แชร์

Chapter 5:

ผู้เขียน: Cyrille Shatire29
last update วันที่เผยแพร่: 2026-09-03 19:10:30

VIENNA SOILE ZARIAH

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng maliit na gate ng bahay. Kailangan kong umarte na parang walang nangyari.

Walang kasal.

Walang Eliezer.

Pinahid ko ang natitirang bakas ng luha sa pisngi ko bago ako tuluyang pumasok. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang maramdaman kong sumalubong ang isang malakas na sampal sa aking pisnge.

Napaling ang mukha ko sa lakas niyon. Agad kong naramdaman ang pamumula at paghapdi ng pisngi ko.

Nanatili akong nakayuko.

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Dahil alam ko na kung bakit ko natanggap ang sampal na iyon.

“Saan ka na naman galing?” matalim na tanong ni Tiya Marites.

Nang iangat ko nang bahagya ang tingin ko, nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Nasa likuran niya ang asawa niyang si Tiyo Ramon, pati ang dalawa nilang anak.

Nakatingin sa akin ang pinsan kong si Clarisse na para bang isa akong maruming bagay na biglang pumasok sa bahay nila. Samantalang si Carlo naman ay nakahalukipkip at nakangising tila natutuwa sa nangyayari.

At sa bandang likuran nila ay tahimik na nakatayo si papa.

Nakatingin sa akin, pero wala siyang pakialam.

“Hindi mo man lang naisip na magpaalam?” bulyaw ni Tiya Marites.

“Baka may pinuntahan na namang lalaki, Ma. Kaya umaga na nakauwi," singit ni Clarisse.

Napatingin ako sa kanya. Pero agad ko ring ibinaba ang tingin ko.

Pagod na ako.

Pagod na pagod na ako. Wala na akong lakas upang ipagtanggol pa ang sarili ko—wala rin naman iyong silbi dahil hindi naman nila ako paniniwalaan.

“Tatlong-taon na kitang pinapakain dito, Soile, tapos ganito ang sinusukli mo?” dagdag ni Tiyo Ramon. “Kung gusto mong gumawa ng kung anu-anong kalokohan sa labas, huwag mong idamay ang pangalan ng pamilya namin.”

Napakuyom ako ng kamao.

Kalokohan.

Kung alam lang nila.

Kung alam lang nilang ilang oras pa lamang ang nakalipas ay tuluyan nang nagbago ang buhay ko. Pero mas pinili kong huwag iyong sabihin sa kanila.

“Sumagot ka!” sigaw ni Tiya Marites.

Nanatili akong tahimik.

“Wala ka talagang respeto!”

“Hayaan mo na, Mama,” sambit ni Carlo. “Ganyan naman 'yan. Kapag pinagsasabihan, parang walang naririnig.”

Napapikit ako.

Huminga ako nang malalim... paulit-ulit ko iyong ginawa upang pakalmahin ang sarili ko.

“Alam mo kung bakit ka ganyan?” tanong ni Tiya Marites.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

“Dahil sa nanay mo.”

Nanigas ako.

“Marites,” mahinang saway ni Papa.

Ngunit hindi iyon tunog ng pagtatanggol.

Parang simpleng pagsasabi lamang na huwag lumampas sa linya at muling idamay ang nanay ko.

“Anong Marites?” singhal ng tiyahin ko. “Totoo naman ah?! Kung hindi niya minana sa nanay niya ang pagiging malandi, hindi sana ganito ang anak niya. Ni hindi ka nga sigurado na anak mo talaga ang babaeng 'to, hindi ka tiyak kung sino ang ama nitong si Soile kaya huwag mo akong pigilan!"

Napahigpit ang pagkuyom ko ng kamao.

“Tatlong taon kang may boyfriend,” dagdag niya. “At tingnan mo kung paano ka umuwi ngayon. Sino na naman ang kasama mo?”

Hindi ako sumagot.

“Baka kung kani-kanino ka na naman sumasama.”

“Baka buntis na,” natatawang singit ni Clarisse.

“Tumigil ka na,” sabi ni Papa.

Pero sa huli ay hanggang doon lang ang kaya niya. Ni hindi niya ako kayang tingnan sa paraan na hindi ko makikita sa mga mata ang galit st pandidiri niya sa 'kin.

Wala siyang ginawa para ipagtanggol ako. Hindi niya ako tinanong kung ayos lang ba ako. Hindi niya man lang tiningnan ang pisnging sinampal ng kapatid niya.

Kaya tumahimik na lamang ako.

Hinayaan kong dumaan sa akin ang lahat ng salita nila.

Hanggang sa tuluyan na silang mapagod.

At nang wala nang natitirang sasabihin ang kahit sino sa kanila, tahimik akong naglakad paakyat.

Hindi ko na sila tiningnan.

Hindi ko na pinakinggan ang mga bulungan nila.

Gusto ko lang makita si Mama.

Ngunit napahinto rin ako sa paghakbang nang mamataan ko siya sa kwarto ng tiyahin at tiyuhin ko. At parang sinaksak ang puso ko nang makita kong kunukuskos niya ang sahig ng kwarto nila. Maya-maya pa ay tumayo siya at kumuha ng panibagong basahan para punasan ang maliit na lamesa.

May ilang damit na nakakalat sa kama at mga gamit na hindi naman sa kanya.

“Mama…”

Napalingon siya sa akin.

At gaya ng dati ay ngumiti lang siya na para bang wala lang ang lahat ng 'to sa kanya.

“Anak.”

Isang salita.

Isang ngiti.

Pero sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, lalo lamang sumakit ang dibdib ko.

“Mama, bakit nandito ka?”

“Nililinis ko lang ang kwarto nila,” masayang sagot niya. “Ang dami kasing gamit na nagkalat dito.”

Lumapit ako sa kanya.

“Hayaan mo na 'yan. Tama na ang paglilinis dahil hindi mo naman iyan gamit," pigil ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya.

“Ha?”

“Tumigil ka na sa paglilinis.”

Bahagya siyang natawa.

“Sandali na lang naman, anak.”

“Mama.”

Huminto siya at tumingin sa akin.

“Bakit ngayon ka lang umuwi?”

Hindi ako sumagot.

Tinitigan niya ako nang ilang segundo.

“Galing ka ba kina Mira?" tanong niya ulit.

Muli akong nanahimik.

“May pinuntahan ka?”

Hindi ko pa rin siya sinagot.

Sa halip ay tumingin ako sa paligid.

Sa mga gamit na hindi naman kanya.

Sa mga damit na hindi naman kanya.

Sa kwartong ilang beses na niyang nilinis kahit wala naman siyang obligasyon.

“Mama…”

“Hm?”

“Tumigil ka na.”

“Okay lang, anak.”

“Hindi okay, itong ginagawa mo.

Bahagya siyang natigilan pero nakakaasar lang dahil ngumingiti pa rin siya na para bang maayos lang ang lahat.

“Sandali na lang talaga. Tatapusin ko nalang ito. Nakakahiya naman kasi sa yiyahainiat tiyuhin mo kung hindi ako kikilos sa mga gawain dito sa bahay," aniya.

Napapikit ako.

“Mama, bakit kailangan mong gawin 'to?”

“Wala lang naman. Tumulong lang ako.”

“Tumulong?”

Tumango siya.

“Oo.”

Napatawa ako nang mahina.

“Hindi mo kailangang gawin 'to."

“Anak—”

“Hindi mo kailangang linisin ang kalat nila.”

“Maliit na bagay lang naman—”

“Hindi," mas lumakas ang boses ko.

Napatingin siya sa akin. At doon ko naramdaman ang lahat ng sakit na pilit kong kinikimkim mula pa kanina.

“Hindi ito maliit na bagay lang, Mama.”

Ibinaba niya ang hawak niyang basahan.

“Anak…”

“Bakit ba lagi mo 'tong ginagawa? Bakit ba hinahayaan mo silang bastusin ka nang ganito?!"

Hindi siya sumagot.

“Bakit lagi mong nililinis ang kalat nila?”

“Hindi naman ako nahihirapan.”

“Pero bakit nga?! Di ko kasi maintindihan kung bakit parang ayos lang sa 'yo na tina-trato ka nilang ganito? Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin at tinatanggap lahat ng masasakit na salitang binabato nila sa 'yo?"

Napailing ako.

“Bakit kailangan mong maglinis ng kalat ng mga taong araw-araw tayong minamaliit?”

“Hindi naman sila masama—”

“Hindi masama? Eh anong tawag mo sa kanila? Mga anghel? Mga mabubuting tao? Tingin mo ay mabuti pa rin sila sa kabila ng ginagawa nila sa 'tin?!"

“Kanina lang ay sinampal ako ni Tiya Marites pagpasok ko.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“May ginawa ka ba na ikinagalit nila---"

"Mama!" bulyaw ko at natahimik siya. "Sinampal nila ako tapos itatanong mo sa 'kin kung may ginawa ako na ikinagalit nila? Hindi mo ba talaga ako kayang ipaglaban mula sa pagmamal-trato nila?"

"Sinabi nila na nagmana ako sa'yo, na malandi la at posibleng hindi ako anak ni papa—na anak mo ako sa ibang lalaki," gumaralgal ang boses ko.

Unti unting kumawala ang mahinang hikbi sa aking labi. At nang sinubukan niya akong hawakan ay umatras ako at lumayo sa kanya.

"Hindi ako kayang ipagtanggol ni papa. Wala siyang pakialam sa t'wing pinagsasalitaan nila ako ng masama. At sa tingin ko ay sapat na dahilan na iyon para malaman ko na hindi niya nga ako tunay na anak--"

"Soile...hindi sa gano'n. Anak ka ng papa mo. Nahihiya lang ako sa kanila kaya ginagawa ko ito. Wala na akong ibang mapupuntahan kaya tinitiis ko ang lahat. Gusto kong magkaroon ka nang magandang buhay kaya nagtitiis ako para sa'yo," pangungumbinsi nito, pero umiling ako. Hindi ko iyon kayang paniwalaan.

"Hindi ko kailangan pagtiisan mo ito lahat, Ma. Hindi ko kayang panooring araw-araw na ginaganito ka nila. At mas pipiliin ko pa na tumira sa ilalim ng tulay kasama ka, kaysa manatili rito at patuloy nila tayong inaalila."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 12:

    VIENNA SOILE ZARIAH Masakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa sipa ni Tito kanina. Masakit din ang pisngi ko dahil sa mga sampal ni Tita. Pero mas masakit pa rin iyong katotohanang wala na ang ipon ko. Kaya ko pa sigurong tanggapin at tiisin ang sakit ng katawan ko. Kaysa sa paulit-ulit na maisip na wala na ang perang pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan. “Hoy…” mabilis kong inangat ang aking tingin pagkarinig ko ng boses ni Mira. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya. "Kung malapit lang talaga dito ang bahay ng tiyahin mo, naku...baka pagbubusalan ko sila ng bibig. Lalo na iyong pinsan mo na mabaho ang kili-kili, pero feeling maganda pa rin," nanggigigil niyang sambit. Maya-maya pa ay inilapat niya sa pisnge ko ang isang telang bumabalot sa yelo. Nang maramdaman ko iyon sa pisnge ko ay napaigik ako sa sakit. "Pati 'yong tatay mo. Kahit kailan walang ginawang tama. Bakit pa k

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 11:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOSAI had barely stepped inside my house when one of my men approached me. He was standing near the living room, his expression unusually serious.Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.“Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?” tanong ko sabay umupo sa single sofa.He straightened.“Sir…”I stopped walking.“What is it, Milo?" He hesitated for a second before finally speaking.“Umalis po si Ma’am Soile sa bahay ng tiyahin at tiyuhin niya." I froze.My eyebrows immediately furrowed.“She left?”I repeated the words as if I needed to make sure that I had heard him correctly.“Yes, Sir. In exact words—naglayas po siya. Nakita ko siyang may dala-dalang malaking bagahe." My jaw tightened.“When?”“Two hours ago, Sir." Aniya."Dalawang oras na pala, pero hindi mo sinabi kaagad sa 'kin?" seryoso kong saad at muli siyang napalunok."I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo agad nabalitaan dahil nasa meeting pa po kayo. At inaalam ko rin po muna kung ano ang eksaktong n

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 10:

    VIENNA SOILE ZARIAH“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi.”Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak. “Umalis ka nga sa harapan ko!!!" Hinila ko pa rin ang alkansya.“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”“Ang kulit mo!”Bigla akong itinulak ni Tito.Napaatras ako. Pero bago pa man ako tuluyang makabawi, naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tagiliran ko.“Ahh!”Napasinghap ako.Agad kong napahawak ang magkabilang kamay ko sa tiyan ko nang bumagsak ako sa sahig.Nanlalabo ang paningin ko. Para bang biglang nawala ang lakas sa buong katawan ko.Napakuyom ako habang pilit na humihinga.“Gusto mo pang kunin?”Narinig ko ang boses ni Tita Marites.Pero hindi ko na siya matingnan.Nakakapit lang ako sa tiyan ko habang naka

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 9:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko lang sanang dumiretso sa kwarto. Pagod na ako. Mentally. Emotionally. Physically. At higit sa lahat, gusto ko munang mapag-isa. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Dahil pagpasok ko pa lang sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Tita Marites. “Finally.” Napahinto ako. Nasa sala siya kasama sina Clarisse at Carlo. Pareho silang nakatingin sa akin. At base sa mga mukha nila, alam kong may panibagong problema na naman. “Bakit po?” tanong ko habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. Tumayo si Tita Marites. “May pera ka ba?” Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Pera,” ulit niya. “May pera ka ba?” “Bakit?” “Dahil kailangan namin. Kaya ibigay mona sa 'kin kung meron," walanghiyang sambit nito, na para bang nagta-trabaho ako para bigyan sila ng pera. Parang obligasyon kong ibigay sa kanila ang kinikita ko. Kahit na halos sobra-sobra na ang ibinigay namin ni Mama sa kanila para rito sa bahay. Napabunto

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 8:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV “Girl, may sasabihin ka pa ba?” Napatingin ako kay Mira. “Huh?” “Kanina ka pa parang may iniisip.” Napangiti ako nang pilit. “Wala lang 'yon. Iniisip ko lang kung papaano ulit ako makikipag-usap mamaya sa mga tao sa bahay pag-uwi ko," pagsisinungaling ko. “Talaga?" may pagdududa pa rin niyang tanong. Tumango ako lang ako bilang sagot. At mabuti na lamang ay hindi na niya ako kunulit pa. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hi, Mira. May asawa na ako. Ano 'yon? Baka himatayin siya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. At habang iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kasal namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako rito. May bagong message. At nang bumukas ang screen, mabilis na napasilip si Mira. Hindi niya nabasa ang message, dahil hindi naman pa naman iyon nabuksan. Pero nakita niya ang pangalan ng nagpadala. "Delivery

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 7:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOZA'S POV “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka lumipat dito sa university namin." Napatingin ako kay Professor Adrian habang nakasandal siya sa gilid ng mesa ko. Nasa faculty lounge kami, kasama ang ilan pang professors. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat—may nagbabasa ng papers, may nagkakape, habang ang iba naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan. At ako? Tahimik lang na umiinom ng kape sa mesa ko. “Oo nga no.” Sumingit si Professor Helena mula sa kabilang mesa. “You were already teaching at a private university, right?” Tumango ako. “I was.” “Then why transfer here? Balita ko ay maganda naman daw doon," dagdag niya. Napatingin sa akin ang ilan. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong. Pero hindi ko rin maaaring sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko maaaring sabihin na may isang partikular na estudyante sa university na ito ay asawa ko. At lalong hindi ko maaaring sabihin na ang estudyanteng iyon ay si Vienna Soile Zariah. “Gusto k

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status