Kahit Hindi Na AKo
LC Series #2
“Ah yes Joeyce? I’m sorry, what’s your question again?” usisa ko sa caller. Kanina pa talaga ako wala sa hulog at alam kong nahahalata na ako ng mga kasamahan kong nasa labas lang. Paano ba naman eh wala akong tulog. Binagabag ako ng konsensiya ng apakan ko ang paa ni Zeiroh dahil sa inis at tumatakbong tinalikuran siya kagabi.
“Masakit? Sa tingin mo sino ang mas nasasaktan? Iyong taong laging tinatalikuran o iyong taong tumatalikod na lang ng basta?”
Whatever. Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa caller.
“Nararamdaman ko pong hindi na talaga ako ang gusto niya, na parang lumalamig na siya sa akin. Tama pa po b
"Concern lang ako sa mga taong pabaya sa sarili nila. Tingnan mo nga 'yang katawan mo, buto't-balat ka na lang," dagdag niya pa. Pumasok kami sa kitchen at sapilitan niya pa akong pinaupo.Bwiset talaga! Hindi ko alam kung saan ako aangal, sa sinabi niya bang hindi niya na ako gusto o sa panlalait niya sa katawan ko."I-m sexy, duh? Makalait ka naman ay wagas. Mas kalansay pa nga ang katawan ni Marie kaysa sa akin eh.""What's kalansay?"Skeletal, kugtong ka!Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang bigat ng pakiramdam ko, gusto kong umiyak pero paano? Eh nandito ako sa lungga niya eh."What's kalansay nga?" pangungulit niya. Nagsuot siya ng apron habang naghihintay ng sagot sa kanyang katanungan.Sinong hindi magkakagusto sa taong ito? Eh kahit yata basahan ang ipasuot sa kanya ay litaw pa rin ang kagwapohan.Sa sobrang gwapo niya, ang sarap niyang isako at iuwi ng Masbate. Nakakairita nga lang ang ugali niya. Insensitive! Sarap papakin ng buhay eh."Tumutulo na 'yang laway mo," aniya pa,
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Saan ang punta mo Leigh?" tanong sa akin ni Hazel sa lasing na na tono. Apat na bote pa nga lang ng soju ang aming naubos ay hindi na maipagkakailang may mga tama na. Kung sabagay, ako nga rin ay tila ba umiikot na ang mga planeta sa paligid ng ulo ko eh."Sa kwarto, babalik ako.""Bilisan mo at uubusin natin itong tatlo pa dito," saad nito sabay turo ng hindi pa nabuksan na inumin. Nailing na lang ako. Kakayanin pa ba namin? Ni halos hindi na nga makagalaw si Kyra. Hindi kasi talaga kami sanay sa inuman eh. Mahihina ang tolerance namin sa alak. "Oo, saglit lang ako.""Kaya natin 'yan, cheers!" sigaw ni Kyra na siyang lango na talaga sa alak. Lasing na din talaga ang tono nito at pikit-mata na."We can do it, girls! Tiwala lang sa sarili," segunda naman ni Ryza."Cheers!" sigaw naman ni Hazel.Natatawa na iniwanan ko na sila. Pagiwang-giwang naman na pumasok ako sa kwarto. Hinihilot ko pa ang kumikirot kong sentido. Hindi ako pwedeng malasing ng t
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Natahimik ka diyan?" asik niya na naman ng hindi na ako nakasagot pa. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Ang tanga ko sa part na inakala kong panaginip lamang iyon. Totoo pala ang nasa ala-ala ko. Nagtapat ako sa kanya kagabi. Baka noong nakatulog na ako ay dinala niya na lang ulit ako sa unit ko. Napayuko na lang ako tinampal ang sarili kong noo. Shit, Carleigh! Ano na? Bahala na ito, tutal nasimulan ko na rin naman ito eh."Pagdating sa pag-ibig, anuman ang sinasabi ng puso mo 'nak ay iyon dapat ang sundin mo. Mas maganda kung hindi mo ito sasalungatin, kapag kasi sinusuway natin ang ating damdamin ay mas lalo lang tayong mahihirapan.""Eh Ma, hindi po ba na malaki ang chance na masaktan tayo kapag lagi nating sinusunod ang gusto ng ating puso?""Natural lang naman na masaktan ka kapag nagmahal ka Carleigh. But trust me, kapag true love ang natagpuan mo, worth it lahat ng sakit o hirap na
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotMatamlay ang katawan na naglakad-lakad ako sa park malapit sa La Conchita Condo Units. Madilim na ang paligid at malamig na din ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa. Naupo ako sa isang bench at napayuko. Sinipa ko ang may kalakihang batong nasa paanan ko. Nasaktan ako sa ginawa kaya aking na kumpirma na hindi ako nananaginip lang. Totoo ang lahat ng ito. He fell in love first and I fell in love with him so hard at the end. Biglaan lang at hindi ko man lang napaghandaan kaya heto ako, durog na durog at hindi alam kung paano pa ba bubuuin ang sarili ko. "Totoo ngang magpapakasal na si Zeiroh Hernandez at iyong anak ni Mayor Lapid 'no?" rinig kong saad ng babaeng dumaan sa may gawi ko. "Oo nga, iyon ang napapabalita eh. Saka meron pa akong nakitang post sa Facebook eh. Confirm, ikakasal na nga sila."Tila nabato naman ako sa aking kinauupuan ng marinig iyon. Ang puso kong durog na durog ay tila tuluyang natunaw.Marii
Nagising ako na masama ang pakiramdam. Siguro ay dahil na rin sa pagpapaulan na ginawa ko. Pinilit kong bumangon at pumasok sa CR. Naligo ako kahit pa alam kong meron akong lagnat. Lumabas ako at dumiretso sa kitchen. Kinuha ko ang heater at nilagyan ng tubig. Napapalatak ako ng hindi na gumana iyon. No choice ako kundi sa rice cooker mag-init ng tubig. Hindi advisable pero since hindi naman malalaman ng lahat na ginagamit ko din ang rice cooker para mag-init ng tubig ay ayos lang. Kanya-kanyang trip lamang 'yan. Kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Habang hinihintay na maluto ito ay pumunta ako sa sala at binuksan ang music player ko.Napatawa ako ng pagak dahil sa kantang una-unang pumaimbabaw. Kinuha ko ang gitara na nasa wall at umupo sa sofa. Sinabayan ko ng pagkaskas ang kantang 'Tear drops on my guitar' ni Taylor Swift. Drew looks at me, I fake a smile so he won't see...Napailing na lang ako. Ngayon mas nadama ko na ang mensahe ng kantang ito. Tunay nga
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"If you need something, sabihan mo lang ako Leigh."Masamang titig ang ibinigay ko sa mga paper bags na nasa harapan ko ngayon. Mga bagong biling damit at kung ano-ano na binili niya para sa akin. Mukhang wala man lang siyang balak na pauwiin ako sa sarili kong unit. Na-appreciate ko naman pero bakit kailangan ay bilihan niya pa ako ng mga gamit eh nasa harapan lang naman ang tinitirahan ko? Pwede ko namang kunin ang anumang gamit na kailangan ko."Don't worry, ang mga undergarment diyan ay si Jazh ang bumili, hindi ko rin 'yan tiningnan o hinawakan."Pakiramdam ko naman ay nanginit ang mukha ko. Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman dahil sa sitwasyong ito."Sa kwarto ka na lang din matulog, dito na lang ako sa sala.""No, ako na lang ang dito, ikaw na lang sa kwarto mo," tanggi ko. Nakakahiya naman kasi, siya itong may-ari ng unit na ito pero mukhang siya pa ang kailangang mag-adjust."Doon ka nga sa kwarto ko.""Dito lang ako.""Leigh
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotDahan-dahan akong lumabas ng kwarto habang bihis na bihis na. Napakagat ako sa labi nang makitang tulog pa rin si Zeiroh sa sofa. Marahan akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakatulog kaya siya ng maayos? Napasinghap na lang ako. Kailangan kong makalabas dahil inaya ako ng mga kaibigan ko kagabi na magsimba. Baka kasi hindi ako payagan nito na lumabas kaya tatakasan ko na lang siya. Safe naman na siguro ako sa labas dahil naipakulong niya na iyong nagtangkang pumatay sa akin kasama na iyong dalawang adik sa bar.Akmang maglalakad na ako papuntang pinto ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapakuyom na lang."Good morning," bati niya pa sabay siring ng tingin sa suot ko. Bahagya na agad na nakakunot ang kanyang noo."Good morning.""Where are you going, huh? Ang aga pa," aniya sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo pa rin kahit na medyo magulo ang kanyang
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"T-eka," angil ko sabay hinto sa paglalakad nong nasa harapan na kami ng main door nila.Sobrang ganda at laki ng bahay nila. Iyong mga halaman na nakikita ko ay halatang mamahalin at hindi pankaraniwang ang mga ito."Bakit?""Kinakabahan ako Zeiroh, bakit kasi pabigla-bigla ka naman? Tingnan mo nga't ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko," walang alinlangang kong saad.Bahagya naman siyang tumungo at inilapat sa dibdib ko ang kanyang isang tenga. Talagang pinakinggan niya nga ang kalabog aking puso."I can hear it, baby."Napaatras naman ako, muntik pa akong sumubsob sa halaman na nasa likuran ko, buti na lang at nahapit niya agad ang aking bewang papalapit sa kanya. "Relax, okay? Nandito naman ako eh. Ako ang bahala sayo, trust me, mababait naman ang parents ko," bulong niya pa sa akin at sakto namang pagbukas ng pinto. Bumungad ang nakataas-kilay at nakapamewang na agad na babae. Sa hula ko ay mas bata ito sa akin ng isa o dalawang taon. Maganda