LOGINMaya maya pa ay ipinarada ni Luis ang sasakyan sa di kalayuan. Sa tapat ng isang property para magmukhang yun talaga ang pakay nila. Nasa loob sila ngayon ng isang resort sa Batangas. Nakahanay ang private villa. Hindi yun dikit dikit at may sariling gate at driveway. Tahimik na ang paligid. Palibhasa'y umaambon kanina kaya walang taong naglalakad sa labas kahit tumila na.‘Anak ng tokwa. Nagsayang lang pala tayo ng gas. Magbebeach lang naman pala ang magkakatropang yan.” reklamo ni Luis habang nakasandal sa manibela. Umiiling iling siya at naniningkit ang mga matang nakatingin kay Arah. Habang si Jonas ay tawa naman ng tawa.“Ano na, Capt. Reyes, nagbaon ka ba ng swinsuit?” anito. “Pagkakataon mo na ito para mapansin ka ni Aragon.”Pero hindi gumagalaw si Arah. “Hindi kayo nakakatawa.” malamig niyang sabi sa dalawa habang tutok na tutok lang ang tingin sa unahan.Sakto namang bumukas ang pinto ng isa sa mga sasakyan hinahabol nila kanina. Mula doon ay lumabas ang isang matangkad
Kahit malaki ang pagdududa, sapat na ang sagot na yun para maunawaan ng magpinsang Aragon ang ibig sabihin si Liam. Pare-pareho lang sila ng sitwasyon. Sitwasyong hindi nila ginusto ngunit buong buhay nila ay kontrolado nito.“Doon din ba niya dinala si Cacai?” tanong ni Leon. Kahit wala siyang tiwala kay Liam, kailangan niyang malaman lahat ng mga posibleng anggulo na magtuturo kung nasaan ngayon si Cacai.“What?” kunot noong tanong ni Liam, tila nagulat sa kanyang narinig.“May dumukot si Cacai. Si Pacquito lang ang pwedeng gumawa nun.” igting ang pangang sabi ni Leon nang hindi inaalis ang tingin kay Liam. Para bang hinahanap niya sa mukha ng kaharap ang kasagutan.Mula sa pagtataka ay bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Liam. Sunod ay parang may biglang itong naalala. “Sandali.” aniya at agad niyang dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at may hinanap doon. Konektado sa cellphone niya ang CCTV sa loob ng Villa Fatima. Ilang saglit din niyang sinuri yun upang kumpirmahin ang
Samantala, sa condo unit ni Liam, tahimik na hinuhubad ni Dina ang kanyang damit na sana’y isusuot sa anniversary ng Pacific Air. Taon taon siyang dumadalo simula nang magtrabaho siya sa mansyon ng mga Aragon. At kahit mga kasambahay sila ay wala silang naramdamang diskriminasyon dahil patas ang trato sa kanilang lahat ng mag-amang Aragon kahit pa nga parang nakakatakot at nakaka-intimida ang itsura ng mga ito.Excited pa naman siya na makita ang mga dating katrabaho na parang naging pamilya na rin niya simula ng makipagsapalaran siya dito sa Maynila kasama ng kanyang pinsang si Jing na kasabay rin niyang lumuwas at nangarap ng mas maayos na buhay.Nag-ayos pa naman siya, naligo, inayos ang buhok at isinuot ang damit na matagal na niyang pinag-ipunan. Pero kung kailan handa na siya, saka naman sinabi ni Liam na hindi na siya nito masasamahan.Wala itong ibinigay na maayos na paliwanag. Sinabi lang nito na may nangyari at nagmamadali na itong umalis ng condo kaya hindi na niya alam
Madilim na nang makabalik si Cacai ng bahay. Tahimik na sa loob at patay na ang karamihan ng ilaw sa loob maliban sa ilang lampshade sa hallway at sa sala. Nasa silid na ang mga kasambahay. Hindi na niya inabala pa si Ate Larah at ang kanyang ama na alam niyang nagpapahinga na.Dumiretso sya sa kanyang silid, nagpalit ng damit at humiga. Hanggang ngayon ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Hindi dahil nawalan siya ng tiwala kay Leon. Mas kabaligtaran pa nga. Dahil sa mga ipinagtapat ni Renz, mas lalo niyang naiintindihan kung gaano kalalim ang ugat ng pagmamahal nito sa kanya. At ang bigat ng dibdib niya at takot para sa asawa.Gusto sana niyang tawagan ito pero pinigilan niya ang sarili. Siguradong abala ito sa mga bisita, mga obligasyon.., lalong lalo na sa delikado at problemang kinakaharap nito ngayon.Kahit ilang beses niyang ipikit ang mga mata, hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil paulit ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Bukas ang a
Paglabas ni Cacai sa bulwagang yun ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha.Pilit niya yung pinipigilan noong nasa loob siya ng convention hall. Pero pagdating sa labas ay doon na siya tuluyang bumigay. Ginawa niyang tahimik ang pag-iyak, walang hikbi upang walang ibang makaalam lalo’t ngayon ay alam na niya ang buong katotohanan.“I told you, hindi ka na dapat nagpunta sa loob. Hindi mo na dapat yung nakita pa.” boses ni Renz na nasa tabi niya.Umiling si Cacai. May pait sa ngiti habang pinupunasan ang mga luha.“Salamat, dahil ipinagtapat mo sa akin ang lahat.” sumisinok na sabi niya.Nang bumalik siya kanina ay nakita agad siya ni Renz pagpasok na pagkapasok niya ng hall. Sinalubong agad siya nito upang pauwiin gaya ng utos ni Leon pero ayaw niyang makinig dahil katwiran niya, ay naroon na siya.At dahil hindi na siya mapigilan ni Renz ay napilitan na itong sabihin sa kanya ang totoo, wag lang siyang tumuloy. Ipinagtapat nito ang tungkol sa mundong ginagalawan ng mga i
Pagpasok na pagkapasok pa lang sa loob ng banyo ay sinipa ni Leon ang pinto sa likod niya upang sumara.At agad na itinulak papalayo si Victoria na muntik nang matumba kung hindi pa ito napahawak sa pader. Kasunod noon ay dinukot ni Leon ang panyo mula sa bulsa ay mariing pinunasan ang sariling labi.“Really?” tila naiinsultong bulalas ni Victoria nang makita ang ginawa ni Leon na animo’y nakalulon ng lason.Doon ay marahang umangat at humarap kay Victoria ang madilim na mukha ni Leon.“What the f*ck are you doing?” galit at halata ang pagtitimpi sa boses nito. “I’m your sister’s–.”Mahinang natawa si Victoria sabay iling.“No, I'm your fiancee. Inagaw ka lang niya sa akin.” giiti nito.Hindi man lang nagbago ang mukha ni Leon. “Stop it.” mariin niyang sabi.Pero hindi tumigil si Victoria. Sa halip ay bahagya pa itong lumapit at mas lumalim ang titig sa binata.“No. Alam kong ginagawa mo lang ito dahil galit at gumaganti ka sa akin dahil sa pagtakas ko noon... Okay, I’m sorry, alr
Cacai POV Pagkatapos lumabas ni Leon ng silid ay may isang minuto pa bago ako parang nahimasmasan. Dali dali akong tumakbo, pero sa halip na sa damitan ay sa banyo ako nagpunta. Napatingin ako sa salamin. Dumako ang tingin ko sa aking collarbone at napahawak dun. Muli kong naalala ang ginawa kanin
“Papa!” masayang sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. Pagkabalik na pagkabalik ko kasi sa aking kwarto, agad kong tinawagan ang number ni Papa na nakasulat sa papel na ibinigay ni Leon. “Iska, anak?” masayang bungad niya nang marinig ako. “Ako nga po. Kumusta po kayo?” masayang sagot ko. “I’
“Araaay…” mahinang daing ni Cacai habang marahang tumatayo mula sa pagkakadapa. Nang makatayo ay napatingin siya sa kanyang mga kamay at braso na puro putik, at nang bumaba ang kanyang tingin sa damit, nakita niyang marumi na din yun. Nagpapasalamat siya at hindi mabilis ang kanyang pagpapatakbo k
“Done staring?” Para akong nagising nang marinig ang boses niya. “Bastos!” malakas na sabi ko. Mabilis kong tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha. Pero kahit may takip na ang mga mata ko, yung anino pa rin ng alaga niya ang nakikita ko at ayaw mawala sa isip ko. Narinig ko siyang mah







