Share

Chapter 2

Kagaya nang  pumasok kami, sinundo ako at hinatid ng escort girl pero this time hanggang labas ng elevator na lang. Pagpasok ko sa loob, naroon na si Scarlet-031, the woman who was sold to be mine. 
She's still wearing the same outfit. Sa mas malapitan ay mas maamo ang mukha niya lalong-lalo na ang mga mata niyang tila ba mata ng isang anghel.
Nang sumara ang elevator, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

Hindi ko tuloy naiwasan ang mapakunot-noo.


Kabuntong-buntong hininga ba ako? I mean, 'tong gwapo kong 'to?


Maya-maya lang ay naramdaman kong humawak siya sa braso ko at saka niya ako niyakap. 


Is this her kind of moves?


Pagkuwa'y hinalikan niya ako sa labi.

Though the kiss was just a soft kiss. Sandali lang iyon pero parang naiwan sa labi ko ang malambot niyang labi at ang mabango niyang hininga. Para akong nag-candy ng lips candy. She tastes so sweet.


Pagkuwa'y humiwalay ang labi niya sa'kin.
Wait? Tapos na? T*ng-ina! Hindi yata ako naka-respond. Oo, hindi nga! Tangna! Baka mamaya isipin nito na puro lang ako porma pero kulang sa da moves.
Inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tainga ko. Pero hindi naman siya bumulong. Ewan ko kung anong purpose niya. Para siyang nakayakap sa'kin dahil sa ginawa niyang iyon.
"Holy sh*t!" narinig kong palatak ni Thirdy sa kabilang linya. Buti na lang nasa right ear ko ang earpiece.


Pero wait! Bakit siya nagmura?

Noon ko lang na-realize na nakatapat ang dibdib ni Scarlet-032 sa spy cam na suot ko.
Tsk! Gagong Thirdy na 'to!
Nakikisilip pa ang loko.
Pasimple kong kinapa ang control sa bulsa ko at saka pinatay ang camera.
"What the fuck! Turn on the camera, Gemini!" 
Para ano? Para makasilip siya? Gago ba siya?
"Anong nangyayari diyan?" boses iyon ni Denver. 
Hindi ako umimik. Well, hindi talaga pwede kasi may kasama ako.
"Gemini, turn it on!" turan ni Thirdy sa halip na sagutin nito ang tanong ni Denver. 
Ayoko ko nga! Sisilip lang siya eh.
"Ano na naman bang kalokohan yan, Gemini?" boses ulit ni Denver.
Mga gagong 'to! Pinagkakampihan pa ako. Buti na lang wala na si Leo dahil  tatlo sana silang magkakampihan laban sa'kin. Nandito siya kanina pero kinaylangan niya kasing umalis. Dumating lang naman sa bar ang asawa niya at nahuli siyang may kalingkis na babae.
Tinamaan ang lintik, 'di ba? 
Hindi sa natutuwa ako. Kaya lang hindi ko talaga maiwasang hindi matawa sa isip ko. Mautak din si Ailee at nagawa niyang mahagilap ang mister niya. Kaya dapat siguro, manatili na lang akong single, baka mamaya, tatawa-tawa ako rito tapos mas masaklap pa ang mangyari sa'kin.


"Help me." bulong ng babaeng kasama ko dahilan para makuha niya ang atensiyon ko. Well, kanina pa  niya nakuha ang atensiyon ko. The moment she stand on that stage.
"Tinurukan nila ako ng ecstasy drugs. Please, bring me to your place. Ayokong sa crowded place  ako magkalat," mahina niyang turan. Good thing na bumulong siya dahil kung hindi magre-react na naman ang dalawa diyan.
And thinking of that, hindi na ako nag-alinlangan pa para i-mute ang earpiece ko. 
Bahala na! 
Nang bumukas ang elevator, humiwalay siya sa halos magkayap naming katawan. Umayos siya ng tayo pero hinapit ko siya  sa beywang niya para madikit siya sakin.
Kalalabas pa lamang namin nang makita ko si Denver sa 'di kalayuan.
Sh*t! Malapit siya sa entrance at palinga-linga. 
Agad  akong lumiko para 'di niya kami makita. No choice tuloy ako kundi sa likod ng bar dumaan. 
Kaso bago pa kami tuluyang makaalis. Dumapo ang tingin ni Denver sa kinaroroonan namin. Sh*t, ulit! Kung minamalas ka nga naman talaga!
Agad kong binilisan ang hakbang.
Nilingon ko si Denver. Bumilis din ang hakbang niya.
Sh*t nga naman talaga!
Good thing nasa pinto na kami. Hindi na ako magmumukhang mandurugas na tumatakbo palayo sa biktima.
Napatingin ako kay Scarlet-031. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha niya.
"Can you run?" tanong ko.
"Huh?"
"Listen to me. Kailangan nating tumakbo. 'Pag sinabi kong takbo, tatakbo tayo pero dapat huwag kang hihiwalay sa'kin," turan kong nakatingin sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
Tila naman wala siya sa sariling niyang napatango.
Lumingon ako.
Hindi nga ako nagkamali. Nakalabas na rin ng pintuan si Denver. Good thing, hindi pa niya kami nakita.
"Takkkkboooo." 
Nagpatianod naman siya sa pagtakbo. Hindi nga lang gano'n kabilis dahil naka-heels siya. Gayunpaman nanatiling hawak-hawak ko ang palad niya hanggang sa makarating kami sa gilid ng kalsada.  Agad rin akong pumara ng taxi. 
"Pasok na. Dali!"
Taranta naman siyang pumasok sa backseat. Pumasok na rin ako at tumabi sa kanya pagkatapos.


Hooo! Muntik na kami do'n ah.


Napatingin ako sa labas, nakita ko pa si Denver na palinga-linga. Mukhang hindi na niya naabutan ang pagsakay namin ng taxi.
Siguradong patay ako sa susunod naming pagkikita. 
Bahala na nga!
Ako naman 'to si Red na walang kasing gwapo.
Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko na ang sirena ng pulis. Mukhang tuloy pa rin ang paghuli kay Mr. Tiu. Sabagay, nakakuha naman kami ng ebidensya. 'Di nga lang ako sigurado kung may tetestigo. Hindi ko naman kasi alam kung anong nangyari kay Scarlet-023 matapos umalis si Zach.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Jarred Bernoulli," turan kong ngumiti.
"Ako naman si Gail Aveline Suarez." pakilala niya.
So ano ang itatawag ko sa kanya? Gail ba o Aveline. Sobrang namang haba kung Gail Aveline. How could I moan her name?
Wait? Ano ba 'tong iniisip ko. Ang halay ko! 
"Ave for short." turan niya. 
Ave? Hmm.. better. Parang ang sarap bigkasin habang nasa ilalim ko siya at binabayo.

"H-hindi ko na yata kaya Mr. Bernoulli," turan niya kasabay ng pagkapit niya sa braso at pagsubsob ng mukha niya sa balikat ko. Ramdam ko rin ang mabilis niyang paghinga.
Napatingin ako sa driver. 
Hindi naman kami pwede dito sa loob ng taxi. Well, pwede naman sana kung wala ang driver. Hayytss. Kung bakit  kasi hindi ko dinala ang kotse ko!

Iniangat ko ang mukha niya. Naging dahilan iyon upang nagsalubong ang mga mata namin.
"Hold on, okay? Hindi tayo pwede dito." 
Bakit gano'n ? Habang tumatagal parang lalo siyang gumaganda?
Tumango naman siya. Matapos iyon ay ibinaling ko ang tingin ko sa driver.


"Kuya, pwede niyo po bang itabi 'tong taxi niyo?" I asked in most polite way. Kahit tarantado ako, medyo marunong naman akong rumespeto.
"Sige po, sir." 
Nang maitabi ng driver ang taxi, agad akong bumaba at pumunta sa tapat ng driver's seat.
"Kuya, pwede po ba ako na lang ang magda-drive? Nagmamadali po kasi kami ng asawa ko eh. Emergency po kasi," mahinahon kong turan.
Wait? Ano 'yong nasabi ko? Asawa ba? 
Ah nevermind, akala ko kasi 'kasama' ang  nabanggit ko. Magkatunog kasi eh.
"Kaya lang, sir---" Kitang-kita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"Sige na po, Kuya. Hindi po kami masamang tao. At saka kahit dagdagan ko na lang po ang bayad ko." 
Napakamot naman ng ulo si Kuyang driver bago lumabas ng kotse. 

"Sige nga, sir."

Agad akong pumasok nang lumabas siya.
"Dito na po kayo sa tabi ko umupo. Kuya." turan ko na agad naman niyang sinunod.


Gaya ng sinabi ko, kahit tarantado ako, hindi ko magagawang itakas ang taxi na 'to. Hiya at respeto ko na lang kay Kuyang driver.

Tinapunan ko ng tingin si Ave sa rear view mirror.
"Baby, please hold on." 

Hindi siya umimik, nanatili lamang siyang nakasandal at nakapikit.

Nang tuluyang makasabay sa tabi ko ang driver ay binalingan ko siya ng tingin.


"Wala ka naman pong sakit sa puso, Kuya?" tanong ko.
Wala lang. Naniniguro lang.
"Wala naman po, sir."
"Eh high blood po?"
"Sa awa ng Diyos, wala naman po sir."
"Good!" Napangisi ako.

"Aalis na po tayo." Pinaandar ko ang sasakyan nang makakuha ako ng buwelo at agad kong pinaharurot ang taxi. 

Natawa't nailing na lang ako nang  magsisisigaw si kuyang driver. Todo kapit rin siya sa seat belt na para bang nakasakay sa isang roller coaster ride.
Si Ave naman nakapikit lang, parang kinokontrol niya ang sarili niya. 
Buti na lang at wala talaga siyang sakit sa puso dahil kung hindi inatake na siya. Bukod sa mabilis na pagmamaneho ko, ilang beses rin kaming muntikang maipit, buti na lang at hindi kami nadisgrasya. Well, hindi talaga kami madidisgrasya, ilang beses ko na itong ginawa sa tanang buhay ko.
Hindi lang kasi ako basta gwapo, may skills din ako.


"Nandito na tayo."  Nakangiting anunsiyo ko nang makarating kami sa tapat ng condo ko


"Hay Diyos ko! Salamat naman." turan ng driver na parang nahimasmasan. 

Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. 

"Pasensya na, Kuya. Kailangan lang po kasi." Lumabas at pumunta ako sa tapat ng backseat. Lumabas na rin si Kuyang driver at pumunta sa tapat ng driver's seat.


"Bayad ko po." Iniabot ko sa kanya ang perang hinugot ko sa wallet ko. Matapos kong iabot sa kanya ang bayad ay agad kong dinaluhan si Ave at binuhat in bridal style.
"Ang laki po nito, sir." turan ng driver.
 Hindi ko alam kung ilang libo ang nadukot ko, kung hindi ako nagkakamali baka apat na libo. Hindi ako kasing yaman ni Zach Montereal pero kung hindi lang ako magaling magwaldas ng pera baka sakaling maabutan ko pa ang yaman niya. 
Well, pasalamat siya, business is not my thing.
"Tip ko na po 'yan sa inyo, Kuya." turan ko bago  humakbang paalis.
"Maraming salamat po, sir," narinig ko pang pahabol na wika ng driver. 

Hindi ko na siya sinagot at tiningnan pa. Nagmadali na lang ako sa paghakbang papasok ng building. 

Kung pwede ko nga lang takbuhin o liparin ay kanina ko pa sana ganiwa.


"I can't take it anymore, Mr. Bernoulli. Take me now, please." 









Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status