LOGINIliana POV“Anong nangyayari? B-bakit kailangan naming sumama sa inyo? Bakit sinasabi mong kami ang pakay nung dalawang assassin na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Hendrix nung aminin na namin ni Kuki sa kaniya ang lahat-lahat.Lumapit si Kuki sa kaniya. “Hendrix, puwede bang doon na tayo mag-usap nang mabuti sa mansion nila Iliana? Mabuti pa’y sumama na muna kayo ni Ariyah sa amin. Doon na rin kayo magkikita at mag-uusap ni Zariyah. Susunod siya sa atin.”Napatitig na lang si Hendrix sa amin. Parang nagdadalawang-isip kung sasama ba siya o hindi. Kaya doon ko na ginamit ang susi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko pinakita ang video ni Zariyah. “Panuorin mo ‘to, Hendrix,” sabi ko sa kaniya.Tinanggap niya ang cellphone ko. Nang ma-play niya ang video, seryoso niya itong pinanuod.“Hendrix, asawa ko, patawad sa mga ginagawa kong hindi mo pa alam hanggang ngayon. Pero saka na ako magpapaliwanag. Mas mabuti kung sumama na muna kayo kina Iliana. Doon tayo magkita-kita sa bahay nila
Iliana POVHuli na para hindi kami magpakita. At hindi rin naman ubrang umalis na lang bigla dahil mission naming makuha sina Hendrix at Ariyah. Hindi naming puwedeng pabayaan ang mag-ama ni Zariyah. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, kaya gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan at maligtas ang mga mahal sa buhay ni Zariyha. Ngayon ako babawi sa kaniya.“Ang lakas ng loob n’yo,” sabi ni Portia, habang iniikot ang leeg niya. Bumaba na kasi kami ni Kuki sa sasakyan para magpakita sa kanila.“Sinasabi na nga ba’t taksil na si Zariyah,” dagdag ni Raica, habang nanlilisik ang mga mata niya sa amin ni Kuki.Wala na, tuluyan na nilang nalaman ang sikreto namin ni Zariyah. Pero parang ganoon na rin kasi balak na rin nilang kunin ang mag-ama ni Zariyah. Siguro ay para mahawakan sa leeg si Zariyah, na hindi namin hahayaang mangyari.Kulang pa man ako sa mga totoong battle, pero mukhang ngayong umaga, mararanasan ko na ang isa sa mga matinding totoong laban sa mga walangyang assassin na
Kuki POVNag-message si Zariyah kay Iliana. Ang sabi nito, tignan at protektahan ang asawa at anak niya. Ito ay dahil naghihinala na sa kaniya sina Harry at Venice. Kaya anumang oras daw ngayon ay pupuwede siyang tumakbo at umalis sa kanila.Malaki ang utang na loob sa kaniya ni Iliana kaya agad-agad ay aasikasuhin namin ang sinabi nito.Madaling-araw ngayon, heto, kasama si Iliana, umalis kami para puntahan ang asawa at anak ni Zariyah. Gamit-gamit ang isang van. Kailangan kasi naming ilayo ang pamilya niya.“Kuki, gusto ko ng kape?” inaantok na sabi ni Iliana. Katabi ko siya rito sa harap. Ako ang nagda-drive. Alas tres ng madaling-araw nung tumawag sa kaniya si Zariyah. At kahit inaantok at pagod dahil sa battle niya kagabi, heto, nagawa niyang bumangon pa rin para tulungan naman si Zariyah.“Sige, dadaan tayo sa coffee shop,” sagot ko habang naghahanap na malapit na madadaanang kapihan. “Gusto ko rin kasi ng cake, o kahit anong matamis, need ko ng energy dahil kulang na kulang ang
Iliana POVMas lalong lumalakas ang loob namin ni Kuki, lalo na’t dumating na ang iba pang tauhan nila Mama Davina. Nagulat pa kami ni Kuki nung makita naming halos bato-bato ang katawan ng mga farmers na mandirigma na iyon. Sabi ni Mama Davina, sila ang itatapat sa mga higanteng lalaking tauhan nila Tito Harry at Tita Venice.May dala-dala pa silang buntis na babae. Ewan ko kung anong plano ni mama doon. Pero mukhang mahalaga ito sa kaniya.“Anong plano mo ngayong araw?” tanong ni Kuki habang papunta kami sa training field.“Battle ulit. This time, si Nomad naman ang susubukan kong labanan,” sagot ko sa kaniya habang diretsyong nakatingin sa daan.“Sigurado ka?” tanong niya, habang dahan-dahan niyang iniikot ang hawak niyang balisong.Ang talim nito ay kitang-kita ang kislap dahil sa sikat ng araw. Nakaisip tuloy ako bigla ng gagamitin ko. Kinuha ko na rin tuloy ang balisong na nakita ko dito sa training field.“Tara, gumamit tayo ng armas, Nomad,” aya ko sa kaniya pagharap ko sa gru
Davina POVPAGLABAS namin sa kubo, naisip kong maglakad-lakad sa ubusan. Naisip ko ring mamitas ng mga fresh na ubas. Si Braxton kasi ay humiwalay sa akin, doon siya pumunta sa winery. Sisilipin daw niya ang mga loob noon at nakaka-miss daw kasi talaga.Habang nag-iikot ako sa gitna ng ubasan, napansin ko ang isang pamilyar na mukha ng isang babae.Nung tignan niya ako, bigla siyang umiwas ng tingin. Nahabag naman agad ang loob ko. Natatandaan ko siya. Siya si Elena. Siya ‘yung isa sa mga matagal na rin naming tagapitas ng mga ubas dito. Natatandaan ko rin na palagi ko siyang sinasaktan at binu-bully noon kapag lasing na lasing ako palagi at napupunta ako rito. Si Elena ang madalas kong paglaruan kapag badmood ako. Si Elena ang madalas kong sinasampal, sinasabunutan kapag napapagalitan ako nila Mama Daryl at Papa Harvy. Kaya nung makita niya ako ngayon, heto, parang nagbalik ang takot niya.Pero this time, hihingi na ako ng tawad sa kaniya.“Elena,” tawag ko sa kaniya.“Ma’am Davina,”
Davina POVAmoy ubas na agad, nakaka-miss, shit! Iyon agad ang sumalubong sa akin pagdating namin dito sa malaking grapes farm ng pamilya ko.Huminto ang sasakyan sa gitna ng malawak na lupain na alam kong isang daang hektarya ng ubasan. Naalala ko, ito ang business na naunang hawak namin ni Sylas noong mag-asawa pa kami. Kung hindi ko siguro nilandi si Braxton noon, baka hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin kami ni Sylas.Pagbaba ko roon, mas lalo kong naramdaman ang simoy na hangin na isa rin sa na-miss ko rito.“Okay ka lang?” tanong ni Braxton habang nakatingin sa akin. Napahinto kasi ako habang nakatingin sa buong paligid.Tumingin ako sa kanya at saka ako ngumiti. “I’m perfectly fine! It’s just that I still can’t quite believe we’re free again. We’re no longer in prison.”Simula nung makalaya ako sa kulungan, pati na rin sa pagkukulong sa akin ng pinsan kong si Harry, pakiramdam ko, binigyan talaga ako ulit ni Lord ng bagong buhay. Hindi para gumawa na naman ng masama kundi para
Ilaria POV Pumunta ako sa ospital matapos kong matanggap ang message ni Toph na ililipat na siya ng ospital, sa manila na raw, kaya sinama ko si Sir Keilys para makita manlang siya bago ilipat.“Okay na, nadala ba natin ang lahat?” tanong ni Sir Keilys sa akin.“Yes, nasa likod na ng kotse ang mg
Ilaria POVPagdating ko ng Manila, ramdam ko na naman ‘yung init ng paligid. Iba talaga kumpara sa probinsya namin. Ang daming sasakyan, ang daming tao, ang ingay. Pero kahit nakaka-overwhelm, excited pa rin ako. Kasi ito na—kukunin ko na ang uniform ko para sa last semester ko sa White Cross Colle
Ilaria POVToday is the day. Ang simula ng pagbabago sa bahay namin. Kahapon, nung sinamahan ako ni Sir keilys sa Manila para mag-enroll, dito ako nagpahatid sa bahay namin. Sinabi ko sa kaniya na sa huling pagkakataon, dito muna ako matutulog kasi gigibain na ang bahay namin. Isa pa, kinailangan k
Ilaria POVAng pinakamatinding nangyari ay ‘yung hapon na. Dumating ang mga barangay staff para mag-ayos ng mga upuan at lamesa sa garden. Isa doon, si Jun, ay dati ko nang kakilalang tanod. Barkada siya dati ni Golda, ngayon ay hindi na, ewan ko, parang nagkaroon ng issue, parang utang ata na hind







