Share

Kabit 54

Penulis: Batino
last update Tanggal publikasi: 2026-09-15 17:01:44

“Imposible! Ako na ang nagmamay-ari ng Alfonzo Empire! Sa akin na ang lahat ng iyon at opisyal nang nalipat sa pangalan ko ang mga ari-arian!” galit, hysterikal, at nanginginig sa matinding pagtanggi na sigaw ni Rose, hindi na napigilan ang sarili sa gitna ng malaking bulwagan habang pilit na pinaninindigan ang kanyang mga ninakaw na tagumpay. “Sinungaling kayo! Kayo ang manggagantso!”

Umalingawngaw ang boses ni Rose sa buong paligid, sapat para makuha ang atensyon ng lahat ng mga maimpluwens
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • KABIT (SPG)   Kabit 73

    Makalipas ang ilang oras ng matagal at masinsinang pag-uusap nina Dave at Angela, kanya-kanya na silang lumisan at tinahak ang kani-kanilang landas pabalik sa kani-kanilang tahanan.Pasado alas-otso na ng gabi nang marating ni Angela ang marangyang bakuran ng Alfonzo Empire. Agad siyang bumaba ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa malaking pintuan, habang mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.Dahil siguradong sasagarin nanaman siya ni Roger.“Hindi ako pwedeng makita ni Roger na ngayon lang ako dumating,” kinakabahang saad ni Angela sa kanyang sarili habang nagpalinga-lingalinga sa paligid. “Kailangan ko siyang maunahan sa silid namin bago man siya dumating.”Mabuti na lamang at nakatanggap agad siya ng palihim na mensahe mula sa isang pinagkakatiwalaang yaya na binayaran niya upang magsilbing espiya—isang taong nag-aabiso sa kanya pag aalis o paparating ang kanyang asawa.Pagpasok na pagpasok niya sa bulwagan, agad siyang sinalubong ni Yaya Anita na bakas ang matinding takot at pa

  • KABIT (SPG)   Kabit 72. Kasunduan

    “Angela…” mahinang bulong ni Roger sa kanyang sarili, bakas ang matinding pag-aalala at galit sa kanyang mukha habang nakatanaw sa kalsada kung saan sumakay si Dave at Angela. Subalit bago pa man niya maipagpatuloy ang kanyang iniisip, biglang nag ring ang nakakarinding tunog ng kanyang cellphone. Kring…. kring…. kring! Agad niyang sinulyapan ang screen. Marco calling. Walang sinayang na sandali agad niyang pinindot ang sagot at inilapit ito sa kanyang tainga. “Anong problema, Marco? Magsalita kana kaagad!” bungad ni Roger, halata ang pagmamadali at panggigigil sa kanyang boses. Narinig sa kabilang linya ang mabigat na paghinga ng kanyang tauhan bago sumagot. “Boss, hawak na namin ang mga taong nakipag-usap kay Madam Angela kanina. Hawak na namin sila at kasalukuyang nakatali na rito sa loob ng lumang budega.” Isang ngisi ng tagumpay ang sumilip sa labi ni Roger. “Magaling! Siguraduhin niyong mababantayan niyo silang dalawa at huwag na huwag ninyong hahayaang makataka

  • KABIT (SPG)   Kabit 71.

    “Sige, Doc. Maiwan ko muna kayo. Kailangan ko nang lumabas para maghanap ng paraan para makahanap ng blood type na kailangan ni Inay,” nanginginig at basag ang boses na paalam ni Angela habang pinipigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. “Tawagan mo ako, Angela kapag nakahanap kana ng kailangan para sa iyong inay.habol na wika ni Doc.Alex..Maraming salamat Doc.Bitbit ang kanyang bag, mabilis siyang tumalikod at binuksan ang pinto ng opisina upang lumabas sa opisina ni Doc Alex.Sa di-kalayuan, si Roger ay nakatayo habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata ni Angela at ang pagmamadali nito sa pag-alis. Gusto na sana niyang sumugod at maglabas ng galit dahil sa matinding selos, ngunit pinigilan niya ang sarili niya.“Sige lang Angela, pumunta ka muna kung saan mo gusto... mamaya sa bahay, sisiguraduhin kong sisingilin kita sa lahat ng kasinungalingan at kaloko

  • KABIT (SPG)   Kabit 70. Pagsunod

    “Oh, nandito ka na pala, Miss Bautista? Sumunod ka sa akin sa opisina, may mahalaga akong kailangang sabihin sa iyo tungkol sa kalagayan ng pasyente,” saad ni Dr. Alex Gonsales habang seryosong sinalubong si Angela sa hallway ng ospital.“Sige po, Doc.” magalang na sagot naman ni Angela, habang mababakas ang matinding pag-aalala sa mukha.Habang naglalakad sila patungo sa silid, nag-uusap nang maayos sina Dr. Alex at Angela, na parang close na close na sila sa isa't isa dahil sa madalas na pagbisita at pag-aalaga ng doktor sa kanyang ina. Ang kanilang malapit na pagturingan ay tila kayang magbigay ng maling akala sa sinumang makakita sa kanila; baka isipin na ng iba ay mayroon silang espesyal o lihim na relasyon sa likod ng puting uniporme ng doktor.Agad silang pumasok sa loob ng malinis at malamig na opisina ni Dr. Alex, at doon sila naupo upang mas masinsinang pag-usapan ang tunay na kalagayan ng matanda.Hindi kalayuan sa labas ng opisina, si Dave ay nakatayo sa isang sulok haban

  • KABIT (SPG)   Kabit 69. Hunso City

    “Kailangan kong puntahan ang mama ko sa lalong madaling panahon para maibigay ko na sa hospital ang pera na kailangan nila para sa operasyon,” bulong ni Angela sa kanyang sarili habang mabilis na naglalakad palabas ng gusali, bakit ang pag-aalala sa mukha at ang nanginginig na mga kamay dahil sa labis na panggigipit ng sitwasyon.“Uhmmmm… at saan ka na naman ba pupunta, Mahal kong asawa?” malamig at mapang-uyam na bulong ni Roger habang nakatanaw mula sa itim na salamin ng kanyang nakaparadang mamahaling sasakyan sa kabilang kalsada. Walang kaalam-alam si Angela na mahigpit siyang sinusundan at minamatyagan ng kanyang asawang si Roger.Nang makarating sa gilid ng kalsada, dali-daling itinaas ni Angela ang kanyang kamay. “Para! Para!” malakas at may pagmamadaling sigaw ni Angela sa isang paparating na taksi Agad namang pumreno ang taxi at huminto sa kanyang harapan. Binuksan agad ni Angela ang pinto sa likod at dali-daling sumakay, habang panay ang sulyap sa kanyang relos.“Manong,

  • KABIT (SPG)   Kabit 68. Irene and Dennis -Plano

    “Segurado ka bang darating si Angela Cruz dito?” nananabik na tanong ni Irene Bronson habang pabalik-balik ang tingin sa labas ng malinis at mamahaling glass window ng inuupahang pribadong function room sa isang high-end hotel.“Oo! Pupunta 'yon, lalo na ngayong narinig niya ang tungkol sa malaking bayaran para sa trabaho!” nakangising sagot ni Dennis, habang nag-aabang sa loob ng VIP pantry. Ang buong katawan nito ay nanginginig sa pananabik na makaganti kay Angela sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya sa harap ng fiance nitong si Jean. Sila ang nagplano ng lahat, ngunit si Irene lamang ang magpapakita at makikipag-usap nang harapan.Maya-maya pa, biglang umalingawngaw ang tunog ng ringtone sa tahimik at eleganteng silid.Calling……. Angela Cruz… ang nakasaad sa screen ng cellphone ni Irene.“T-tumatawag na siya…” saad ni Irene na may halong kaba at pananabik.Dali-daling sumilip si Dennis mula sa pantry. “Sagutin mo na! Tanongin mo kung malapit na siya! Tandaan mo ang sasabihin mo—

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status