Knight and Damsel

Knight and Damsel

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-03-05
Oleh:  amvernheartOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
8Bab
1.3KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

"One hundred billion pesos. Going once.... Going Twice... Going Thrice.... Sold!" Zodiac, a group of secret agents received another mission. That is to capture Leevie Tiu, the alleged mastermind of illegal prostitution in the country.As an action, Zodiac agents participated in the illegal bidding of women.  But in the middle of the entrapment operation, Red Bernoulli, choose to forget the mission and run away with the woman he bought.  That night, he is not Agent Gemini of Zodiac but a Knight for his Damsel.  But what if he finds out that the Damsel he thought to be in distress is the real head behind the illegal business of Casa Del Extasis? 

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue


"NASA'N NA BA SI MONTEREAL!" Hindi maipinta ang mukha ni Denver dahil sa labis na pagkabagot at inis sa paghihintay. 

Halos thirty minutes na rin kasi kaming naghihintay sa pagdating ni Zach Mcley Montereal.

Nailing na lamang ako at napasandal.

Tamang chill lang.

Mai-stress lang ako kung iintindihin ko ang pagdating ng late ni Zach. 

Gusto ko sanang isatinig ang nasa isip ko pero mukhang badtrip na si Denver. Sa Zodiac kasi, silang dalawa ni Zach ang mainitin ang ulo. 

Nakatayo at nakahanda na  sa presentation si Denver, tanging si Zodiac Leo o Zach Montereal na lamang ang hinihintay.

Kanina pa pasulyap-sulyap si Denver sa kanyang relo. Kanina pa nakabukas ang screen at may hawak na ring kaming ipod ni Thirdy. Ready na ang meeting, si Zach na lang talaga ang kulang.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto and charannnn---dumating na ang kamahalan este si Zach.

"Nagkaayos lang kayo ng wife mo na-late ka. Aminin, you do a quickee first, nohh?" Mapang-asar kong turan para naman mabawasan kahit konti ang 'hot' atmosphere sa paligid. 

Pa'no ba naman kasi kulang na lang umusok na ang ilong ni Denver dahil sa galit.

"Gago! Huwag mo ngang itulad sa'yo si Leo! Palibhasa, ikaw ang may kalandian kanina eh." asar naman sa'kin Thirdy.

"Look who's talking. Parang 'di tayo nanggaling sa parehong bar kanina ah." Nakatawang balik ko sa kanya.

That's true! Galing kami kanina sa bar na malapit lang sa hideout. Nasa gitna kami ng pakikipaglandian nang tumawag si Denver at sinabing may emergency meeting.

"Okay, that's enough! Let's make it quick so that we can go back to our own businesses," seryosong turan ni Denver.

Walang imik na ring umupo si Zach sa upuan niya at binuksan ang iPod na para sa kanya.

"Update about Leevie Tiu." Panimula ni Denver. "Nagawan natin ng paraan para maisagawa ang ating misyon. Nakakuha na tayo ng access, VIP ACCESS for Gemini and Leo." Seryoso ang kanyang paglalahad. 

Leo is Zach's codename at Gemini naman ang akin.

Napapikit ng mariin si Zach nang marinig niya ang codename niya. Noong una palang kasi ay tutol na siyang pumasok sa loob. Katwiran niya, hindi raw magandang pumasok siya sa loob ng bar at bumili ng babae kasi raw he is a married man.

Hay naku! Bahala siya! Basta ako, gusto ko 'to. Infact, gustong-gusto.

Hindi naman pinansin ni Denver ang reaksiyon niya, sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa presentasyon. Nagpatuloy ito sa pagsasalita nang mag-flash sa screen ang isang floor map.

"Ito ang pasikot-sikot sa loob ng building ni Leevie Tiu. Can you see the red-shaded part? Diyan tayo pwedeng pumuslit kung sakaling magkagipitan. At diyan rin pwedeng tumakas si Leevie Tiu kung sakali man. Gaya ng nakikita niyo, sa unang tingin, mukha lang itong ordinaryong bar. Pero panakip lang 'yan sa underground business ni Tiu. Literal ang salitang  underground. Dahil sa underground building ni Tiu ginagawa ang illegal na negosyo niya. At ang makakapasok lamang doon ay ang mga VIP."

"And you were able to get VIP access for us, as easy as that?" usisa ni Zach. "Hindi naman siguro tanga si Leevie Tiu para magpapasok ng sinu-sino." sunod niyang turan.

Pagdating talaga sa mga ganyang tanungan, da best si Leo. Yan siguro ang dahilan kung bakit successful siya sa business industry. Bilyonaryo at namamayagpag ang pangalan sa larangan ng negosyo. 

"You're right! Kaya nga madali kitang naipasok dahil hindi ka naman basta sinu-sino lang. You are a billionaire and you are famous in business industry," paliwanag ni Denver bago ito bumaling sa'kin. 

"Si Gemini madali ring naipasok. Salamat sa pangalan ng napakayaman niyang tatay."

"That's good! Para naman mapakinabangan ko 'yong gunggong na 'yon." mapakla kong turan.

Tss! Buti at na-trace na tatay ko 'yon! Teka, tatay ko nga ba siya?

"Well, nakatulong din ang recommendation from Alexandrus Castiano." turan ni Denver.

"Alexandrus Castiano?" Usisa ni Zach.

"Papa ko." walang emosyong turan ni Thirdy.

Katulad ko ay may issue rin si Thirdy sa papa niya. Kaya nga best of friends kami eh dahil biniyayaan kami ng NAPAKAULIRANG AMA.

"Actually, ninakaw ko lang ang recommendations na 'yon. May maitutulong din pala ang pagiging regular costumer ni Papa sa bar na 'yon. Imagine that? Napakinabangan ko ang kalibugan ng ama ko." sunod na turan ni Thirdy na pinasigla ang boses niya. Pagak pa itong natawa.

"Pa'no mo naman naipuslit ang recommendation?" Usisa ko. Masama ang kutob ko sa ginawa ng mokong na 'to.

Ngumisi si Thirdy.

"Sabihin na lang nating mas bata ako at mas magaling ako sa kama."

"Whoa! Don't tell me na pinatulan mo 'yong secretary ng papa mo?" palatak ko

Sorry, na-excite lang!

Ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Oh nohh! Are you out of your mind? Alam mo namang hindi lang siya basta secretary ng Papa mo. Pa'no kung magsumbong 'yon?" turan ko.

"Don't worry, she's under control." tipid na turan ni Denver.

"How?" usisa ko na agad napatingin kay Denver.

"Sex video." Tipid na turan ni Thirdy na bahagya pang itinaas ang cellphone niya.

Naiiling at natawa na lang ako.

"Going back to our discussiion. Hindi natin alam ang totoong kalakaran sa loob kaya kailangan ng tripleng pag-iingat lalo na kayo, Gemini at Leo." turan ni Denver. "Ang pinaka-target lang naman natin, makuhanan ng video ang kalakaran sa loob. Bukod sa kaligtasan natin, ang isa pang priority natin ay ang makakuha ng babaeng tetestigo laban kay Leevie Tiu." 

"Sapat na ba 'yon para maidiin si Tiu?" tanong ni Zach.

"Oo naman. At tsaka siguradong mahuhuli din siya sa akto." turan ni Denver.

"At pa'no ka nakakasigurong mahuhuli natin siya?" tanong muli ni Zach.

"Dahil hands on si Tiu sa business niya." sagot ni Denver.

"So kailan natin isasagawa ang misyon?" tanong ko. Pinaseryoso ko ang boses ko para 'di naman obvious na excited ako masyado.

"Exactly a month from now."

Sabay pa kaming napatango ni Thirdy sa sinabi ni Denver.

"So, any more question?" sunod na tanong ni Denver.

Walang umimik sa'min.

" Mukhang walang tanong. Okay. Meeting adjourned,"turan ni Denver kasabay ng pagpindot nito sa remote na hawak niya. Sabay-sabay na namatay ang LED screen sa harap at ang mga Ipod na hawak namin.

Napangiti akong tumayo sa pagkakaupo ko. 

Isa lang ang masasabi ko, this will be an exciting night for Zodiac.

But anyway, let me introduce myself, I am Jarred Greyson Bernoulli . Call me Red. I am Gemini of Zodiac

Do note! I am the coolest and MOST HANDSOME among the Zodiac.

Quiet lang hah? Baka sapakin ako nina Zach at Denver eh. KJ pa naman ang dalawang iyan.

Basta! ako lang 'to, si Red na super hottie at gwapo. 

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
8 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status