LOGINNasa labas lang si Thunder ng banyo, nakatayo sa tabi ng p***o habang nakahawak sa bewang ni Alexa. Madilim ang mga mata ng asawa niya, isang tingin na pamilyar kay Sabrina. Ito ang tingin ni Thunder kapag may isang bagay na pumupukaw sa inis nito. At sa pagkakataong ito, malinaw kung sino ang dahilan nun.
"Anong nangyayari rito?" malamig na tanong ni Thunder, sapat na para magtayuan ang mga balahibo ng tatlong chismosang empleyado.
Agad na nakakita ng pagkakataon si Cindy. Mula sa pagiging matapang kanina, bigla itong nagpaawa, nangilid ang mga luha at napayuko.
"S-Sir Thunder, humihingi lang po kami ng pasensya kay Ma'am Sabrina. N-Nagalit po kasi siya nung nagtanong kami kung babalik na si Miss Alexa sa kumpanya.”
Napatiim-bagang si Sabrina. Ang galing! Isang ahas at sinungaling. Handa na sana siyang magsalita para ipagtanggol ang sarili, ngunit naunahan siya ni Alexa.
Hinawakan ni Alexa ang braso ni Thunder saka malambing na nagsalita. "Thunder, wag ka nang magalit. I'm sure pagod lang si Sabrina. Baka na-stress siya sa dami ng trabaho kaya naging mainitin ang ulo niya sa mga staff. It's okay, ako na ang hihingi ng pasensya for them."
Wow! Gustong pumalakpak ni Sabrina sa harap nila. Sa isang iglap, pinalabas ni Alexa na siya ang kontrabidang walang konsiderasyon, habang ito ang biktima at tagapagligtas.
Ibinaling ni Thunder ang malamig nitong paningin sa kanya. "Is this true, Sabrina? Ginagamit mo ang posisyon mo para i-bully ang mga empleyado dahil lang sa insecure ka?"
Parang sinampal si Sabrina ng mga salitang iyon. Insecure? Paano siya naging insecure?
"Bakit hindi mo kaya i-check ang CCTV bago ka humusga, Thunder?" kalmadong sagot ni Sabrina, pilit pinapatatag ang boses kahit nararamdaman na niya ang panginginig ng mga kamay niya. "O baka naman sanay ka nang paniwalaan ang kahit anong pabor sa inyo?"
Lumapit si Thunder sa kanya at malamig siyang binantaan."Wag mong daanin sa pagtataray ang usapang ito. You are the Marketing Director here then act like one. Mag-sorry ka kay Alexa. Wala siyang kinalaman sa mga frustrations mo sa buhay."
Natahimik ang buong pasilyo. Ang mga empleyadong nakikinig sa labas ay pasimpleng nagbubulungan. Pinapahiya siya ni Thunder sa harap ng lahat. Ang lalaking pinagsilbihan niya at minahal ng limang taon ay pilit siyang pinapaluhod sa harap ng babaeng nang-iwan dito noon.
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Sabrina. "Magso-sorry? Ako? Para saan? Dahil narinig ko kung paano nila ako bastusin? O dahil nandito ako at nakaharang sa perpekto ninyong reunion?"
"Sabrina!" Tumaas ang boses ni Thunder at halatang nauubusan na ng pasensya.
"Don't worry, Thunder. Hindi na kayo mahihirapan pa," malamig na sabi ni Sabrina. Tinalikuran niya ang mga ito at mabilis na naglakad pabalik sa opisina niya.
Hindi pa man siya nakakaupo sa swivel chair niya nang bumukas nang marahas ang p***o ng opisina niya. Iniluwa nito ang nag-uusok sa galit na si Thunder. Sinarado nito ang p***o at ni-lock iyon.
"Ano bang problema mo?!" asik ni Thunder. "Gusto mo bang gumawa ng eksena ha? Hindi ka na nahiya kay Alexa. Kakagaling lang niya sa ospital, kailangan niya ng peace of mind!"
"Peace of mind?" Tumawa nang pagak si Sabrina ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. "Eh 'yung peace of mind ko, Thunder, naisip mo ba? Limang taon kitang pinagsilbihan. Binuhat ko ang kumpanyang ito nung panahong iniwan ka niya at muntik nang ma-bankrupt ang Alcantara Group. Pero ano? Dumating lang siya, nagmukha na akong basahan sa harap ng mga tao ko!"
Natigilan si Thunder, tila hindi inaasahan ang pagsabog niya. Sa limang taon nilang kasal, lagi lang siyang tahimik. Laging sumusunod sa lalaki at laging nagpaparaya.
Kinuha ni Sabrina ang bag niya at inilabas mula roon ang brown envelope na nakita niya sa nightstand kaninang umaga. Padabog niya itong inilapag sa ibabaw ng mesa.
"Iyan ang gusto mo, 'di ba?" nanginginig na sambit niya pero taas-noo siyang nakatingin sa asawa niya.
Kumunot ang noo ni Thunder nang makita ang dokumento. Ang Petition for Annulment na inutos nitong ihanda ng mga abogado niya. Nakapirma na si Sabrina sa bawat pahina nun.
"At hindi lang 'yan," dugtong ni Sabrina. Kumuha siya ng isang puting papel mula sa drawer niya at pinirmahan iyon sa mismong harapan ni Thunder. "Ito ang Irrevocable Resignation Letter ko. Effective today. Ngayon, buo na ulit ang kumpanya mo. Nandito na ang tunay na reyna mo. Hindi mo na kailangan ng isang substitute!”
Tila may dumaang gulat at pagkalito sa mga mata ni Thunder. Tinitigan nito ang papel na may pirma niya, bago ibinalik ang tingin kay Sabrina. Imbes na makaramdam ng ginhawa, isang matinding inis ang pumalit sa mukha nito.
"Dinadaan mo ba ako sa tantrums mo, Sabrina?" madilim na sabi ni Thunder sa kanya. "Kapag lumabas ka ng kumpanyang 'to at kapag pinasa ko 'yang annulment papers, wala ka nang babalikan. Wala kang makukuhang kahit na isang kusing mula sa akin."
"Keep your money, Thunder. Kahit kailan, hindi pera ang habol ko sa'yo. At kung mayroon man akong pinagsisihan sa buong buhay ko, 'yun ay ang araw na iniligtas ko ang pamilya mo at pumayag akong magpakasal sa isang lalaking walang pusong gaya mo,” buong tapang na sagot ni Sabrina sa lalaki.
Hinablot ni Sabrina ang isang maliit na kahon kung saan nakalagay ang mga personal niyang gamit at naglakad palabas. Nang dumaan siya sa gilid ni Thunder, hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.
Paglabas niya ng opisina, nakatingin sa kanya ang lahat ng empleyado. Nakita niya si Alexa na nakaupo sa VIP lounge, humihigop ng tsaa na parang walang nangyari. Nakita niya ang pangingilid ng luha ng assistant niyang si Agnes na gustong lumapit pero pinigilan niya sa pamamagitan ng pag-iling.
Pagbaba niya sa parking lot, sakto namang bumagsak ang malakas na ulan. Pumasok siya sa loob ng sasakyan niya at doon, doon niya nilabas ang pighating nararamdaman niya.
Napahagulgol si Sabrina ng ilang minuto. Mayamaya pa’y huminga siya ng malalim, pilit kinakalma ang sarili habang mariing nakahawak sa kanyang puson.
"I-I'm here, baby," humihikbing bulong niya sa maliit na buhay sa sinapupunan niya. "Wala na tayong babalikan, okay? Pero pangako, hinding-hindi ko ipaparamdam sa'yo na hindi ka kamahal-mahal, gaya ng ginawa niya sa akin."
Pinaandar niya ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon, iniwan ang lalaking sumira sa kanya at sinimulan ang unang hakbang palayo sa impyernong tinawag niyang tahanan.
Binalot ng katahimikan ang buong mansyon ng mga De Leon, maliban sa isang pamilyar at mahinang pag-hele na nagmumula sa nursery room.Nakasandal si Sabrina sa hamba ng pinto, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang eksenang nasa loob. Sa ilalim ng dim light, nakatayo si Thunder. Suot nito ang isang kupas na puting t-shirt at lumang pajama. isang sitwasyon na napakalayo sa bilyonaryong CEO na nakilala ng buong bansa. At mas malapit sa isang simpleng tambay na nagpupuyat magdamag. Basang-basa ng pawis ang likod nito habang banayad na idinuduyan ang limang-buwang gulang nilang anak na si Baby Lucas. Sa balikat ni Thunder, may nakasampay na lampin at may mantsa pa. "Sshh, tulog na ang boss ko," malambing na bulong ni Thunder, "Puyat na puyat na si Daddy, anak. Baka naman pwedeng bukas na tayo magkwentuhan?"Hindi napigilan ni Sabrina ang mapangiti. Ang lalaking dati ay nagwawala kapag may na-late na report ng limang minuto, ngayon ay nagmamakaawa sa isang sanggol na matulog na. Unti-unt
Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.Pero ang tunay na nagkakagulo ay hindi ang mga doktor, kundi ang lalaking halos magkandapatid-patid ang ugat sa leeg sa sobrang kaba. Nakahiga si Sabrina sa delivery bed, putlang-putla at pawis na pawis habang nararamdaman ang sunud-sunod na paghilab ng kanyang tiyan. Sa tabi niya, nakatayo si Thunder na mas mukha pang pasyente kaysa sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ng dating bilyonaryo. Hawak nito ang kamay ni Sabrina nang mahigpit, ngunit maingat na maingat para hindi ito masaktan."D
Lumipas ang limang buwan, ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay ay nagbabadya ng paparating na Pasko, ngunit sa loob ng mansyon ng mga De Leon, iba ang init at tensyon na nararamdaman ng lahat.Nasa ika-tatlumpu’t walong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Sabrina. Ang kanyang tiyan ay bilog na bilog at mabigat dahilan upang halos hindi na siya makapaglakad nang mabilis. Subalit, kung mayroon mang mas nahihirapan sa sitwasyon, iyon ay walang iba kundi si Thunder. Ang dating walang-pusong bilyonaryo ay naging isang praning, over-protective at OA na asawa. Sampung beses yata nitong nire-repack ang hospital bag ni Sabrina araw-araw at halos hindi na ito pumapasok sa trabaho para lang mabantayan ang bawat pag-ikot ng asawa sa kama.Isang hapon, habang nakaupo si Sabrina sa terrace at umiinom ng paborito niyang chamomile tea, may tatlong itim na sasakyan ang pumasok sa malawak na driveway ng mansyon.Kumunot ang noo ni Sabrina nang makitang bumaba mula roon si Mr. Sy, kasama ang dalaw
Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant
Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam
Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet







