Share

Chapter 6.1

"Teka nga, Red. Sino 'yong sinasabi mong misis mo kagabi?"

Hindi ko naiwasang mapakunot-noo dahil sa tanong ni Thirdy. Saglit rin akong napatigil sa pagtimpla ng kape upang bumaling sa kanya na nakasandal sa lababo at kasalukuyang nagkakape.

"Pinagsasabi mo?"

"Sabi mo, uuwi ka sa misis mo."Sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi nito. "Sino 'yon, hah? Si Scarlet031 ba?"

Napaawang ang labi ko.

"Tangna! Ba't ko sasabihing misis ko 'yon?" Deny ko.

"Malay ko sa 'yo?" Nanatili ang mapanuksong ngiti sa labi nito.

"Hoy, hindi ako interesado doon, 'no! Hindi ako pumapatol sa bata."

"Hindi nga ba?"Tila nanunudyong ugong ng aking isipin.

Agad ko namang ipinilig ang ulo ko.

"Hindi talaga! Never!" Bulalas ko.

"Okay. Sabi mo eh." Kibit-balikat naman na wika ni Thirdy. Inakala nitong para sa kanya ang huli kong naibulalas kaya naman sinakyan ko na lang.

"Talaga. Ikaw, eh! Iba rin takbo ng imahinasyon mo." Naiiling kong wika bago ako kumilos upang ipagpatuloy ang pagtimpla ng kape.

"Pero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status