INICIAR SESIÓN“Nakakainis talaga siya…” nanggigigil na bulong ni Angela sa sarili habang mariing kinagat ang ibabang labi. “Bakit sa mansyon pa talaga? Bakit ayaw niyang makipagkita sa ibang lugar... bakit kailangan pa niya akong i-corner sa sarili niyang teritoryo kung saan hawak niya ang lahat ng alas.” Sa loob ng marangyang bahay na iyon, si Roger ang hari, at siya ang ibong nakakulong sa hawla.Naisip niya ang kanyang ina—walang laban, may karamdaman, at kasalukuyang ginagamit na pain ng sarili niyang asawa.Bumuntong-hininga siya nang malalim, pilit pinatitibay ang kanyang loob.“Wala na akong choice…” mariin at desididong bulong niya sa madilim na espasyo ng sasakyan. “Kailangan kong makita si Inay… kahit mangahulugan pa ito na isusuko ko na ang natitira kong kaluluwa kay Roger.”Makalipas ang ilang oras, unti-unting bumagal ang pag-andar ng taksi habang lumiliko ito sa pamilyar at mataas na bakal na tarangkahan ng Alfonzo Mansion. Naramdaman ni Angela ang pagkabog ng kanyang dibdib sa baw
“Boss… nawala bigla ang ambulansiya!” alalang-alala na sigaw ng isa sa mga tauhan ni Roger na nakasakay sa unahang sasakyan, habang pilit na pinatutulis ang paningin sa kalsadang binabagtas nila.“ANO?!” nanggigigil na bulalas ni Roger habang mariing hinawakan ang manibela ng kanyang SUV. “Anong ibig mong sabihing nawala?! Isang malaking ambulansiya, hindi ninyo masundan? Mga inutil!”Isang mabilis na tapon ng tingin ang ginawa ni Roger sa unahan, subalit huli na ang lahat—pawang mga ordinaryong sasakyan na lamang ang naroroon, at ang tinutugis nilang Ambulansiya ay parang bula na naglaho sa gitna ng trapiko at mga singit-singit na daan.Kring… kring… kring…Sa kalagitnaan ng pag-iinit ng ulo ni Roger, biglang umalingawngaw ang pamilyar na tunog ng ringtone mula sa kanyang cellphone na nakalagay sa dashboard.Mabilis itong sinulyapan ni Roger. Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay nang mabasa ang pangalang kumikinang sa screen.“Angela?” mahinang sambit ni Roger, ang kanyang muk
Agad na nagtago si Angela sa lilim ng isang malaking haligi.Nang makitang abala ang mga tauhan ni Roger sa pangunahing pasukan, mabilis siyang tumalikod at naglakad patungo sa madilim at liblib na exit door sa likuran ng ospital.Subalit nang sumilip siya sa pinto, nanigas ang kanyang mga paa.“Shit… pati ba naman dito sa likuran may mga tauhan pa rin?!” nanggagalit at nanginginig niyang bulong sa sarili habang mariing kinagat ang labi. “Ano ba talaga ang gusto ni Roger? Nakuha na niya ang lahat sa akin… wala naman akong kayamanan para habulin niya ako ng ganito!”Napapikit siya nang mariin. Sa gitna ng takot at pagkalito, ang masaklap na katotohanan ay umukit sa kanyang isipan.“Tanging ang pagkababae ko lang ang kaya kong ibigay sa kanya… pero tatlo na silang nakagalaw sa akin!” ang panloob na sigaw ng kanyang konsensya na pilit niyang ikinukubli. Una ay si Dave na nag-angkin sa kanya dahil sa paghihiganti sa kapatid , Si Roger na asawa niya sa contrata, ang misteryosong lalaking n
“Ihanda ang mga sasakyan. Pupunta tayo ngayon sa Hunso Hospital,” galit na utos ni Roger sa kanyang mga tauhan.“Yes, sir!” sabay-sabay na tugon ng kanyang mga tauhan bago nagmamaling kumilos upang isagawa ang utos.Samantala, tahimik na pinagmasdan ni Rose mula sa itaas ng balkonihan ang pagmamadali ng mga tauhan at ang pag-alis ni Roger. Isang mapang-uyam at nakakalokong ngiti ang sumilip sa kanyang mga labi habang umiiling-iling.“Mga baliw!” mahina ngunit may diing bulong ni Rose sa sarili. “Lalong-lalo na ang ex-husband ko… baliw na baliw kay Angela. Akala naman niya ay pag-ibig ang nagpapatakbo sa babaeng iyon. Pera lang naman ang katapat niya! Kung tutuusin, kaya ko siyang bayaran kahit ilang bilyon para lang tuluyang layuan at itaboy ang asawa ko!”Sinundan niya ng tingin ang mga itim na SUV na mabilis na lumabas ng tarangkahan patungo sa direksyon ng Hunso Hospital. Isang madilim at nakakatakot na kislap ang umilaw sa mga mata ni Rose habang pinapanood silang mawala sa panin
“Kailangang hindi malaman ni Roger kung nasaan ako…” mariin at nanginginig na bulong ni Angela sa sarili habang ang kanyang mga mata ay pilit na pinatutulis ang determinasyon sa kabila ng takot. Hindi na siya pwedeng mag-aksaya ng panahon. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang nanginginig na mga daliri, bago tuluyang pinindot ang numero ng kanyang kliyente. Ilang ulit na pag-ring ang naganap bago ito sumagot sa kabilang linya. “Hello? Anong balita, Angela? Nagawa mo ba ang ipinapagawa ko sayo?” bungad agad ng kliyente. Napakagat-labi si Angela, pilit na pinatatag ang kanyang boses kahit parang pinipiga ang kanyang dibdib. “I’m… I’m sorry., Mam,” Nabigo ako sa misyong ito. Wala akong nakuhang ebidensya laban sa nakamaskara… dahil binabantayan niya ang bawat galaw ko.” “Wala kang nakuha? Okay lang, unang araw mo palang naman, sabihin mo nalang sa akin kung ano ang ginawa mo sa Room 456?” Tandaan mo, Angela, kapag napatunayan kong niloloko mo lang ako o may iba kang ginagawa s
Ngunit hindi man lang pinansin ni Roger si Rose; para bang hangin lamang ito sa kanyang paningin habang ang kanyang buong atensyon ay nakatutok sa nag-iinit na poot sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa at mabilis na idinayal ang numero ni Angela,habang nag-aabang sa magkabilang ring ng linya. Sa Alfonzo Empire Hotel… Tahimik at mahimbing pa rin ang tulog ni Angela sa ibabaw ng malambot na kama, ang mukha ay payapa ngunit bakas pa rin sa kanyang labi at balat ang tindi ng init ng nagdaang gabi—tila ba galing siya sa isang mahaba at marahas na honeymoon sa halip na sa isang delikadong misyon. Kring… kring… kring! Ang malakas at paulit-ulit na tunog ng telepono ang pumunit sa katahimikan ng kwarto, dahilan para magising ang diwa ni Angela mula sa kanyang malalim na pagkakatulog. “Uhmmmm…”ungol ni Angela habang pikit-matang kumapa-kapa ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama para hanapin at sagutin ang tumutunog na cellphone.







