เข้าสู่ระบบIliana POVMatapos ang masayang bakasyon sa China ng halos isang linggo din, balik Pilipinas na ulit kami ni Kuki. Super nag-enjoy ako sa China trip namin, lalo na sa pakikipag-bonding sa Mama at Papa ni Kuki. ‘Yung mga pinsan niya, sobrang saya ring kasama. May isang gabi kasi na nag-movie marathon kami. Nakakatakot pero mas nakakatakot ‘yung salitaan dahil chinese, nakakatawa dahil walang subtitle, sa action na lang din talaga ako tumitingin. Saka, kapag lalabas ‘yung multo, doon lang ako parang matatakot nalang. Pero kahit na ganoon, super nag-enjoy ako sa kanila. Mababait ang pamilya ni Kuki. At gusto ko nga agad bumalik. Soon, pagkatapos ng kasal namin, babalik talaga ako doon.Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong ng mga staff. Kinuha nila ang mga gamit namin ni Kuki. Tahimik ang buong bahay, na-miss ko ito. Dinala ng mga staff ko ang mga gamit namin sa loob, habang kami naman ay dumiretso sa living area kung saan naghihintay na pala ang wedding coordinator.Hindi pa
Iliana POVKinabukasan dito sa China, nagpasya kami ni Kuki na mag-stay lang sa bahay at doon magpahinga o mag-bonding.“Aalis muna kami,” sabi ni Papa Kirr habang inaayos ang cuff ng polo niya. “Isasama ko si Kuki sa business namin. Time na rin siguro para makita niya ulit ang operations.”“Uuwi rin ako agad,” paalam naman ni Kuki, pero bago siya tuluyang lumabas, lumapit muna siya sa akin. “You’ll be okay?” tanong niya ng pabulong.Tinaasan ko siya ng kilay. “Kaya ko ‘to, saka mabait naman ang mama mo.”Ngumiti siya. “I know.”Bago pa siya umalis, hinalikan niya ako ng tatlong beses sa lips.Pag-alis nila, kami na lang ni Mama Karina ang natira rito sa bahay.Nasa sala ako nung magkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit, pero medyo kinabahan ulit ako sa tingin niya.Pero bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano ay bigla na niyang binasag ang katahimikan.“Iliana, Hija,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin, “marunong ka bang magluto?”Napapikit ako sandali. Ito na ba ‘yon
Iliana POVTahimik na ang malaking bahay nila Kuki pagkagising ko ngayong umaga. Wala na ang mga tito, tita, lolo at mga pinsan niya. Nag-uwian na pagkatapos ng welcome party sa akin kagabi.Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Kuki.“May pupuntahan tayo ngayong araw, Iliana,” sabi niya matapos kaming kumain ng almusal. “Favorite place ko iyon.”“Ah, tourist spot?” tanong ko habang excited na agad. Kahapon ko pa gustong gumala talaga. Nang makita ko rin ang ganda ng China.“For sure, matutuwa ka sa pupuntahan natin,” sabi pa niya habang pasakay na kami sa magandang sasakyan ng pamilya niya.“Enjoy kayo,” sabi ni Mama Karina nung kumakaway sa amin.“Salamat po, see you later,” sagot ko habang kumakaway din.Mahaba ang biyahe namin. Hinahayaan ako ni Kuki na magmasid at maging tahimik habang may baon kaming food incase magutom, pero mga chichirya, cookies, chocolate at juice lang. Sabi niya kasi ay may kakainan kaming masarap mamaya. Habang kumakain ng chichirya na parang heal
Iliana POVHindi ko alam kung paano ko i-e-explain ‘yung kaba at excitement na nararamdaman ko habang nasa eroplano kami papuntang China.Isang linggo pa lang kaming nakabalik mula sa sunod-sunod na gala namin sa Pilipinas, sa Baguio, Tagaytay, kung saan-saan pa, tapos ngayon… ito na naman, paalis na naman kami.“Okay ka lang?” tanong ni Kuki, habang nakatingin sa akin at hawak ang kamay ko.Tumango ako, kahit halatang hindi ako mukhang kalmado.“Medyo kinakabahan lang,” pag-aamin ko. “Iba na ‘to, eh, mami-meet ko na rin kasi ang buong pamilya mo.”Ngumiti siya. Binigyan niya ako ng yakap, yakap na pinapakita niya na huwag akong mag-alala dahil magugustuhan nila ako.“They’ll love you,” sabi niya.“Hindi ako sigurado,” sagot ko agad.“They will,” ulit niya na mas sigurado sa sinasabi niya.Huminga ako nang malalim, tapos sumandal sa upuan ko.Sana nga. Nandito na kasi kami sa eroplano. Nasa himpapawid na at patungo na sa China. Kasabay namin siyempre ang mga magulang ni Kuki. Medyo ka
Iliana POVPagbaba galing sa Baguio, naisip na agad naming dumiretsyo sa Tagaytay. Mabuti na lang at maraming baong damit ang parents ni Kuki.“Ready na ba lahat?” tanong ko habang inaayos ang sunglasses ko, nakatayo sa harap ng sasakyan. Maaga kaming umalis para iwas traffic.“Ready,” sagot ni Kuki, na ready na rin. “Driver mode na ako today.”“Good luck,” sabat ni Papa Kirr mula sa likod. “Ayoko ng zigzag na parang roller coaster ah, please lang,” dagdag pa nito.Napatawa ako. Alam ko na agad kung kanino nagmana ng kaka-joke itong si Kuki. Ganoon din kasi ang papa niya. Parang hindi chinese, e, parang Pinoy na rin ang ugali.“Papa,” sabi ni Kuki, “Tagaytay na po ang pupuntahan, hindi po tayo tutuloy sa Sagada.”“Still,” sagot niya, “I expect smooth.”Si Mama Karina naman, nakangiti lang habang inaayos ang buhok niya. “Excited ako. Sabi ninyo maganda daw ang view doon ‘di ba?”“Hindi lang maganda,” sagot ko. “Breathtaking po talaga.”“Sige, game, tara na at hindi na ako makapaghintay
Iliana POVFirst time nilang pareho sa Baguio. Ako, parang first time ko rin, kasi sobrang tagal na rin nung huling umakyat ako rito.“Ang lamig!” unang reklamo, pero halatang tuwang-tuwa na wika ni Mama Karina habang kakababa pa lang namin ng van. Mahigpit niyang hinila ang shawl niya palapit sa katawan, pero ang ngiti niya abot tenga agad. Halatang na-amaze agad siya sa lugar.“Ganito ba talaga dito?” tanong niya, paikot-ikot ang tingin sa paligid, parang batang unang beses nakakita ng theme park.Napangiti ako. “Opo, Mama Karina. Kaya nga tinatawag na summer capital ng Philippines.”“Actually, parang wala tayo sa Pilipinas,” sabat ni Papa Kirr, na para din talagang pinoy dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. “Malamig. Fresh hangin. Maganda.”“Wait till you see more,” sabi ni Kuki, sabay akbay sa akin. “Hindi pa ‘to ang best part.”Usapan na talaga namin ni Kuki na pagurin ang mga magulang niya sa paggala rito sa Baguio. Ang unang stop namin ay sa Burnham Park. Pagbaba pa lang nami
Keilys POVPagkauwi ko sa villa, pakiramdam ko ay nanghina din ang buong katawan ko. Para akong latang-lata, hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil sa emosyon. Kanina lang, nasaksihan ko kung paano gumuho ang mundo ni Ilaria at ng Tatay iggy niya. Ang sigaw ni Tatay Iggy, ang iyak ni Ilaria, lahat
Keilys POVDumating na rin ang Owan—clear soup na may floating chrysanthemum petals.“‘Yan ang suimono, delicate soup na pampalinis ng panlasa,” sabi ko. “Ang broth niyan galing sa kombu seaweed at katsuobushi flakes. Simple pero may kakaibang lalim ang lasa.”Kinuhanan niya muna ulit ang soup bago
Ilaria POVHabang mag-isa akong nasa swimming pool, nakatutok ako sa cellphone ko. Mag-isa na lang ako rito dahil inaayos na nila Sir Keilys at Toph ang iinumin at mga puluntan, habang ang helltrace, tuloy-tuloy sa pag-iihaw at pagluluto ng para sa pulutan na rin.Habang mag-isa ako, nakatuon ang p
Keilys POVMaagang-maaga pa lang ay gising na ako para ipa-ready at ipaayos ang sasakyang panghimpapawid na gagamitin namin ni Ilaria. Pero bago ‘yung, tinignan ko muna ang panahon sa labas. Ang hangin sa labas ay malamig, may kasamang ambon, pero maganda ang umaga. Hindi naman magiging hadlang ang






