Sinubukan niyang ilibot ang mga mata nito at baka meron ngang may nagmamasid sa kanya. Dahil sila-sila lang naman doon sa lugar na 'yun kaya't inisa-isa niyang tinitigan ang mga ito. At dahil nakasuot ito ng sun glasses ay hindi mahahalata na tinititigan sila ni Melisa. Ngunit wala naman. Lahat naman silay naka focus kay Anthony. Except lang sa isang lalaking na sa dulo na tulad niya'y naka sun glasses din. Pagkatapos ng mahabang paliwanag ni Anthony ay agad na silang nagsialisan upang magsimula sa kani-kanilang tungkulin. "Pre, sorry at medyo na-late ako saglit pero naka abot naman ako sa mga assignment mo sa akin bago lang." Tawag nito kay Anthony sabay nag akapan ito. "No worries pre. Akala ko nga 'di ka makakarating." Sagot ni Anthony na sabay nagkalasan sa pagkaka
Devina. Tama 'yun ang asawa ngayon ni Albert. Bigla itong tumigil sa pakikipagtarayan kay Paulo. Para na namang binuhusan ng napaka lamig na tubig ang kanyang puso. Bigla niya ulit hinarap si Paulo. "Bakit ba ayaw mong sabihin nalang. Ganu' pa din naman kung si Albert din ang magsasabi ah." Kunot noo nitong pinagmamasdan ang binata. "Mas maganda kung sa kanya mo malaman. Pagagalitan ako nu'n. Maghintay ka dahil mga makalawa susuyurin na niya ang Manila para makita ka lang." Agad naging seryoso ang boses ni Paulo. Hindi na muling nagsalita pa si Melisa dahil wala din naman siyang malalaman tungkol kay Albert. Kaya't nagpaalam na itong uuwi na. "Sana mapag-isipan mo mamaya ang lahat ng sinabi ko sayo. Kung alam mo lang na nasasabik ka nang makita ng kaibigan mo. Oh siya
Napa-atras si Roxan sa kanyang kinatatayuan. Pinag masdan pa niya nito ang lalaking nangangalang Albert. Agad niyang pinakalma ang kanyang sarili. Medyo nabigla siya kasi dahil familiar nito ang pangalan. Agad niya itong hinarap. "Teka si Albert ka tama? So ikaw ba 'yung kababata ng pinsan kong si Melisa?" Kalmadong tanong nito. "Yup, akala ko nga'y naligaw na ako dahil hindi si Melisa ang nabungadan ko. Anyway saan siya?" Seryosong tanong nito na gumawad ng ngiti. Napalabi nalang agad si Roxan dahil wrong timing ang pag dating nito. "Naku malas mo lang talaga dahil pag kadating at pagkadating mo ay siyang kaaalis lang nila pauwi ng San Diego." Ani ni Roxan. "Ah Kaalis lang niya o baka nagtatago lang?" Kunot noo'ng tanong ng binata.
ALAS kwatro palang ng umaga ay gising na si Albert. 5am kasi ang flight nito pauwi ng San Diego. Hindi niya din maintindahan ang sarili kung bakit ito naasar. Naasar dahil may ibang kasama si Melisa? Samantalang siya pinagtataguan? MABUTI nalang at may dalawang higaan sa loob ng room ni aling Marta kaya't napakasap ang tulog nina Melisa at Anthony. Silang tatlo lang ang nandu-doon dahil pinauwi muna nina Melisa ang kanyang itay sa kanilang bahay para na din makabawi siya ng kanyang tulog. Labas pasok ang mga nurse's na nag mo-monitor kay aling Marta. Kaya't hindi masyadong naka tulog si Anthony. Pinilit nalang niyang gisingin ang sarili total ay mag-aalasingko na din naman ng umaga. Tumayo si Anthony papunta sa nurse na nag-aasikaso sa ina ni Melisa. "How is she?" Tanong nito. "Mas bumuti na po
Agad ding nagulat si Albert sa nakita niya. Bigla niyang kinabig si Melisa at agad nitong nahalikan malapit sa kanyang labi.Nagpupumiglas si Melisa sa ginawa ng binata at agad nitong nasampal sa kaliwang pisngi. Biglang bumukas ang elevator at agad kumaripas ng takbo si Melisa. Nakakita ito ng hagdan paitaas kaya't doon niya naisip na bumalik sa room ng ina.Lumabas si Albert sa elevator. Nanatili itong naka tayo. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa may upuan upang balikan ang mga pangyayari ngayon-ngayon lang. Hindi niya alam kung nananaginip o imahinasyon lang ang ginawa niya o talagang totoo. Isinandal ni Albert ang ulo nito at marahang inu-untog untog. Naasar ito sa sarili niya kung bakit nagawa niya ang ganung bagay sa kanyang kaibigan. Hindi niya talaga intensyon iyon. "Paano pa nito lalapit sayo si Melisa kung iyan agad ang pinakita mo sa kanya." Tanging nasambit lamang niya sa kanyang sa
Nagising si Melisa dahil sa mga naririnig niyang may nagtatawanan sa labas ng kanilang bahay. Sa tapat mismo iyon ng kanyang bintana. Hinawi niya ng bahagya ang kurtina ng kanyang bintana at tyaka ito sumilip. Mga magulang niya at si Anthony ang mga iyon. Pinagmamasdan niya ang mga ito na tuwang-tuwa sa pinag-uusapan nila.Hindi maiwasan ni Melisa ang mapangiti sa kanyang nakikita. "Hindi ka pa namin halos kilala pero napapagaan mo na ang loob ng magulang ko." Bulong ng dalaga. Agad na itong bumama upang mag almusal.NAKA upo si Albert sa kanyang higaan, sapo nito ang kanyang ulo. Medyo masakit pa yata dahil sa mga ininum niya kagabi. Nakarinig ito ng tunog sa kanyang cellphone. Kinapa niya ito sa ilalim ng kanyang unan.In-acccept niya ito kahit hindi niya alam kung sino ang nasa kabilang linya."Heeeyy dude!" Bati ni Paulo.
Napabalikwas sa pagkakahiga si Albert. "Ohh wait wait, paki sabi na ako nalang kako ang pupunta sa kanila ma. Ayuko pa munang makita ni Melisa itong bahay niya." Tarantang sagot ni Albert. Na agad kumuha ng maisusuot."Naku talaga anak. 'Yang mukha mo namumula na naman oh." Biro ng ina nito na napapangiti na din.Isang matamis na ngiti ang iginante ni Albert sa kanyang ina. Labis kasi ang tuwa nito ng malaman niyang kasama si Melisa.NAISIPAN ni Melisa na silipin ang lugar na noo'y tagpuan nila ni Albert. Kaso baka makita lang siya nito nina Albert at ng asawa niyang si Devina. Agad siyang bumangon upang hanapin ang kanyang ina upang humingi ng payo.Walang katao-tao ang bahay nila pagkalabas niya sa kwarto at wala din siyang idea kung saan sila nagsipunta. Dumako ito s
Sa likod iyon ng bahay kaya hindi mapapansin na may cottage kaya wala ding idea si Melisa na nandoon si Devina.Marahang kinatok ni aling Belen ang isang kwarto. Pumasok na agad ito nang nalamang hindi naka lock ang pinto."Devina padadalhan kita ng dinner dito." Agad na sabi ni aling Belen."Wala po akong gana. Busog na po ako sa nakita ko kanina." Sagot nito habang nakatalukbong ng kumot ang buong katawan.Napa buntong hininga nalang si aling Belen dahil batid niya sa sarili niya na narinig at nakita lahat ni Devina ang mga kaganapan sa kanilang lahat kasama si Melisa.Ipinaliwanag lahat ni aling Belen ang lahat para kahit kaunti ay maunawaan ni Devina. "Hindi naman namin pwedeng itakwil si Melisa dahil hindi siya iba sa amin, at dahil bata pa lang sila noon ng anak ko