal kami sa kusina.“Ay, bakit?” tanong ko habang nakangiti.“Don't you miss working with me?”Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.Napatawa ako.Minsan talaga, para siyang batang naghahanap ng kakampi.“Sige.”Masyado yatang mabilis ang sagot ko dahil agad siyang napangiti.“Talaga?”“Talaga.”“Teka,” sabi ko habang lumilingon sa kanya. “Bakit nga ba, honey?”Napabuntong-hininga siya bago sumeryoso.“The truth is, magre-retire na si Linda.”Agad kong naunawaan ang ibig niyang sabihin.“Ah.”Tumango ako.“It's about time. Ang tagal na rin ng serbisyo niya sa kumpanya.”Mahigit dalawampung taon nang sekretarya ni Van si Linda. Halos lahat ng mahahalagang yugto ng kompanya ay nasaksihan nito.Siya ang isa sa mga haligi ng organisasyon.“Sino ang ipapalit mo?” tanong ko.“Maraming candidate.”Saglit siyang tumingin sa akin

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Lost

    Chapter 54Claudia’s POVPagkatapos ng funeral at cremation ni Tatay, nagdesisyon na lamang kami ni Van na dalhin ang kanyang abo sa Maynila. Doon namin ito ilalagay sa ipinagawa naming mausoleo, katabi ng kanyang ama. Pakiramdam ko iyon na ang pinakatamang lugar—isang tahanang walang hanggan para sa dalawang lalaking naging haligi ng aming mga pamilya.Tahimik ang buong biyahe namin.Walang gustong magsalita.Parang bawat salita ay may kasamang panibagong sakit na ayaw naming galawin.Nang makarating kami sa mausoleo, magkatabi naming inilapag ang dalawang urn sa harapan namin. Ilang sandali kaming nakatayo roon, walang imik.Napakabigat ng damdamin namin ni Van habang pinagmamasdan ang mga iyon.Dalawang urn.Dalawang ama.Dalawang taong minsang naging pinakamalakas na sandalan sa aming buhay.Naalala ko ang lahat ng sakripisyo ni Tatay para sa amin. Ang kanyang mga payo, ang kanyang mga sermon kapag may nagagawa akong mali, ang kanyang walang sawang pagsuporta sa bawat pangarap ko.

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   My Father

    Chapter 53Claudia’s POVLinggo noon at isa sa mga bihirang araw na kumpleto kaming pamilya sa bahay. Punong-puno ng tawanan ang sala habang nagkukuwentuhan kami. Sila Lindsay at Gab ay naglalaro ng Fickle Ball, habang kami naman ay nagkakape at nagkukuwentuhan tungkol sa mga simpleng bagay sa buhay.Matagal ko nang pinapangarap ang mga ganitong sandali.Yung walang iniisip na negosyo.Walang iniisip na problema.Walang kailangang habulin na meeting.Pamilya lang.Tahimik.Masaya.Ngunit minsan, sapat lamang ang isang tawag upang baguhin ang lahat.Tumunog ang cellphone ko.Nakita ko ang pangalan ng Tiyo ko sa screen.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.Agad ko iyong sinagot.“Hello, Tiyo?”Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita.“Claudia...”Parang may mabigat sa kanyang boses.“Ang tatay mo... isinugod namin sa ospital.”Parang huminto ang mundo ko.Nanlamig ang buong katawan ko.“Ano po?”“Inatake na naman siya.”Napahawak ako sa dibdib ko.Pangatlong beses

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Challenges

    Claudia’s POVGaya ni Van, bumalik na rin ako sa pagtatrabaho. Araw-araw ay umiikot ako sa iba’t ibang branches ng aming negosyo na patuloy pang lumalawak sa iba’t ibang lugar. Sa totoo lang, hindi ko na rin mabilang kung ilang bagong branch ang naidagdag namin nitong mga nakaraang taon.Bukod pa roon, naglunsad din ako ng sarili kong brand ng 24-hour convenience stores, inspirasyon mula sa mga sikat na tindahan sa Amerika. Noon pa man ay pangarap ko nang magkaroon ng negosyong bukas anumang oras para makatulong sa mga taong nangangailangan ng mabilis at maaasahang serbisyo.Hindi naging madali ang lahat.Maraming gabi ang halos hindi ako natutulog. Maraming meeting, maraming biyahe, at hindi mabilang na problema ang kinailangan kong harapin.Pero kakaiba ang pakiramdam kapag nakikita mong unti-unting natutupad ang mga pangarap mo.Pagod ako.Pero masaya.At higit sa lahat, kuntento.Isa sa pinakamagandang desisyon na ginawa ko ay ang pagtatalaga kay Rommel bilang isa sa mga pangunahi

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   We're Back

    We’re backChapter 51Claudia’s POVAraw-araw ay lalo pang naging abala si Van sa pagpapatakbo ng kumpanya.Mula nang opisyal niyang hawakan ang mas malaking responsibilidad sa negosyo, halos wala na itong pahinga. Maaga siyang pumapasok at kadalasan ay gabi na nakakauwi. Kasama niya si Lindsay sa pamamahala ng buong kumpanya. Habang si Lindsay ang nakatutok sa operations at human resources, si Van naman ang humahawak sa strategic planning, investments, at expansion projects.Sa dami ng dokumentong kanyang sinusuri araw-araw, lalo niyang nakikita kung gaano kalaki ang potensyal ng kumpanya.Marami pang lupain ang maaaring i-develop.Marami pang negosyo ang maaaring pasukin.At higit sa lahat, marami pang empleyadong umaasa sa kanilang pamunuan.Kaya kahit minsan ay nakakapagod, hindi siya nagrereklamo.Para kay Van, hindi lamang negosyo ang kanyang pinangangalagaan.Pamilya rin.At isang pamana para sa susunod na henerasyon.Isa sa mga taong gusto niyang ihanda para rito ay si Gabriel

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   My Boy

    Chapter 50Claudia’s POVSa engrandeng welcome party na ginanap sa Leon Amores Conference Hall, halos wala nang bakanteng upuan. Kumikinang ang mga crystal chandeliers sa kisame habang ang malalaking LED screens ay nagpapakita ng kasaysayan at mga tagumpay ng Amores Group.Naroon ang lahat—mga executives, shareholders, managers, empleyado, media personalities, at ilang kilalang personalidad sa industriya. Masayang nag-uusap ang mga tao habang hinihintay ang pangunahing bahagi ng programa.Ngunit may isang bagay na kapansin-pansin.Wala pa rin si Gabriel.Nagkatinginan na lamang kami ni Van habang nakaupo sa VIP table.“Nasaan ang anak mo?” mahinang tanong niya habang kunwari'y nakangiti sa mga bisitang bumabati sa amin.Napailing ako.“At kahit ako hindi ko rin alam.”Napabuntong-hininga si Van.“Saan kaya nagsusuot ang batang iyon?”Natawa ako.“Baka may nadiskubre na namang bagong planeta sa daan.”“Hindi ako magtataka.”“Explorer mo rin naman iyan.”“Explorer na sakit sa ulo,” nata

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Rescue Me

    Chapter 40Claudia’s POVNagising na lamang ako sa isang silid na matapang ang amoy ng alcohol at antiseptic.Parang napakabigat ng buong katawan ko. Ang bawat bahagi nito ay tila dinadaganan ng toneladang bato. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.Puti.Halos puting-puti ang lahat ng nasa pali

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Fearless

    Chapter 39Vanruth’s POV“Mr. President… the First Lady has been abducted.”Parang huminto ang mundo ko sa apat na salitang iyon.Nanigas ako habang nakatitig sa mukha ng hepe ng Presidential Security Group na nanginginig pa habang nag-uulat sa akin. Sa loob ng ilang segundo, wala akong marinig kun

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   En Route

    Chapter 36Claudia's POVHabang naghahapunan kaming mag-asawa sa isang eksklusibong restaurant sa gitna ng siyudad, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Van.Suot niya ang simpleng itim na polo, ngunit kahit ganoon ay hindi maitago ang natural niyang karisma. Para bang kahit saan si

  • Judge Me Now. My Billionaire Husband   Plotting

    Chapter 34Vanruth’s POVMasaya kaming nag-almusal noon ni Claudia sa bahay. Nang tumawag si Don Alejandro Álvaro.“Yes, Don Alejandro," sagot ko.“Pupunta ako sa Amores, lets meet there.”sabi ni Don AlejandroHindi ako makatanggi. Napakalaki ng utang na loob ko kay Don Alejandro. Marami siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status