Share

Chapter 1

"Pagpasensiyahan mo na anak yan lang ang naipadala namin ng papa mo. Na- peste kasi ang pananim sa bukid..." parang pinipiga ang puso ko dahil sa sinabi ni Mama. Mahirap talaga ang buhay sa bukid, minsan sinuswerte sa pananim, minsan din hindi. "Hayaan mo kapag---"

"Ma salamat po, malaking tulong na po ito sa akin.. wag na po kayong mag alala" putol  ko kay Mama. Hindi niya naman na kailangang magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko ang hirap ng buhay namin. Kaya nga nagsisikap ako sa aking pag-aaral para ako naman ang tutulong sa kanila balang araw. 

"Mahina ang ani ngayon anak. Sinusumpong din minsan si papa mo ng kanyang rayuma. Ayaw naman niyang tulungan ko siya sa bukid. Hayaan mo sa susunod na buwan pagsisikapan namin ng papa mo na makapagpadala sayo pandagdag sa gastusin mo habang nag aaral ka...."

"Mama, okay lang po ako, wag kayong mag alala sa akin dito. May pera pa naman po ako galing sa sahod ko sa cafĂ© na aking pinatatrabahuan at saka mama wag na kayong magpadala next month, ipambili niyo na lang po ng gamot ni papa." 

Mas kailangan nila ng pera ngayon. Hindi pwedeng tipirin ni Papa ang sarili niya. Mahirap na at baka lalo lang lala ang kanyang iniindang sakit. Alam ko pa naman si Papa, kapag kaya pa nito, kinakaya niya talaga wag lang makagastos. 

"O siya, mag-ingat ka dyan anak ha? Wag mong pabayaan ang sarili mo. Kung may problema ka tawagan mo kami agad ni Papa. I love you  Ava ganda namin. Mahal na mahal ka namin ni papa."

"I love you too, Ma. Lahat na 'to ay para sa inyo."

Di ko maiwasang malungkot pagkatapos makausapsi Mama. Kung sana may sapat lang kaming pera hindi ko na kailangan pang lumayo sa kanila para tuparin ang pangarap ko. Sana may katuwang si Mama sa pag-aalaga kay Papa kapag nagkakasakit ito. Pero wala eh, mahirap talaga ang buhay. Kailangan kong magdoble sikap, kailangan ko munang tiisin na malayo sa kanila. Kailangan ko itong gawin para sa pamilya. 

Life is really tough, mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho habang nag-aaral. Kailangan mong balansehin ang oras mo. Kung pwede nga lang gawin araw ang gabi ginawa ko na. 

Ang hirap talaga maging mahirap. Kung hindi ka kikilos wala kang mararating sa buhay. Walang tutulong sayo kundi ang sarili mo. Maswerte na nga ako at mapagmahal ang mga magulang ko. 

Batid ko kung  gaano kahirap ang trabaho ni Papa sa bukid. Kaya nagsisikap akong balang araw mapapatigil ko siya doon. Sa ngayon, wala akong magawa kundi ang pagbutihin ang aking pag-aaral. Ito ang magiging susi ko para tuparin ang mga pangarap namin ng mga magulang ko.

I am now in my 3rd year as Accountancy student. I am top of our class. I maintained my grades kasi ayaw kong mawala ang aking scholarship. Yun na lang ang tanging pag asa ko para maiahon ang pamilya sa kahirapan. Kung makapagtapos ako ng pag aaral mas madali sa aking makahanap ng trabaho. 

For now, I need to juggle work and school in order to meet my needs. Kailangan kong kumita ng extrang pera para pambayad sa renta ng tinitirhan ko at para na rin sa iba pang mga kailangan ko sa school. 

Nagpapart-time ako sa cafĂ© malapit sa university na pinapasukan ko. Minsan nagtu-tutor ako at minsan gumagawa ng mga project ng ibang studyante for extra income. Pinapasok ko ang anumang pwedeng pagkakakitaan basta sa marangal lang na paraan. 

" Di bale, isang taon na lang self magtatapos na tayo. Hmm konting tiis na lang po. " kausap ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang café. Maagang natapos ang klase ko ngayon kaya dritso na ako sa trabaho.

"Besh mabuti maaga ka ngayon ang daming poging customer oh."  sabay nguso ni Daphne sa table kun saan may isang grupo ng mga kalalakihan.

Daphne is my besfriend, parehas kaming galing probinsya na sumubok ng aming kapalaran dito sa Maynila. Siya ang kasa-kasama ko sa aking mga lakad. Parehas kaming dalawa galing sa hirap.

"Ang gwapo ng mga Koya dzai, murag mga meee-mee lami kaayo na ba. Hmp! Patilawa ko kol beh!" [Ang pogi ng mga Kuya Day, parang ang yu-yummy niyang ba. Patikim naman Kuya.]

Mahina kong kinurot ang tagiliran niya. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig nito. Mabuti nalang at kami lang yung bisaya dito sa café kundi nakakahiya.

Ewan ko ba,  sa mga kaedaran kaedaran kong babae, halos mahilig sa mga pogi. Samantalang ako, waley. Hindi ako mahilig sa ganyan, parang ni minsan di pa ako nagkaka-crush yung tipong gwapong-gwapo talaga. 

Home-school- part time lang ang ganap ko sa buhay pero mabuti na rin yun para iwas sakit sa ulo. Madalas ko pa namang nakikita sa mga kaklase ko kapag naghihiwalay sa mgaboyfriend nila, sobrang miserable na. Yung iba bumabagsak pa talaga sa klase,mas masaklap pa yung tumitigil talaga sa pag-aaral. 

"Sige na Dzai, magbihis ka na para e-rampa na natin yang beauty mo dito sa café."

Mabilis akong nagpalit ng uniporme at tsaka nagsimulang magtrabaho. Tatlong taon na din akong nagtatrabaho dito sa café. Mabait ang may ari nito, parang kamag-anak ang turing sa aming mga staff nila. Minsan nakakapag advance pa kami. Mataas din ang pasahod sa amin at kumpleto sa benipisyo.

Malaking tulong ito sa aking pag aaral. Dito ko kinukuha ang pambayad sa renta at pangkain ko sa araw- araw.

Walking distance lang sa apartment namin at University. Swerte na kasi hindi na ako gagastos ng pamasahe.

"Besh...besh... bilis ihatid mo ito sa table ni Sir Pogi.." tawag sa akin ni Daphne na kinikilig pa. Tinuro niya ang table nung lalaking may kausap na babae. 

" Bakit ako?" tanong ko sa kanya, nakataas kilaykong tanong kay Daphne. Hindi naman kasi ako nagsiserve dahil sa kaha ako naka assign ngayon. 

"Sige ba,Besh! Ano ka ba? Chance mo na yan baka mapansin ka pa ni Sir pogi"  sabay tawa nito pero inirapan ko lang siya. May kausap na yung tao baka sabunot pa ang matanggap ko doon. 

"Bessy sa ganda kong to di ko na kelangan magpapansin noh? Kaya kung ako ikaw ihatid mo na yan bago pa tayo mapagalitan."

I'm tall, 5'8" ang height na namana ko kay papa. Yung nga lang hindi  ko namana pati ang kulay niya. I am morena at slim type ang body figure ko,  pangmodel sabi ng iba. Thanks God sa genes ni Mama, namana ko ito sa kanya. Itim ang mahaba kong buhok na may natural na kulot sa dulo.

Madaming kumukuha asa aking maging modela, may nag-ooffer din sa aking sumali sa mga beauty pageant pero hindi ako mahilig sa ganun. Wala doon ang forte ko. 

Di lang isang beses ang may nag offer sa akin na gawin akong modelo. Pero lahat tinanghihan ko, natatakot ako na baka mawalan na akong ng oras sa pag-aaral ko. Gusto kong makapagpatapos ng pag aaral dahil ito ang pangarap namin ng mga magulang ko.

 At tsaka nahihiya akong ibalandra ang beauty ko dahil hindi naman ako ganun kagandahan. Nagkataon lang na matangkad ako at kakaiba ang kulay sa mga kaedaran ko ngayon. 

"Kaya di ka nagkaka- boyfriend eh." mahinang bulong ni Daphne bago niya kinuha ang tray nung order nung sinasabi niyang customer.  

" Bessy ang pag-ibig hindi yan hinahanap kusa yang dumadating. Tsaka hello ang bata ko pa kaya noh? I just turned 19 kaya wala pa sa isip ko yang boyfriend boyfriend thing-y na yan?" sabay ikot ng mata. " Sige na ihatid mo na yan dun sa customer, maya mapagalitan ka pa eh kasalanan ko pa."

Mabilis din naming kinuha ni Daphne ang tray at hinatid sa table ng sinasabi nitong pogi. Sinundan ko siya ng tingin, humahampas pa ang balakang ni Daphne. Sadyang inartehan talaga ang paglakad. Iniwas ko ang tingin kay Daphne  para tingnan ang lalaking sinasabi nito pero hindi ko inaasahang nakatingin dinpala ito sa akin...ng nakakunot ang kilay?

Hala bakit parang galit si Kuya? 

Tumingin ako sa aking likuran baka sakaling nagkamali lang siya pero wala naman akong nakita doon. 

"Shit!" mahina kong mura.  Muli kong binalik ang tingin ko sa kanya, lalo pang naging masungit ang mukha nito ngayon. Sa akin talaga siya nakatingin at magkasalubong yung kilay niya. 

"Baka nag-away sila ng kasama niyang maganda kaya mukhang galit?" Pero bakit sa akin siya nagsusungit. Nakita ko pang pinitik nung babae ang mga daliri sa harap niya kaya napakurap ito. 

 Bahala nga siya!

Wala akong kasalanan sa kanya at di ko rin siya kilala.

Hindi ko na lang pinansin ang mga titig ng lalaki sa akin kahit na feeling ko tumatagos ito sa akin. Matagal bago nawala ang pakiramdamn kong ganun pero deadma nalang. Sakto ring biglang dumami ang mga customer. Naging busy ako sa counter. Sa muling paglingon ko sa pwesto nila, wala na sila doon ng kasama niya. 

Pagod akong naupo sa locker room pagkatapos ng shift ko. Kanina pa tapos ang shift ni Daphne pero hinintay niya ako para sabay na kaming umuwi sa boarding house namin.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga kaya napalingon ako sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip niya. 

"May problema ba?" tanong ko. Hindi ako sanay na ganito ang nakikita ko sa kanya. Mas sanay akong dinadaldal niya ako at kung ano-anong kalokohan ang mga sinasabi niya sa akin. 

"B-Baka hanggang ngayong sem na lang ako makapag-aral dito." Narinig ko ang bahagyang pagkabasag ng boses niya. Kahit ako, naramdaman ko rin ang paninikip ng aking dibdib. Lumipat ako ng upo sa tabi niya. Marahan kong inabot ang kamay niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero kita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. 

Alam ko kung gaano kagusto ni Daphne ang makapagtapos ng pag-aaral pero kagaya ko mahirap lang din sila. 

"Nakausap ko si Nanay kanina, pinapauwi muna nila ako. Hindi na kasi talaga kaya, Besh, kulang talaga eh. Siguro uuwi muna ako sa atin, mag-iipon muna ako. Tsaka kailangan rin muna ni nanay ng tulong sa maliit naming karinderya. Sayang naman kung isasa, kahit papano ang laking tulong nung karenderia para sa amin sa araw-araw. Siguro dun ko na lang din ipagpatuloy ang pag-aaral kung medyo nakakaluwag na kami." malungkot na sabi ni Daphne. Pilit niya pang pinipigilan ang luha pero may nakatakas na dito, pati ako ay naiiyak na rin. 

Ngayon palang nalulungkot na ako. Si Daphne ang kasama kong nangarap at lumuwas dito sa Maynila. Siya ang karamay ko sa mga panahong nagigipit ako, siya yung palaging andyan kapag nalulungkot ako. Kaming dalawa lang ang palaging magkasangga, pero ngayon uuwi na siya.

"W-wag kang m-malungkot." ilang beses itong kumurap para pigilan ang luha. Napalabi ako at yumakap sa kanya para itago ang pag-uunahan ng mga luha ko. Hindi ko maiwang hindi malungkot dahil si Daphne lang ang lagi kong kasama. Siya lang din ang tinuturing kong tunay na kaibigan.

" Kahit nasa probinsiya ako magtetext din naman ako sayo promise!" Sabay haplos niya sa likod ko. Lalo akong naiyak sa ginawa niya. Daphne is not only my bestfriend, she's like a sister to me.

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang sarili mo. Wag kang magtitiwala basta kanino. Alam mo naman hindi natin alam kung sino ang totoo at hindi dito. Sa panahon ngayon marami na ang mapangpanggap. "

"Mami-miss kita, Daph. Mami- miss ko yung gala natin, mga usapang walang kabuluhan at mga kalokohan mo. Kasi ikaw lang ang nag-iisang bessy ko..." lalo pa akong yumakap sa kanya. "Ikaw lang yung handang makipag-away para sa akin, ikaw yung nagpapasaya sa akin pag nalulungkot ako, kaya kahit malayo man tayo sa isa't isa ikaw pa rin ang bessy ko ha? Isang taon na lang magtatapos na ako Daph at kapag dumating ang araw na yun ako naman ang tutulong sayo."

"Basta mag-ingat ka dito sa Manila. Tandaan mo na kahit ang pinaka magandang uri ng ahas ay nagpapalit pa rin ng balat. Wag kang basta-basta magtiwala sa mga tao sa paligid mo."

Mabilis na natapos ang last semester at umuwi na nga si Daphne sa kanilang probinsiya. Di ko maiwasang malungkot lalo't ako na lang mag-isa sa inuupahan naming apartment ni Daphne.

Ngayon mapipilitan akong maghanap ng kasama para may kahati ako sa bayad. Malaki din ang matitipid ko kung may kahati ako sa renta. 

Kailangan kong mag-ipon kasi last year ko na sa college, magsisimula na akong mag ojt. Kailangan ko ng pera para pambili ng mga bagong damit at sapatos para mukha din akong presentable. Halos kasi lahat ng damit ko ay luma na. Sapat lang kasi ang padala ng mga magulang ko at ang sahod ko naman ay sapat din para sa mga gastusin sa araw-araw. Mabuti nga at hanggang ngayon scholar pa rin ako.

"Isang taon...isang taon na lang...kaya natin to self!" kausap ko ang aking sarili "... wag kang bibitaw lalaban tayo. Magtatapos ako, pagkatapos maghahanap ako ng magandang trabaho. Gagawa tayo ng bahay at lilibutin natin ang buong mundo. "O bakit? Bawal bang mangarap? Mas maganda yung may pangarap sa buhay kesa wala diba? 

Pero bago pa mapurnada ang mga pangarap ko kailangan ko ng bilisan ang kilos ko dahil ngayon ang unang araw ng on the job training ko. 

Kagabi palang inayos ko na ang damit na susuotin ko para ngayon. Nagluto na rin ako ng babaunin kong pagkain, adobong manok na may nilagang itlog at kanin. Nagdala na rin ako ng sarili kong tumbler para sa tubig. Kailangan kong magtipid. Malaking kompanya ang napasukan ko, alam kong may canteen man doon hindi ko afford bumili. 

Maaga din akong nagising kanina dahil kailangan kong makahanda ng maaga. Sinadya kong agahan dahil ayokong ma-late sa unang araw ko lalo't magji-jeep lang ako. Ilang minuto din ang ginugol ko sa byahe. First day ng ojt ko kaya dama ko ang kaba sa aking dibdib lalo na nung nasa harapan na ako ng Valderama Construction and Land Development Corp.

"Good morning po Kuya." bati ko sa guard na malayo palang ay naka smile na sa akin. Mukhang mabait si manong guard.

"Magandang umaga din ma'am. Ano pong atin?" Tanong nya sa akin.

"Ah kuya Ava nlng po. Ava po yung pangalan ko, ako po yung mag-o-OJT dito sa inyo. First day ko po ngayon." Nanatili lang itong nakangiti sa akin. Mukhang mabait talaga. "Tanong ko lang po sana kung andito na po ba ang Head ng HR?"

Nakangiting tumango si kuya sabay turo sa akin sa reception. Siya na daw bahalang mag assist sa akin sa loob. Nagpasalamat ako kay manong guard at tsaka lumapit na sa receptionist.

Kahit pangalawang beses ko ng makapunta dito di ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Para akong nasa lobby ng five-star hotel. Nung unang punta ko dito, pagpasa ng application para sa OJT ko ay nagmamadali kasi ako dahil may pasok pa ako sa café kaya di ko masyadong napansin ang ganda ng design sa loob.

"Get out of the way!"   Isang baritonong boses ang nagpatigil sa akin. Sa sobrang pagkamangha ko sa paligid hindi ko man lang napasin na nakaharang na pala ako.  Napako ako sa kinatatyuan ko at bigla parang hindi ako makagalaw sa sobrang kaba. Paglingon ko sa paligid lahat ng empleyado nakatingin sa akin. 

Oh no!  It's my first day today, anong kapalpakan ba ang nagawa ko? At bakit siya naninigaw. 

"I said get out of the way! Can't you understand?" ulit nito sa akin and this time dama ko na ang galit sa boses niya. 

Dali dali akong tumabi at yumuko.. "Sorry po S-sir" usal ko ng nakayuko. Hiyang hiya ako sa mga tao sa palibot halos lahat sila nagbubulungan. Para akong naiiyak pero pilit kong pinigilan. Hindi ako pwedeng mahina. 

"I don't need stupid people in this building. Move!"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ah grabe ang mahihing boss mo Ava ang sungit
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
welcome sa good novel Hendrick and Ava
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status