Share

Chapter 6.2

Nang pumasok ako sa loob ng unit ko ay nadatnan kong nakasandal sa sofa si Gail Aveline. May nakapatong sa harapan at itaas na bahagi ng kawatan nito na puting tuwalya. Tila ba nagsilbi niya iyong pananggalang sa lamig.

Marahan at maingat kong isinara ang pinto upang huwag siyang magising. Ngunit bago ko pa tuluyang maisara iyon ay bumakas na ang mata nito.

Mukhang nagising ko siya sa pagbukas ko ng pintuan.

Nagtama ang aming mga mata.

"Red!" Agad siyang tumayo at mabilis ang hakbang niyang sinalubong ako.

Hindi na rin niya napansin ang pagkahulog ng tuwalya dahil sa biglaan niyang pagtayo at paghakbang.

"Sa wakas, nakauwi ka na." Maluha-luha siya. Pakiramdam ko naman ay para bang hinaplos ang puso ko.

I don't know. Pero parang nakakataba ng puso ang ideyang hinihintay niya ako.

Bago pa ako makahuma ay nagawa niya akong yakapin.

"Salamat naman at nandito ka na." Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Pakiramdam ko ay naghurumentado ang puso ko sa ginawa niyang i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status