LOGINVIENNA SOILE ZARIAH
Sa mismong harapan ko ay pinirmahan niya ang marriage certificate na ibinigay sa amin ni mayor. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko, para akong nawawalan ng lakas habang iniisip na kasal na nga ako sa kanya. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi ko piniling tumakbo, kahit na alam ko naman na kaya ko iyong gawin. Kaya kong umayaw sa kasal na ito, pero sa tingin ko ay nanatili ako kasi may nararamdaman rin ako para sa kanya. "Ayon. Sa wakas ay nakapag-asawa kana rin, Eliezer..." nakangiting sambit ni mayor matapos niyang kinuha ang marriage certificate. Tahimik lang si Eliezer, hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin...at hindi ko iyon kayang labanan. "Ipaparehistro ko na ito. At pagkatapos ay ipapahatid ko na lamang sa bahay niyo." Makalipas ang ilang segundo ay umalis na si Mayor kasama ang mommy ni Eliezer—kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. "Mananatili ka bang ganyan hanggang bukas?" biglang bulalas niya. Lumunok ako at unti-unti siyang tiningnan, pero hindi ko rin natagalan nang magtama ang mga mata namin...at kapansin-pansin ang kakaibang pagtitig niya sa akin. "Stop looking away, Soile. Humarap ka sa akin at sabihin kong ano ang gusto mong mangyari ngayong kasal na tayong dalawa." Wika niya. Nakayuko pa rin ako, naghahanap ng mga salitang pwede kong ibato sa kanya pero walang pumapasok sa utak ko. Hanggang sa marinig ko ang yabag ng sapatos niya papalapit sa akin. "B-Bakit ba?!" tumaas ang boses ko at kasabay niyon ay ang aking pag-atras papalayo sa kanya. Tiningala ko siya at hindi ko naiwasang samaan siya ng tingin. Pero imbes na maasar siya ay tumaas ang parehong kilay niya—and there was was a hint of amusement sparkling in his eyes. Para bang na-cha-challenge siya sa ginagawa ko. "Kagabi lang ay ikaw ang kusang humalik sa akin. Sobrang tapang mo pa tapos ngayon ayaw mong lapitan kita?" nakataas kilay niyang sabi habang patuloy sa paghakbang papalapit sa akin. Umatras din ako nang umatras, pero ng sobrang lapit na niua ay tumakbo na ako papalayo sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Kagabi lang ay brokenhearted pa ako, lasing ako at hinalikan lang kita...tapos ngayon, kasal na agad ako?! Parang ang bilis naman yata?! Paano kung mabuntis nga ako? Paano na ang pag-aaral ko? Third year college pa lang ako ay 22 years old, hindi ako pwedeng mabuntis. "What are you thinking?" muling umalingawngaw ang malalim na boses ni Eliezer sa pandinig ko kaya natauhan ako kaagad. At gano'n na lamang ang paghigpit ng aking lalamunan nang mapagtanto kong nasa harapan ko na pala siya. Nakadukwang sa akin habang ang kamay niya ay nakaposisyon sa bawat gilid ko. "Now you're scared of me? I thought you like me? So whats wrong with you---" "ANONG LIKE-LIKE ANG PINAGSASASABI MO?!!" bulyaw ko sa kanya. Bahagya siyang natigilan sa gulat, lalo na nang inilagay ko ang mga palad ko sa matigas niyang dibdib at malakas siyang itunulak. "Twenty-two palang ako. Third year college at working student. At kapag nalaman ng pamilya ko na kasal na ako ay mas lalo nila akong kamumuhian! Mas lalo silang magagalit sa akin at lalo lang nilang itatatak sa utak ko na malandi ako kagaya ng nanay ko." Nang tumigil ako sa pagsasalita ay agad kong hinabol ang sarili kong paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib, ramdam ko ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko—bago pa man niya makita ang pagpatak ng aking luha ay agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "H-Hindi nila pwedeng m-malaman na nagpakasal ako sa kung sino-sino lang. Walang pwedeng makaalam na nagpakasal ako sa'yo," garalgal ang aking boses. Ilang segundo kaning naging tahimik. Hindi ko tinangka na muling magsalita dahil pinipigilan ko ang emosyon ko. Pinagdikit ko ang aking labi, at ramdam ko ang paghapdi ng loob ng aking pisnge nang wala sa sarili ko iyong nakagat. Akala ko ay mananatili kaming gano'n, ngunit siya ang pumutol ng nakakabinging katahimikan na iyon....sa pamamagitan ng isang malalim na pagbuntong-hininga. "Do you suggest that we should hide our marriage to everyone?" bulalas niya. Sandali akong nag-isip at kalaunan at sunod-sunod rin akong tumango. "Fine," he said like he had no other choice but to agree. "You win so we'll hide our marriage. Hindi natin sasabihin sa kahit kanino na mag-asawa tayo. Wala ng ibang makakaalam nito maliban kina, mayor...kay mama at sa mga tao sa bahay. Kailangan nilang malaman para kung sakali na may mangyari at kinailangan mong pumunta sa bahay ay aasikasuhin ko nila." Hindi ako nagsalita. "Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi kana magpapaalam sa akin," biglang bawi niya. Bumaling ako sa kanya at nakapaskil nang muli sa kanyang labi...ang mapaglarong ngisi na ilang minuto ring nawala. "We'll exchanged numbers. You tell me everything you do, who you are with and where you went. At gagawin ko rin iyon. Kaya huwag kang magkakamali na lokohin ako, Soile..." banta niya at napaigtad ako nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad sa baywang ko. "Subukan mong lokohin ako, at sisiguraduhin kong hindi ka makakaalis sa ibabaw ng kama sa loob ng dalawang linggo. Paparusahan kita sa ibabaw ng kama hanggang sa magtanda ka. Maliwanag ba?" Napalunok ako at masunuring tumango bilang pagtugon sa kanyang banta. "Good girl,"Eliezer Laurent ZaragosaKinabukasanIsang mahinang ungol ang kumawala sa aking mga labi nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata.Ilang segundo akong nanatiling nakahiga sa sofa habang nakatitig sa kisameng nasa itaas ko. Mabigat ang aking ulo, tuyong-tuyo ang aking lalamunan, at tila may pumipintig na ugat sa aking sentido."Fuck..."Napapikit ako at idiniin ang mga daliri sa magkabilang sentido ko.Ano ba ang nangyari kagabi?Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad akong napangiwi nang tila umikot ang paligid dahil sa bigat ng aking ulo. Napahawak ako sa noo bago tuluyang napatingin sa paligid.At doon ko napansing malinis na ang aking opisina.Maayos nang nakasalansan ang mga dokumento sa ibabaw ng aking mesa. Wala na ang mga bote ng alak na nagkalat kagabi, at maging ang mga basag na bubog sa sahig ay wala na rin. Ang buong silid ay bumalik na sa dating kaayusan, na para bang walang nangyaring kaguluhan kagabi.Sandali akong napatingin sa paligid.May naglinis.Ng
Mikaela Santos "I can't lose you twice." Tuluyan akong natahimik. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Sa halip, nanatili lamang akong nakatayo roon habang naririnig ang mahinang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim, o kung kailangan ko na ba siyang tulungang makaupo bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse. Mabigat ang katawan niya, at naamoy ko pa rin ang alak sa kaniyang hininga. "Sir, maupo muna tayo, ha?" mahinahon kong sabi. "Hindi po kayo pwedeng manatiling nakatayo nang ganito." Hindi siya sumagot. "Please, Sir. Baka matumba po kayo." Dahan-dahan akong gumalaw, sinusubukang alalayan siya nang hindi ako tuluyang nakakulong sa kaniyang mga bisig. Ngunit nang maramdaman niyang gumagalaw ako, agad siyang natigilan. "Where are you going?" Napahinto ako. "Ha?" "Don't go." Muling nanginig ang kaniyang tinig. "Please..." Napabuntong-hininga ako. "Hindi po ak
Mikaela Santos Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat ko nang siya mismo ang tumapos sa halik... sinubukan kong maglakad papalayo ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay muli niya akong naabutan...at mahigpit akong niyakap. "S-Soile...." Nanginig ang boses ni Sir Eliezer sa likod ko habang mahigpit pa rin niya akong niyayakap. Nakadikit ang mukha niya sa leeg ko, at sa bawat paghinga niya ay nararamdaman ko ang bahagyang pagyanig ng kaniyang katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kanina lamang ay pilit ko siyang inilalayo sa akin, ngunit ngayon, hindi ko magawang kumilos nang basta-basta. Dahil umiiyak siya. Ang lalaking palaging nakakunot ang noo, malamig tumingin, at tila walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao ay umiiyak na para bang tuluyan nang gumuho ang mundong ginagalawan niya. "Don't leave me again, Soile..." Napapikit ako nang marinig ang pagsusumamo niya. "I missed you so much." May panibagong patak ng luha na dumampi sa lee
Mikaela Santos Itinali ko nang maayos ang buhok ko at nagsimula sa mga papeles sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga ito at inilagay sa magkakahiwalay na lalagyan upang hindi magkagulo ang mga dokumento.Hindi ko naman kailangang basahin ang mga nakasulat doon. Trabaho ko ang maglinis, hindi ang makialam sa mga personal na bagay ng boss ko.Pagkatapos ay inayos ko ang mga folder sa mesa, pinunasan ang mga muwebles, at tinipon ang mga kalat na naiwan sa paligid."Sir, sana naman sa susunod ay huwag kayong magkalat nang ganito," reklamo ko sa hangin. "Hindi po ako ipinanganak para maging tagalinis ng mga problema ninyo sa buhay."Napailing ako sa sarili kong sinabi."Pero kung kasama sa trabaho ang paglilinis ng mga problema sa pag-ibig, ay pwede rin naman... basta ba dagdagan lang ang sahod ko," bulalas ko at parang t*nga kasi sarili ko lang naman din ang kinakausap ko. Napatawa ako nang mahina.Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa bahaging malapit sa mesa niya. Naroon
Mikaela Santos "Sa wakas, patapos na rin ang duty ko!"Napabuntong-hininga ako habang itinutulak ang cleaning cart sa kahabaan ng pasilyo. Paminsan-minsan ay humuhuni pa ako ng kung anong kanta para hindi ako makaramdam ng antok.Hindi ko talaga paborito ang night shift, lalo na kapag halos sumuko na ang mga paa ko sa pagod at ang gusto ko na lang ay umuwi, maligo, at humilata sa kama at matulog nang matiwasay.Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman kusang nagbabayad ang mga bayarin. At hindi rin kayang buhayin ng magandang mukha ko ang mga magulang ko.Kahit na, sa totoo lang, puwede ko namang subukan.Napangisi ako sa sarili kong iniisip."Mikaela, magpokus ka nga. Nandito ka para magtrabaho, hindi para hangaan ang sarili mong kagandahan..." saway ko sa sarili ko. Abala pa ako sa pakikipag-usap sa sarili ko nang biglang lumapit ang isa sa mga supervisor namin."Mikaela, tapos ka na ba sa kabilang palapag?""Kaunti na lang po, Ma'am. May ilang bahagi na lang po akong kailangang lin
Eliezer Laurent Zaragosa Several days had passed since the day I first saw that woman outside the hotel where the gala was held. Mikaela Santos. Hindi ko siya gaanong kilala, at wala akong ibang alam tungkol sa kanya bukod sa empleyado siya rito sa kumpanyang 'to. Pero hindi ko maintindihan kung bakit magmula no'ng makita ko siya ay hindi na siya mawala sa isip ko. At sa t'wing hindi ko siya nakikita rito sa kumpanya ay hinahanap siya ng diwa ko. It was becoming irritating. I had more important things to worry about. The investigation into my wife's disappearance was still ongoing, and the medical records Milo had found raised more questions than answers. Every new piece of information seemed to lead me toward another dead end. I should have been concentrating on that. Instead, I had caught myself wondering whether Mikaela had already arrived at work, whether her injured fingers had healed, and why the woman seemed capable of filling a room with her endless chatter with







