Share

Chapter 7- Confession

Kahit Hindi Na Ako

#KHNA

LovieNot

"Saan ang punta mo Leigh?" tanong sa akin ni Hazel sa lasing na na tono. Apat na bote pa nga lang ng soju ang aming naubos ay hindi na maipagkakailang may mga tama na. Kung sabagay, ako nga rin ay tila ba umiikot na ang mga planeta sa paligid ng ulo ko eh.

"Sa kwarto, babalik ako."

"Bilisan mo at uubusin natin itong tatlo pa dito," saad nito sabay turo ng hindi pa nabuksan na inumin.

Nailing na lang ako. Kakayanin pa ba namin? Ni halos hindi na nga makagalaw si Kyra. Hindi kasi talaga kami sanay sa inuman eh. Mahihina ang tolerance namin sa alak.

"Oo, saglit lang ako."

"Kaya natin 'yan, cheers!" sigaw ni Kyra na siyang lango na talaga sa alak. Lasing na din talaga ang tono nito at pikit-mata na.

"We can do it, girls! Tiwala lang sa sarili," segunda naman ni Ryza.

"Cheers!" sigaw naman ni Hazel.

Natatawa na iniwanan ko na sila. Pagiwang-giwang naman na pumasok ako sa kwarto. Hinihilot ko pa ang kumikirot kong sentido. Hindi ako pwedeng malasing ng t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status