Share

68 - Picture

68

Kinabukasan ay wala pa rin siya at para akong tanga na iniisip na paano kung magustuhan niya iyong ka date niya? Nag-ooverthink ako na baka ang sinabi niyang pag-iisapan niya ay ‘yung kung anong kami ngayon? Naninikip ang dibdib ko, pero wala naman ibang pwedeng sisihin doon, kung hindi ako lang, hindi ba?

Sa tingin ba niya ayos lang talaga sa’kin ang makita siyang makipagdate sa iba? Sa tingin ba niya ayos lang sa’kin na kahit na ako ang girlfriend niya sa iba siya makikipagdate?

Wala ako sa sarili habang iniisip ko ang mga posibleng mangyare. Pati sa kalse ko ay wala na ako sa sarili dahil wala pa akong natatanggap na text o tawag niya galing sa kanya.

“Ang sakit pa rin ng ulo ko. Ayoko na uminom,” si Cresia habang naglalakad kami papunta sa Cafeteria. “Kapag ba uminom, pati labi namamaga?” Napasulyap ako sa kanya sa tanong niya.

Galing sa pag-iisip ay hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi niya. Mukhang hindi niya maalala na tudo ang paghila niya kay Denver para halikan ito. At a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status