登入Sera POVDahan-dahan, idinilat ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang may kung anong bumubulong sa tenga ko habang unti-unti akong nagkakamalay. Nagtaka pa ako dahil parang nasa loob ako ng sasakyan. Nung unti-unti kong mapagtantong totoo nga, nakasakay ako sa loob ng sasakyan kaya tuluyan na akong nagising.“What the fuck?!”Napakapit ako agad sa gilid ng upuan habang pilit na inaalala ang huling nangyari. Ang naaalala ko lang ay nasa bahay ako, stress kasi panay ang panggugulo sa akin ng mga fans ni Chusan at Ila. Tapos, sumabay pa ang mga reporter at mga tauhan ng pamilya Merritt na panay ang pananakot sa akin. May mga araw na may nambabato na ng salamin sa bintana. Maging ang mga kasambahay ko ay iniwan na akong mag-isa, kaya araw-araw, gutom ang dinanas ko dahil hindi naman ako sanay magluto. Simula nang lumabas ang bobong si Nardo, nagsimula na ring mag-umpisa ang impyerno sa buhay ko.Nung tignan ko ang driver ng sinasakyan ko ngayon ay lalong nanlaki ang mga mata ko.
Sylaila POVIsang linggo na ang lumipas, pero pakiramdam ko ay kahapon lang nang tuluyan naming marinig ang buong katotohanan mula kay Nardo.Isang linggo, oo, pitong araw na agad ang lumipas, pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko akalaing ganoon pala kalalim ang kasamaan ng taong minsan kong itinuring na matạlik kong kaibigan.Napapapikit pa rin ako sa inis kapag naiisip ko ang lahat nang ginawa niya sa akin. Unti-unti na namang bumalik sa isip ko ang araw na nasa malaking sala kami ng mansion. Kumpleto ang pamilya ko, naroon sina Mama Keilani, Papa Sylas, Kuya Keilys, Ate Ilaria, Chusan, Toriana, at maging ang Helltrace. Nakaupo naman sa gitna si Nardo, nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Hindi ko malilimutan ang unang sinabi niya.“Ako na ang magsasabi ng lahat... dahil hindi ko na kayang dalhin ang konsensiya.”Tahimik ang lahat noon. Nag-aabang sa kung ano bang isisiwalat niya.Doon na niya ikinuwento ang lahat. Ayon kay Nardo,
Chusan POVTumawag si Calder sa akin. Sinabi niya sa akin na may nagte-trending na live ngayon sa Starbook ng isang mukhang sinaunang tao, panuorin ko raw agad kasi magugulat ako.Pagbaba ko ng linya, agad ko iyong hinanap at hindi naman ako nahirapan dahil pagkabukas na pagbukas ko ng Starbook account ko ay live nung isang sikat na vlogger ang nakita ko.Libo-libong tao ang nanonood. Paglabas ng video, isang lalaking halos hindi ko na makilala ang nakita ko. Mahaba ang buhok. Makapal ang balbas. Halos kulay kayumanggi na ang balat. Suot nito ang kupas na polo at lumang pantalon. Kung hindi lang ako nakatingin nang mabuti, hindi ko talaga siya makikilala. Pero ilang segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko.“Nardo?”Hindi ako puwedeng magkamali. Siya iyon. Ang lalaking matagal na naming hinahanap. Ang lalaking makakasagot sa lahat ng tanong namin.Pinakinggan ko ang sinasabi nito. “Tulungan niyo po ako. Gusto kong makausap ang pamilya Merritt.”Huminto siya sandali. Kitang-kita ko ang
Nardo POVkalmado akong nakaupo sa tabi ng bintana ng eroplano. Hindi ko maaalis ang tingin ko sa makakapal na ulap sa labas, habang unti-unti nang bumababa ang sinasakyan naming eroplano.Ilang buwan din ang lumipas, taon na rin ata. Ilang buwan akong nanirahan sa Gitambak Province, at sa totoo lang, pakiramdam ko ay ilang taon akong tumanda roon. Kung dati ay mayabang ako. Kung dati ay naniniwala akong kaya kong takasan ang lahat ng kasalanang ginawa ko.Ngayon, iba na dahil alam kong mali ako. Hindi pala ganoon kadaling takasan ang konsensya. Mas mahirap pa pala iyon kaysa sa gutom.Parang malinaw na malinaw pa rin sa alaala ko ang unang buwan ko sa Gitambak. Wala akong pera. Wala akong matuluyan. Sa ilalim lang ako ng tulay natutulog. Dalawang araw akong tubig lang ang laman ng tiyan. Kung minsan, ni tubig ay wala pa. Kailangan ko pang maglakad nang napakalayo para lang makahanap ng maliit na sapa o ilog na puwedeng inuman.Noong una, akala ko isang linggo lang akong magdurusa, pe
Chusan POVHindi ko na sana pupuntahan si Sera. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang mahigpit ang hawak ko sa manibela. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin nina Papa Sylas at Mama Keilani, malinaw na sa akin ang dapat kong gawin.Lumayo na dapat ako, oo, lalayo na ako. Iginalang ko rin ang nararamdaman ni Ila, at huwag nang bigyan pa ng kahit anong dahilan para masaktan siya, pero putcha naman oh. Talagang ayaw tumigil ni Sera sa pagbibigay ng sakit sa ulo ngayon ngayonHalos umiiyak sa kabilang linya ang isa sa mga kasambahay niya.“Sir Chusan! Please po! Tulungan ninyo si Miss Sera! Duguan po ang ulo niya! Wala na po kaming ibang matawagan!”Napapikit ako habang patuloy na napapatungayaw. Ayoko na talagang madamay, pero hindi ko rin kayang balewalain ang isang taong maaaring mamatay kung hindi matutulungan.Kahit ano pa ang nangyari sa nakaraan, buhay pa rin ang nakataya, kaya agad kong pinaandar ang sasakyan. Wala na akong nagawa, pero last na ito. Last na tulong n
Chusan POVNakakainis, ayokong ng ganito. Mali ang ginawa kong pagbibigay ng pake kay Sera, pero kaya ko ginawa iyon ay para kay Sylaila. Hindi ko ginawa iyon dahil gusto kong ipakita sa kaniya na pagseselosin ko siya. Ginawa ko iyon kasi mapapatay niya agad si Sera. Kung wala ako doon, sure na sure akong pinaglalamayan na ngayon si Sera.Kaya ngayon, heto, kailangan ko siyang sundan at suyuin. Tahimik akong nagmamaneho habang papunta sa Merritt Mansion.Pakiramdam ko, mahihirapan akong suyuin siya kasi galit na galit siya kanina sa akin. Kulang nalang ay sapakin at saktan ako. Kinakabahan ako kapag naiisip kong itataboy lang niya ako. Oo, sure ako doon kasi kilala ko na siya magtampo. Pero kung wala akong gagawin, iisipin lang niya na may pake pa talaga ako kay Sera.Ilang beses kong hinigpitan ang kapit ko sa manibela habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mukha ni Ila kanina. Grabe ang mga mata niyang puno ng galit at sama ng loob habang hinihila niya si Isla papasok sa sas
Keilys POVNGAYONG hapon, pagkatapos naming magpakain ng spaghetti sa mga nagkakabit ng banderitas, sumama naman ako kay Ilaria sa bahay nila.Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila, napansin ko agad ang maliit na bakod na gawa lang sa kahoy, may mga luma’t kalawangin na pako. Ang mismong bahay a
Ilaria POVMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi pa man sumisikat ang araw, tumunog na ang alarm clock ko. Alas singko ang usapan namin ni Nanay. May mahalaga raw siyang ibabalita, at gusto niya akong makita nang personal. Wala naman siyang binanggit sa tawag kagabi, pero ramdam kong hindi ordin
Ilaria POVMaghahapunan na nang bigla akong tawagan ni Doberlyn. Hindi ko alam kung ba’t ko pa sinagot ang tawag niya, pero siguro dala na rin ng kabiglaan at pangungulit niya sa text kanina pang umaga. Isa pa, gusto ko na ring matapos ang gulong inumpisahan niya.“Puwede ba tayong magkita?” bungad
Ilaria POVPagdating namin sa city, tapik-tapik na ni Toph ang balikat ko, nakatulog pala ako. Nakakahiya, baka nakanganga pa ako.“Sorry, Sir Toph, baka nakanganga at naghihilik pa ako,” sagot ko habang inaayos ko ang sarili ko.“Ayos lang, nakakaantok kasi ang daan kanina sa probinsya, panay ang







