Share

Chapter 4

Bumalik si Melisa sa kanilang bahay. Nai-kwento nya din agad sa kanyang ina ang naging lakad doon.

 

Pumasok ito sa kanyang kwarto. Kinuha nya sa kanyang wallet ang maliit at kupas na larawan nila ni Albert.

"Bert, sorry kung wala akong kakayahang ipagtanggol ang lupain na iyon. Pero susubukan kong makombinsi sila at ng may-ari ng lupa na hahanapin muna kita bago nila iyon simulan. Para sa ganun parehas tayo ang magiging saksi na mawawala iyon sa atin. Pangako na hahanapin kita pag balik kong manila." Marahang hinagkan ni Melisa ang larawang hawak nya. Lumingon ito sa bintana upang mapigilan ang pagluha nito.

 

Biglang naalimpungatan si Melisa sa pagkakatulog ng may kumatok sa kanyang pinto.

 

"Nak,alas tres na, diba babalik ka doon." Tanong ng ina nito na nasa labas ng kwsrto ng anak.

 

"Opo nay, gagayak na po." Sagot nito.

 

Patakbong nilalandas ni Melisa ang lugar na iyon ng makita nyang puputulin ang punong mangga na kanilang itinanim.

 

"Huwag po please! Kahit hindi nalang ito puno, may sentimental value po ito sa amin." Panghaharang ni Melisa sa lalaking mag-aakmang sanang puputol nito.

 

"Sa inyo po ba ito ma'am ?" Takang tanong ng lalaki.

 

"Opo sa amin ng kaibigan ko ito.

 

"Eeh inutos kasi sakin ni ma'am Devina na putulin ito." Bahagyang huminto sa ginagawa.

 

"Pwede ko ba sya makausap?"

 

Itinuro ng lalaki sa isang maliit at magarang bahay. "Doon sya ma'am, kararating lang nya.

 

Agad itong tinungo ni Melisa.

 

"Yes?" Bungad sa kanya ng babae.

 

"Hello ma'am." Tanging tugon nito.

"May kailangan ka miss?" Pataray na tanong ng kausap.

 

Lumapit si Melisa at ipinaliwanag sa babae ang pakay nito.

 

"Ohhh really? Sabay tawa sa narinig sa paki-usap ng dalaga. Napakamot pa ito sa kilay "Naku miss nagpapatawa kaba? Ang una gusto mong paghintayin kami ng isang buwan bago namin simulan ito. Tapos ayong puno ng mangga ayaw mo ding paputol. Miss sakop ng lupain namin kung saan naka tirik yang mangga mo kaya karapatan ko na ipaputol iyon.

 

Lumabas ang babae papunta sa puno ng mangga. Agad namang sinundan iyon ni Melisa.

 

"Ohhh ano pa ang hinihintay mo diba pinapaputol ko na iyan ang bagal naman." Gigil nautos ni Devina sa tauhan.

 

"Please ma'am, nakiki-usap po ako hahanapin ko po muna ang kaibigan ko ipapaalam ko muna ito please." Pagmamakaawa ni Melisa na agad lumuhod para lang makombinsi ito.

 

"Putulin niyo na para magawa na agad ito kilos !" Utos nito na parang hindi narinig ang paki-usap ng dalaga.

 

"Iyan ang hindi mo pwedeng gawin Devina."

Sabat ng kaibigan ng architect .

 

"Ooowww, Paulo ikaw pala." Taas kilay nitong hinarap ang lalaki. 

 

" Ang alam ko kaibigan ka lang diba? Sino ba ang masusunod sa atin huh?"

 

"Binilin sa akin na kahit anong meron dito sa lupa ay wala kang karapatan wala kang gagalawin ni wala kang puputulin. Kuha mo?" Prangka ni Paulo kay Devina. "Wala kang hawak na papel na patunay na ikaw ang makiki-alam ng lahat na ito. Alam mo sa simula pa ay mahalaga sa kaibigan ko ang lugar na ito despirada ka lang ." Gigil na dugtong nito. Halata ang paka-inis kay Devina.

 

"Pake-alamero ka talaga, well mark this day Paulo!" Pasinghal ni Divina sabay talikod sa kanila.

 

Nalito bigla si Melisa sa mga narinig umupo ito sa gilid ng puno ng mangga. Iniisip ang mga narinig mula kay Paulo. At nang makita niyang papaalis ito ay agad niyang tinawag.

 

"Sir, saglit lang po." Agad nyang habol sa lalaki na si Paulo.

 

Binalingan siya nito "Yes ma'am?"

 

"Yung kaibigan mo po na nasa America bakit ayaw din nyang ipagalaw at ipa putol mga puno dito? Nabanggit mo kasi kanina na ang lahat ng naririto ay mahalaga sa kanya. Naka punta po ba sya rito?" Walang prenong tanong ni Melisa.

 

"Yup, marami daw sya ditong ala-ala pero hindi nya iyon na kwento ng maayos kasi hindi pa sya totally recovered sa pagkaka aksidente nya. Pautal-utal pa sya noong pinapaliwanag sa akin mga plano nya dito sa lugar, hanggat isang araw nalaman ng Devina na iyon na may property ang kaibigan ko dito. Sya ang gustong maki-alam pero hindi ko iyon pinagkatiwala sa kanya." Paliwanag ng lalaki.

 

Napa kunot nuo si Melisa sa narinig. Kasi ang pagkaka alam nya ay wala syang natatandaan noon na may pumupunta ditong ibang tao maliban lang sa kanila ni Albert. At himala namang si Albert ang tinutukoy ng lalaki na iyon. Dahil pinangangatawan ni Melisa na hindi magagawa ni Albert iyon sa kaniya. Na umaasa pa rin siyang tutuparin ang pangako nito.

 

 

Aaktong magtatanong pa sana si Melisa ng biglang may tumawag sa cellphone ng lalaki. Nag excuse na ito sa dalaga.

 

Mag aalas-singko na ng hapon ng mag siuwian ang mga mang-gagawa doon. Siya na lang at ang lalaki ang naiwan doon dahil naunang umalis si Devina. Nakita nyang papauwi na din ang lalaki na panay siyang nililingon nito sa kinauupuan na malapit sa mangga.

 

"Umuwi kana miss, hapon na." Sigaw nito sa kanya sa hindi kalayuan.

 

Pinagmasdan lamang siya ni Melisa hanggang sa ito'y maka alis na.

 

"Ipaglalaban kita bert, kahit itong puno na lang ang matitirang ala-ala natin .Kung naririto ka lang sana makikita mong mas malaki na sa atin ang puno. Alam ko sa sarili ko na duwag ako sa ganitong mga kaguluhan. Pero magiging matapang ako para lang maprotektahan ang ating puno. Winasak na nila yong lagi nating tinatakbuhan noon. Kaya Please bumalik kana bert." Naluluhang saad ng dalaga habang naka pilig ang ulo nito sa puno. Bigla niyang kinanta ang kanilang paboritonb kanta ang "NATATANGING AKIN"

 

At sandali pa ay napagpasyahan nyang umuwi na.

Nag karoon tuloy ng kunting pagtataka si Melisa kung sino ba ang Architect na binabanggit ng kaibigan na iyon. "Sino kaya iyon." tanong nito sa sarili.

 

Nang makarating ay agad itong sinalubong ng kanyang ina. Kinamusta nya ito. At agad namang isinalaysay ni Melisa sa ina ang tagpuan kanina.

 

"Eh sino iyon?" agad na tanong ng ina.

 

"Pala-isipan din sakin iyong architect na iyon nay, hindi ko din kasi naitanong kong ano pangalan nya eh. Pero bukas babalikan ko sya."

 

"Naku huwag na, baka masali ka pa sa away nung dalawa."pigil ni aling Marta sa anak.

 

"Para nga po malaman kung sino iyon nay, baka taga dito din sya at baka sa kabilang baryo lang at napadaan lang doon kaya agad ring nagustuhan nya ang lugar na iyon. Kahit nga kami ni Albert simula noong napuntahan namin iyon, doon na kami araw-araw pumupunta. Nakakawala kasi ng problema at parang dinuduyan ka sa lugar na iyon nay." Mahinahong paliwanag ng dalaga.

 

Tumango-tango na lamang ang ina. At sinulyapan ng kakaibang ngiti ang anak.

 

"Nay, bakit ganyan kayo makatitig?"

 

"Magkaibigan lang kayo ni Albert hindi ba anak? 

 

"Opo nay, pero hindi na ako sure kung naalala pa nya ako." Lungkot na sagot nito.

 

"Pano kung isang araw mabalitaan mong nag-asawa na ito, at wala na syang paki-alam sa mga punong manga at sa iyong tagpuan?"  Ano ang gagawin mo?" Seryosong tanong ng ina.

 

Umiling-iling ito bago sumagot "Nay kilala ko po si Albert hindi nya ako bibiguin may isang salita po sya nay. Kaya pagbalik ko sa manila hindi ako titigil hanggat hindi ko sya makita." Panunumpa ni Melisa sa sarili.

 

 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Totong Reyes
pangit Ang estorya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status