Share

CHAPTER 817

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-02-20 15:12:40

Nasa main door sila naghihintay sa pagdating ng bisita at malayo pa lang ay pasimple niyang pinagmamasdan ang galaw ng mga bisita. Hindi naman masyadong katandaan ang ginang na sa hula niya ay ang anak ni Lolo, bagamat sa kanyang tantiya ay nasa senior na rin ito.

Maganda ang ginang. Natural lang naman siguro ’yun dahil half Chinese din ito. Ang babaeng anak naman ay parang mas matanda lang nang kaunti kay Paulette. Malamang ito ang bunso sa magkakapatid dahil ang lalaki ay parang kaedaran din
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yehlen Sarmiento
skip muna aq sa part na ito pangit. may bago na nmn kontrabida
goodnovel comment avatar
Anita Valde
naku lolo Li Baka Mga sinungaling Yan ano BA Yan SA story ni Elijah at Pau daming kontrabida dpat pa DNA kayo Kung totoo BA Anak ni Lolo Li yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 972

    Nagdaan ang mga sumunod na araw na parang bangungot para kay Nicolas. Hindi na siya lumalabas ng silid at hindi na rin pumapasok sa kompanya. Hinayaan niyang magulo ang lahat sa opisina dahil sa pagkawala niya… pero wala siyang pakialam.Magulo rin ang kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig, ang iba’y wala nang laman, ang iba nama’y kalahati pa lang. Nakaupo siya sa malamig na sahig habang nakasandal sa gilid ng kama, hawak ang isang bote ng whiskey.Buong araw siyang lasing, at buong araw ding paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Marise… ang mga luha nito, ang sampal nito, at ang malamig nitong tingin na parang wala siyang halaga.Mariin siyang napapikit. Para bang may kamay na paulit-ulit na dumudurog sa dibdib niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto.“Leave me alone!” sigaw niya nang hindi man lang tumitingin.Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas pa rin ang pinto kahit wala siyang pahintulot. Napailing siya bago dahan-dahang napatingin doo

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 971

    “Shut up, Anthony!” madiing putol niya habang nagdidilim ang mukha. “Hindi na makikipagbalikan si Marise sa’yo. Asikasuhin mo na lang ang buntis mong girlfriend.”“But I said I don’t love her!”Kita niya ang desperasyon sa mukha ng pamangkin. Halos mabaliw ito habang palipat-lipat ang tingin kina Marise at Mr. Li.Pagkatapos ay bigla itong natawa. Mahina, pero puno ng pangungutya.“Oh… yeah. I get it now...” Tumitig si Anthony sa kanya. “Ayaw mong bumalik si Marise sa akin dahil gusto mo siya para sa sarili mo, hindi ba, Uncle?”Namilog ang mga mata ng ilang taong nakarinig.“At oo nga naman,” patuloy ni Anthony habang natatawang umiling. “Kapag nakasal na kayo, lalo kang lalakas dahil nakakabit na ang pangalan mo kay Mr. Li. Tama ba ako, Uncle?”“Shut up, Anthony!” mariing sigaw niya.Napatingin sa kanya si Marise. Mariing humigpit ang kamao niya. Hindi niya alam kung galit ba ang nangingibabaw o takot.“Magkakilala na kami ni Marise bago pa man kayo magkakilala…” garalgal niyang sab

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 970

    NICOLAS' POV:Halos mabasag ni Nicolas ang basong hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak doon habang nakatingin kay Marise na papalapit sa kanila.Totoo nga ang hinala niya... Si Mr. Li ang bagong may hawak kay Marise. ito ang DOM na matagal na katanungan sa kanyang utak. .At mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita ang tuwang-tuwa nitong mga kamag-anak. Halatang ipinagmamalaki ng mga ito si Mr. Li na para bang naka-jackpot sa buhay. Nakangiti at magaan ang mga mukha. Para bang isang malaking biyaya ang pagdating ng matanda sa buhay ng pamilya ni Marise.Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat na pakiramdam ang sumiksik sa kanyang dibdib.“Marise, come here. Bakit ba ang tagal mong maglakad?” inis na saad ni Noah.Napatingin siya rito. Mukhang napapansin din ni Noah ang tensyon kay Marise. Tahimik ito habang naglalakad, parang nag-aalangan. At kahit pilit nitong itinatago, kita niya ang pagkairita sa mukha ng lalaki.Is it because of Mr. Li? Dahil ba may rela

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 969

    MARISE POV:Nanginig ang buo niyang katawan nang muling makita si Nicolas. Parang biglang bumalik lahat ng pilit niyang tinakasan sa loob lamang ng isang iglap.Dalawang linggo... dalawang linggo siyang nawala at hindi nagparamdam. Dalawang linggo niyang pilit inayos ang sarili at pinilit kumbinsihin ang sariling kaya niyang umiwas dito.Pero heto siya ngayon, sa mismong gabing akala niya ay magiging maayos, at sa mismong lugar pa kung saan hindi niya inaasahang makikita ang lalaki.Party iyon ng kuya at lolo niya. Paanong napunta roon si Nicolas?Ngunit agad din siyang natauhan. Business launch iyon, natural lang na naroon si Nicolas. Isa ito sa mga taong palaging nasa sentro ng ganitong klaseng mundo sa negosyo. Dapat noon pa niya naisip iyon.Mariin siyang napapikit habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng dibdib niya. Ano na namang gulo ang dala ng lalaking iyon?Kanina lang ay halos durugin siya nito sa mga tingin at salitang binitiwan. Hanggang ngayon ay naririnig pa rin

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 968

    NICOLAS POV:Business launch ng partnership nila ni Noah at ni Mr. Li ngayong gabi. Maaga pa lang ay nasa hotel na siya upang siguraduhing maayos ang lahat. Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain habang unti-unti nang dumarating ang mga bisita.Naroon na rin ang kanyang pamilya. Halatang excited ang mga ito na makita si Mr. Li. Kung tutuusin, parang gusto lang naman ng mga itong makapagpapicture sa matanda.Ngunit kahit gaano siya kaabala, hindi pa rin mawala sa isip niya si Marise. Dalawang linggo na... dalawang linggo na mula nang huli niya itong makita. Parang sadya siyang iniiwasan ng dalaga.May mga sandaling gusto na lamang niyang sumuko. Ngunit hindi ganoon kababaw ang nararamdaman niya para basta na lang bumitaw. Naging abala lang siya nitong mga nakaraang araw dahil sa launching na ito, pero pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin niyang muli niyang hahanapin si Marise... At hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nakikita.“Uncle…”Naputol ang kanyang pag-iisip nang m

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 967

    “What happened, Nicolas? Something wrong?” nagtatakang tanong ni Mr. Li.Bigla siyang natauhan. Mukhang napansin nito ang pagkawala niya sa focus. Napasandal siya sa upuan at mariing napapikit sandali.Hindi pa tuluyang naa-announce ang partnership nila. Maaari pang umatras ang matanda kung sakaling hindi nito magustuhan ang pakikitungo niya. Isa pa, hindi biro ang oportunidad na iyon. Si Mr. Li ay isa sa pinakarespetadong negosyante sa buong mundo. Kaya hindi siya pwedeng magbigay ng maling impresyon.“Ah… no, Mr. Li,” mabilis niyang sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili. “May iniisip lang po ako tungkol sa trabaho.”“Hahaha!” malakas na tawa ng matanda. “Baka naman napapagod ka na sa kakatrabaho at wala ka nang lovelife?”Napailing siya habang bahagyang napapangiti.“Bakit hindi ka muna mag-relax at makipag-date?” biro pa nito.Tipid siyang ngumiti kahit hindi naman siya nakikita ng kausap.“Wala po akong panahon sa mga ganyan, Mr. Li,” sagot niya. “Lalo na’t ilo-launch na na

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 591

    “Sino ‘yung girl, sis?”“H-hindi ko rin alam. Wala pa naman akong masyadong alam tungkol kay Elijah kasi kakasagot ko lang sa kanya, ‘di ba?” pagdadahilan niya kay Tere.Pero bakit gano’n? Kahit isang araw pa lang ang relasyon nila ay nasasaktan na agad siya? Walang pinagkaiba sa matagal nang relas

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 572

    It’s been 3 days at wala na siyang balita kay Paulette. Pilit niyang kinakalimutan ang dalaga pero alam niya sa sarili niyang malungkot siya.Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina at nakatulala lang habang iniisip si Paulette. Kamusta na kaya siya? Iniisip niya din kaya ako? tanong niya. He needs

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 610

    Bumalik siya sa veranda at tinawagan muli si Paulette para ma-divert ang kanyang atensyon sa kamunduhan. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.“Di bale, bukas na lang ulit… baka tulog na siya.”Akmang babalik na siya sa loob nang mag-ring ang cellphone niya. Napangisi siyang nang makita si Paul

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 590

    Wala siya sa sarili habang nakasakay sa tricycle pauwi ng bahay nila. Kanina pa sila naghiwalay ni Tere kung kaya’t mag-isa na lang siya. Malungkot siya dahil sa mga sinabi ni Gov sa kanya. Hindi niya akalain na gano’n kabilis ang naging relasyon nila ni Mayor Elijah... mas maiksi pa sa isang lingg

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status