共有

CHAPTER 750

作者: dyowanabi
last update 公開日: 2026-01-12 23:07:12
Pagkatapos nilang kumain ay muli siyang tumulong para maglinis ng lamesa.

“Hayaan mo na kami dito, Ma’am Elise. Inaagawan mo na kami ng trabaho. Baka masermunan pa kami ni Gov,” biro ni Manang Lydia.

“’Oo nga naman, Ma. Tara na sa taas nang makapagpalit ka na ng swimsuit,” pilit ni Paulette.

“Naku sabi ko naman ayaw ko ng mga ganito!” sagot niya, halatang naiilang.

“Bakit sa China ang swimsuit ka naman?” kontra ni Paulette.

“Sa bahay natin ’yun… saka parehas tayong babae lahat. Dito nakakah
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (11)
goodnovel comment avatar
Lene Beltran
update please
goodnovel comment avatar
mayflor silang
More update please.. Thanks
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ang cute pang segway ng story nina Felix at Elise :)
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 980

    Napatitig siya kay Anthony na masama ang tingin sa kanya.“Bakit mo ginawa ’yon sa pamangkin mo, Nicolas? Wala ka na bang hiya?” galit na saad ng kanyang kuya, ang ama ni Anthony.“Ako sana ang magiging apo ni Mr. Li ngayon!” singit agad ni Anthony habang nagngangalit ang mukha. “Ako sana ang papakasalan ni Marise. Pero dahil naiinggit si Uncle Nicolas at gusto niyang mas lalong lumakas sa negosyo, inagaw niya sa akin si Marise dahil apo siya ni Mr. Li!”Hindi niya pinansin ang mga bintang nito. Sa halip ay kampante lang siyang sumandal sa sofa.“Hindi ba sinabi ko sa’yo? Matagal ko nang nobya si Marise bago pa kayo nagkakilala?” malamig niyang sagot. “At kung naging mabuti ka lang sanang nobyo sa kanya, baka hinayaan pa kitang mapunta siya sa’yo.”Kasunod noon ay mapakla siyang napangiti dahil hindi totoo iyon. Hindi niya ipapaubaya si Marise dito kahit anogn mangyari. “Pero sinabi mo rin ba sa daddy mo na may nabuntis kang ibang babae habang kayo pa ni Marise?” dagdag niya“What?

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 979

    NICOLAS POV:Hindi niya mapigilang ngumiti. Mabuti na lang at nakinig siya sa kanyang lola na magpakatapang at harapin si Marise. Kung hindi, baka nasa kwarto pa rin siya ngayon, nagpapakalunod sa alak. Hindi niya sana malalaman na buntis si Marise… at siya ang ama.Masama siyang tiningnan ni Marise habang magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Kasalukuyan silang pauwi sa mansion ng pamilya Li.“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” sita nito.Napakamot siya sa ulo. “Wala… masaya lang ako.”Mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa kanya, pero ayos lang iyon sa kanya. Alam niyang balang araw, mapapalambot din niya si Marise, lalo na’t ramdam niyang boto sa kanya ang pamilya nito, lalo na si Mr. Li.“Nicolas…”Napalingon siya kay Mr. Li na nasa front seat.“Bukas, babalik kami ni Noah sa Cebu. Maaari mo ba kaming samahan? May mga aasikasuhin kami roon tungkol sa negosyo.”Bahagya siyang nagulat. “A-ah… pwede po akong sumama, Mr. Li?”“Oo naman,” sagot ng matanda na may ngiti. “Magiging apo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 978

    Napapikit siya sa sinabi nito. Hindi naman ganoon kahina ang boses ni Tessa kaya malinaw na narinig iyon ng lahat sa loob ng silid.“Tessa…” saway ng kanyang mama habang napapailing, ngunit tila walang balak magpigil.“Seryoso ako!” bulong ulit nito ngunit mas lalo lamang lumakas. “Hindi ka ba nanghihinayang? Di ba ilang araw mo na siyang iniiyakan? Siya pa nga ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin sa Quezon di ba? para pagtaguan siya?”Halos maramdaman niya ang init na umakyat sa kanyang mukha. At mas lalo siyang nahiya nang makarinig siya ng mahinang tawa mula kay Noah. Maging ang kanyang mama ay napailing na lang habang si Lolo Li naman ay tila pinipigilan ang sariling mapangiti.Siya naman ay hiyang-hiya dahil binuking na siya nito“Sige ka,” patuloy pa ni Tessa habang pasimpleng sumisilip kay Nicolas. “Kapag napunta ’yan sa ibang babae, magsisisi ka talaga!”Agad siyang umiwas ng tingin. Hindi niya kayang titigan si Nicolas nang matagal. Lalo na ngayong nakatingin lang ito sa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 977

    “H-Huh?” Parang tumigil ang mundo niya, nanlaki ang kanyang mga mata. “Buntis ako?”Hindi agad nagsink in sa kanya ang sinabi nito. Paano siya mabubuntis? Isang gabi lang naman may nangyari sa kanila ni Nicolas, at hindi na iyon nasundan.Ngunit nang maalala niya ang gabing iyon ay biglang uminit ang kanyang mukha... Ilang beses nga ba silang nagtalik noon? Hindi na niya maalala, paulit-ulit siyang inangkin ni Nicolas na parang sabik na sabik itong bawiin ang lahat ng panahong nawala siya rito. At siya man ay hindi rin nagawang tumanggi.Napapikit siya. Paano na ngayon ito? Para kay Nicolas, isa lang talaga siyang bagay na nagbibigay saya rito... Isang sex object. Biglang kumirot ang kanyang dibdib sa isiping iyon.“Sino ang ama ng dinadala mo, Marise?” matigas na tanong ng kanyang lolo. Tahimik lamang ang kanyang kuya at mama. Parang hinayaan na nilang si Lolo Li ang kumausap sa kanya.Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha. Kung sasabihin niyang si Nicolas

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 976

    MARISE POV:Unti-unti siyang nagising sa gitna ng malamig at tahimik na paligid. May mahihinang bulungan siyang naririnig sa paligid. Matapang na amoy ng gamot at disinfectant din ang agad na kanyang naamoy na nagbigay sa kanya ng hindi komportableng pakiramdam.Hindi pa niya agad minulat ang kanyang mga mata. Mabigat pa rin ang kanyang katawan, tila ba ilang oras siyang natulog.Pinilit niyang alalahanin kung ano ang nangyari. At doon unti-unting bumalik sa kanyang isip ang mga alaala.Ang bigla niyang pagkahilo, ang panlalabo ng kanyang paningin at bago siya mawalan ng malay… naroon si Nicolas sa bahay nila.Bahagya siyang napakunot-noo. Bakit parang napakabigat ng lahat?Maya-maya ay nakaramdam siya ng mainit na pagpisil sa kanyang kamay. Mahina ngunit mahigpit, parang may takot na pakawalan siya.Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nanlabo muna ang kanyang paningin bago tuluyang luminaw ang paligid. Puting kisame, mga kurtinang kulay abo at tunog ng monitor sa gilid..

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 975

    “Believe me, Marise…” halos pakiusap na saad nito. “Kahit tanungin mo pa mga staff n’yo sa grocery. Araw-araw akong pumupunta doon para abangan ka. Para lang makausap ka.”Hindi agad siya nakapagsalita. Unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa seryosong mukha ni Nicolas.“Totoo ba ‘yang sinasabi mo, Nicolas?” tanong ng kanyang lolo.“Opo, Mr. Li.”Huminga nang malalim si Nicolas bago tuluyang nagsalita. “Handa po akong ligawan si Marise… para ipakita sa inyong lahat na mahal ko talaga siya.”Napatingin ang lahat sa kanya.“Ano ang masasabi mo, Marise?” tanong ng kanyang lolo.“Lolo ayaw ko!” sigaw niya sabay tayo.Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Napahiya lang siya sa harap ng pamilya kaya hindi niya maamin na mahal niya rin si Nicolas. Dahil sa totoo lang, kahit gaano niya gustong magalit… hindi pa rin niya kayang pigilan ang sarili sa tuwing nakikita niya ito.Ngunit dahil sa bigla niyang pagtayo ay bigla ring umikot ang kanyang paningin. Kasabay noon ang ma

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 821

    PAULETTE'S POV:Pigil pa rin niya ang hininga nang umalis na ang tatlo sa hapag-kainan at naiwan silang apat doon. Mabuti na lang at hindi sumama sina Asherette at Charlotte sa dinner dahil maaga nang pumanhik ang mga ito sa kanilang kwarto. Nasaksihan sana ng mga kapatid niya ang kawalang-galang n

    last update最終更新日 : 2026-04-04
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 786

    “Kamusta na kaya siya? Inisip kaya niya ako?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan iyon. Walang message kahit isa. Sabagay, blinock na niya kasi si Felix at ang lahat na may ugnayan sa kanila sa Pilipinas. Utos iyon ng daddy niya.Napatingin siya sa kanyang album, napapangiti habang

    last update最終更新日 : 2026-04-04
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 803

    Sweetheart…”Malambing na sabi ni Felix habang hinahaplos siya sa kanyang buhok. Nanatili silang hubad habang nakahiga sa kama. “Hmm…”“I want more.”Mabilis siyang napaupo pagkarinig noon. “Ano ka ba… baka naghihintay na sa atin ang mga bata. Ang paalam natin ay kukuha lang ng mga gamit mo.” mab

    last update最終更新日 : 2026-04-04
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 784

    GENERAL SULPICO POV:Kasalukuyan siyang nasa madilim na lugar, nakamasid sa pangalawang palapag kung saan nakadungaw si Gov. Felix sa bintana. Kakatapos niya lang ibaba ang telepono matapos ma-send ang message sa importanteng tao.Hindi pa man nakalipas ang ilang minuto ay nag-vibrate ang kanyang c

    last update最終更新日 : 2026-04-04
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status