Share

Just A Contract
Just A Contract
Author: Ydewons

Chapter 1

"YOUR total amount ma'am is five hundred and sixty five thousand, do you want to use your credit or debit card-"

Hindi pa man tapos magsalita ang cashier ay mabilis nang nilabas ni Taphney ang black card niya. Pakiramdam niya ay safe at untouchable siya kapag nasa kanya ang black card ng daddy niya. She can do anything she want. Eat anything she desires and go wherever she want using this magic black card.

Agad niyang tinaasan ng kilay ang ilan sa mga bodyguard niya upang ipakuha sa mga ito ang mga pinamili niya. Ngunit agad na kumunot ang noo niya nang marinig ang isang nakakaasar na tunog na nanggagaling sa machine ng cashier.

What the hell?! The machine is declining her card! Her father's card!

"I'm sorry ma'am but do you have another card? It seems that our system having an error in reading your card. Baka po may iba pa po kayo dyan-"

"No. I only have that card. Please, try it again," utos niya sa babae na agad lang rin namang sumunod.

Ngunit sa bawat pag-ulit nitong pagswipe sa naturang card ay mas lalo lang siyang naiirita. Ganoon pa rin ang nagiging resulta! Hindi mabasa ang card ng daddy niya.

"Ma'am I'm sorry but still our system declining your card. If you want, you can pay us in cash po-"

"Sige, magwiwithdraw muna ako."

Iyon nalang ang nasabi ng dalaga dahil pinagtitinginan na siya ng mga kasabayan niya sa pamimili. She feel humiliated!

Napahiya siya! Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya nang sobra. At sa harap pa mismo ng mga hindi naman niya kilala!

Ngunit agad lang siyang dumiretso sa parking lot habang nagpapapadyak ng paa. Masama ang loob niya. Anong nangyari at biglang hindi na gumagana ang black card ng daddy niya? Nalaman na ba nitong pinuslit niya lamang iyon habang mahimbing na natutulog ang ama niya? What the hell?!

"Ma'am saan po tayo?" tanong ng driver niyang si Kuya Atong.

Taphney immediately rolled her eyes. Hindi ba mabasa ng matandang ito na naiinis siya? Na kulang nalang ay bumuga siya ng apoy para lang malaman nitong mainit ang ulo niya?

"Saan pa ba? Eh di malamang sa bahay! Iuwi mo na ako. I'm fucking sick seeing this dirty mall. Anong silbe ng mall nila kung hindi lang rin naman pala nila kayang basahin ang black card ni daddy. Ridiculous mall! Eww."

Mahabang litanya ng dalaga. Agad nalang siyang pumikit nang maramdaman na nagsimula nang gumalaw ang sasakyan niya. Her day was fucking ruined! At dahil iyon sa lintik na mall na iyon! Hindi niya tuloy nabili ang gustong-gustong dress niya. Pakiramdam niya pa nga ay na-love at first sight sya doon pero sayang. Hindi niya nabili.

Hay nako! Ayaw na nga lang niyang isipin. Lalo lang siyang naiimbyerna.

Ilang minuto lamang ang tinagal ng biyahe niya at tuluyan na nga nilang narating ang malaking mansyon ng pamilya Vergara. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at nagsisisigaw kung nasaan ang daddy niya.

"Dad! Dad nasaan ka? I have to ask you something. Dad-"

"Ay ma'am Taphney, wala po si sir Danilo dito. Hindi pa rin po siya bumabalik magtatatlong araw na," ang mayordoma nilang si nanay Esting ang sumagot.

Agad na kumunot ang noo niya.

Hindi pa umuuwi ang daddy niya at halos tatlong araw na? Nasaan naman kaya iyon? Isang linggo kasi siyang wala dito sa kanila. Nag island hopping siya kasama ang ilan sa mga pinsan niya. Sa isang linggo na iyon ay ni minsan ay hindi nagawang tumawag ng daddy niya sa kanya para lamang kamustahin siya tapos ngayon naman ay aabutan niyang wala ito sa kanilang mansyon?

Napakagaling naman talaga ng ama niya!

"Sige pupunta nalang akong office. Baka busy lang talaga si dad ngayon," aniya at muli nang naglakad palabas ng sala nila.

Ngunit bago pa man siya makalabas ng sala ay nakuha ang pansin niya ng lumang litrato nila na nakalagay sa malaki nilang pader. It's a family picture. Noong nabubuhay pa ang mommy niya.

Bata pa siya roon. Maybe five or six. Hindi na rin siya sigurado. Napangiti siya nang makita ang magandang mukha ng kanyang ina. Hawig na hawig niya ito. How she wish na sana ay nandito pa rin ang kanyang ina para hindi lang siya ang nasstress sa kanyang ama.

"Kuya Atong..." tawag niya sa kanyang driver. Agad naman itong tumalima at lumapit sa kanya.

"Yes ma'am Taphney"

"Let's go to the office. Pupuntahan ko si daddy," aniya at nagpatiuna nang maglakad patungo sa backseat ng sasakyan. Binuksan naman agad ni kuya Atong ang pinto ng sasakyan bago tumakbo patungo sa driver's seat.

Habang nasa biyahe ay walang sawang tinatawagan ni Taphney ang numero ng kanyang daddy. Ngunit katulad kanina ay puro lamang iyon ring. Ganoon ba talaga kaabala ang daddy niya at hindi na napapansin na tumatawag ang unica hija niya?

Nang makarating sa naturang building ay agad na siyang sumakay sa elevator. Nakasabay pa nga niya ang ilang empleyado ng kompanya nila na agad naman siyang binati.

"Hey Hans, where's my dad?" tanong niya nang mamataan ang sekretarya ng daddy niya. Nagsuot muna ito ng salamin bago tumingin sa kanya. Nanlalalaki ang mga mata nitong napayuko.

"A-ah ma'am Taphney, k-kayo po pala-"

"Obviously, so nasaan nga si dad?" tila nayayamot niyang tanong rito. Ayaw nalang kasing sagutin ang tanong niya.

"A-ah ma'am kasi po..."

"Kasi po ano? Ano ba Hans! Nasaan ang magaling kong ama?!" Tapheny exclaimed. Naiinis na kasi siya. Kanina pa siya nayayamot tapos dadagdag pa 'tong secretary ng daddy niya.

"Ma'am Taphney..."

"Answer my freaking question or you will be fired right away? Mamili ka Handy," pananakot niya rito. Agad naman itong tumango.

"Halos isang linggo na pong hindi pumupunta dito sa office si sir Danilo. Hindi ko rin po siya makontak. Pero ang huling lugar na nakita ko po sa gps niya ay sa..."

"Huwag mo kong binibitin sa mga sinasabi mo Handy kung hindi ay sasamain ka talaga sa akin. Nasaan ang daddy ko? Is there another woman? A family? Or may iba pa ba siyang anak?" sunod-sunod niyang tanong na mabilis lang namang inilingan ni Handy.

Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Goods, hindi naman pala ganoon kasama.

"... so nasaan nga ang daddy ko? Tell me bago pa kita mapalayas sa building na 'to," dagdag na wika ng dalaga.

"Sa isa pong casino hotel. Tingin ko po ay nandoon pa rin siya hanggang ngayon-"

"What?! Bumalik na naman siya sa pagiging sugarol. That old man! Talagang tatamaan na sa akin 'yang si dad!"

Ano na naman kaya ang ginawa ng daddy niya? May kinalaman kaya doon kung bakit na-declined ang black card nito? Akala niya ay natigil na at tuluyang nawala sa katawan ng daddy niya ang pagsusugal. Ilang taon lang pala at ganito na naman!

Ano na bang gagawin niya sa tigas ng ulo ng ama niya. Ang hirap magpalaki ng magulang!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luna
maganda po ang story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status