MasukNapapikit siya sa sinabi nito. Hindi naman ganoon kahina ang boses ni Tessa kaya malinaw na narinig iyon ng lahat sa loob ng silid.“Tessa…” saway ng kanyang mama habang napapailing, ngunit tila walang balak magpigil.“Seryoso ako!” bulong ulit nito ngunit mas lalo lamang lumakas. “Hindi ka ba nanghihinayang? Di ba ilang araw mo na siyang iniiyakan? Siya pa nga ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin sa Quezon di ba? para pagtaguan siya?”Halos maramdaman niya ang init na umakyat sa kanyang mukha. At mas lalo siyang nahiya nang makarinig siya ng mahinang tawa mula kay Noah. Maging ang kanyang mama ay napailing na lang habang si Lolo Li naman ay tila pinipigilan ang sariling mapangiti.Siya naman ay hiyang-hiya dahil binuking na siya nito“Sige ka,” patuloy pa ni Tessa habang pasimpleng sumisilip kay Nicolas. “Kapag napunta ’yan sa ibang babae, magsisisi ka talaga!”Agad siyang umiwas ng tingin. Hindi niya kayang titigan si Nicolas nang matagal. Lalo na ngayong nakatingin lang ito sa
“H-Huh?” Parang tumigil ang mundo niya, nanlaki ang kanyang mga mata. “Buntis ako?”Hindi agad nagsink in sa kanya ang sinabi nito. Paano siya mabubuntis? Isang gabi lang naman may nangyari sa kanila ni Nicolas, at hindi na iyon nasundan.Ngunit nang maalala niya ang gabing iyon ay biglang uminit ang kanyang mukha... Ilang beses nga ba silang nagtalik noon? Hindi na niya maalala, paulit-ulit siyang inangkin ni Nicolas na parang sabik na sabik itong bawiin ang lahat ng panahong nawala siya rito. At siya man ay hindi rin nagawang tumanggi.Napapikit siya. Paano na ngayon ito? Para kay Nicolas, isa lang talaga siyang bagay na nagbibigay saya rito... Isang sex object. Biglang kumirot ang kanyang dibdib sa isiping iyon.“Sino ang ama ng dinadala mo, Marise?” matigas na tanong ng kanyang lolo. Tahimik lamang ang kanyang kuya at mama. Parang hinayaan na nilang si Lolo Li ang kumausap sa kanya.Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha. Kung sasabihin niyang si Nicolas
MARISE POV:Unti-unti siyang nagising sa gitna ng malamig at tahimik na paligid. May mahihinang bulungan siyang naririnig sa paligid. Matapang na amoy ng gamot at disinfectant din ang agad na kanyang naamoy na nagbigay sa kanya ng hindi komportableng pakiramdam.Hindi pa niya agad minulat ang kanyang mga mata. Mabigat pa rin ang kanyang katawan, tila ba ilang oras siyang natulog.Pinilit niyang alalahanin kung ano ang nangyari. At doon unti-unting bumalik sa kanyang isip ang mga alaala.Ang bigla niyang pagkahilo, ang panlalabo ng kanyang paningin at bago siya mawalan ng malay… naroon si Nicolas sa bahay nila.Bahagya siyang napakunot-noo. Bakit parang napakabigat ng lahat?Maya-maya ay nakaramdam siya ng mainit na pagpisil sa kanyang kamay. Mahina ngunit mahigpit, parang may takot na pakawalan siya.Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nanlabo muna ang kanyang paningin bago tuluyang luminaw ang paligid. Puting kisame, mga kurtinang kulay abo at tunog ng monitor sa gilid..
“Believe me, Marise…” halos pakiusap na saad nito. “Kahit tanungin mo pa mga staff n’yo sa grocery. Araw-araw akong pumupunta doon para abangan ka. Para lang makausap ka.”Hindi agad siya nakapagsalita. Unti-unting bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa seryosong mukha ni Nicolas.“Totoo ba ‘yang sinasabi mo, Nicolas?” tanong ng kanyang lolo.“Opo, Mr. Li.”Huminga nang malalim si Nicolas bago tuluyang nagsalita. “Handa po akong ligawan si Marise… para ipakita sa inyong lahat na mahal ko talaga siya.”Napatingin ang lahat sa kanya.“Ano ang masasabi mo, Marise?” tanong ng kanyang lolo.“Lolo ayaw ko!” sigaw niya sabay tayo.Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Napahiya lang siya sa harap ng pamilya kaya hindi niya maamin na mahal niya rin si Nicolas. Dahil sa totoo lang, kahit gaano niya gustong magalit… hindi pa rin niya kayang pigilan ang sarili sa tuwing nakikita niya ito.Ngunit dahil sa bigla niyang pagtayo ay bigla ring umikot ang kanyang paningin. Kasabay noon ang ma
Napatayo agad si Marise sa sobrang gulat. Halos muntik pang matumba ang baso ng tubig sa kanyang harapan dahil sa biglaang pag-angat niya.“A-anong ginagawa niya rito?” mahina ngunit nanginginig niyang bulong habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking nasa pintuan.Samantalang si Nicolas ay nananatiling nakatayo roon, hawak ang napakalaking bouquet ng dilaw na rosas. Ngunit kakaiba ang aura nito ngayon. Wala ang dating yabang, wala ang pamilyar nitong mapang-asar na ngiti. Para itong isang estudyanteng pinatawag sa guidance office, halatang kinakabahan at hindi malaman kung paano magsisimula.“G-good evening po…” pilit nitong bati habang bahagyang yumuyuko.“Good evening iho. Pasok ka,” kalmadong sagot ni Lolo Li.Napalingon agad siya sa matanda, halatang hindi makapaniwala. Ito ba ang nagpapasok kay Nicolas?“Lolo!… bakit andito siya?” halos pabulong ngunit puno ng reklamo niyang tanong.Nagkibit-balikat lamang ang matanda habang mahinahong umiinom ng tsaa.“Tinawagan
MARISE POV:Nasa loob lang siya ng kanyang kwarto habang walang gana na nagbabasa ng magazine. Maaga siyang umuwi mula sa grocery dahil simula pa kanina ay masama na ang kanyang pakiramdam. Parang umiikot ang paligid at may kung anong bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.Ilang araw na rin ang lumipas mula nang muli silang magkita ni Nicolas sa party. At simula noon, hindi na siya ginulo ng lalaki. Mukhang epektibo ang pananakot ng kanyang lolo rito."Hmp! Mahinang nilalang!" iritadong sambit niya. "Konting pananakot lang, hindi man lang ako sinubukang suyuin?.. Eh di huwag!"Hindi rin niya inakalang si Nicolas pala ang lalaking gustong ipakilala sa kanya ng kanyang lolo. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magbusiness partner ni Noah at si Nicolas Monteverde. What a small world.“Ma’am Marise, pinapatawag na po kayo ni Sir Li. Dinner na raw po.”Napalingon siya sa pintuan nang marinig ang boses ng kanilang katulong.“Okay, Manang,” mahina niyang sagot.Napabuntong
Gabi na siya ng umuwi galing sa condo ni Yassy. Kung pwede nga lang na doon na siya matulog ay gagawin niya. Kinabukasan ay nagdala na naman siya ng breakfast at doon kumain bago pupunta sa trabaho niya.“Araw-araw ka ba andito? Kasi simula ng malaman mong dito ako nakatira ay hindi pa ako nakapagl
Nanatili lang sila sa ganoong sitwasyon habang kinakalma ang sarili nila. Nasa loob pa rin nito ang alaga niya."That was great, babe!" nakangising wika niya."I will do everything for you, babe... Kapag malungkot ka, papasayahin kita. I don’t want to see you sad."Lihim siyang napangiti. Ginawa it
"Belle!" Tawag-pansin niya sa kaibigan na mukhang nalilibang na sa pakikipagkwentuhan sa kuya niya.Agad namang bumalik ng tingin si Belle sa kanya. "Can I talk to you for a second?" wika niyang may matalim na tingin sa kaibigan saka naunang pumasok sa kwarto nito."Excuse lang, Caleb ha… may sasab
Sumandal siya sa sofa sa sobrang pagod. Napagod ang utak niya sa kakaisip ng paraan kung paano resolbahin ang gulong ginawa ni Olivia sa kompanya niya.Kanina pa siya sa telepono. Ang mga kliyente nila ay tumatawag sa kanya, at ang iba ay nag-cancel na. Ang iba naman ay naagapan at napakiusapan niy







