Share

Chapter 2

"NO! Hindi ako aalis dito! Dito lang ako. Babawi pa ako! Makakabawi pa ako!"

Agad na kumunot ang noo ni Ashton nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Mabilis niya ring nakita kung saan nanggagaling ang ingay na iyon dahil nasa ikalawang palapag siya kung saan tanaw na tanaw niya ang buong nangyayari sa unang palapag ng kanyang casino hotel.

Isang lalaki na sa tingin niya ay nasa mid-fifties na ang nagwawala hindi kalayuan. Sumenyas siya upang tawagin ang isa sa mga bodyguard niyang nasa likuran niya lamang.

"Yes sir Ashton-"

"Where are the security? Bakit niyo hinahayaang may magwala at manggulo sa lugar ko? Tinaon niyo pa talaga kung kailan nandito ako ah," Ashton hissed while shooking his head.

He built this casino hotel to be his entertainment. He wasn't a fan of gambling but his father was used to bring him in different casino. Sa tuwa at libang na nakukuha ng batang Ashton noon ay napagdesisyunan niyang sa pagtuntong niya sa tamang edad ay magpapatayo rin siya ng isang maganda, magarbo at malaking casino hotel. At ito na nga iyon!

"I'm sorry sir, let me handle this-"

"Wait. Let the old man cry because of his loss. Hindi niya naman pala kayang mawala ang pera niya tapos magsusugal. Such a dumbass," pagkausap ng binata sa kanyang sarili.

Patuloy lamang siya sa pag-iling at kapagkuwan ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Balak niyang puntahan ang matanda at kausapin.

Agad na nagbigay galang sa kanya ang mga tauhan niya nang makitang papalapit siya sa naturang lamesa. Sinenyasan niyang pakawalan ang hanggang ngayon ay nagwawalang matanda na agad rin namang sinunod ng kanyang mga tauhan.

"Sir Ashton-"

"Who are you? Who gave you the rights to make a fuss and scream like an idiot here in my casino?" striktong tanong ni Ashton sa matanda.

"I-I am Danilo, D-Danino Vergara..." utal-utal na sagot ng matanda. Naningkit ang mga mata niya nang tila may naalala.

"Are you related to the owner of the Vergara's airlines?" muling tanong niya rito. Umarko ang labi niya nang makitang dahan-dahan na tumango ang matandang lalaki.

Mukhang magkakaroon siya ng airlines nang wala sa oras ah. Exciting!

"Do you still have a chip to be able to continue playing?" isang beses na muling tanong ng binata.

Lihim siyang napatawa nang mabilis itong umiling at maluha-luhang lumapit sa kanya. Poor old man. Walang-wala na yata talagang pera ang isang 'to. Kawawa naman.

"I can lend you some-"

"Oh please! Thank you. You're such an angel. Hulog ka ng langit-"

"Harsh, old man. Hindi mo alam ang sinasabi mo," simpleng usal ni Ashton at napapailing na lamang ng ulo.

Mabilis niyang tinawag ang sekretarya niya at inutusan ito. "... assist Mr. Vergara, ibigay mo ang lahat ng kailangan niya. Money, chip and even the VIP treatment. Do him best."

Tumango ang kanyang secretary bago lumapit sa matanda. Isang simpleng tango na lamang ang sinagot niya rito nang walang tigil ito sa pagpapasalamat sa kanya.

Ashton is not kind. Ang lahat ng ginagawa at pinapakita niyang kabutihan ay may kapalit. Hindi niya tuloy alam kung maswerte ba ang matandang lalaki na naabutan siya o minalas dahil sa oras na hindi nito mabalik ang utang na pinahiram niya ay isang mabigat na kapalit ang hihingiin niya rito.

He doesn't kill people. But he never let anyone breathe again after they did some wrong to him.

"DAD, where have you been?! Alam mo bang hindi na tinatanggap ang black card mo-"

"Why do you have my black card? Paanong napunta sa iyo 'yon?"

Natutop ng dalaga ang kanyang bibig nang mapagtanto ang tanong ng kanyang ama. Shit! Oo nga pala. Hindi nga pala nito alam na naipuslit niya ang mahiwagang black card nito.

Halos tatlong araw muna rin ang nagdaan bago niya nakontak ang ama at ngayon nga ay kasabay na niya ito kumain ng agahan. Pakiramdam niya ay naikot na niya ang lahat ng casino hotel sa buong kaMaynilaan kakahanap sa magaling niyang ama. Maging ang location tracker naman kasi na pinagbabasehan ni Hans ay mali.

"A-ah ehh... Ah ha! I asked you first so you better answer my question first, daddy!" panlilito ni Taphney sa kanyang ama.

Agad na sumimangot ang dalaga nang makitang pag-iling lamang ang sinagot ng ama nito. May iba siyang nararamdaman. Her father is not okay. Her father is not feeling well! Ano na naman kaya ang nangyari rito?

"Dad, are you okay? You seems worried and space out-"

"I'm good, honey. Marami lang talaga akong iniisip lately," agap na saad ng ama ni Taphney.

But she knows her father. Alam niya kapag may mali sa kinikilos nito. At ni minsan ay hindi pa nagkamali ang kutob niya.

"Dad you're not okay! Ano ka ba naman daddy, tayo na nga lang dalawa ang magkasama ay paglilihiman mo pa ako. I'm your daughter! Ako lang naman ang unica hija mo. You can tell me everything. Okay lang ba ang airlines? How about your health? Okay lang po ba kayo?" hindi na napansin ng dalaga na naging sunod-sunod na pala ang mga binibitawan niyang katanungan.

Rinig na rinig ang pag-aalala sa boses ni Taphney. Wala na siyang ina. At ayaw na ulit niyang mawalan ng isa pang magulang. Hindi na niya siguro iyon kakayanin kung sakaling maulit ang ganoong trahedya sa buhay niya.

"Everything's fine, honey. Huwag kanang masyadong mag-alala-"

"You don't look fine to me at all daddy! Tingnan niyo nga po ang itsura niyo oh. Para kayong tumanda ng limang taon. You even have a big and dark circles under your eyes," patuloy na paghihimutok ni Taphney.

Her father was about to say something again when Nanay Esting suddenly came with an envelope beside her. Agad nitong iniabot iyon sa kanyang ama. Mabilis na naningkit ang mga mata ng dalaga.

Ano naman kaya iyon?

"Dad what is that?" puno ng kuryosidad na tanong ni Taphney.

Danilo just shook his head and shrugged his shoulders. Mabilis niya ring itinaob ang envelope na iniabot ng kanilang mayordoma.

Akmang magpoprotesta ang dalaga nang makitang hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay tumayo na mula sa kinauupuan ang kanyang ama. Kumunot ang noo ng dalaga.

"Hey dad, you're not done eating. Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong niya sa kanyang ama.

Her father just smiled at her before give her a quick peck of kiss in her forehead.

"I have to go in my office first, honey. May aasikasuhin lang. After you done eating, pumunta ka muna sa mga pinsan mo. Ipapasundo nalang kita sa driver mo-"

"What?! Ayoko. I'll stay here. Dito lang ako dad. Ayaw mo ba akong makasama?" Puno ng tampong tanong niya rito. Agad namang umiling ang ama niya.

"Of course not, Taphney. Basta sundin mo nalang ako-"

"Is everything okay, dad?" Muli na naman siyang nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya alam kung takot ba iyon o kaba. Basta ang alam niya lang ay may mali. Na masama ang pakiramdam niya.

"Everything is good, honey. Stop thinking too much. Your daddy is okay. I am okay, alright? Bilisan mo na dyan at pumunta kana muna sa mga pinsan mo."

Hindi na nga nakaangal ang dalaga nang tuluyang nang nawala sa kanyang paningin ang ama. Nawalan na tuloy siya ng gana kumain.

Susundin na lamang niya ang kagustuhan ng daddy niya. Kahit nalilito siya at kahit nakakaramdam siya ng takot sa katawan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status