Share

KHMB: Kabanata 4

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-08-27 22:06:42

Samantala, nakatayo lang si Thunder sa loob ng opisina. Ang paningin niya’y nakapako sa ibabaw ng kanyang mahogany desk. Nariyan ang Irrevocable Resignation Letter ni Sabrina at sa ibabaw nito ay ang Petition for Annulment na pirmado na ng babae na walang anumang pag-aalinlangan. At sa mismong gitna, tila nang-aasar na kumikinang sa ilalim ng ilaw ang two-carat diamond wedding ring na ibinigay niya rito limang taon na ang nakararaan.

Wala itong kinuha, ni wala itong hiningi sa kanya. Umalis ito na parang wala lang. 

Isang pamilyar na pabango ang sumira sa pagmumuni-muni niya. Naramdaman ni Thunder ang malambot na mga braso ni Alexa na yumakap sa kanya mula sa likuran. Ipinatong ng babae ang baba nito sa balikat niya at nag-aalalang nagsalita.

"Thunder. I feel so bad," malambing ngunit malungkot na sabi ni Alexa. "Dahil ba sa akin kaya umalis ang asawa mo? Paano na 'yan? Sabi nila, magaling daw siya eh. Baka bumagsak ang Alcantara Group kapag nawala ang Marketing Director niyo."

Kumunot ang noo ni Thunder. Hinawakan niya ang mga kamay ni Alexa at hinarap ito. "Don't be ridiculous, Alexa. Ang kumpanyang ito ay nakatayo na bago pa man siya dumating. Pumasok lang siya rito bilang kabayaran sa utang na loob namin sa kanya."

Utang na loob. Iyon lang ang tingin niya roon. Limang taon na ang nakalipas, iniligtas ni Sabrina ang buhay ng lolo niya. Bilang kapalit, ang kaisa-isang hiningi nito ay ang pakasalan siya. Kinamuhian niya si Sabrina dahil doon. Itinali siya nito sa isang kasal habang nasa Paris si Alexa.

"Pero nagalit siya kanina. Kasalanan ko talaga," maluha-luhang dagdag ni Alexa at marahang hinaplos ang dibdib ni Thunder. "Maybe... maybe I should take over her position? I studied Fashion Marketing in Paris, Thunder. Gusto kong makabawi sa'yo. Gusto kitang tulungan."

Tinitigan ni Thunder ang magandang mukha ni Alexa. Ito ang babaeng minahal niya, ang babaeng hinihintay niya. Pero bakit nang tumingin siya sa singsing na iniwan ni Sabrina, may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya? Pinilig niya ang kanyang ulo para alisin ang isiping iyon.

"Of course," sagot ni Thunder. “Ibibigay ko sa'yo ang posisyon, Alexa. Anything you want."

Sa likod ng maamong ngiti ni Alexa, isang kislap ng tagumpay ang dumaan sa mga mata nito. Nakuha rin niya ang gusto niya, iyan ang nasa isip ng babae. 

Samantala, binabagtas na ni Sabrina ang kahabaan ng SLEX papuntang South. Bumubuhos ang malakas na ulan, tila nakiki simpatya sa nag-uumapaw na luhang hindi na niya mapigilan sa pag-agos.

Limang taon na pagpapanggap bilang isang masunurin, tahimik at perpektong asawa. Ibinaon niya sa limot kung sino talaga siya para lang bumagay sa mundo ni Thunder, umaasang balang araw ay matututunan din siyang mahalin nito. Pero wala, itinapon pa rin siya ng lalaki. 

Tumingin siya sa passenger seat. Nandoon ang isang maliit na karton kung nasaan ang mga personal niyang gamit. Wala siyang kinuha na kahit anong binili ni Thunder gamit ang pera nito.

"It's over," humihikbing bulong niya at mariing kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. "Hinding-hindi na ako magiging tanga."

Ilang oras pa ang lumipas, pumasok ang sasakyan niya sa malamig at maulap na siyudad ng Tagaytay. Dito, malayo sa polusyon at ingay ng Maynila, nakatago ang katotohanang hindi kailanman nalaman ni Thunder Alcantara.

Hindi isang simpleng middle-class na babae si Sabrina. Hindi siya isang desperadang ulila na naghanap ng pamilyang aampon sa kanya. Siya si Sabrina Isabel De Leon. Ang nag-iisang apo at tagapagmana ng De Leon Empire, isang pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalalaking real estate, shipping lines at chain of private hospitals sa buong Asia. Iniwan niya ang lahat ng karangyaan, nagpakababa at itinago ang tunay na apelyido para sa lalaking pangarap niya.

Ngunit ngayon, tapos na ang laro at pagpapaka martir niya, babalik na siya sa trono niya.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng naglalakihang wrought-iron gates na may nakaukit na letrang D at L. Nang makilala ng mga security ang plate number niya, awtomatiko itong bumukas. Sinalubong siya ng isang mala-palasyong mansyon na napapalibutan ng mga pine trees.

Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng sasakyan, nagmamadali nang lumapit ang mga naka-uniform na kasambahay at mga bodyguard bitbit ang malalaking payong.

"Señorita Sabrina! Sa wakas! Dumating na po kayo!"

Hindi na pinansin ni Sabrina ang mga sumalubong sa kanya. Dire-diretso siyang naglakad papasok sa grand foyer ng mansyon.

Sa paanan ng grand staircase, nakatayo ang isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Kahit may edad na, hindi maitatago ang awtoridad at kapangyarihan sa tindig ni Don Fernando De Leon. Sa magkabilang tabi nito ay ang dalawang nakatatandang pinsan niyang sina Kuya Marco at Kuya Leandro na parehong kilala at kinatatakutan sa business world.

Nang makita nila ang basang-basa, namumutla at umiiyak na si Sabrina, nag-iba ang ihip ng hangin sa buong mansyon.

"Lolo..." nanginginig na tawag ni Sabrina.

Nabitawan ni Don Fernando ang tungkod. Ang mga matang kinatatakutan ng mga pulitiko at bilyonaryo ay napalitan ng labis na pagmamahal at sakit. Ibuka nito ang braso sabay sabing, “Apo ko!” 

Tumakbo si Sabrina at yumakap nang mahigpit sa kanyang lolo. Doon na siya tuluyang bumigay. Humagulgol siya nang pagkalakas-lakas na para bang isang batang iniwan ng magulang. Ang lahat ng sakit, pang-iinsulto, pamamahiya at pambabalewala ni Thunder ay ibinuhos niya sa mga luhang iyon.

"Lolo, pagod na pagod na po ako. I-Iniwan ko na po siya. Tama na po."

Napatiim-bagang si Marco nang marinig ang sinabi ng pinsan. Humakbang ito at lumapit sa kanila. "That bastard! Pupuntahan ko siya sa Maynila ngayon din. Wawasakin ko ang Alcantara Group hanggang sa magmakaawa siya sa harapan mo, Sab."

"Marco, stop," malamig na utos ni Don Fernando habang banayad na hinahaplos ang buhok ng apo. "Look at your cousin. She needs us right now. The revenge can wait."

Kumalas si Sabrina sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa tatlong pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. "Kuya, Lolo, may isa pa po akong sasabihin."

Awtomatikong napunta ang kamay ni Sabrina sa kanyang tiyan, pilit itong pinoprotektahan. "B-Buntis po ako."

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong grand hall. Nanlaki ang mga mata ni Don Fernando, habang sina Marco at Leandro ay natigilan.

"Anak ba ng lalaking 'yon?" mariing tanong ni Kuya Leandro habang napapakuyom ng kamao. 

Tumango si Sabrina at muling tumulo ang luha sa pisngi niya. "Opo. Pero hindi niya alam. At sinabi niyang kapag nalaman niyang buntis ako, papatayin o ipapa-abort daw niya. Kaya umalis na ako, Lolo. Gusto kong protektahan ang baby ko. Tayo na lang po, sapat na po 'yun sa akin."

Rinig na rinig ang malakas na paglagapak ng tungkod ni Don Fernando sa marmol na sahig. Tila may dumaang kidlat sa mga mata ng matanda. Isang nakakatakot at nakakapangilabot na galit ang bumalot sa buong pagkatao ng bilyonaryo.

"Gusto niyang patayin ang isang De Leon?" mababa ngunit nagbabantang saad ni Don Fernando. Tumingin ito kay Sabrina at biglang lumambot muli ang ekspresyon nito. Hinawakan nito ang mukha ng apo. "Huwag kang mag-alala, princess. Mula sa araw na ito, burado na si Thunder Alcantara sa mundo mo."

Binalingan ng matanda sina Marco at Leandro. "Ihanda niyo ang lahat ng ospital natin. Ibigay niyo ang pinakamagaling na OB-GYN sa Pilipinas para kay Sabrina at para naman kay Thunder..."

Ngumiti nang nakakapangilabot si Don Fernando. "Ang batang iyan ay ipapanganak bilang isang De Leon. He will be born into absolute royalty. At sisiguraduhin kong luluhod muna si Thunder Alcantara sa bubog bago niya masilayan kahit anino man lang ng apo ko sa tuhod.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 15

    Lumipas ang isa pang buwan. Unti-unting nasanay si Sabrina sa bagong nakagawian nila. Tuwing gigising siya, may nakahandang masustansyang almusal sa lamesa, hindi na sunog kundi perpektong naluto ng isang lalaking puyat kakapanood ng cooking tutorials. Wala nang kumpanya si Thunder. Wala na ang mga mamahaling sasakyan nito. Ang natira na lang dito ay ang dedikasyon nitong pagsilbihan siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng malaking salamin ng kanyang walk-in closet, maingat na inaayos ang kanyang navy blue power suit. Halata na ang apat na buwang umbok ng kanyang tiyan, ngunit sa halip na itago, buong pagmamalaki niya itong idinadala. Siya ang CEO ng De Leon Investment Group at ngayon ang unang araw ng pormal niyang pagbabalik sa corporate world matapos ang matinding iskandalo ng Alcantara Group.Isang mahinang katok ang umalingawngaw, unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito si Thunder. Nakasuot ito ng isang simpleng puting button-down polo na nabili lang malamang sa isang departm

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 14

    Dalawang araw makalipas bumagsak ang lagnat ni Thunder, inaasahan ni Sabrina na aabutan niya itong nakahiga pa rin sa guest room ng rest house sa Nuvali. Ngunit pagbaba niya ng hagdan, isang hindi pamilyar na ingay mula sa kusina ang umagaw sa atensyon niya. Amoy ng sunog na bawang at mantika ang sumalubong sa kanya.Nang sumilip siya, nakita niya ang dating bilyonaryong CEO na nakasuot ng simpleng puting t-shirt at apron. Hawak nito ang isang spatula na parang espada, tila nakikipaglaban sa tumatalsik na mantika mula sa kawali. Puno ng uling at pawis ang mukha nito at halatang kanina pa ito nagkakandarapa sa pagluluto."Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ni Sabrina, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto.Napatalon sa gulat si Thunder. Agad nitong pinatay ang kalan at aligagang humarap sa kanya. Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata, sabay kamot sa batok nito."Good morning," malamig na bati ng bilyonaryo. "G-Gusto ko sanang ipagluto ka ng breakfast.

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 13

    Hindi naging madali ang pag-uwi. Kinailangan pang buhatin ng dalawang bodyguard ni Sabrina ang nawalan ng malay na si Thunder papasok sa likod ng SUV. Dahil sa magkakasunod na araw ng pagpapagod sa construction site, kakulangan sa tulog at ang huling buhos ng malakas na ulan, tuluyang bumigay ang katawan ng dating bilyonaryo.Sa buong byahe pabalik sa isang pribadong rest house ng mga De Leon sa Nuvali, walang ibang ginawa si Sabrina kundi titigan ang mukha ni Thunder. Ang lalaking dati ay hindi makikitaan ng kahit anong dumi sa katawan, ngayon ay puro galos, nakasuot ng manipis at butas-butas na t-shirt at amoy araw pa. Para itong isang tambay na napulot lang sa gilid ng kalsada at malayo sa kinatatakutang CEO na nakilala ng buong Maynila.Ngunit habang nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat, naramdaman ni Sabrina ang isang kakaibang kapayapaan. Wala na siyang galit na nararamdaman, o kung meron hindi na kagaya ng dati. Yung pader na binuo niya sa pagitan nila ng lalaki ay tuluya

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB 12

    Isang linggo ang lumipas mula nang nangyari ang pagluhod at pagmakaawa ni Thunder sa harap ni Sabrina. Sa loob ng pitong araw na iyon, walang narinig si Sabrina mula sa dating asawa. Inakala niyang sumuko na ito, na ang yaman at pride pa rin ng isang Alcantara ang mananaig sa huli ngunit nagkamali siya.Pabagsak na inilapag ni Leandro ang isang makapal na brown envelope sa ibabaw ng glass desk ni Sabrina sa loob ng De Leon tower. "Tingnan mo 'yan, Sab. The arrogant king has officially dethroned himself."Kunot-noong kinuha ni Sabrina ang envelope at inilabas ang mga litrato. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Sa mga larawan, makikita ang isang lalaking hindi lumalabas ng bahay nang walang suot na mamahaling Armani suit at Rolex watch. Ngunit ngayon, nakasuot ito ng kupas na t-shirt, butas na maong at maduming bota.Nasa isa sa mga construction site ito ng De Leon Real Estate sa Laguna. Nagbubuhat ng semento. Naghahalo ng graba sa ilalim ng tirik na araw. Kung kaya’t ang dating mak

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 11

    Isang buwan ang lumipas, sa loob ng isang marangyang cafe sa BGC, nakaupo si Sabrina kasama ang pinsan niyang si Leandro. Suot ni Sabrina ang isang komportableng oversized coat para itago ang mas kapansin-pansin nang umbok ng kanyang tiyan. Tatlong buwan na siyang buntis kaya nahahalata na ang umbok nito."The Alcantara Group officially filed for bankruptcy yesterday. Kinuha na ng bangko ang penthouse nila. Wala nang natira kay Thunder kundi ang utang na aabutin siya ng habambuhay bago mabayaran."Hindi nag-react si Sabrina. Tahimik siyang humigop ng chamomile tea. "At ang balita ko, nilayasan na rin siya ni Alexa matapos itong magising at maka-recover," dagdag ni Leandro habang nakangisi pa. "Nang malamang walang-wala na si Thunder, nakipag balikan daw doon sa bilyonaryong Pranses na asawa nito sa Paris. Ginamit lang pala si Thunder para pagselosin ang asawa niya.""Karma is a swift and brutal bitch," malamig na komento ni Sabrina."You did well, Sab," nakangiting sabi ni Leandro hab

  • Kneel Harder, Mr. Billionaire   KHMB Kabanata 10

    Dalawampung minuto ang lumipas, bumukas ang double doors ng VIP hallway. Tila huminto ang paghinga ni Thunder nang makita ang babaeng naglalakad palapit. Nakasuot si Sabrina ng isang malinis at puting lab coat na pumatong sa eleganteng itim na turtleneck dress. Kasunod niya ang ilang nars at espesyalista na nakayuko at nagbibigay-pugay sa bawat daanan niya. Ang kanyang mukha ay seryoso, malamig at walang kahit anong bakas ng emosyon.Ito ang asawa niya, isang henyong doktor at isang tagapagmana. Nang magtama ang mga mata nila, nakita ni Thunder ang pandidiri sa mga mata ni Sabrina."Anong ginagawa ng lalaking 'to sa ospital ko?" malamig na tanong ni Sabrina sa head doctor, ni hindi man lang binanggit ang pangalan ni Thunder."Dra. De Leon, siya po ang nagdala sa pasyenteng may ruptured aneurysm sa ER. Kayo lang po ang makakagawa ng surgery eh."Tiningnan ni Sabrina ang chart ng pasyente. Nang makita ang pangalang Alexa, isang mapait at malamig na ngiti ang sumilay sa labi niya. Tuming

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status