Share

Kabit 53

Author: Batino
last update publish date: 2026-09-15 14:48:47

Makalipas ang ilang araw, sa gitna ng isa sa pinakaprestihiyosong charity auction sa Grand Imperial Hotel, ang buong bulwagan ay pinuno ng mga kilalang bilyonaryo, politiko, at sikat na personalidad sa lipunan. Ang bawat sulok ay kumikinang sa liwanag ng mga kristal na chandelier at mamahaling alahas.

Sa gitna ng mga dumalo, agaw-pansin ang bagong kasal na sina Dave at Elina Mendez. Suot ang isang napakagandang imported gown at mga mamahaling diyamante sa leeg, magkasabay na naglakad ang dalawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Kabit (SPG)   177.

    Sino kaya ang batang nakita ni Grace sa Solidad Daycare Center? Paano niya nasabing magkahawig sila? tanong ni Angela sa kanyang sarili habang nakatingin kay Althea Grace na panay ang lingon sa likuran ng kanilang sasakyan. Tila nagbabakasakali pa itong makita ang batang nakilala niya sa playground. “Yaya Anita, nakita mo ba 'yung batang sinasabi ni Grace kanina?” “Hindi po, Madam. Nakatalikod po kasi ang bata kanina, at kasalukuyan na rin siyang tinatawag ng isang babae. Baka nanay niya po 'yon. Bakit n'yo po natanong, Ma'am?” sagot ni Yaya Anita habang bahagyang lumilingon kay Angela. “Ahhh… never mind, Yaya Anita,” maikling sagot ni Angela bago muling napatingin sa kambal. “Leo, pakibilisan ang pagmamaneho. Diretso tayo sa opisina ni Roger. Gusto kong puntahan siya roon kasama ang mga kambal.” “Yes, Madam! Tatawagan ko po ba si Sir para sabihin na darating kayo?” “Hindi na…” sagot ni Angela habang ibinalik ang tingin sa bintana ng sasakyan. Hindi pa rin mawala sa isip niya a

  • Kabit (SPG)   176. The Boy Who looks like me(ALTHEA GRACE) – Tyrone

    “Hey! Puwede ba akong makipaglaro sa'yo?” mahinahong tanong ni Grace sa batang lalaki. Ngunit hindi man lang ito lumingon sa kanya. Tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.“Puwede na. Tumango naman siya. Mas mabuti na ito kaysa makipaglaro sa kakambal ko na ayaw naman sa akin,” bulong ni Grace sa kanyang sarili.“Hi… a-ako nga pala si—”Napatigil si Grace sa pagsasalita nang tuluyang humarap sa kanya ang batang lalaki.“No need to tell me your name. Just play with me,” saad ng batang lalaki sa malamig ngunit mahinahong tinig.Pero imbes na masiyahan si Grace sa sinabi ng batang lalaki, gulat na gulat siya dahil same face, same eyes, same nose—lahat ay magkapareho. Perpekto rin ang pagkakagwapo nito.“Are you okay?” tanong ng batang lalaki nang mapansing matagal na siyang nakatitig dito.“Why do you look like me?” iyon ang naging sagot ni Grace sa batang lalaki.Napatitig din ang batang lalaki sa mukha ni Grace na para bang ngayon lamang niya napansin ang pagkakahawig nilang dalawa.“Y

  • Kabit (SPG)   175 Kabit. Why does he look like me?" —Althea Grace

    “Iyon naman po ang ginagawa ko, Inay.”“Kaya nga, anak. Kaya mo 'yan! Ikaw pa ba ang susuko? Ni hindi ka nga sumuko sa akin sa loob ng maraming taon. Kaya naniniwala akong kaya mo 'yan, anak,” nakangiting saad ni Aling Isabella habang marahang hinahaplos ang kamay ng kanyang anak.“Thanks, Ma.”“No problem, anak.”“O siya, bago pa tayo magiyakan, asikasuhin mo na ang mga kailangan ng kambal. Diba, papasok na sila ngayong taon sa daycare?” paalala nito.“Oo nga pala, Inay… Thanks, Ma,” ulit ni Angela habang nakangiti.“Mommy!” tawag ni Grace.“Oh, baby?”“Pwede po bang sumama sa school na pupuntahan n'yo?”“Of course, anak! Tawagin mo ang kakambal mo at sasama kayong pareho sa akin para makita ninyo ang school na papasukan ninyong magkapatid.”“Yeheeeey! Papasok na kami!” masayang sigaw ni Grace habang napapalakpak sa tuwa.Ngumiti si Angela habang pinagmamasdan ang anak na masayang nagtungo sa kuwarto ng kanyang kakambal.“Kambal! Brother! Kuya!” sunod-sunod na tawag ni Grace sa kanya

  • Kabit (SPG)   Kabit. Ang kambal sa paniniwala ni Angela - ASHTON and Althea Grace

    Dahil sa bilis ni Roger sa paglalakad patungo sa labas ng gate, hindi niya namalayang sumunod sa kanya si Ashton. “Saan kaya pupunta si Daddy? Kakarating lang niya, aalis na naman siya?!” tanong niya habang pinagmamasdan ang sasakyang papaalis na. Nakasilip ito sa bukana ng gate. Sa di-kalayuan, may isang babaeng nakatayo, nakatingin sa kinaroroonan ni Ashton. “Sige lang, magpakasaya ka, Angela, sa peke mong anak. Haha! Inuuto ka na ni Roger, wala ka pa ring alam!” bulong ng babae sa kanyang sarili habang dahan-dahang lumapit sa gilid ng gate na bakal. Akmang aalis na sana si Ashton nang bigla siyang tawagin ng babae. “Bata! Bata!” dalawang beses na tawag nito. Napalingon-lingon si Ashton. “Dito sa labas ng gate, tumingin ka.” Agad namang sumilip si Ashton sa siwang ng gate at nakita niya roon ang isang babae. “Sino po kayo?” tanong ni Ashton habang napapaangat ang kilay nito. “Uhmmm… Baby, ako ang lubos na nakakakilala sa'yo. Alam mo ba 'yon?” saad ng babae. “Hindi ko kay

  • Kabit (SPG)   Kabit 173

    "Sige, bumaba na tayo sa kusina. Naghihintay na sina Mama at ang mga bata," malamig na sambit ni Angela, sabay talikod at naunang naglakad palabas ng silid. Pagbaba nila sa kusina, abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal habang masayang nagtatawanan sina Grace at Ashton sa isang gilid. "Grace, Ashton, doon muna kayo sa kabilang dulo kumain para makakain kayo nang maayos pagkatapos saka kayo maglaro," malumanay na utos ni Angela sa mga bata upang ilayo sila sa kanilang pwesto. Nang makalayo ang magkapatid, saka lamang lumingon si Angela sa kanyang ina na kasasalita pa lamang habang nakatitig nang diretso kay Ashton. "Bakit parang namumuro ang init ng ulo mo, Angela? May problema ba kayo ni Roger?" mahinahong tanong ni Aling Isabella habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng anak. "Wala po, Ma. Medyo may iniisip lang po ako tungkol sa mga bata," sagot ni Angela, habang palihim na sumulyap kay Roger na tahimik nang sumusubo ng pagkain at halatang nag-iingat sa bawat

  • Kabit (SPG)   Kabit 172

    "Daddy, pasalubong?" masiglang sambit ni Grace habang mabilis na niyayakap ang binti ni Roger, pilit na inaalis ang atensiyon ng ama sa seryosong usapan kanina.Tumawa nang mahina si Roger, pilit na inalis ang tensiyon sa kanyang mukha habang binababa ang tingin sa anak. "Of course, I have a surprise! Marco, ibigay mo ang pasalubong ko sa aking mga kambal.""Yes, Boss!" mabilis na sagot ni Marco mula sa pintuan, habang hawak-hawak ang dalawang magkaibang paper bag na may tatak ng mga kilalang international toy brands. Agad niyang inabot ang unang kahon kay Ashton.Hindi na naghintay pa si Ashton; mabilis niyang kinuha ang mamahaling Game Boy mula sa kamay ni Marco, saka bumaba sa pagkakakarga at agad na umupo sa sementadong sahig para buksan ito.Binalingan naman ni Roger ang anak na babae. "Come here, little princess..." masayang tawag ni Roger kay Althea Grace, habang nakabuka ang mga braso."Yehey! Daddy, meron din po ba sa akin?" tuwang-tuwa si Grace at sinalubong ang yakap ng ama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status