LOGINAleron POV
Carbonara at graham?
Napangiti ako sa hinanda niyang merienda. Ibig sabihin, kapag magkakasama kami nila Jason at Guison ay napapakinggan niya kami. Kasi, madalas kong banggitin iyon sa kanila.
Ganito pala siya ka-sweet. Wait, sweet na ba kapag ganito, alam niya ‘yung mga gustong-gusto ko. Hindi naman siguro siya magtatanong sa mga kaibigan ko kasi mahuhuli nila kami.
“Thank you, alam mo na agad ang mga favorite kong pagkain,” sabi ko sa kaniya nung maupo na ako sa hapagkainan.
“Sandali, gusto mo ba ng juice o coffee?” alok niya.
“Ano sa tingin mo ang gusto ko?” tanong ko naman sa kaniya. Nang sa ganoon, dumami na rin ang alam niya sa akin.
“Kape, mas masarap siyang partner sa carbonara at graham,” sagot niya, kaya napangiti ako bigla.
“I love you na, Ralia,” mabilis kong sabi, kaya napalingon siya bigla sa akin.
“Ganiyan ka pala kabaliw,” sabi niya habang pinipilit na huwag matawa o kiligin, pero halata sa mukha na natuwa siya. Nag-uumpisa na ako, ganito naman dapat ang ginagawa ng mga naglalandian.
“Ralia, secret lang natin ‘yung allergy ko, ha. Ikaw lang ang nakakaalam pa niyan,” paalala ko sa kaniya. “Huwag mo sanang ipagsabi, lalo na sa ibang babae at baka magkaroon ka pa ng kaagaw sa akin,” dagdag ko pa, kaya doon na siya humagalpak ng tawa.
“Alam mo, kapag ganiyan ka, palagi na kitang i-imbitahin dito sa bahay. Palagi mo akong napapatawa,” nahihiya pa niyang sabi habang nagtitimpla pa rin ng kape ko.
“Na para bang hindi malabong ma-inlove ka sa akin?” tanong ko pa. Lalo siyang humagalpak ng tawa.
“Kailangan bang magkahulugan tayo kahit alam mong may asawa na ako?”
Napangiti ako bigla nung itanong niya ‘yon. Tumayo tuloy ako sa pagkakaupo para lapitan siya. Tinitigan ko siya, nakipagtitigan naman din siya. Nakita kong naiilang pa siya at nahihiya, pero lumaban din siya ng titig sa akin. Hinawakan ko ang baywang niya at saka para ilapit siya sa akin.
“Mas may thrill kapag may gusto tayo sa isa’t isa,” sagot ko sa kaniya habang nakikipagtitigan pa rin sa kaniya. Alam kong dama na niya ang hininga ko dahil sobrang lapit na namin.
“Kahit may asawa na ako, magugustuhan mo rin ba ako?” tanong niya. Tumatapang na rin siya, kaya natutuwa ako. Palagay ko, masaya ang mga mangyayari pa sa ginagawa naming ito.
“Kahit pa asawa ka na ng bestfriend ko, gusto kita, dati na, ramdam mo naman ‘di ba?”
Bigla niya akong tinulak. “Lalamig ang kape,” sabi niya, sabay dampot sa tasa at saka dinala sa lamesa. “Tara na, kumain ka na, lalamig din ang carbonara, hindi ‘yan masarap kapag malamig na,” dagdag pa niya.
Sumunod ako at naupo na rin. “Kapag masarap ang luto mo ng carbonara, pagbibigyan kita ng halik ngayong araw,” sabi ko, para tuloy-tuloy ang pakikipaglandian ko sa kaniya.
“Wow, parang uhaw na uhaw ako sa halik mo ah,” nakangisi niyang sagot habang sumasandok na ng carbonara para ilagay sa plato ko. Kahit mukhang nagsusungit siya, patuloy pa rin niya akong pinagsisilbihan, na para bang handa na rin talaga siyang palitan ang asawa niya. Gusto ko ‘yung mga pinapakita niyang kilos sa akin.
“Seryoso, kapag nasarapan ako dito, kahit magdamag tayong maglaplapan, game ako,” pag-uulit ko.
“Ganiyan ka pala talaga kalandi. Sabagay, sa mga tingin mo palang sa akin dati, alam kong may tinatago ka nang landi. Umiiwas lang ako noon dahil ayokong magkaroon kami ng problema ni Guison.” Ibig sabihin, ramdam na rin pala niya ako dati pa. Sabi na e, umiiwas lang siya, pero tama din ang hinala ko, na balang-araw, makukuha ko rin ang atensyon niya. Ngayong may problema na sila ni Guison, heto at abot-kamay ko na ang babaeng dati ko nang gustong matikman.
“Hindi ako malandi. Hindi rin ako basta-basta pumapatol kung kani-kanino,” pag-aamin ko sa kaniya habang tinitikman ko na ang luto niyang carbonara.
“Kung ganoon, bakit napapayag agad kita nung gabing ‘yon?” tanong niya, habang nilalagyan naman ng slice ng graham ang platito ko.
“Kasi nga, dati na kitang gusto. Umaarte ka palang sa tv noon, pinagjajakulạn na kita, Ralia,”pag-aamin ko ulit, kaya masamid-samid tuloy siya sa narinig niya sa akin.
“Alam mo, minsan, hindi ko alam kung seryoso ba ‘yang mga sinasabi mo o puro ka lang joke,” iritado niyang sabi at saka nilapit sa akin ang graham ko.
“Lahat ng aking sinasabi ay totoo. Totoo rin na dati na kitang crush. At inaamin ko rin, inggit na inggit ako kay Guison noon nung makuha niya ang puso mo. Inaamin ko rin na ngayon ko lang nasubukang makipaglandian sa taong may asawa na. Ikaw na ‘yan e, Ralia ‘yan, dati ko nang gusto, kaya handa akong gawin ang lahat para mapasaya ka.”
Masyado ata akong naging madaldal. Halos lahat ay inamin ko na. Na para bang lalo ko lang ginugulo ang problema nilang mag-asawa. Ganito ko siya kagusto. At handa rin akong masira ang pakikipagkaibigan namin ni Guison kung mananatili naman sa tabi ko si Ralia.
“Nagugulantang na lang ako sa mga naririnig ko sa ‘yo. Pero, salamat, Aleron kung ganiyan mo pala ako kagusto noon pa man. Mabuti na lang pala at tama ako ng lalaking nilapitan. Na kahit alam mong may asawa na ako, papatol ka pa rin sa akin. Na kahit na alam mong si Guison ang nakauna sa akin, papatulan mo pa rin ako. Salamat, Aleron, salamat talaga.”
Tumayo ako at binitawan ang spoon. Lumapit ako sa kaniya kaya namilog ang mga mata niya. “Bakit?” tanong niya habang titig na titig na naman sa akin.
“Hindi ba’t sinabi kong kapag masarap ang luto mo ng carbonara ay hahalikan kita?”
“M-masarap ba?” tanong niya. Hindi na ako sumagot, nilapat ko na lang ang labi ko sa labi niya.
Akala ko mag-iinarte pa siya pero siya pa itong pumikit ang mga mata para damhin ang masarap na halik na ihahandog ko sa kaniya. At doon ko na natikman ang matagal na halik na gustong-gusto ko nang gawin sa kaniya noon pa man.
Tinupad ko ang sinabi ko kanina na lalaplapin ko siya kapag nasarapan ako sa luto niya. Totoo naman kasing masarap, kaya laplap siya sa akin ngayon. Heto at malunod-lunod agad sa mga halik ko. Patikim palang ito, marami pa akong gustong gawin. Ipapa-realize ko sa kaniya na mas masarap at mas magaling ako sa asawa niya. Para balang-araw, sa akin na siya uuwi at hindi na rito sa bahay nila.
Aleron POVNakita ko ang post ni Guison sa social media. Medyo nalungkot at naiinggit ako sa mga picture na na-post niya. Ang sayang tignan ni Ralia, o baka um-acting lang siya. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo. Alam kong actress si Ralia, kaya hindi ko mahulaan kung totoo bang masaya siya o acting lang niya ‘yon.Pero, nakakagulat makita na nasa fine dining restaurant silang dalawa. Tila sinosobrahan na rin ni Guison ang pag-e-effort para makuhang muli ang loob ng Ralia ko.Kung kagabi, ako ang masaya at si Guison ang parang miserable ang buhay, ngayon ay parang ako naman ang hindi mapakali. Hindi ako natutuwa sa nangyayari sa kanila. Si Ralia kasi ay sobrang lambot ng puso. Pakitaan mo lang ng mga magagandang asal, pakiligin at iparamdam na mahal na mahal mo siya, makakalimutan na niya agad ang mga pangit na nangyari sa nakaraan niya.Tang-ina kasi nitong si Guison, malakas ang kutob ko na may ibang plano na naman siya. Na para bang lahat ng babae, gusto na lang niyang pe
Ralia POVHindi ako handa sa araw na ‘to.Pagmulat ko pa lang ng mata, nagulat ako kasi hindi pumasok sa work si Guison. Karaniwan, wala na siya roon bago pa ako magising. Lagi siyang maagang umaalis para pumasok sa trabaho, laging may hinahabol na hindi natapos na work sa office, at laging akala mo ay mapapagalitan ng boss kapag na-late ng pasok sa work.Pero ngayong umaga, nandito pa rin siya sa tabi ko.Nakapulupot ang isang braso niya sa baywang ko, mabigat nga kasi tulog na tulog pa, mainit ang katawan, na parang wala na siyang pake sa trabaho niya at gusto na lang akong makasama sa bahay buong maghapon.“Hindi ka ba papasok, honey?” tanong ko sa kaniya habang paos pa ang boses ko.Umungol siya at ngumiti lang sa akin na parang good mood lang. “Hindi. I’ll take the day off.”Napalingon ako sa kaniya. “May sakit ka ba?”Umiling ulit siya. “Hindi. Gusto lang kitang ilabas ngayong araw, iyon ang plano ko, today.”Doon ako tuluyang nagising.Hindi niya ako nilalabas at ‘yung huli ay
Ralia POV“Aleron?! Talaga ba, Ralia? Kay Aleron ka matutulog ngayong gabi dahil iniiwasan mo ako?!”Lalong lumakas ang boses niya. Lalo na siyang nagalit. “Tangina, si Aleron ba ay nagugustuhan mo na? Naglalandian na ba kayo? Sa dinami-rami ng pagtutulugan mo, siya pa talaga ang naisip mo. Ang taong pinagseselosan ko pa. Talaga ngang ginagalit mo na rin ako, Ralia. Ito na ba ang ganti mo sa akin ngayon, ha?!”Humagulgol bigla si Guison. ‘Yung iyak na parang batang inagawan ng lollipop. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan. Napaupo pa siya sa sahig ng pinto habang walang saplot. Grabe ang iyak niya ngayon. Pati ako ay parang nahawa at tuluyan nang naawa sa kaniya.“Sinasaktan mo na talaga ako, Ralia. Ang sakit-sakit na talaga. Sobrang sakit na, grabe ka gumanti. Grabe ka manakit. Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ko gusto ng ganito. Lalaki ako, hindi dapat ako umiiyak, pero ang sakit-sakit na rin talaga.”Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hanggang sa umupo ako sa tabi niya at puna
Ralia POVAlas diyes na ng gabi nung makauwi ako sa bahay namin ni Guison. Pagdating ko doon, lasing na lasing si Guison. Umiinom pa rin ito sa dining table.Lumapit ako sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya.“Sorry, na-late ako. May importante lang na nilakad. Hindi ko rin hawak ang phone ko maghapon dahil sa sobrang busy,” agad kong paliwanag sa kaniya.Ngumiti siya bigla. “Salamat at dumating ka pa rin. Tignan mo oh, hindi ko ginalaw ang nasa lamesa para makita mong nag-effort ako sa dinner natin ngayon.”Utal-utal na siya. Sinubukan pa niyang tumayo, pero muntik nang mabuwal. Mabuti at nakahawak pa rin siya sa lamesa. “Gusto mo bang ipainit ko ang mga pagkain. Kumain tayo, hindi pa rin ako nagdi-dinner kasi hinihintay talaga kita?”Umiling ako. Busog na busog na rin kasi ako. “Hindi naman siguro masisira ang mga pagkain na ‘yan. Lagay na lang natin sa fridge. Nakakain na rin kasi ako sa condo ni Felicity. Sobrang dami kong nakain, hindi ko na kayang kumain pa,” sagot ko sa kaniya
Aleron POVGalit na galit si Guison habang sinusuyod ang lahat ng parte ng condo ko. Lahat ay pinuntahan niya, kuwarto, banyo, closet room at pati mga kabinet at ilalim ng kama. Tahimik lang siya, hindi nagsasalita, pero malinaw na hinahanap niya talaga si Ralia.“Oh, ano, sasagot ka na ba sa akin? Anong ginagawa mo at tila may hinahanap ka?” tanong ko sa kaniya nung maupo na lang siya sa sofa sa sala. Hiningal siya sa paghahanap.“Si Ralia, hindi sumasagot sa akin. May dinner kasi kami sa bahay. Akala ko ay magkasama kayo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa asawa kong ‘yun. Bigla na lang naging ganoon. Nagkapalit kami ng sitwasyon. Kung kailan nagseseryoso na ako sa kaniya ulit, siya naman itong parang ang cold at walang pake sa kaniya. Hindi ko rin maiwasang isiping baka nagloloko na siya ngayon.” Nung marinig ko ‘yun, kinabahan ako. Ibig sabihin ay nagbabalik-loob na talaga siya kay Ralia?Naalala ko, last message niya sa akin, sinabi niyang kalimutan ko na raw siya bilang kaib
Ralia POVHabang panay ang ring ng phone ko, nakaibabaw ako sa katawan ni Aleron na wala nang saplot. Nilulunod na naman niya ako sa masarap niyang halik. Sa tingin ko, kumain ng spicy food si Aleron, kaya siya ganito kalala sa kama. Ramdam ko ‘yung nakatayo niyang titë sa likuran ng puwët ko. Halikan pa lang ang nagaganap, galit na agad iyon.Napakasarap humalik ni Aleron. Ito rin talaga ‘yung ayokong madaliin. Gusto kong namnamin ang bawat laway na galing sa kaniya, bawat lambot ng labi niya at bawat amoy ng hininga niyang nakakagigil lalo. Naglalaban ang mga dila namin. Sobrang init ng mga hininga namin. Dito pa naman ako madaling manghina. ‘Yung tipong maglalagablab talaga ‘yung pakiramdam ko. Na para akong nalalasing, nawawala sa sarili, lalong lumalaban at lalong magiging bigay-todo.Tumigil lang kami sa paglalaplapan nung tumigil na rin ang pag-ring ng phone ko. Doon ko na binaba ang halik ko sa leeg niya. Sinisipsip ko ‘yon at sinadyang lagyan ng marka habang ang mga kamay ko







