Share

LSO 4

Isinara ni Logan ang kaniyang maleta matapos mailagay roon ang mahahalaga niyang gamit at mga damit na aabot ng tatlong linggo. Mamayang gabi na ang flight niya patungong El Nido. Nasabi na rin sa kaniya ni Shan na na-inform na nito ang magiging kliyente niya tungkol doon.

He made sure not to bring anything that is personally related to him, especially identification cards. He only brought the company phone and pocket money in cash.

Sinigurado na rin ni Shan na hindi siya makatatanggi. Paano ay idineposito na nito sa bank account niya ang kalahating milyon. Palibhasa, alam na alam na nito ang ugali niya; na kapag nasa bank account na niya ang pera, gagawin niya ang lahat upang hindi na iyon maalis doon. That's what you'll learn when you experience hell since childhood; you'll learn how valuable money is... and how it rules the world.

This is going to be his last client. At pagkatapos nito, he will leave SDS. Iyon ang pangako niya sa kaniyang sarili. He will settle down after this. Hopefully, makanap siya ng babaeng tatanggapin siya kahit ano pa ang nakaraan niya. That might not be easy, pero hindi siya mawawalan ng pag-asa. Afterall, there 7.753 billion people in the world. Hindi naman siguro ganoon kalabo makahanap ng mapapang-asawa na tatanggapin ang buong pagkatao niya.

Today's Saturday morning. Dahil wala namang kliyente kahapon ay buong araw siyang natulog. At ngayong araw, sisiguraduhin niyang makikipag-bonding siya sa pamangkin niya bago siya umalis. Matagal-tagal rin kasi siyang hindi makakauwi. Malulungkutin pa naman ang pamangkin niya. Gusto nito palaging may kalaro at kasama.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo at nag-asikaso ng sarili. Saktong katatapos lamang niya maligo nang maramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Oo nga pala, buong araw din siyang hindi nakakain kahapon. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya mula sa kuwarto upang magtungo sa kusina.

Doon niya nakita si Manang Alberta na nakatayo sa gitna ng hallway at mukhang hindi mapakali.

"Manang Alberta?" Pagtawag niya sa atensiyon ng aligagang ginang.

"Sir Logan!" Halos mapatalon ito, parang gulat na gulat na makita siya.

"What's wrong?" Natatawang tanong niya. "You are pretty jumpy today."

"Ah kasi ho, sir..." Nang mapatingin siya sa direksyon na tiningnan nito ay saka unti-unting nabura ang ngiti niya. Tinungo niya ang teresa.

Kumunot ang noo niya nang makita niya mula roon si Clarylaine. Nasa labas ito ng bahay, hindi kalayuan sa gate, at mukhang nakikipagtalo sa isang lalaki. May pinag-aagawan ang dalawa na kung ano.

Who the fvcking hell is that?

Nagmamadali siyang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay. He clenched his fist so hard. Paano nakapasok ang lalaking iyon sa bakuran niya? Nagmamadali rin naman si Manang Alberta habang nakasunod sa kaniya.

"You!" Dinuro niya ang lalaki. "Who the hell are you?" Sigaw niya habang papalapit sa mga ito. Nakita niya kung paano natigilan ang kapatid niya.

"Kuya!" Clarylaine gasped.

"Laine, who is this man?" Teka, bakit parang nakita na niya sa kung saan ang lalaking ito.

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang makitang isang may kalakihang karatula pala ang pinag-aagawan ng mga ito. 'Kilos-protesta para kay Ms. Clarylaine Cruz! Tumututol ako sa hindi mo pagpansin sa akin.' Iyon ang nakasulat doon. Ang kumag, mukhang nagra-rally pa yata mag-isa sa labas ng bahay niya.

Baliw yata ang lalaking ito.

"Tatay Omeng, bakit nakapasok ang lalaking ito rito?" Tanong niya sa matandang lalaki na tahimik na nakatayo sa may gate.

Napakamot naman sa ulo ang matandang lalaki. "E kasi po, Sir Logan—"

"Kuya, huwag mong pagalitan sa Mang Omeng. Wala siyang kasalanan rito," sabi ng kapatid niya. Bumaling ito sa lalaki. "Mr. Mckracken, pakiusap umalis na po kayo."

Pilit itinulak ng kapatid niya ang lalaki palabas ng gate, ngunit hindi ito nagpatinag.

"Mr. Johnston, I am Creig McKracken," inilahad nito ang palad sa harapan niya.

"Creig, ano ka ba? Sinabi na't umalis ka na e," pilit hinatak ng kapatid niya ang braso nito.

Of course, he knows that name. Oo tama, naaalala na niya. Laman palagi ng magazine ang lalaking ito, at malamang doon niya ito nakita. Sino ba namang hindi makakakilala sa isang multi-millionaire na negosyante at renowned chef na may-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa buong mundo?

May isa pang bagay na kilala ang lalaking ito. Isa ito sa mga multi-millionaire na walang kahit anong issue. Walang controbersiya na makuha rito ang press. Kahit ilang paparazzi pa ang maghapong palihim na sumunod dito, walang mahanap ang mga ito na ikasisira ng pangalan ng lalaki. Everyone knows him as The Good Chef. Pero hindi siya naniniwala na walang baho ang lalaking ito. Everyone has skeletons on their closet. Yung iba nga lang, ay talagang napakagaling magtago.

"I know you, Mr. McKracken. What brought you here?" Pormal na wika niya.

"Wala. Wala siyang ipinunta rito, Kuya." Nang hindi niya tanggapin ang palad ng lalaki at ang kapatid niya ang humawak roon at nagbaba ng kamay nito. Mukhang alam na alam nito na wala siyang balak makipagkilala rito.

"Stop touching him, Clarylaine." May babala sa boses niya.

"I'm sorry, Kuya," agad namang sabi ng kapatid niya at binitawan ang kamay ng lalaki.

"Good Sir, I am here to speak with you about your beautiful sister." Kita niya ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki.

Mas lalong nabura ang lahat ng ngiti niya. "Clarylaine, pumasok ka na. I will handle this," aniya.

"No!" Protesta nito. "Baka kung anong katarantaduhan ang gawin ninyo sa isa't isa kapag umalis ako rito."

Matalim ang mga mata niya nang tingnan niya ito. "Don't test my patience."

"Kuya, please don't do anything stupid," kulang na lamang ay magmakaawa ito. "I know you very well, Kuya. Please, huwag kayong magpatayan dito."

"Sige na, pumasok ka na." Tumingin siya sa matandang babae at sumenyas. "Manang Alberta, samahan niyo na si Clarylaine papasok."

"Opo, Sir," sabi naman ng ginang bago inakay ang kapatid niya na sa kanila pa rin ni Creig nakatingin. "Laine, halika na."

Nang tuluyan nang umalis ang dalawa ay saka niya hinarap ang lalaki. Silang dalawa naman ang magtutuos ngayon.

***

"Sir Logan, ayos na raw po iyong sasakyan ninyo sabi ni Omeng." Napatigil siya sa pakikipaglaro kay Claude nang marinig ang sinabing iyon ni Manang Alberta. Kasalukuyan silang nasa salas at naglalaro sa bagong gaming console na binili niya para rito.

"Sige ho, Manang. Pakisabi na lang kay Tatay Omeng buhatin na iyong mga gamit ko sa sasakyan. Nasa loob ng kuwarto ko, sa ibabaw lang mismo ng kama."

"Sige ho, Sir." Lumabas na ang matandang babae mula sa living room upang kaunin ang asawa nito.

"Uncle Logan, kailan ka babalik?" Natigil na rin pala sa paglalaro si Claude at mataman nang nakatingin sa kaniya.

"I'll be out for three weeks," sagot niya. "Pero babalik ako agad. Promise yan. Pagbalik ko tapusin natin ang lahat ng laro dito."

Tumango-tango naman ito ngunit halatang malungkot ito. "Ano ka ba," ginulo niya ang buhok nito. "Huwag ka na malungkot. Makita mo, saglit lang yung tatlong linggo. Nakauwi na ako kaagad dito. Saka huwag mong kalimutang mag-selfie pagpasok mong school ha. Para makita ko kung gaano ka kapangit sa uniform mo."

Doon na ito tumawa. "Mas pangit ka."

"Kuya Logan!" Natigilan sila pareho nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Clarylaine.

"Mom? What's the matter?" Agad na gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng pamangkin

"Claude, go to your room," utos ng kapatid niya sa anak nito habang nakatingin sa kaniya.

Tumingin naman sa kaniya ang pamangkin niya na para bang nanghihingi ng permisyon. Tinanguan lamang niya ito, at pagkatapos niyon, nagmamadali na itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"What did you tell Creig?" Kunot ang noo na tanong ni Clarylaine nang makaalis na ang anak nito.

"I told him nothing," walang emosyon niyang sagot.

"Hindi ako naniniwala. I know you, Kuya."

"Kung hindi ka naniniwala sa akin, fine with me. Pero kung hindi ka naman pala naniniwala sa sinasabi ko, then why don't you just ask him?" Prente siyang sumandal sa sofa at pinagkrus ang kaniyang mga binti.

"Do you think I did not do that? Of course, I did! But he wouldn't tell me a thing."

"Then that's not my problem anymore." Tumayo na siya at tinalikuran ito. Hindi maaaring malaman ng kapatid niya kung ano ang pinag-usapan nila ng lalaking iyon.

Nangako siya sa McKracken na iyon. At siya iyong klase ng tao na hindi bumabali ng pangako.

"Kuya! Where are you going?" Narinig pa niya ang pagtawag nito ngunit hindi niya iyon pinansin. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan na gagamitin niya patungo sa airport.

"Kuya!" Sinundan pala siya ng kaniyang kapatid hanggang sa paglabas ng bahay. Hinawakan nito siko niya bago pa man siya makasakay sa kotse.

"Where are you going?" Tanong nito. "At least tell me, please."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi siya makatingin ng diretso sa kapatid. Magmula noon, hanggang ngayon, wala itong kaalam-alam sa uri ng trabaho na pinasok niya. Hindi niya iyon sinasabi; hindi niya iyon ipinagtatapat sa kapatid. Wala siyang lakas ng loob.

"On a business trip, Laine," sagot na lamang niya sa mahinang boses.

"For how long?"

"Three weeks? A month? I don't know."

Kumunot ang noo nito. "Ganoon katagal? Isang buwan kang mawawala dito? At wala ka na namang balak kontakin kami habang nasa business trip ka?"

"Laine. You know that—"

"Fine. It's fine. Huwag ka nang magpaliwanag." Gusto niyang ma-guilty. Kita niya ang pagtatampo sa mga mata ng kapatid niya. Sa tuwing nagpupunta kasi siya sa mga s*x client niya ay hindi siya nagpapaalam sa mga ito. Ni hindi niya sinasabi ang eksaktong lokasyon niya, at mas lalong hindi siya tumatawag kahit pa minsan ay inaabot siya ng ilang araw bago makauwi.

Alam naman niya, na nag-aalala lang sa kaniya ang kapatid niya. Afterall, silang tatlo na lamang ni Claude ang magkakasama sa buhay.

"Just... just take care of yourself." Iyon lamang ang sabi nito bago siya tinalikuran at bumalik sa loob ng bahay.

Tikom ang labi niya nang sumakay siya sa kotse.

Don't worry, Laine. This is going to be my last job for the SDS. At pagkatapos nito, tapos na rin ang mga 'business trip' ko... anang kaniyang isip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status