Share

Chapter 3: Wedding

last update publish date: 2026-09-02 17:13:09

VIENNA SOILE ZARIAH

Mabigat.

Iyon ang unang bagay na naramdaman ko.

Mabigat ang ulo ko.

Mabigat ang katawan ko.

At parang may kung anong dumadagundong sa loob ng bungo ko.

“Argh…” napangiwi ako habang bahagyang gumagalaw.

Ayaw kong imulat ang mga mata ko.

Gusto ko lang matulog.

Gusto kong bumalik sa panaginip na hindi ko na kailangang maalala ang nangyari kagabi. Pero may kung anong kakaiba.

Hindi pamilyar ang amoy ng paligid.

Hindi rin pamilyar ang pakiramdam ng kama na hinihigaan ko.

Masyadong malambot.

Masyadong malaki.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Malabo pa ang aking paningin.

Tinitigan ko ang kisame.

Hindi ko iyon kilala.

Napakunot ang noo ko.

“Nasaan ako…?” halos hindi ko marinig ang sarili kong boses sa sobrang hina niyon.

Dahan-dahan akong bumangon. At doon ko napansin ang kumot na nakatakip sa katawan ko.

Sandali akong natigilan.

May kung anong hindi magandang pakiramdam ang gumapang sa aking dibdib.

Napahawak ako sa kumot.

Dahan-dahan ko iyong hinila paitaas, hanggang sa halos balutin nito ang buong katawan ko.

“Wait…" mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Hindi maaari.

Bahagya kong ibinaba ang tingin ko sa ilalim ng kumot.

At nanlaki ang mga mata ko.

Wala.

Wala akong kahit isang saplot.

“OH, MY GOD!”

Napakapit ako nang mahigpit sa kumot.

Halos mapunit ko iyon sa lakas ng pagkakahawak ko.

“Ano’ng—”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may naramdaman akong pagkilos sa kaliwang bahagi ko. Sunod-sunod ang aking naging paglunok bago unti-unting lumingon sa direksyong iyon.

"Oh my..." napatakip ako sa aking bibig nang bumungad sa akin napaka-gwapong mukha ng isang lalaki.

Hindi lang basta kung kaninong mukha—kundi ang mukha ni Eliezer Laurent Zaragoza, ang crush ko.

"Anong ginawa ko?!!!" malakas na boses sa loob ng utak ko, para akong naging tuod at hindi makakilos sa labis na pagkagulat. At habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay muling bumalik ang mga alaala nang ginawa ko kagabi.

"That's not how you talk to strangers, Kid..."

"Hindi na ako bata...baka kapag hinalikan kita ay manghina ka at bumigay ka sa 'kin?"

At hinalikan ko nga talaga siya.

"Dios ko," muling sambit ko at gusto ko na lamang pagsasampalin ang sarili ko.

Hindi ko alam na magagawa ko iyon. Gusto ko lang maging-tipsy, pero hindi ko in-expect na may twist pa talagang magaganap.

Nalasing nga ako tapos na-bemb*ng pa...y*wa!

Makalipas ang ilang minuto paninitig sa kanyang mukha ay natauhan ako. Maingat akong bumaba sa kama, isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at dali-dali iyong isinuot.

Hindi na ako nag-abalang ayusan ang buhok ko at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. Ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ng mundo ko ng sumalubong sa akin ang isang babaeng may edad na.

Tinitigan niya ako nang husto, at pagkatapos ng ilang segundo ay lumipat ang tingin niya sa pintuang nilabasan ko.

Napalunok ako at kasabay niyon ang muling paggapang nang matinding kaba sa dibdib ko.

"M-Ma'am...s-sorry po. Hindi ko po sinasadya! Lasing po ako kagabi at hindi ko po alam ang ginagawa ko---"

"Tapos niyo na bang gawin ang apo ko?"

"PO?!" hindi ko napigilan ang kusang pagtaas ng boses ko sa gulat.

Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit iyon pa ang naitanong niya matapos niya akong makitang lumabas sa kwarto ni sir Eliezer.

"May nabuo na ba?" muling tanong niya at halos mapatalon ako sa bigla niyang paglapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at kitang-kita ko ang pagningning ng kanyang mga mata.

Sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko mula sa kanya, pero humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa akin.

"H-Hindi ko po kayo naiintindihan," sambit ko at mapaklang natawa para kahit paano ay mabawasan ang kaba at kaguluhang naghahari sa utak ko.

"Magkakaapo na ba ako? May nabuo na ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Akmang sasagot na ako nang muli siyang magsalita na siyang tuluyan na ikinalaglag ng aking panga.

"Magpapakasal kayo ngayon din! May kakausapin akong mayor at magpapakasal kayong dalawa," excited niyang saad at tsaka niya lang binitawan ang kamay ko.

Nabitawan ko ang hawak ko at sinundan ko siya, pero hindi ko iyon naituloy nang may malakas na pwersang humatak sa aking baywang...at napaatras ako.

"Let her. May nangyari na sa ating dalawa kaya kailangan nating magpakasal," baritong boses ni sir Eliezer ang umalingawngaw sa pandinig ko.

Mula sa harapan ay unti-unti akong bumaling sa kanya. At halos nanghina ulit ang tuhod ko ng makita ko ang napakagwapo niyang mukha.

"You could stare at my face for as long as you want. At mas masusulit mo pa iyan sa oras na naging mag-asawa na tayong dalawa."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charity @30
Grabe...apo talaga agad, Mother? bilis naman kung ganun
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 12:

    VIENNA SOILE ZARIAH Masakit pa rin ang tagiliran ko dahil sa sipa ni Tito kanina. Masakit din ang pisngi ko dahil sa mga sampal ni Tita. Pero mas masakit pa rin iyong katotohanang wala na ang ipon ko. Kaya ko pa sigurong tanggapin at tiisin ang sakit ng katawan ko. Kaysa sa paulit-ulit na maisip na wala na ang perang pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan. “Hoy…” mabilis kong inangat ang aking tingin pagkarinig ko ng boses ni Mira. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya. "Kung malapit lang talaga dito ang bahay ng tiyahin mo, naku...baka pagbubusalan ko sila ng bibig. Lalo na iyong pinsan mo na mabaho ang kili-kili, pero feeling maganda pa rin," nanggigigil niyang sambit. Maya-maya pa ay inilapat niya sa pisnge ko ang isang telang bumabalot sa yelo. Nang maramdaman ko iyon sa pisnge ko ay napaigik ako sa sakit. "Pati 'yong tatay mo. Kahit kailan walang ginawang tama. Bakit pa k

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 11:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOSAI had barely stepped inside my house when one of my men approached me. He was standing near the living room, his expression unusually serious.Kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon.“Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?” tanong ko sabay umupo sa single sofa.He straightened.“Sir…”I stopped walking.“What is it, Milo?" He hesitated for a second before finally speaking.“Umalis po si Ma’am Soile sa bahay ng tiyahin at tiyuhin niya." I froze.My eyebrows immediately furrowed.“She left?”I repeated the words as if I needed to make sure that I had heard him correctly.“Yes, Sir. In exact words—naglayas po siya. Nakita ko siyang may dala-dalang malaking bagahe." My jaw tightened.“When?”“Two hours ago, Sir." Aniya."Dalawang oras na pala, pero hindi mo sinabi kaagad sa 'kin?" seryoso kong saad at muli siyang napalunok."I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo agad nabalitaan dahil nasa meeting pa po kayo. At inaalam ko rin po muna kung ano ang eksaktong n

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 10:

    VIENNA SOILE ZARIAH“Pera mo? Mali ka. Amin na ’to. Aalis ka na, ’di ba?”Nanlaki ang mga mata ko.“Hindi.”Agad akong bumangon mula sa sahig kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Lumapit ako kay Tita Marites at sinubukan kong kunin sa kanya ang alkansya ko.“Please… ibalik niyo ang pera ko," umiiyak kong saad at nagsimula ng lumabo ang paningin ko dahil sa pag-iyak. “Umalis ka nga sa harapan ko!!!" Hinila ko pa rin ang alkansya.“Please, Tita. Kailangan ko ’yan.”“Ang kulit mo!”Bigla akong itinulak ni Tito.Napaatras ako. Pero bago pa man ako tuluyang makabawi, naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tagiliran ko.“Ahh!”Napasinghap ako.Agad kong napahawak ang magkabilang kamay ko sa tiyan ko nang bumagsak ako sa sahig.Nanlalabo ang paningin ko. Para bang biglang nawala ang lakas sa buong katawan ko.Napakuyom ako habang pilit na humihinga.“Gusto mo pang kunin?”Narinig ko ang boses ni Tita Marites.Pero hindi ko na siya matingnan.Nakakapit lang ako sa tiyan ko habang naka

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 9:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV Pag-uwi ko sa bahay, gusto ko lang sanang dumiretso sa kwarto. Pagod na ako. Mentally. Emotionally. Physically. At higit sa lahat, gusto ko munang mapag-isa. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Dahil pagpasok ko pa lang sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Tita Marites. “Finally.” Napahinto ako. Nasa sala siya kasama sina Clarisse at Carlo. Pareho silang nakatingin sa akin. At base sa mga mukha nila, alam kong may panibagong problema na naman. “Bakit po?” tanong ko habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. Tumayo si Tita Marites. “May pera ka ba?” Napakunot ang noo ko. “Ha?” “Pera,” ulit niya. “May pera ka ba?” “Bakit?” “Dahil kailangan namin. Kaya ibigay mona sa 'kin kung meron," walanghiyang sambit nito, na para bang nagta-trabaho ako para bigyan sila ng pera. Parang obligasyon kong ibigay sa kanila ang kinikita ko. Kahit na halos sobra-sobra na ang ibinigay namin ni Mama sa kanila para rito sa bahay. Napabunto

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 8:

    VIENNA SOILE ZARIAH'S POV “Girl, may sasabihin ka pa ba?” Napatingin ako kay Mira. “Huh?” “Kanina ka pa parang may iniisip.” Napangiti ako nang pilit. “Wala lang 'yon. Iniisip ko lang kung papaano ulit ako makikipag-usap mamaya sa mga tao sa bahay pag-uwi ko," pagsisinungaling ko. “Talaga?" may pagdududa pa rin niyang tanong. Tumango ako lang ako bilang sagot. At mabuti na lamang ay hindi na niya ako kunulit pa. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang tungkol kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hi, Mira. May asawa na ako. Ano 'yon? Baka himatayin siya bago pa man ako matapos sa sasabihin ko. At habang iniisip ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa kasal namin, biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Napatingin ako rito. May bagong message. At nang bumukas ang screen, mabilis na napasilip si Mira. Hindi niya nabasa ang message, dahil hindi naman pa naman iyon nabuksan. Pero nakita niya ang pangalan ng nagpadala. "Delivery

  • Kahit Isang Gabi Lang, Mr. Zaragosa    Chapter 7:

    ELIEZER LAURENT ZARAGOZA'S POV “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka lumipat dito sa university namin." Napatingin ako kay Professor Adrian habang nakasandal siya sa gilid ng mesa ko. Nasa faculty lounge kami, kasama ang ilan pang professors. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat—may nagbabasa ng papers, may nagkakape, habang ang iba naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan. At ako? Tahimik lang na umiinom ng kape sa mesa ko. “Oo nga no.” Sumingit si Professor Helena mula sa kabilang mesa. “You were already teaching at a private university, right?” Tumango ako. “I was.” “Then why transfer here? Balita ko ay maganda naman daw doon," dagdag niya. Napatingin sa akin ang ilan. Hindi naman mahirap sagutin ang tanong. Pero hindi ko rin maaaring sabihin ang tunay na dahilan. Hindi ko maaaring sabihin na may isang partikular na estudyante sa university na ito ay asawa ko. At lalong hindi ko maaaring sabihin na ang estudyanteng iyon ay si Vienna Soile Zariah. “Gusto k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status