MasukHindi alam ni Sabrina kung paano siya nakarating sa Obstetrics and Gynecology department ng St. Luke's. Parang nakalutang ang mga paa niya habang naglalakad. Paulit-ulti na nag-re-replay ang senaryong bumunga sa kanya kanina. Kahit na ganun, rinig na rinig pa rin niya ang bulong ng mga nurses at pasyente na para bang sinasadyang iparinig sa kanya.
"Diba si Alexa Ysmael 'yan? 'Yung sikat na artista at model?"
"Buntis pala siya! At grabe, kasama pa niya si Thunder Alcantara! 'Yung CEO ng Alcantara Group. Ang gwapo niya sa personal, ano? Mas gwapo pa kaysa sa mga magazine at TV!"
"Ang perfect nilang dalawa ‘di ba? Bagay na bagay! Imaginin mo na lang kung gaano kaganda 'yung magiging anak nila."
"Shh! Hinaan niyo boses niyo, ang daming bodyguard oh. Papalapit na sila."
Napatigil si Sabrina, unti-unti niyang inangat ang tingin niya. Totoo ngang naglalakad si Thunder pabalik, may hawak na ultrasound result at ilang resibo. Sa tabi nito ay si Alexa, nakangiti nang pagkatamis-tamis habang nakakapit sa braso ni Thunder.
Agad na namutla siya, feeling niya ay ilang segundo lang ay babagsak na ang katawan niya. Sobrang sakit na para bang sinasakal ang leeg niya.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong ng isang nurse nang mapansin ang pamumutla niya.
"O-okay lang po," mabilis na sagot ni Sabrina. Nang makita niyang papalapit na sina Thunder, mabilis siyang tumalikod at nagtago sa isang pasilyo.
Mula sa kinatatayuan niya, nakita niya kung paano napatigil si Thunder, bahagyang kumunot ang noo na parang may napansin itong pamilyar. Akmang lalapit sana ito sa direksyon niya nang pigilan ito ni Alexa.
"Thunder, samahan mo na ako sa loob," malambing na pakiusap ng dalaga. "Kinakabahan kasi ako."
"Huwag kang mag-alala," sagot ni Thunder. Biglang lumambot ang boses nito, isang tono na ni minsan hindi narinig ni Sabrina mula sa asawa niya. Bumalik ang atensyon ni Thunder kay Alexa at sabay na pumasok sa clinic ang dalawa.
Sa sulok ng pasilyo, napahawak si Sabrina sa dibdib niya. Parang nilalamukot ang puso niya sa mga oras na yun.
Kaya pala. Kaya pala ito pumunta ng Europe ng dalawang buwan para sunduin ang babaeng totoong mahal nito.
Naalala niya ang mga salita ni Thunder kaninang umaga:
"Ayoko ng anak lalo na kung galing sa'yo. Ipapalaglag ko 'yan o ako mismo ang papatay diyan."
Pero kay Alexa? Ibang-iba ang asawa niya, nag-aalala itong baka may mangyaring masama sa bata. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya, niyakap na lamang niya ang sarili at nanginginig na hinaplos ang kanyang tiyan.
"Sorry, baby, wala ka nang ama bago ka pa man ipanganak. Pero okay lang yun. Nandito naman si Mommy. Mamahalin kita, pati na rin ng mga lolo at tito mo. Kahit tayo lang, sapat na."
Pagkatapos ng check-up niya, nakatanggap si Sabrina ng tawag. Galing yun kay Agnes, ang protégé niya sa Alcantara Group. May problema raw sa isa sa mga project nila. Kahit gusto niyang magpahinga, pinilit niyang pumunta sa opisina. Pagdating niya sa lobby ng Alcantara Group, sumalubong na naman sa kanya ang isang eksenang dumurog lalo sa puso niya.
Sa harap ng maraming empleyado, inaalalayan ni Thunder si Alexa papasok sa private elevator ng CEO. Nang magsasara na ang p***o, nagtagpo ang paningin nila ni Thunder. Pero wala ni isang emosyon ang makikita sa mga mata nito. Blangko lang siyang tinitigan nito na para bang hindi siya ang asawa. Tila tumigil ang mundo ni Sabrina hanggang sa tuluyang sumara ang elevator.
"Ang bagay talaga ni Sir Thunder at Miss Alexa, ano?"
"Sabi nila, kaya daw single pa rin si Sir Thunder kasi hinihintay niya talaga si Miss Alexa na bumalik!"
"Grabe, five years niya itong hinintay. Ang swerte naman ni Miss Alexa."
Ang mga bulungan ng mga empleyado ay parang isang kutsilyong paulit-ulit na bumabaon sa kanyang dibdib. Nabalik lang siya sa wisyo nang salubungin siya ni Agnes. "Ma'am Sab, anong gagawin natin doon sa proposal?"
Pinilit ni Sabrina na itago ang sakit. "Ano bang tingin mo?"
"Kailangan nating baguhin 'yung approach sa client, Ma'am," sagot nito.
"Gawin mo na," tipid na sagot ni Sabrina. "Agnes, kailangan mong matutong magdesisyon nang mag-isa. Hindi habambuhay, nandito ako para gabayan ka."
Natigilan si Agnes, tumingin ito sa kanya, tapos ay ibinaba ang tingin sa tiyan niya. "Ma'am, dahil ba 'yan sa—hindi niyo pa rin sinasabi sa kanya?"
"Hindi niya kailangang malaman," mabilis at pinal na sagot ni Sabrina. "At aalis na ako sa kumpanyang ito, Agnes. Matagal ko nang pinag-iisipan ito."
Wala nang nagawa si Agnes kundi sumunod habang naglalakad sila papunta sa department nila. Pagpasok pa lang nila, rinig na agad nila ang chismisan ng mga staff.
"Lahat yata ng endorsements ng kumpanya natin, binigay na kay Miss Alexa. Ganoon siya kamahal ni Sir Thunder!"
"Sana all talaga!"
"Tumigil nga kayo!" sita ni Agnes at halatang naiinis dahil alam niya ang katotohanan. "Nandito kayo para magtrabaho, hindi para mag-chismisan!"
Natahimik ang lahat pero pasimpleng nagkatinginan ang mga ito, lalo na nang makita si Sabrina na seryosong naglakad papasok sa opisina.
—
Sa loob ng cubicle sa banyo ng mga babae, sinusubukan ni Sabrina na pigilan ang pagluha niya nang may marinig siyang nag-uusap sa labas.
"Nakita niyo ba 'yung mukha ni Miss Sabrina kanina?" boses ng isa sa mga staff niyang si Cindy. "Grabe, ang epic! Feeling niya yata siya ang magiging asawa ni Sir Thunder dahil tinulungan at sinagip niya ang kumpanya five years ago, haler!? Asa siya!"
"Oo nga!" sabat pa ng isa. "Feeling asawa eh hindi naman. Ngayong nandito na ang tunay na reyna, wasak ang pangarap niya!"
"Buti nga sa kanya! Ang sungit-sungit pa naman niya sa atin—"
Malakas na bumukas ang p***o ng cubicle. Lumabas si Sabrina at matalim na tiningnan ang mga namumutlang babaeng nasa harapan, kabilang na roon si Cindy.
"M-Ma'am Sab..."
Naglakad si Sabrina papunta sa lababo at kalmadong naghugas ng kamay. "Kung mag-uusap kayo tungkol sa ibang tao, siguraduhin niyong wala sila sa paligid. Ang awkward kasi."
"S-Sorry po, Ma'am."
Humarap si Sabrina sa kanila habang dahan-dahang pinupunusan ang kanyang kamay gamit ang paper towel. “Kailan ko ba sinabi na gusto kong maging asawa ni Thunder Alcantara?"
"E-Eh hindi ba 'yun naman ang gusto niyo?" matapang pero nanginginig na sagot ni Cindy. "Kaya nga kayo nagpapaka martir sa kumpanya eh."
"Gusto ko man o hindi, wala kayong pakialam," malamig na sagot ni Sabrina. "Kahit hindi ako ang asawa ng CEO niyo, boss niyo pa rin ako. Kaya habang pinapasweldo kayo ng kumpanyang 'to, gawin niyo ang trabaho niyo at huwag kayong puro chismis lang."
"Boss nga namin kayo, pero hindi naman sa inyo ang kumpanya!" sagot ni Cindy.
"Kahit anong pilit niyo, si Miss Alexa pa rin ang magmamay-ari nito."
"Thunder!"
Sabay-sabay silang napalingon sa p***o ng banyo. Nakatayo doon si Alexa at sa likod nito ay si Thunder. Madilim at hindi mabasa ang ekspresyon ng asawa niya habang nakatingin kay Sabrina.
Nanigas si Sabrina nang makita ang lalaki. Narinig kaya ng lalaki ang usapan nila?
Binalot ng katahimikan ang buong mansyon ng mga De Leon, maliban sa isang pamilyar at mahinang pag-hele na nagmumula sa nursery room.Nakasandal si Sabrina sa hamba ng pinto, nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang eksenang nasa loob. Sa ilalim ng dim light, nakatayo si Thunder. Suot nito ang isang kupas na puting t-shirt at lumang pajama. isang sitwasyon na napakalayo sa bilyonaryong CEO na nakilala ng buong bansa. At mas malapit sa isang simpleng tambay na nagpupuyat magdamag. Basang-basa ng pawis ang likod nito habang banayad na idinuduyan ang limang-buwang gulang nilang anak na si Baby Lucas. Sa balikat ni Thunder, may nakasampay na lampin at may mantsa pa. "Sshh, tulog na ang boss ko," malambing na bulong ni Thunder, "Puyat na puyat na si Daddy, anak. Baka naman pwedeng bukas na tayo magkwentuhan?"Hindi napigilan ni Sabrina ang mapangiti. Ang lalaking dati ay nagwawala kapag may na-late na report ng limang minuto, ngayon ay nagmamakaawa sa isang sanggol na matulog na. Unti-unt
Kung mayroong award para sa pinaka-nakakatawa ngunit nakakapanindig-balahibong eksena sa buong kasaysayan ng mga De Leon, ito na marahil iyon.Tila ba nagkaroon ng state emergency ang buong ospital ng De Leon. Wala pang limang minuto matapos lumapag ang private chopper sa helipad ng ospital, nakahanda na ang buong medical team sa pangunguna ni Dr. Valderrama. Hinarangan nina Marco at Leandro ang buong VIP wing at nag-utos na walang kahit sinong pwedeng pumasok o lumabas nang walang basbas nila.Pero ang tunay na nagkakagulo ay hindi ang mga doktor, kundi ang lalaking halos magkandapatid-patid ang ugat sa leeg sa sobrang kaba. Nakahiga si Sabrina sa delivery bed, putlang-putla at pawis na pawis habang nararamdaman ang sunud-sunod na paghilab ng kanyang tiyan. Sa tabi niya, nakatayo si Thunder na mas mukha pang pasyente kaysa sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ng dating bilyonaryo. Hawak nito ang kamay ni Sabrina nang mahigpit, ngunit maingat na maingat para hindi ito masaktan."D
Lumipas ang limang buwan, ang malamig na simoy ng hangin sa Tagaytay ay nagbabadya ng paparating na Pasko, ngunit sa loob ng mansyon ng mga De Leon, iba ang init at tensyon na nararamdaman ng lahat.Nasa ika-tatlumpu’t walong linggo na ng kanyang pagbubuntis si Sabrina. Ang kanyang tiyan ay bilog na bilog at mabigat dahilan upang halos hindi na siya makapaglakad nang mabilis. Subalit, kung mayroon mang mas nahihirapan sa sitwasyon, iyon ay walang iba kundi si Thunder. Ang dating walang-pusong bilyonaryo ay naging isang praning, over-protective at OA na asawa. Sampung beses yata nitong nire-repack ang hospital bag ni Sabrina araw-araw at halos hindi na ito pumapasok sa trabaho para lang mabantayan ang bawat pag-ikot ng asawa sa kama.Isang hapon, habang nakaupo si Sabrina sa terrace at umiinom ng paborito niyang chamomile tea, may tatlong itim na sasakyan ang pumasok sa malawak na driveway ng mansyon.Kumunot ang noo ni Sabrina nang makitang bumaba mula roon si Mr. Sy, kasama ang dalaw
Hindi kailanman inisip ni Thunder na darating ang araw na maglalakad siya sa loob ng isang palasyo hindi bilang isang hari, kundi bilang isang hamak na bisitang nakikitira.Ang mansyon ng mga De Leon ay isang testamento ng old money at kapangyarihan. Ang mga chandelier ay gawa sa crystal at ang bawat muwebles doon ay antique. Dito na sila umuwi matapos ang huling check-up ni Sabrina, dahil mas gusto ni Don Fernando na nasa ilalim ng kanyang proteksyon ang apo habang papalapit ang kabuwanan nito.Nang pumatak ang alas syete, sabay-sabay silang kumain ng dinner. Si Thunder ay nakatayo lang sa gilid ng mahabang dining table, nakasuot ng simpleng button-down shirt na binili niya mula sa unang sweldo niya bilang isang junior project manager. Sa pinakadulo ay nakaupo si Don Fernando, habang nasa magkabilang gilid sina Marco at Leandro. Si Sabrina naman ay nakaupo tabi ni Marco at tahimik na pinagmamasdan ang asawa."Umupo ka na, Thunder," malumanay na utos ni Sabrina at tinatapik ang bakant
Sikat ng araw ang unang gumising kay Sabrina. Ngunit bago pa man niya imulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang banayad at tuluy-tuloy na ihip ng hangin sa kanyang balat.Pagmulat niya, tumambad sa kanya ang maliit at masikip na kwarto ng apartment ni Thunder. Nakahiga siya sa manipis na foam, ngunit nakapatong ang kanyang ulo sa hita ni Thunder. Ang lalaki ay nakasandal sa pader, puyat na puyat, may maiitim na marka sa ilalim ng mga mata at walang-tigil na pinapaypayan siya gamit ang isang nakatuping karton."Kanina ka pa gising?" paos na tanong ni Sabrina, dahan-dahang bumabangon habang inaalalayan ang kanyang tiyan.Tipid na ngumiti si Thunder, "Hindi ako natulog, Sab. Mainit dito at walang aircon, baka pawisan kayo ng baby natin, magka-rashes ka pa. Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba ng tubig?"Napakagat-labi si Sabrina, ang dating lalaking nagwawala kapag hindi perpekto ang timpla ng kape nito sa umaga ay ngayon ay nagpuyat magdamag para lang paypayan siya gam
Hindi tulad sa mga pelikula kung saan ang isang halik ay sapat na para burahin ang lahat ng sakit, alam ni Sabrina na ang pagpapatawad ay hindi isang magic trick. Pagkatapos ng tagpong iyon sa opisina, umiyak siya nang husto sa mga bisig ni Thunder. Niyakap niya ito, ngunit kinabukasan, nandoon pa rin ang takot. Ang takot na baka ang lalaking nagpabago sa kanya mula sa pagiging martir na asawa patungo sa pagiging malamig na reyna ay saktan ulit siya.Nakatayo si Sabrina sa harap ng isang luma at pinaglipasan na ng panahong apartment complex. Suot niya ang isang simpleng maternity sundress, malaking sunglasses at flat sandals. Sa likuran niya ay ang dalawang bodyguard na pilit niyang pinasunod nang malayo.Tiningnan niya ang address na ibinigay sa kanya ni Kuya Leandro. Unit 14, 2nd Floor. Dito umuuwi si Thunder. Ang lalaking dating natutulog sa cotton sheets at nagigising sa tanawin ng BGC skyline, ngayon ay umuupa sa isang kwartong marahil ay kasing-laki lang ng dating walk-in closet







