LOGINA few hours ago…“Marco.” tawag ni Leon sa sekretarya nang hindi ito nililingon. Kasalukuyang binabasa nito ang hawak na report. Habang si Mathew naman ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tablet at ilang printed documents.“Yes, Boss?”“Cancel all my out of town business trips this week.” utos ni Leon habang tutok sa ginagawa.“Boss?”Bahagyang umangat ang tingin ni Leon.“I’ll be working here.” anito saka muling ibinalik ang tingin sa binabasa.Hindi na sumagot si Mathew at napangiti. “Noted, Boss.” anito.“Forward mo na lang sa Pacific Air team ang updated instructions. I’ll handle approvals remotely.”Tumango si Marco. “Yes, Boss.”“Also– “ dagdag ni Leon habang nililipat ang pahinga ng binabasang report. “I want daily system flow updates from operations.”“Direct to you, Boss?”“Direct.”“Understood.”Nahinto sila sa pag-uusap ng may kumatok. Napatingin si Mathew sa pinto. Lumakad siya palapit at tiningnan kung sino ang nasa labas.Bahagyang napataas ang kilay niya nang m
Saglit na napatigil si Leon at nagulat ng bigla na lang siyang yakapin ng dalaga. Nagulat siya dahil mas inasasahan pa nga niya na sasampalin siya nito. Ang totoo ay wala naman siyang balak na takutin ito. Gusto lang niyang makita kung anong magiging reaksyon ni Cacai kapag nakita siya. Kung matutuwa ba ito at magugulat na magkasama sila? Kaso hindi niya akalaing matatakot ito ng husto.Ganunpaman ay lihim siyang mapangiti habang magkadikit ang kanilang mga katawan.“It’s okay, I’m already here.” ani Leon sa mahinang boses at mas hinapit pa niya si Cacai palapit sa kanya. Pagkuway isang halik ang idinampi niya sa ulo ng dalaga nang maamoy ang mabangong buhok nito.Samantalang si Cacai naman ay nakaramdam ng kapanatagan sa presensya ng binata. Saglit na nawala sa isip ang tampo niya rito. Bumalik yung dating pakiramdam na kampante siyang palagi. Basta nandito siya, na siya ang kasama niya.Habang nakasubsob sa dibdib ng binata, ay naramdaman na lang niya ang kamay ni Leon na
Hindi sinunod ni Cacai ang sinabi ni Joan na dumiretso na siya sa CS Building.Dumaan muna siya sa receiving para magpaalam sa mga katrabaho. Pagpasok niya doon ay agad na napansin ng mga katrabaho ang itsura niya.“Anong sabi ng HR?” tanong ni Joy.“May problema ba?” sabat ni Michelle.Ilang segundo siyang hindi nakasagot habang nakatingin sa memo. Pagkatapos ay inabot sa kanila. Agad yung binasa ng dalawa. Pagkuway kitang kita niya ang unti unting pagbabago sa ekspresyon nila.“Ha?!?”“Monitoring room?”“Doon ka?”Tumango lang si Cacai habang kinukuha ang gamit niya.“Five days daw.” aniya.Biglang tumayo si Joy na medyo nag-aalala habang kamot ang ulo.“Uy, yung sinasabi naming may mul– tsimis lang yun.” anito na may alinlangang ngiti.“Oo nga tsismis lang yun. Mga guard lang nagkukwento nun,. Lam mo na bored sila. Hehe.” sabat ni Michelle.Pilit na ngumiti si Cacai at malungkot na nagpaalam sa dalawa. Saka nagtungo sa CS Building.Wala siyang dalang gamit maliban sa memo. Dahil ba
Nagdesisyon si Cacai na bumalik ng North Point. Base sa mga paliwanag ng Presidente ng club nila ay mukhang makocompromised ang pangalan ng school nila kung basta na lang siyang magreresign ng walang matibay na dahilan. Ayaw naman niyang siya pa ang dahilan kung sakaling magkaganun. Kaya no choice siya kundi ang bumalik sa North Point.Lunch break na nang makabalik siya sa kumpanya. Nakasabay pa niya sina Joy at Michelle na kumain sa canteen.Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay nakita nila sina Joan ang mga alipores nito. Yung mga kasama niya kanina sa banyo. Pero ngayon ay may bagong kasama ang mga ito. Isang maganda, mestisa at sosyal na babae na halatang taga alta-syudad. Kumunot ang noo ni Cacai nang mapagsino ang babaeng yun. Si Maxine, yung babaeng patay na patay kay Leon at laging kasabunutan ni Karla. “Anong ginagawa niya rito?” takang tanong ni Cacai.“Kilala mo?” baling sa kanya ni Joy.Hindi napansin ni Cacai na napalakas pala ang sabi niya kaya yun narinig ni Joy.
Hindi na lumingon pa si Cacai matapos sabihin ang mga salitang yun. Bahala na kung ano ang reaksyon ng mga bruhang yon sa loob. Hindi na niya problema yun.Paglabas niya ng building ay agad siyang sinalubong ng mainit at maliwanag na sikat ng araw sa labas. Huminto siya saglit at huminga ng malalim. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula kaninang umaga.“Aahhh..” bulong niya sa sarili. Pagkatapos ay bahagyang napangiti.Napakanta pa siya ng mahina.“Free again… ♫⋆。♪ ₊˚♬ ゚.”Hindi niya alam kung anong kanta yun. Basta yun ang unang lumabas sa bibig niya. Dahil pakiramdam niya ay para siyang nakawala sa hawla.Ngayon lang niya naalala na hindi nga pala niya nasabihan si mang Boyet na mag-e-early out siya. Di bale magtataxi na lang siya gaya kaninang umaga.Lumabas siya ng gate at tumayo sa gilid ng kalsada para doon mag-abang ng taxi. Npaatras siya nang bigla na lang may pumaradang dalawang sasakyan. Mabilis na bumaba ang mga sakay ng naunang sasakyan.Nanlaki ang mga mat
Nagpatuloy sa paglalakad si Cacai kahit kita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang talim na ibinabato ni Joan sa kanya. Mukhang nakita pa yata nito ang malakas na pagsara niya ng pinto. At mukhang may dahilan na naman itong punahin siya.Dire-diretso lang sa paglalakad si Cacai. At nang lalagpasan na niya ito akala niya ay tapos na ang eksena nilang dalawa. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay tinawag na siya ni Joan.“Ms. Alcantara..” wika nito.Napahinto siya pero hindi lumingon.“Magreport ka sa HR.” malamig na sabi ni Joan saka ito naglakad.Mariing napapikit si Cacai. “Ano bang problema ng HR na yun?” Parang may sa-CCTV ang Joan na yun. Ang galing ng timing at lagi na lang siyang nahuhuli sa akto. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Hindi siya nagpunta ng HR gaya ng utos nito. Sa halip ay bumalik siya sa Receiving area at itinuloy ay trabaho. “Bahala sila, tanggalin nila ako kung gusto nila.” Yun din naman kasi ang gusto niyang mangyari.Pagdating sa Receiving A
Cacai POV Pagkatapos lumabas ni Leon ng silid ay may isang minuto pa bago ako parang nahimasmasan. Dali dali akong tumakbo, pero sa halip na sa damitan ay sa banyo ako nagpunta. Napatingin ako sa salamin. Dumako ang tingin ko sa aking collarbone at napahawak dun. Muli kong naalala ang ginawa kanin
“Papa!” masayang sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. Pagkabalik na pagkabalik ko kasi sa aking kwarto, agad kong tinawagan ang number ni Papa na nakasulat sa papel na ibinigay ni Leon. “Iska, anak?” masayang bungad niya nang marinig ako. “Ako nga po. Kumusta po kayo?” masayang sagot ko. “I’
Cacai POV Umalis na si Dina pagkatapos niyang ituro sa akin kung nasaan ang banyo. Namangha ako dahil sa ganda. Parang mas feel ko pang magkape dito kesa îhianlang. Nakakahiya namang magbawas dito dahil bukod sa mabango na ay sobrang linis pa. Dati ay manghang mangha na ako sa bahay ni Papa. Pe
Iiling iling si Manang nang umalis ang dalawa. Pagkuway lumingon siya sa akin.“Wag mong iniintindi ang dalawang yun. Puro kalokohan lang ang nasa utak ng mga yun?” anito habang ako naman ay katatapos lang linisin ang pinagkainan.“Opo.” sagot ko.Ayoko munang bumalik sa silid ko dahil maiinip lan







