Share

Chapter 4

Kailangan ko munang lumayo. Sa tuwing tinititigan ko si Aveline, parang nakikita ko ang ginawa namin sa loob ng kwarto. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko.

I don't know how to get over her.

But she has this addicting sweet scent. At sa tuwing maaamoy ko 'yon, ang daming eksena ang pumasok sa isip ko.

Pwede ko namang gawin kasi nagawa naman na namin pero hindi pwede.

Hindi na pwedeng maulit ang nangyari.

Kahit kailan, hindi pa ako umulit ng babae.

And besides, she's still a minor, definitely not for me.

Hindi ko iniisip ang maaari kong kaharapin na kaso pero pakiramdam ko, hindi ito tama. Oo nga't kusa siyang pumayag na gawin namin 'yon pero mali pa rin.

Sobrang mali.

Dahil masyado siyang bata para sa 'kin.

Hays. Tangnang age gap 'yan!

Bakit kasi ang tagal niyang naisilang sa mundo?

Napabuga ako ng hangin dahil sa labis na frustration.

I really need to unwind. 

Pati takbo ng isip parang naiba. Muntikan ko nang makalimutan na hindi ako nang-uulit ng babae. 

Napahilot ako ng sentido.

Pupunta na muna ako sa hide out ng Zodiac. Doon muna ako.

At saka panahon na rin siguro para harapin ko sila.

Hays. Bahala na ang kagwapuhan ko. 

Ngunit hindi ko naiwasang mapalunok nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng hide out namin.

Tama bang nandito ako?

Parang hindi pa tamang panahon para dito.

Atras na lang kaya muna ako?

Kumilos ang paa ko upang isakatuparan ang laman ng isip ko pero bago pa ako makagawa ng isang hakbang ay bumukas na ang pinto.

Nanlaki ang mata ko.

Takte!

Bago pa ako makakilos ay nagawa akong mahawakan ni Thirdy.

"Ba't ngayon ka lang nagpakita?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Three days lang naman akong nawala ah? Miss niyo na ako agad?"

"Gagu!" Pabalya niya ang binitiwan. 

"Alam mo bang galit na galit si Denver. Taena! Kung di mo ba naman itinakas 'yong babae, tapos na sana ang misyon."

"Oh bakit? Ako lang ba naka-assign doon? Nasa'n ang ambag ni Montereal?"

Sandali naman akong pinasadahan ng Thirdy ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba?" Sandali niyang sinalat ang noo. "Mukhang wala naman. Teka? Hindi kaya nasisiraan ka na ng utak?"

"What the f--" Itinuro niya ako bago ako matapos magsalita. 

"Kachi-chicks mo 'yan."

Tumaas ang kilay ko.

"At kailan pa ako naapektuhan sa isang babae?"

Nagkibit-balikat si Thirdy.

"Edi ikaw na ang matibay. But speaking of chicks, hindi ka naman nagkukulang sa girls, pero bakit mo itinakas 'yong babae?"

Napahaplos ako ng tuktok ko.

"Here we go again. Alam mo, ang chismoso mo. Basta nangyari na ang nangyari. As in tapos na, wala nang mababago."

Binigyan naman niya ako ng tinging nanunuri.

"Alam mo, may kakaiba talaga sa 'yo. Parang hindi na ikaw 'yan, Red. Iyong Red na kilala ko, hindi 'yan tatakas sa kalagitnaan ng misyon. At 'yong Red na kilala ko, hindi--"

Bago pa niya matapos ang linyahan niya ay ipinagpatuloy ko na iyon.

"Ano? Hindi maglilihim sa 'yo?" 

Bago siya makaimik ay muli akong nagsalita kasabay ng pagtapik ko sa balikat niya. 

"Ito naman, siyempre paminsan-minsan, kailangan ko rin ng privacy."

"Seryoso? May kinalaman sa misyon ang pinag-uusapan natin, ba't kailangang may lihiman?"

"Ang slow nito. Paminsan-minsan nga kailangan ko ng privacy."

Napakumpas naman sa hangin si Thirdy.

"Teanang privacy 'yan. Di bale na nga! Kung ayaw mong sabihin edi wag."

Hindi ko naiwasan ang lihim na mapangiti. Kaya gusto ko si Denver dahil marunong itong rumespeto ng desisyon. 

"You know what, dude,  ayaw kitang katukin pero galit na galit si Denver sa ginawa mong saltik ka! Tingin ko, wrong timing ang dating mo."

"So, pa'no dapat? Alis na lang ako?" Kumilos ako na tila aalis na ngunit mabilis niya akong hinila,

"Gagu! Ipapahamak mo pa ako. Malamang makikita nila 'tong footage."

"Edi unahan ko na sila. Delete na agad para tapos na."

"Iyon ay kung hindi pa nila tayo pinapanood sa monitor."

Napatingala ako sa tasa kung saan naroon ang camera.

Kumaway ako. Sinamahan ko na rin ng ngiting tila napapa-cute.

"Siraulo ka talaga! Lalo mo lang iinisin si Denver niyan."

Muli akong napatingin kay Thirdy.

"Hayaan mong umusok ang ilong niya sa sobrang galit." Mahina at nakatawang wika ko.

"Taena! Marinig ka niya  pasok ka na nga lang sa loob."

"Sabi mo wrong timing ako?" 

"Sabi ko nga pero huwag mo nang palalain ang sitwasyon."

Hinila niya ako at saka humawak ang isang kamay niya sa seradura.

"Hoy! Hindi niyo naman siguro ako isa-salvage 'no?" Nagpumiglas ako pero sadyang mahigpit ang kapit niya sa 'kin.

"Nasiraan ka na talaga. Pasok na!" Hinila sa loob at saka niya isinara ang pinto.

"Joke lang naman " nakatawa kong wika.

Nawala na rin ang pag-aalinlangan ko. 

Malulusutan ko 'to. Ako pa ba?

At saka kung hindi ko sila haharapin ngayon, kailan pa? Kahit ngayon o sa kahit sa susunod pang araw, wala pa ring mababago.

"Sige, tumawa ka mamaya kapag kaharap mo na si Denver."

Bago pa ako nakaimik, isang pagtikhim ang nakakuha ng atensiyon ko. Awtomatiko kaming napalingon sa pinagmulan no'n. Bumungad sa amin ang lalaking Kasing tangkad ko. Nakasuot itong kulay asul na polo shirt at itim na pantalon. Nakahalukipkip ito at diretso ang tingin sa 'kin na para bang nakagawa ako ng isang kasalanan.  

Binitiwan ako ni Thirdy. Umaayos naman ako ng tayo at gumuhit ang pilit na ngiti sa labi ko. Pagkatapos ay cool na cool lang akong lumapit na parang wala akong kasalanan. Swabe moves para bagay sa napakagwapo kong mukha.

"Denver." Pagbati ko sa kanya. Hindi nawala ang ngiti ko.

Sa kanang gawi naman niya ay nakaupo ang isang lalaking nakasuot ng puting polo. Nakabukas ang tatlong butones nito. Nagsisimula nang tumubo ang bigote nito. At nagsisimula nang mangitim ang ilalim ng mata. Pero gwapo pa rin naman. Pwede na siyang pumasa sa one fourth ng kagwapuhan ko. 

"Hi, Zach." Bati ko rito pero wala akong nakuhang tugon. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito habang nakatitig siya sa 'kin.

Napalabi na lang ako. 

Parang pareho yata sila na gusto akong litisin.

"So, where is she?" Agad na usisa ni Denver nung makalapit kami ni Thirdy.

"Who?" maang-maangan ko. Tila balewlala akong lumapit sa monitor. Naging interesado ako sa isang footage. 

"Gemini!" Tila nagbabanta niyang wika dahilan upang muli akong mapatingin sa kanya. Agad niya akong piningkitan ng mata. Kitang-kita ko rin ang pag-igting ng panga nito.

"Relax, okay? Puputi agad ang buhok mo niyan." Biro ko.

"This is not a joke, Gemini! Pwede ba? Magseryoso ka naman!"

Hays. Hayan na naman siya sa Gemini. Mukhang galit nga talaga siya dahil codename ko na ang ginamit niyang pantawag sa 'kin.

Nabuga ako ng hangin. 

"We don't need her anymore, may testigo naman na eh." turan ko na nakatingin sa monitor. Nakatuon ang atensiyon niya sa pulis at kay Scarlet-023----- I mean Lily Perez. Siya ay ang babaeng nabili ni Zach Montereal sa bidding.

"She's not enough. Kailangan pa natin ng iba pang tetestigo," turan ni Denver.

"Nasan ba kasi si Scarlet-031?" mapanukso ang tingin ni Thirdy sa 'kin.

Tinapunan ko lang siya ng tingin pero 'di ako nagsalita.

" Aminin, kinama mo na nohh? Tell me, naka-ilang rounds ka, dude?" sunod na tukso ni Thirdy sa'kin .

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling ni Zach. Isa rin 'tong napakaseryoso sa buhay eh. Tsk! Pwede sana silang bumuo ng strong friendship ni Denver. Alam na, birds with the same feather, fluck together.

"Just tell us, where is Scarlet 031." Pilit ni Denver.

Napabuntong-hininga na lamang ako. 

Ang kulit din talaga nila eh.

"Huwag na lang natin siyang idamay dito. Napakabata pa niya para madamay dito." Walang kangiti-ngiting wika ko. 

Praktisin ko na rin maging seryoso. Hiya naman ang kagwapuhan ko sa kaseryosohan nina Denver at Zach.

"She's a minor?" Kunot-noong tanong ni Zach.

"Seryoso? Though bata pa naman ang hitsura niya, hindi naman siya mukhang menor de edad." Komento ni Thirdy.

"She's just seventeen," wika ko. Nanatili akong seryoso.

"Then that's good! Mas kailangan natin siya kung gano'n. Mas madidiin si Leevie Tiu,"turan ni Denver.

Totoo naman. Pero anong mangyayari? Mabibilad sa kahihiyan si Aveline.

Ayoko. Hindi ako papayag.

Napabuntong-hininga na lamang ako ulit. 

"Pwede pa tayong humanap ng ibang testigo at iba pang ebidensya." 

"Bakit pa tayo hahanap ng iba kung nandiyan naman si Scarlet-031?" Pilit ni Denver.

"No!" Mabilis kong wika.

Hindi nakaligtas sa akin ang naging reaksyon nila. Tila bigla silang nagulat sa tinuran ko.

Napakurap ako. Napalakas yata kasi ang boses ko. Napatikhim ako at saka hiniaan ng kaunti ang boses ko.

"Nakakulong naman na si Leevie kaya huwag na natin siyang idamay dito." 

"At bakit hindi?" Usisa ni Denver.

"Basta ako. At kahit anong gawin mo, hindi ko siya ipapakita sa 'yo at lalong hindi siya tetestigo."

Lalong tumalim ang titig sa akin ni Denver.

Bahala siya! Basta, buo na ang desisyon kong huwag ipakita si Aveline sa kanila.

"Ako na ang bahalang maghanap ng ibang testigo. Basta huwag mo na siyang idamay dito." Pagpapatuloy ko.

Humalukipkip si Denver at hindi inalis ang mariing titig sa 'kin.

"Just leave this one to me." Pakiusap ko.

Gusto pa yata niyang lumuhod ako sa harap niya.

Pero siyempre di ko gagawin 'yon. Idadaan ko na lang sa tigas ng ulo.

"Bakit ba ayaw mong---"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.

"I have my personal reason. And please huwag mo nang alamin pa. Just this one, Aries! Huwag mo na sanang pakialaman ang decision ko."

"At bakit hindi ko papakialaman? May kinalaman ito sa misyon natin?" 

Marahas akong napabuga ng hangin. 

Ang kulit talaga niya. Papatulan ko na talaga 'to.

"Eh ikaw ba pinapakialaman ko? Mas malala naman 'yong sa 'yo. The woman you're keeping can be a threat to us."

Sandali siyang napatda sa tinuran ko ngunit muli siyang sumagot.

"Pwede ba? Huwag mong idamay dito si He----"

"Why not? Bulag-bulagan ka sa kanya. Obviously may masamang plano ang babaeng 'yon. Baka hindi nga lang sa'yo eh. Baka nga pati sa ating lahat." 

Kitang-kita ang pagdiin ng mga labi ni Denver. Bago pa ito makakilos upang lalo akong lapitan ay pumagitna si Thirdy.

"Hey! Ano ba? Cool lang, okay?" Salitang niya kaming tinitigan. "Pwede naman mahinahon lang."

"Sabihan mo 'yan si Gemini. Pati 'yong nananahimik, dinadamay pa niya."

"But Red is right," sabat ni Zach. Pare-pareho namin hindi inaasahan 'yon kaya naman hindi namin naiwasan ang mapatitig sa kanya. Pero hindi niya pinansin ang paninitig namin ni Thirdy. Nanatili itong nakatitig kay Denver.

"The girl you're keeping can be a threat to us."

Lalo namang namula ang punong-tainga ni Denver. 

"Bakit ba ako 'yong ginigisa niyo rito? Nililihis niyo ang usapan eh. Ang pinag-uusapan dito, 'yong Scarlet ni Gemini. Bakit biglang napunta kay Hera. Wala naman siyang ginagawa sa inyo ah."

Agad akong sumagot.

"Wala pa. But for sure, she has an agenda. Hindi pa nga lang niya naisasakatuparan ang masamang plano niya."

Lalong nagngitngit si Denver. 

"How dare you say that! Hindi mo kilala si Hera para sabihin 'yan!"

Bumaling ito kay Zach pagkatapos niyang sabihin sa 'kin 'yon.

"At ikaw Leo, porket may problema ka ngayon sa misis mo, pati sarili kong buhay nasisilip mo." 

Sinamaan ni Zach ng tingin si Denver ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita.

"Well, kung ako lang ang masusunod. Ayoko nang balikan ka pa ng pinsan ko."

"Damn you!"Agad na tumayo sa kinatatayuan niya si Zach.

"Totoo naman! Hindi mo deserve ang pinsan ko!" Sigaw sa kanya ni Denver.

"You'll regret saying that!" Kuyom ang kamaong tinawid ni Zach ang distansiya nila ni Denver. 

 "Hoy! Ano 'yan?" Mabilis na pumagitna si Thirdy. Nagawa rin niyang maitulak sa dibdib si Zach. 

Napailing na lamang ako. Hindi ko naman masisi ni Zach. Nang subukan kong i-check ang footage sa loob ng hide out. Nakita kong dalawang araw na siyang tambay dito. Tila walang buhay. Kahit sa video lang ay kitang-kita ang lungkot sa mata niya. 

Bukod pa riyan. Nabalitaan ko kay Stacey na hindi siya pinapansin ng pamilya Montereal. Na-discharge na ang asawa niya sa hospital pero inuwi ito ng mommy ni Zach sa family house ng mga Montereal .Pati ang anak nilang si Anwyll, kinuha rin nila sa poder nila. Ayaw daw nilang papasukin si Zach sa bahay ng mga magulang niya. At ang kapatid niyang si Lance, nag-hire naman ng security team na magbabantay sa mag-iina ni Zach upang huwag niyang malapitan ang mga ito. 

Ang bilyonaryong agent, pinagtutulungan ng sarili niyang pamilya. Kawawang nilalang.

Oh siya. Tama na ang pagmamarites ko, baka ako pa ang susunod na mapag-initan ni Zach.

"Umalis ka diyan!" Itinulak ni Denver si Thirdy. "Ako mo ba Leo, aatrasan kita! Ikaw ang nauna."

"I was just supporting  fact about your girl."

"My point is, issue ito ni Gemini kaya bakit kailangang madamay si Hera."

Umiling si Zach.

"Tama nga si Gemini, bulag-bulagan ka. Wala ka na bang mahanap na mas mabuting klase ng babae?"

"Sumosobra ka na!" Kumilos ito upang sugurin si Zach. Pumagitna si Thirdy. Hindi naman inasahan iyon ni Denver kaya ang suntok na para kay Zach ay kay Thirdy tumama.

Mabilis na sinapo ni Thirdy ang kanyang pisngi.

"Bakit mo ako sinapak, hah?" 

Sa halip naman na humingi ng tawag si Denver ay pinaningkitan lamang niya ng mata si Thirdy.

"Huwag ka kasing haharang-harang."

Napaawang naman ang labi ni Thirdy/ 

"Teanang pag-ibig 'yan!" Bulalas niya. "Bahala na nga kayong magpatayan diyan." 

Kumilos siya palayo sa amin.

"I'm leaving. Baka lumala pa 'to." Humakbang na rin ako pasunod kay Thirdy.

Pareho namang nagtitigan ng matalim sina Zach at Denver bago sila magkasabay na tinalikuran ang isa't-isa. 

Napaling na lang ako.

" Don't worry about Leevie Tiu. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan." sunod kong turan bago ko tuluyang buksan ang pinto.

Totoo iyon. Gagawa ako ng paraan, huwag lang mabilad si Aveline sa kahihiyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status