Share

Chapter 1

 Here we are!   Casa del Extasis

Kagaya ng plano, kami ni Zach ang pamasok sa loob bilang VIP costumer. Si Denver naman ay nag-apply bilang security guard at natanggap naman siya. Kaya naman naka-uniform siya ng pang-sekyu ngayon at pasimpleng nagmamasid-masid sa paligid. Si Thirdy naman ang naka-toka sa monitor sa loob ng Van.

"Hi, Babe." Biglang may pumulupot na  kamay sa braso ko kaya naman agad akong napalingon.

Anak ng anacoda!

Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Nagulat ba kita, babe?" Malandi niyang turan.

Obvious ba?

She is wearing a sexy halter V-neck . Lantad ang kanyang malusog at maputing dibdib. Hindi lang yata boobs ang gusto niyang ipakita kundi pati ang mga legs niya. Para kasing kinapos ng tela ang damit niya dahil sa design nitong slit sa gilid. The color of her dress is brown na nagawa namang niyang bigyan ng katarungan.

Seksi naman siya pero wala kasi vocabulary ko ang nang-uulit ng babae. Tss. Hindi uso sa'kin ang reuse pero oks ako sa reduce. At  iyon ang gagawin ko ngayon.

"Oh you look gorgeous tonight, Roxy." turan kong binigyan siya ng pekeng ngiti. Lalo namang tumamis ang kanyang ngiti.

"But I am with someone tonight." sunod kong turan at agad na tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa'kin.

Agad 'ding nalukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Hi, handsome. I finally found you." turan ng isang  babae bagong salta. Matangkad at balingkinitan ang katawan nito. Nakasuot ng ng red long gown. Hindi ko siya kilala pero sa suot niya mukhang isa siyang  trabahador ng casa.

I winked at her. Deserved niyang makindatan dahil niligtas lang naman niya ako kay Roxy. Akalain mo nga naman , hindi ko na kailangang maghanap ng magpapanggap.

Lumapit ako sa kanya at hinapit siya sa beywang. Walang pasabing tinalikuran namin si Roxy.

Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"I am here to accompany you to the VIP area," she whispered in seductive voice.

"Oh! I'll be happy with that." turan kong ngitian pa siya.

Inihatid nga ako ng escort girl hanggang sa upuan na nakalaan para sa'kin. I can see around thirty red chairs inside the mini hall.

Sa harap ng bawat pulang upuan ay may isang itim na lamesa. May mga drinks at merong red auction number plates.

Sa mesang nakalaan para sa'kin ay naroon ang auction plate na may naimprentang VIP 024. Umupo ako at tumitig sa stage na natatabingan ng itim at pulang kurtina.

Nang maihatid ako ng escort girl sa pwesto ko ay iniwan na niya ako.

May ibang mga kalalakihan na rin ang nasa loob. Prente silang nakaupo at sumisimsim ng alak. Sa mga hitsura nila, halatang bigatin silang mga tao. Kita iyon sa mga suot nilang mamahaling mga gamit.  Karamihan sa mga nandito sa loob ay may edad na, pero may nangilan-ngilan din na hindi nalalayo sa edad namin ni Zach.

Speaking of Zach, nauna pala siyang nakapasok dito sa VIP area. Feeling cold ang loko na master na yata ang pagkunot-noo.

Napasipol ako nang bumukas ang kurtina sa stage. Mula roon ay makikita ang limang kababaihang nagpo-pole dancing. They danced seductively and gracefully. Nakakaakit ang bawat pagkurba ng kanilang katawan, ang paggalaw ng kanilang mga kamay at ang pagbuka ng kanilang mga binti. Kaaya-aya ang pag-akyat nila sa pole at maging ang pagdausdos nila pababa. Nakakabuhay ng pagkalalaki ang kanilang ginagawa pero para sa'kin, wala na iyong panama dahil sanay naman akong makakita ng babaeng n*******d.


Gusto ko sana silang i-cheer kaso baka magmukha akong timang dito. Kaya pass muna. Ngayong gabi ay aakto ako bilang isang Bernoulli: mayaman at edukado.

Nang matapos ang performance ng limang kababaihan ay umakyat sa stage ang isang lalaki.

Matangkad ang ito. Sakto lang ang laki ng katawan. Hindi matipuno ngunit hindi rin payat. Mukha siyang lalaking malamya. 

Nakasuot ito ng black suit.  Hanggang balikat  ang buhok nitong nakapusod. Singkit ang mata nito, matangos ang ilong at makipot ang labi nito. 

And I am famiilar to him. He is none other than Leevie Tiu.

"Good evening , F*ckers! Welcome to the real Casa del Extasis. And I assure you, you'll experience heaven, tonight." Kalmante ang kanyang tinig at tindig. 

Tumingin ako sa relo ko. It's already pass nine.

Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi.  

Our mission is about to begin.

Itinaas ni Leevie ang hawak niyang wine glass bilang hudyat ng pagsisimula ng gabi.

"Let the bidding begin!"

Hindi umalis sa pwesto niya si Leevie Tiu na nasa gilid ng stage. Maya-maya pa ay naging dim ang ilaw sa paligid. Nagsimula ang bidding. At milyon-milyon ang bawat start ng bidding price.

["You need to bid. Bakit hindi kayo sumasali sa bidding? "] Narinig kong turan ni Denver sa kabilang linya. Halatang iritado na rin ito. Higit sa benteng babae na rin kasi ang nai-bid at para lang kaming audience ni Zach dito.

"Konting hintay pwede? Eh sa 'di ko type eh." sagot ko.

["D*mn! Let me remind you. Wala tayo dito para maghanap ng type mo. Just bid! You get it?"] iritadong sagot ni Denver.

["Chill."] natatawang singit naman ni Thirdy mula sa kabilang linya.

Oo nga naman. Kulang kasi  si Denver  ng lamig sa katawan kaya hayan laging mainit ang ulo niya. 

"So, let's now proceed to Scarlet-023." turan ni Leevie.

Scarlet ang tawag ni Leevie Tiu sa mga babae sa loob ng casa.

Confident na tumayo sa stage ang isang babae. She is wearing a maroon shining and shimmering dress with a high slit. Lantad din ang boobs na V-neck design ng gown na suot niya. She smiles like pro. Mapang-akit ang kanyang mga ngiti, maging ang kanyang mga mata. Puno ng kumpiyansang nilibot nito ang kanyang paningin sa mga bidders.

"Twenty million pesos." Agad na turan ng isang matandang may kalakihan ang tiyan.

"Twenty-two point five,"  turan ng isa pa.

"Twenty-five," turan ng isang matanda na halatang ayaw magpatalo.

" Twenty-five million pesos for Scarlet-023, going once....going twice-----"

"Fifty million pesos." turan ni Zach na itinaas ang number plate niya.

Whoa! Nice one, Leo!

"Fifty million pesos! Going once.... going twice...... going thrice.... SOLD to VIP 021. Congratulations!"

Ilang babae pa ang sumunod na tumayo sa stage, hindi pa rin ako nag-bid. Paki ko ba kung umusok ang ilong ni Aries? 

"The next lady in front of you is Scarlet-031." 

Napatingin ako  sa stage.

The woman is wearing a stunning silver deep plunging V neckline  dress designed with beads and sequins. It features slit and strappy caged open back. Actually, Kahit gano'n ang design ng damit niya, hindi siya masagwang tignan kahit hindi fully covered ang hinaharap niya. Aside from that, the dress can't  hide the fact that she has a sexy curved. She is just wearing a light make that made her looking fresh.  Para siyang manikang may buhay.

" Thirty million." turan ng isang lalaki sa harap na nasa mid fourties ang edad.

" Fifty million." saad naman ng isang lalaking puti na ilang hibla ng buhok. Singkit din ang mata nito.

Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa nagbi-bid.

Parang hindi naman deserve ng babaeng yan na isa sa mga gurang na ito ang magkama sa kanya.

Iniiisip ko palang parang kumukulo na ang dugo ko.

"Sixty-five million." banat ng lalaking unang nag-bid.

"One hundred million." Walang kangiti-ngiting sabat ko. Mataman akong nakatingin sa babaeng nasa harap.

"One hundred million! Going once... going twice.----"

"Two hundred million!"

 

Aba!

Napatingin ako sa nag-bid. 

Tss. It's Leo.

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti nang mapatingin ako sa kanya.

"Three hundred!" saad kong hindi bumitiw ng tingin sa'kin.

Kala ba niya , siya lang ang may pera?  Hmmp! May pera din ako nohh!

"Five hundred million." turan ng matandang lalaki na singkit ang mata.

Aba! Isa rin 'to eh.

"One billion." matigas kong turan.

"One billion! Going once.... going twi-----"

"One point five Billion." turan ni Leo slash Zach

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Three Billion." ani ko.

"Five Billion." agad niyang turan.

Mukhang makikipag-agawan talaga ang lokong 'to.

Magparaya na kaya ako. Dami pa naman chicks diyan sa tabi eh.

"Five Billion.! Going once... going twice----"

"Ten billion." maugong na turan ng matandang singkit.

"Twenty Billion." turan ng lalaking nasa mid 40's.

Napatingin ako sa babaeng nasa harap. 

Hindi ko mawari kung tama ba ang nakikita ko sa  kanyang mga mata. Parang may nakikita akong lungkot o  takot?

Ah malamang takot 'yon. Sino namang magandang dilag ang hindi matatakot kung gurang ang makakasama mo sa kama, di ba?

Hayts! Parang nanindig balahibo ko do'n ah.

"Twenty Billion! Going---"

"Fifty Billion." awat ng matangdang singkit.

At itong si Leo, ano namang trip niya? Ba't di na siya nagbi-bid?

"Fifty Billion! Going once----"

Hays!

"One hundred Billion." turan kong diretso parin ang tingin sa babae. I mean kay scarlet-031.

["Gemini! What are you doing"]palatak ni Denver sa kabilang linya.

Hayts! Heto na naman siya eh. Patulan ko nga!

"Shut up, Ledesma! I know what am I doing to my own money!" sagot ko. Pasimple kong tinakip ang kamay ko sa bibig ko baka kasi mamaya ay may makapansin at isipin pa nilang timang ako.

Or worst baka paghinalaan ako.

["D*mn! Nasa misyon tay---"]

"I know!" I cut him off.

"One hundred billion. Going once.... Going Twice... Going Thrice.... Sold! Congratulations to VIP 024."

Sinalubong niya ang tingin  ko.

Nakita ko ang pagkalma ng hitsura niya. Wala na ang nakita kong emosyon sa mukha niya kanina.

Tss. Sigurado ako, nagwapuhan sa'kin yan.

Siyempre! Hindi lang naman ako gwapo , yummy din.  


Nang mag-iwas siya tingin ay gumuhit ang ngisi sa labi ko.

Finally! Magandang dilag , akin ka na ngayon!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status