Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho nang pumunta si Valerie sa opisina ng abogado ni Lester. Kumakabog ang puso niya nang makarating na siya sa loob ng building at kasalukuyang hinahanap ang opisina ni Attorney Leandro Alcantara. Hindi niya maiwasang nerbyusin dahil ngayon ang araw na itatali niya ang kanyang sarili sa isang kasunduan kay Lester Montefalcon, ang lalaking hindi niya masyadong kilala at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang magkrus ang kanilang landas. Oo nga't alam niya ang buong pangalan nito pati na rin ang estado nito sa buhay ngunit ,maliban dito'y wala na siyang nalalaman pa.
Matapos nilang mag-usap kahapon ng lalaki ay sinabi nito sa kanya na ngayon siya pipirma ng kontrata. At ngayong nandito na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magiging matatag alang-alang sa kanyang amang maysakit. Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kanyang ina na lumalala na ang sakit ng kanyang ama kaya kinakailangan na nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Kaya nagdesisyon na lamang siya na tanggapin na ang inalok sa kanyang kontrata. Nasa isip niya, madali lang naman ang anim na buwan at pagkatapos noon magiging malaya na siya. Kailangan lang niyang magtiis muna para sa kanyang pamilya. Ito naman ang pangunahing dahilan niya kung bakit nais niyang tanggapin ang kasunduan, at pumapangalawa na lang ang hangarin niyang makaganti kay Ivan.
Nang matiyak niyang ito na nga ang opisina ng abogado ni Lester, kumatok na siya kaagad."Yes, come in", boses ng isang lalaki. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at t'saka pumasok.
ATTY. LEANDRO ALCANTARA.
Ito ang nababasa niya sa namedesk na nasa ibabaw ng mesa ng lalaki kaya natitiyak niyang ito nga ang abogado ni Lester. Ngunit hindi pa ito nag-angat ng tingin dahil abala ito sa pagpindot ng keyboard sa kanyang laptop. Nagbigay-galang siya at pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pangalan, saglit na nag-angat ng tingin ang abogado at ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos pinapaupo siya nito sa sopa habang hinihintay pa si Lester. Patuloy na itinuon ng abogado ang kanyang mga mata sa kanyang laptop kaya natitigan niya ng maayos ang mukha ng lalaki. Gwapo itong tingnan sa suot nitong business suit at sa tantiya niya'y kaedad lang ito ni Lester.
Pagkaraan ng tatlumpung minuto, dumating na rin ang kanilang hinihintay. Pagkapasok pa lang ng lalaki ay muli na namang kumakabog ang dibdib niya. Tinanong niya sa kanyang sarili kung tama ba ang desisyon na gagawin niya.
"O bro, ba't ngayon ka lang. Kanina pa naghihintay si Miss Sandoval sa iyo", nakangiting wika ng abogado.
"Nagkaroon lang ng konting aberya bro, pero okay na naman".
"Nandito na tayo Miss, wala ng urungan. Ipapaliwanag ni Leandro sa iyo ng mabuti ang mga nakasaad sa kontrata. By the way, this is Atty. Leandro Alcantara, ang bestfriend ko at abogado ng aming pamilya", wika ni Lester habang mataman itong nakatingin sa kanya.
Ngumiti lang si Leandro sa kanya at pagkatapos kinuha nito ang papel. Buong linaw na ipinaliwanag nito ang mga nakasaad sa kontrata at ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin. Nakikinig lang siya at tumango-tango paminsan-minsan. Pagkatapos basahin ni Atty. Leandro ang kontrata, tinanong siya nito kung ano ang hindi niya nauunawaan.
"Uhm, Attorney, bakit ho kailangan ko pang doblehin ang bayad sakaling umurong ako sa kasunduan? Hindi ho ba napaka unfair naman iyon? Hindi ba pwedeng isoli lang ang katumbas na halagang naibayad na?",nagtatakang tanong niya.
Bahagyang ngumiti ang abogado at bumaling ng tingin sa kaibigan nito.
"Eh, iyon nga ang mga kondisyones na ibinigay Miss, kaya wala ka ng kawala pa once makapirma ka na ng kontrata. At t'saka anim na buwan lang naman, pagkatapos nu'n wala ng maghahabol pa sa iyo", mariing tugon ni Lester.
"Miss Sandoval, hindi ka namin pinipilit dito, kung sa tingin mo wala kang balak na tapusin ang kontrata, mas mabuti pang hindi mo na pipirmahan", mahinahong sabi ng abogado.
Bumuntong-hininga si Lester, at alam niyang tinotopak na naman ito dahil halata ang pangangasim ng mukha. Masyadong pikon ang lalaking ito, sa isip niya. Napakaikli ng pasensya. Siguro nga dahil mayaman, nakukuha lahat ng gusto at hindi sanay tinatanggihan.
"Just tell us frankly Miss Valerie, take it or leave it?", inis na tanong nito.
"Hoy Mister, h'wag mo akong madaliin. Ikaw kaya ang nangangailangan ng serbisyo ko kaya pwede ba, h'wag mo akong daanin dyan sa topak mo!", inis na ring tugon niya.
"Hindi ako tinopak Miss. Ikaw itong pakipot. Di ba't kailangan mo naman ang pera ko kapalit ng serbisyo mo?"
"Tama na iyan bro, Miss Sandoval. Nandito tayo para magkasundo hindi para mag-away kayo", nakangiting wika ng abogado.
"Hindi pa nga kayo nagkapirmahan, nagtatalo na kayo. Paano niyo mapapaniwala ang lahat na totoong magkasintahan kayong dalawa kung para kayong aso't pusa na ayaw magkasundo?"
Pinandilatan niya ng mata ang lalaking topakin habang nakatingin lang si Leandro sa kanilang dalawa. Hindi nga talaga niya kung bakit hindi sila magkasundo ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob nito sa kanya at palaging mainitin ang ulo. Hindi nakakapagsalita ng maayos dahil palaging nangingibabaw ang topak.
"Miss Sandoval, handa ka na bang pumirma?", tanong ng abogado.
Saglit na nag-isip siya. Paano kung hindi na lang siya tutuloy? Ngunit paano naman ang kanyang itay na maysakit? Alam ng Diyos kung gaano niya kamahal ang kanyang ama kaya ano ba naman ang magsakrispisyo siya sa loob ng anim na buwan para maipagamot niya ito?
Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan.
"Pumapayag na ho ako Attorney. Nakahanda na akong pumirma", aniya. Medyo naging emosyonal siya dahil alam niya ilang sandali na lang ay hindi na siya magiging malaya pa. Kailangan na niyang magiging sunud-sunuran kay Lester Montefalcon.
"Uhm, pwede ho bang mag request kahit isa lang ho Attorney", alanganin wika niya.
"Yes ano iyon, kung mapagkasunduan ninyo ni Lester, why not?", tugon ng abogado.
"Pwede bang patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho sa bangko? Napamahal na kasi sa akin ang trabaho ko at ayaw ko ring iwan ang kaibigan ko sa apartment".
"Bro, okay ba yan sa iyo?", binalingan ng abogado ang kaibigan nito.
"Okay naman sa akin yan. Pwede ka pa ring magtrabaho sa bangko pero kapag maikasal na tayo kunyari, hindi ka na pwedeng sumama pa sa kaibigan mo sa apartment. Maari mo naman siyang dalawin but of course doon ka na titira sa bahay ko", mariing tugon nito.
Tumingin ang abogado sa kanya na parang tinatanong nito kung sumasang-ayon ba siya sa sinabi ni Lester. Tumango lang siya at pagkatapos inihanda na ni Leandro ang pipirmahan niya. Ngunit hiningi muna nito ang kanyang bank account para doon maihulog ang limang milyon na paunang bayad sa kasunduan.
Matapos magpirmahan silang dalawa, ay kinamayan sila ng abogado ngunit tinapunan sila nito ng isang makahulugang ngiti.
"Ano, trabaho lang ha walang personalan!", wika nito. Pagkatapos ay tinapik nito sa balikat si Lester.
"Bro, goodluck!".
"Salamat bro", tugon ni Lester at t'saka ito tumayo.
Tumayo na rin siya at naunang lumabas ng opisina pagkatapos makapagpaalam kay Leandro. Maya't maya'y sumunod na rin sa kanya ang lalaki at sinabihan siya nitong doon na sumakay sa kotse.
"Magta-taxi nalang ako Mister", seryosong wika niya.
"Hoy Miss, katatapos lang nating magpirmahan, baka nakalimutan mo dapat mong susundin kung ano man ang sasabihin ko basta't hindi nakakasama sa iyo. Ang bilis mo namang magka amnesya!"
"Hoy Mister, h'wag mo akong masigaw-sigawan at baka nakalimutan mo ring nakasaad doon na dapat magiging mahinahon ka sa pagsasalita!", sarkastikong tugon niya.
"Basta't sumakay ka sa kotse ko. Period!", padabog na wika ng lalaki at saka binuksan ang pintuan ng passenger's seat. Tumalima na lamang siya dahil baka pagtitinginan na naman sila ng mga tao, nakakahiya para sa kanya. Pero itong lalaking kasama niya ay wala yatang hiya sa sarili at kahit babae pinapatulan.
Padabog na isinara ni Valerie ang pintuan ng kotse dahil naiinis talaga siya sa inaasal ni Lester. Pero kailangan niyang magtiis at magsakrispisyo sa kagaspangan ng ugali nito sa loob ng anim na buwan.
"Hoy, dahan-dahan sa pagsasara ng pinto at mahal yan!", bulyaw nito.
Matalim niyang tiningnan ang lalaki dahil hindi niya akalaing napakayabang nito. Alam naman niyang mahal itong kotse ng mokong na ito pero iyong ipangangalandakan pa? Tssk..
Wala silang imikan sa loob ng sasakyan. Ayaw na niyang makipagtalo pa rito dahil marami na siyang iniisip. Maya't maya tumunog ang kanyang cellphone at agad niya itong kinuha, at baka nagtext sa kanya si Faye. Ngunit notification pala iyon sa email niya na naihulog na sa kanyang bank account ang limang milyong piso. Nababalot sa tuwa ang puso niya dahil sa wakas may pera na rin siya para sa pagpapagamot ng kanyang ama. Ngunit ang sandaling kasiyahan na kanyang naramdaman ay napalitan na naman ng kalungkutan nang masulyapan niyang pumapasok sa loob ng mall ang kanyang dating nobyo at ang babaeng ipinalit nito sa kanya.
"Uhm, saan tayo pupunta Mister?", tanong niya nang makita niyang papasok sila sa parking garage ng mall.
"Dito. Saan pa nga ba?", sarkastikong tugon ni Lester.
Kahit na nagtataka man siya kung bakit papasok sila sa mall ay hindi nalang siya nagtanong pa dahil hindi rin naman sumasagot ng maayos itong lalaking kasama niya. Sa tingin niya ayaw nito sa kanya. Pero bakit siya ang napili nito para alukin ng kasunduan?
Nang makapasok na sila sa loob ng mall agad silang nagtungo sa women's wear section. Hindi na nakatiis si Valerie at tinanong niya sa lalaki kung bakit doon ang punta nila at kung mamimili lang ito ng mga damit bakit hindi sa men's section?
"Kailangan mong bumili ng damit na isusuot sa birthday ng aking lola bukas. Ipapakilala na kita sa kanya, kaya kailangan mong magiging presentable", walang kaemo-emosyong wika nito.
"Ang ibig mong sabihin, hindi ako presentable kaya kailangang bihisan ako ng maayos? Aba, sobra ka na yata Mister Lester!", bulyaw na tugon niya at saka mabilis na naglakad palayo. Sinundan naman siya kaagad ng lalaki at hinila ang kamay niya.
"Hoy Miss, nandito tayo sa mall. H'wag kang masyadong epal!" mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga customers sa loob. Ang iba'y parang kinikilig pa sa bangayan nilang dalawa.
"Miss Valerie, huwag mo akong galitin at hindi mo alam kung anong pwede kong gawin sa iyo", pagbabanta ng lalaki. Pagkatapos ay kinabig siya nito at inakbayan.
"Tayo na at nang makapili ka ng damit na isususot mo bukas."
Papalag pa sana siya ngunit nakita niya sa may di-kalayuan si Ivan at ang babae nito, kaya sumunod na lamang siya kay Lester dahil unang-una, ayaw na niyang magkita pa sila ng dati niyang nobyo.
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.