LOGINGuys kung tutuusin ay okay na sina Liam at Dina. Kasal na lang ang kulang sa kanila. Kaya pwede nyo na pong itigil ang pagbabasa. Kasi nasa phase na po ako ng pagbubuo ng mga missing piece ng history nila para alam nyo ang mga totoong nangyari bago ko tapusin ang book ng pamilya nila. Bagay na ayaw ng ilan dahil dagdag na characters at baliktanaw lang daw. Kaya wag nyo na pong ituloy. At samga intresado, proceed po tayo sa next chapters. Maraming salamat po.
“Kakain na!” malakas ang boses na tawag ni Tata Erning. Nasa labas ito ng bahay ngayon. Inihahanda ang kakainan nila na mesang kahoy sa labas.Habang ang tatlo naman ay nasa loob ng bahay at nagpapalit ng damit.“Tayo na.” sabi ni Liam at naglakad na palabas ng bahay. Kasunod na rin niya ang dalawa.Pagkakita sa kanila ni Tata Erning ay napahinto ito sa kanyang ginagawa. Saka unti-unting umangat ang magkabilang sulok ng bibig.Suot ni Liam ang kupas na polo na may malalaking dilaw na bulaklak. Napunta naman kay Renz ang kulay Lilang polo. Kay Leon ay yung matingkad na kulay orange. Pero lahat ng suot nila ay may malalaking bulaklak na nakadisenyo.Ang pantalon nila ay hanggang kalagitnaan lang ng binti. Na may matitingkad ring kulay.“Hindi ko alam kung paano ako uupo nito nang hindi masisira” mahinang reklamo ni Leon habang hinihila pababa ang kanyang pundiyo.“Eh di, wag ka masyadong huminga.” natatawang sagot ni Renz.Si Liam naman ay tahimik na inaayos ang laylayan ng kanyang po
Napalingon si Renz kay Liam. “Siya 'yung hinahanap mo?” Tumango si Liam saka muling napatingin sa matanda. Kupas ang polo nitong may malalaking bulaklak, na hindi pa magkatugma ang mga butones. Ang pantalon naman ay bitin hanggang binti at hindi pantay ang laylayan, na para bang basta na lamang ginupit. May nakasuksok pang maliit na tuwalya sa baywang nito. Hindi talaga iyon ang inaasahan niyang itsura ng isang respetadong abogado at dating provincial prosecutor base sa kwento ng kanyang ina. Napansin ng matanda ang tingin na yun. “Bakit? May problema ka ba sa itsura ko?” Napatuwid ng tayo si Liam. “W-wala po.” “Eh bakit mo ako tinitingnan na parang may sungay ako sa noo?” “Huh? Wala naman akong iniisip na— nagulat lang ako na kayo rin pala si Tata Erning.” Pinasadahan lang sila ng tingin ng matanda bago sila tinalikuran. Bumalik ito sa dalawang malalaking maitim na kalderong nakapatong sa kalan na de-gatong sa tabi ng kubol. Gamit ang isang mahabang tangkay ng kahoy, hinawi
Napalingon si Leon nang marinig ang tumawag sa kanyang pangalan, at nagulat ng makita sina Liam at Renz na papalapit. “What are you two doing here?” takang tanong niya sa dalawa. “We're looking for someone.” sagot ni Renz. “Ikaw? “Same. May pinapakuha sa akin si Dad. Some herbal medicine. Baling daw.” “Baling?” kunot-noong tanong ni Renz. Nagkibit-balikat si Leon. “No idea. My dad just told me to get it. At kailangan daw ako mismo ang kumuha dahil walang bisa kung hindi si Dad or kadugo ang hahawak.” “And you believe that?” tanong ni Liam. “Of course not. But he threatened to work again if I refused. And knowing him, gagawin niya talaga yun.” “So don’t tell me si Tata Erning din ang hinahanap mo?” ani Renz. Kumunot ang noo ni Leon. “Don't tell me–” “Yah, pinakuha ako ng gamot ni Dad. Para daw sa stroke.” Napatingin naman si Leon kay Liam. “And you?” “I'm looking for an old man. His last known address is somewhere around this area.” Hindi na nagtanong pa
Pauwi na si Liam mula sa bahay nina Dina nang mapansin niya ang sasakyan ni Rafael na palabas sa garahe.Ilang araw na rin silang hindi nakakapag-usap nang maayos. Maging si Janet ay hindi niya masyadong nakakausap ng matagal dahil halos lahat ng oras niya nitong mga nakaraang araw nagagamit niya sa panunuyo sa kanyang asawa. Sigurado naman siyang hindi naiinip ang mga kaibigan niya sa dami nang pwedeng pagkalibangan sa hacienda.Pero napapansin niyang tila may kakaibang pinagkakaabalahan si Rafael. Madalas din itong umaalis nitong mga nakaraang araw. Napapailing siya nang maisip na baka may babae itong pinagkakaabalahan.Lalaki rin siya, at alam niya ang pakiramdam ng hindi mapakali kapag may babaeng gustong makita. Ganun din kasi siya kay Dina simula nang makilala niya.Pero si Rafael?Parang mahirap paniwalaan. Ilang araw pa lang silang naroon. Ganoon ba kabilis makahanap ng babaeng pagkakainteresan ang kaibigan niya sa lugar nila?Nang magsalubong ang kanilang mga sasakyan, nagbus
Napangiti rin si Dina habang pinagmamasdan ang dalawa. Hinayaan na lang niya ang maglola at tumalikod para bumalik sa bahay.Pero pagpihit ay muntik na siyang mabangga kay Liam. “Anong kailangan mo?” aniya at nilagpasan ito.Tahimik na sumunod si Liam. Pagdating nila sa loob ng bahay, hinawakan nito ang kanyang kamay.“Babe–”Bago pa siya makapagsalita, napansin nilang nakatayo sa kusina si Aling Minda. Napatingin ang ginang sa nakita ni Aling Minda sa magkahawak nilang mga kamay.Agad na bumitaw si Dina at bahagyang lumayo.Napangiti lamang ang matanda.“O, Liam. Mag-almusal ka muna.”“Thank you po, Nay. Nakapag-almusal na po ako.” sabi ni Liam tapos ay may biglang naalala. “Sandali lang po. May kukunin lang ako.”Nagpaalam ito at muling lumabas ng bahay.Sinundan siya ng tingin ni Dina bago nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng tasa at nagsimulang magtimpla ng kape.“A, alam ko na kung bakit nakasimangot ka kanina,” biglang sabi ni Aling Minda.Napatingin si Dina sa ina.“Bakit na nama
Kinabukasan.Nasa silid si Lian. natanaw niya sa bintana ang grupo ng mga batang paparating. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito habang naglalakad, hanggang sa huminto sa bakanteng lote sa tapat ng kanilang bahay, sa kabilang kalsada.Tuwang-tuwa si Lian nang makita ang mga kalaro. Iniwan niya agad ang kanyang mga laruan at nagmamadaling lumabas ng silid.Paglabas ay narinig niya ang boses ng kanyang lola Minda at nanay. Mamaya pa ang pasok ni Dina sa school. Wala rin siyang OJT ngayong araw, kaya naroon pa siya sa bahay.“Hinihintay mo?” tanong ni Aling Minda sa anak na may himig panunukso.“Ho? Hindi po ah.”“Hindi raw. Eh bakit ganyan ang mukha mo? Hindi maipinta.”“Sadya naman pong ganito ang mukha ko sa umaga,” sagot ni Dina.Napangiti si Aling Minda habang inaayos ang mga gamit sa mesa.“Baka isang bulaklak lang ang ibigay sa 'yo, okay ka na. Ako nga, kapag galit ako, bibigyan lang ako ng tatay mo ng bulaklak, nawawala na ang pagsusungit ko. Bulaklak daw ang gamot sa taong masun







