Share

Chapter 5

Napatitig ako sa screen ng laptop ko. Mula roon ay malaya kong pinapanood ang kasalukuyang ginagawa ni Aveline sa loob ng unit ko.

Suot nito ang kulay dark blue n  T-shirt ko. Kahit medyo matangkad siya ay nagmukha iyong tila maliit na bestida sa kanya. At kahit hindi ko makita sa video ay natitiyak kong ang boxer ko ang suot niya bilang panloob.

Marahan ang kilos niyang nagva-vacumm sa sahig kahit malinis naman ang unit. Pati ang mga bintana ay pinunasan rin niya. 

Lahat yata ng sulok ng bahay, maliban sa kwarto ay lininis niya.

Nang sumapit ang gabi ay nagluto na ito ng hapunan. Finest ang mga kilos niya para bang sanay na siyang gawin ang lahat nang iyon.

I am seeing a housewife material. Lalo tuloy siyang gumanda sa paningin ko.

Hindi ko naiwasan ang pagsilay ng munting ngiti sa labi ko.

Ngunit nang matanto ko ang pagngiti ko nang walang dahilan ay agad ko ring ipinilig ang ulo ko.

Ba't ba kasi ako ngumingiti. Para naman akong timang niyan.

Muling napunta ang tingin ko kay Gail Aveline. Matapos siyang magluto ay sumulyap ito sa orasan. Pasado alas syete y medya na nang gabi.  Matapos niyang makita ang oras ay sumulyap ito sa pintuan. 

Ilang sandali itong naghintay. Nang tila naiinip na ito ay tinungo nito ang kusina at saka nagsimula nang maghain ng niluto niyang pagkain sa mesa. Ngunit hindi siya kumain. Sa halip ay tinakpan lamang niya iyon at saka bumalik sa sofa. Ilang ulit ko siyang nakitang pasulyap-sulyap sa orasan pagtapos ay susulyap ito na pinto na parang may hinihintay.

Napakurap ako nang makita kong dalawa ang plato na nasa mesa.

Ako ba ang hinihintay niyang dumating?

Obviously. Wala namang ibang nakakaalam kung nasa'n siya. 

Kaya naman siguradong ako ang hihintay niya. 

Gumuhit ang munting ngiti sa labi ko.

Hinihintay niya ako.

Unti-unting nabura ang ngiti ko nang matanto ko na nakangiti ako kahit wala namang nakakangiti.

"Bakit ako nakangiti? Kanina pa 'to ah." Parang timang na wika ko sa sarili. 

Bakit nga ba? Bakit ako napangiti? 

Dahil lang sa ideyang hinihintay niya akong kumain? 

Napangiwi ako.

Ang weird. 

Siguro kailangan ko lang ng tulog. Mukhang sapat na pahinga ang kailangan. Parang ayaw nang makisama ng nervous system ko sa mga kilos ko.

At tila Kaybilis ng oras. Hindi ko na namalayan na kanina ko pa pinapanood ang bawat kilos ni Aveline sa loob ng unit ko. 

Napasandal ako sa swivel chair. Muli rin akong napatitig sa monitor. 

Pagkakataong iyon ay tila pagod na nakasandal si Aveline sa sofa. 

Pasada alas diyes na pero hindi pa rin ito kumakain.

Ngunit mas naguluhan ang isip ko sa emosyon nakita ko sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang lungkot roon.

Bakit siya malungkot? Para saan ang emosyon na 'yon.

"Ay! Takte!" Napapiksi ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

Nang mapunta ang tingin ko roon ay kitang-kita ko ang pangalan ni Thirdy sa screen.

Umingos ako at hinayaan ang tawag niya. 

Wala akong planong gawin sagutin ang tawag niya.

Sigurado namang mangungulit lang 'yon tungkol kay Aveline.

Muli ako napatingin sa screen ng laptop. Ngunit nahagip ng tingin ko ang camera recording sa hallway patungo sa unit ko.

Napakurap ako.

Tama ba ang nakikita ko?

Mula roon ay kitang-kita ang kalmadong paglalakad ni Thirdy. Nasa kanang tainga nito ang cellphone niya at abala sa pagtawag.

Hindi ko namalayan ang sarili kong mapatayo.

"Anong ginagawa niya dito sa Building? Alam kaya niyang may unit ako dito?"

Umiling-iling ako.

"Hindi naman siguro. Baka nataon lang." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

At tila tumalon ang puso ko nang makita ko sa video na huminto siya sa tapat ng pintuan ng unit ko.

What the--Alam niya ang unit ko?

Agad napunta ang tingin ko sa recording sa loob ng unit ko. Agad hinanap ng mga mata ko ang kinaroonan ni Aveline. Sa sandaling iyon ay nasa kusina na siya. Abala ito pagliligpit sa pagkaing inihanda niya.

Hindi siya pwedeng makita ni Thirdy. 

Kahit kaibigan ko si Thirdy at nakakasiguro akong sanggang dikit kami, siguradong sasabihin  niya sa kina Denver ang matutuklasan niya tungkol kay Aveline. Siguradong katulad nina Denver at Zach ay gusto rin niyang matapos na ang misyon.

Nang matapos ang tawag ay muli nag-ring ang cellphone ko. Siya pa rin ang tumatawag. 

Muling napunta ang tingin ko kay Thirdy. Umangat ang kamay nito upang pindutin ang doorbell. Bago pa niya magawa iyon ay mabilis kong dinampot ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya.

"Napatawag ka?" Kunwari ay nayayamot kong wika.

Bumaba ang kamay nitong nakahanda nang mag-doorbell. Kitang-kita sa camera ang pagguhit ng ngisi sa labi nito.

["Guess what, Dude? May sorpresa ako sa'yo."] 

"Babae ba 'yan?" Tanong ko kasabay nang muli kong pag-upo.

["Mukha ka talagang babae. Hindi ka ba nagsasawa?"]

"So kung hindi pala babae, ano pang pwede mong isorpresa sa akin?"

Naningkit ang mga mata ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

"And look who's talking. Para namang hindi tayo pareho. Bakit? Ikaw ba? Nagsawa ka na?"

["Fine! Kung gusto mo ng babae, pwede pa naman tayo mang-chicks, maaga pa naman ang gabi."]

"I'm not on the mood." Matamlay kong wika. "Ikaw na lang ang pumunta."

"In other words umalis ka na." Ugong ng akong isipan.

["C'mon! Para namang hindi na tayo buddies niya.]

Nang hindi ako umimik ay muli siyang nagsalita.

["Okay, here's the deal. Hindi na kita kukulitin tungkol kay Scarlet031. Itago mo siya hangga't gusto mo, hindi na rin ako ulit magtatanong kung nasa'n siya."]

Napahaplos na lamang ako  ng buhok ko.

Paano ko ba siya papaalisin. 

["So ano? Puntahan kita sa unit mo."] Tanong niya bago ako makaimik.

"Bakit? Alam mo ba kung nasa'n ang unit ko?" Tanong ko kahit nakikita kong nasa tapat pa rin siya ng pintuan ng unit ko.

Kitang-kita pagguhit ng ngiti sa labi nito. 

["Well, that's actually my surprise for you. Nandito ako sa tapat ng unit mo. Tara, inuman tayo."]

Napalunok ako. 

Tangna! Kumpirmado! Alam niya talaga kung saan ang unit ko.

Muling napunta ang tingin ko sa recording sa loob ng bahay.  Kasalukyan pa ring abala si Aveline sa kusina. Kasalukuyan nitong hinugasan ang mga pinggang pinaglagyan niya kanina ng mga inihain niya.

["At hindi ako pwedeng tanggihan."]

At tila umabot sa langit ang kabog ng dibdib ko nang makitang umangat ang kamay ni Thirdy. Tila nag-slow motion ang paligid nang makita kong pindutin niya ang doorbell. 

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong napalingon si Aveline sa pintuan. 

Muli namang pinindot ni Thirdy ang doorbell. 

Nang makita kong kumilos si Aveline paalis sa lababo ay mabilis akong humakbang patungo sa pinto ng unit na kinaroonan ko.

Halos takbuhin ko na ang pinto.

Hindi ako pwedeng maunahan.

Hindi sila pwedeng magkita.

Agad kong binuksan ang pinto ng unit kung saan ako naroon. Agad namang napalingon si Thirdy dahil sa ginawa kong pagbukas ng pinto.

Umawang ang labi niya at tila wala sa sariling idinuro niya ako gamit ang kamay niyang may hawak na cellphone.

"Anong ginagawa mo diyan?" 

"Ano sa tingin mo?"

"Hindi ba dito ang unit mo?" Itinuro niya ang pinto ng unit na katapat ng akin.

"Bobo! Hindi. Kita mong nandito ako 'di ba?"

"Pero--"

Bago pa matapos ni Thirdy ang kanyang sasabihin ay mabilis ang hakbang kong tinawid ang distansiya namin. Bago pa siya makahuma ay agad kong kinuha ang kanyang kamay.

"Halika nga rito!"

Nagmamadali ko siyang hinila.

"Ano ba? Bakit mo ako hinihila?"

Muli siyang napalingon sa pintuan ng unit kung saan naroon si Aveline.

"Paano nangyaring sa imbetigasyon ko, 'yan ang lumabas na unit mo? Ang labo naman no'n."

Lalo kong binilisan ang paghila sa kanya.

"Pwede ba? Tama na ang daldal. Pasok na! Dali! Baka may makakita pa sa 'yo!"

Nang tuluyan ko siyang mahila sa unit kung saan ako naroon ay kaagad kong isinara ang pinto.

Hooh! Muntikan na ako roon. 

"Sino namang makakakita sa 'kin?" Usisa niya ngunit tila wala naman siyang ibig ipakahulugan.

"Tinatanong ba pa 'yan? Edi siyempre, mga kalaban ng Zodiac."

Nagkibit-balikat ito.

"Wala namang nakakaalam na miyembro tayo ng Zodiac." 

Alam ko naman 'yon. Masyadong secured ang mga data tungkol sa amin. Sa mga record sa ahensiya kung saan kami naroon ay tanging mga code name lang ang pagkakakilanlan namin. 

"Mabuti na 'yong nag-iingat."

Marahan itong tumango.

"Sabagay, tama ka." Iginala ni Thirdy ang tingin sa paligid. "Ganda ng unit mo ah. Mukhang mamahalin."

Gumuhit naman ang pilit na ngiti sa labi ko.

Mabuti na lang din at naisipan kong kunin ang unit na katapat mismo ng unit ko.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto kong iwasan si Aveline pero may ang bahagi ng isip ko na ayoko naman lumayo.

"Pero parang wala pang masyadong gamit. Samantalang sa record, mahigit tatlong taon ka na rito."

"I am a minimalist." Mabilis kong sagot.

Buti na lang rin at hindi lang ako napakagwapo kundi mabilis din ang utak.

"Mukha nga." Muli nitong iginala ang paningin. Sunod na napunta ang tingin niya sa laptop na nakapatong sa mesa.

Muling lumakas ang kabog ng puso ko.

"Are you currently working?"

"Hindi!"Mabilis kong sagot. Agad rin akong kumilos patungo sa laptop. 

"Eh bakit, nakabukas 'yang laptop mo?"

"Wala lang 'to. At saka isa pa  ano namang tratrabahuin ko?"Pasimple kong isinara ang laptop.  "Wala pa naman tayong bagong misyon."

Umarko naman ang kilay nito.

"Okay ka lang? May misyon tayo. Hindi pa sarado ang misyon natin kay Leevie Tiu. Malaki pa ang chance niyang makalaya."

Nangunot ang noo ito at sandali akong pinasadahan ng tingin.

"Teka nga? Ano ba talagang nangyayari sa 'yo, ha? May problema ka ba?"

Lalo itong lumapit sa 'kin.

"Wala, 'tong napakagwapong lalaki na 'to, mukha bang may problema 'to?"

Napailing naman si Thirdy.

"Tss.Mukha ngang namali ako husga."

Muli na lamang gumuhit ang awkward na ngiti sa labi ko. 

"Pumunta ka rito para makipag-inuman, 'di ba? Tara shot! Do'n tayo." Inginuso ko ang kitchen ng unit.

Kailangan kong ilihis ang atensyon niya bago pa niya maisipan ulit ang mag-usisa tungkol sa laptop.

Gumuhit naman ang ngiti sa labi nito.

"Yan ang gusto ko sa 'yo eh."

Go with the flow, iyan ang ginawa ko. Sandali ko munang iwinaksi sa isip ko si Aveline at pinakisamahan si Thirdy na katulad ng dati.

Naging madaldal naman ito. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin. May tungkol sa mga babaeng na-encounter na namin, tungkol sa mabubuti naming tatay at kung anu-ano pa. Pero gaya ng pangako niya, hindi niya binuksan ang usapin tungkol kay Aveline at sa misyon namin kay Leevie Tiu.

"Ayoko na." Dumukdok ako sa mesa. Pakiramdam ko ay parang umiikot ang paligid ko. "Uuwi na ako."

"Taena. Saan ka uuwi?" Suminok ito ngunit hindi siya natinag na magpatuloy. "Nandito ka na unit mo, uy."

Nag-angat ako ng tingin. Tila nainggit yata ako dahil ako naman ang suminok.

"Hindi ko nga unit 'to."

" Sige. Umuwi ka na." Tumayo ito sa pagkakaupo. Sa sobrang kalasingan niya muntik pa siyang matumba buti na lang at nagawa nitong makahawak sa mesa.

"Uwi ka na. Pero sama ako sa 'yo."

Umiling ako kahit parang umiikot ang paligid ko.

Actually, hindi ko sigurado kung nagawa ko bang humiling o imahinasyon ko lang 'yon.

"Magagalit misis ko kapag sinama kita."

Mahina namang natawa si Thirdy.

"Taena. Ang lakas ng tama ng alak sa 'yo."

Pasuray-suray itong lumapit sa akin.

"Tama na ang ilusiyon. Single pa, uy."

"Tsk! May misis na nga ako. Nasa bahay."

Suminok ako pero muli akong nagpatuloy. 

"Gusto mo puntahan pa natin siya eh."

"Sige na nga, tara na. Hatid na kita."

Nagpatiuna ito sa paglalakad.

"Let's go." Kahit nahihilo ay sinubukan kong tumayo at humakbang pasunod sa kanya.

Sigurado magugulat siya kapag nakilala niya ang wifey ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status