Share

Chapter 205

Auteur: Kara Nobela
last update Date de publication: 2026-04-01 00:30:33

Liam Arzon Gabriel, ipinanganak at lumaki sa US sa pangangalaga ng dalagang ina, si Fatima Gabriel. Isang nurse at nagsumikap na itaguyod mag-isa ang anak.

Nang makaipon nang sapat na halaga ay umuwi ito ng Pilipinas. Kagagraduate lang noon ni Liam ng elementarya. Ginamit ni Fatima ang naipon sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa ibang bansa upang buhaying muli ang lupaing minana pa niya sa mga magulang.

Dating may kaya sa buhay si Fatima, ngunit bumaba ang antas sa buhay nang mamatay ang k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (8)
goodnovel comment avatar
Nancy Obias
Dapat sumonod c leon ki cacai oh kaya sama nya c hito at hippo
goodnovel comment avatar
Jovelyn Chua NANO
Hindi ko na bet SI LIAM Nyan ...
goodnovel comment avatar
Raquel Calayo
bad ka pala liam, pero di uubra kay dina yan..ayaw ni dina ng bad hahaha...
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 233

    Lumabas si Leon ng condominium building na parang walang nangyari. Sa parking garage ay nakaabang na ang sasakyan. Si Mathew ang magdadrive para sa kanya ngayon. Pagsakay ni Leon sa loob, naupo siya sa likod at agad siyang sumandal sandali sa upuan. Saka huminga ng malalim. Habang si Mathew naman ay agad na pinaandar ang sasakyan.Maya maya ay nakatanggap si Leon ng tawag, si Renz. Kaya agad niya yung sinagot.“Yeah.”“Everything went smoothly.” bungad ni Renz sa kabilang linya. “Mas malinis pa kesa sa inaasahan.”Tahimik lang si Leon na nakikinig.“Dumating ang mga pulis kagabi., inspection team na ipinadala ng station commander. Wala talagang kahina hinala ang SilverLine na may nakaabang na sa kanila kagabi.”“Really?”“Yup. So, everything went smoothly. Nakuha lahat ng ebidensya. Kumpleto ang documentation.” ani Renz saglit munang huminga bago muling nagsalita.“Right now, under full investigation na ang SilverLine. Pati na rin ang koneksyon ni Pacquito sa kanila, hinuhukay

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 232

    Kunwaring nagulat si Maxine nang makita si Leon sa labas ng kanyang condo. May intercom camera sa mismong pinto kaya nakita agad kanina kung sino ang nasa labas. Kaya nga medyo natagal siyang buksan ito dahil mabilis niyang tinungo ang kanyang silid upang magsuot ng nightie at gamitin ang pagkakataong narito ito para akitin ang bisita. Kilala niya si Leon kahit hindi siya kailanman naging babae nito. Alam niya at hindi lingid sa kaalaman niya ang reputasyon nito pagdating sa kama. Usap usapan ng mga tauhan nito ang tungkol sa mga kwentong narinig din lang ng mga ito mula sa mga babaeng dinadala ni Leon sa casa.Leon is unapologetically wild in bed. The kind of man who could drive any woman crazy and leave her wanting ang begging for more. Kaya naman ganun na lang ang inggit niya sa mga babaeng nakakaniig nito sa Casa kahit sabihin pang wala yung kasamang pagmamahal. At ngayong silang dalawa na lang dito, nais din niyang maranasan yun.“Leon,” malambing na bungad ni Maxine. “Hindi

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 231

    Kahit gabi nang nakatulog, maaga pa ring nagising si Cacai para pumasok sa trabaho. Unang una niyang ginawa ay kunin ang kanyang cellphone upang tingnan kung nagmessage na sa kanya si Leon. Simula kasi nang umalis ito para pumunta sa meeting sa Pacific Air ay hindi na ulit ito nagparamdam.Kung last month siguro nangyari ito ay baka kung ano ano na ang maiisip niyang ginagawa nito ngayon. Na baka may ibang kasama na ito o baka nagbago na ang nararamdaman nito. Pero iba na ngayon dahil alam na niyang hindi ito ganung klaseng tao.Pagkatapos ng mga araw na nakasama niya ito sa monitoring floor at base na rin kung paano niya ito marinig makipag-usap sa mga tao sa telepono or mga online conference, alam niyang kapag hindi nito gusto ang isang bagay ay hindi ito nagpapanggap. Agad nitong sasabihin ang nasa isip. Oo, minsan ay nahuhuli niya itong parang may itinatago, pero pakiramdam niya, hindi yun para saktan o lokohin siya. Basta pakiramdam niya iniingatan nito ang damdamin niya

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 230

    Samantala sa gasolinahan… “Ang tagal.” sabi ni Jonas. “Eh di ikaw na ang gumawa,.” sagot naman ni Luis. Nang matapos ay bumalik na sila sa sasakyan. Pero nakita nilang pumasok si Arah sa driver’s seat. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Luis. “Sakay na.” sa halip ay sagot ni Arah sabay sara ng pinto. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki. “Good luck sa ‘tin.” sabi ni Jonas at sumakay sa passenger seat sa likod. Ganun din si Luis. Ilang saglit pa ay mabilis nang humaharurot ang kotse. Nagmamadali si Arah. Kailangan nilang maunahan ang Silverline na dumating sa lugar na yun. “Pulis ka ba talaga o driver ng bumbero?” paninita ni Jonas. Pero tuloy tuloy lang si Arah kaya ilang minuto lang ay nasa harap na sila ng NorthPoint. Nakita nilang lumabas ang fire truck mula sa loob. Mukhang naagapan na ang sunog. Bumaba agad si Arah. Nakasalubong pa niya ang mga reporters na palabas na. Ibang iba na ang awra ng mga ito kumpara kaninang hyper na hyper. Ngayon ay lutang na n

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 229

    Naupo si Kate sa harap ng computer. Pagkatapos ay inikot niya ang screen para makita nila. Sina Jonas at Luis ay nandoon din katabi ni Arah.Sa monitor ay hindi simpleng document lang ang naka-open. Isa yung live interface. May moving entries, timestamps, containers IDs nag nag-uupdate na parang isang totoong system.“Hindi lang ito simpleng file or recorded. Mirrored view ito na parang naka-tap sa mismong system pero pang viewing lang ito at hindi nating pwedeng pakialaman ang system.”“Meaning yan mismo ang actual na galaw ng transaction ng Silverline?” tanong ni Jonas.Tumango si Kate habang nakatingin sa screen.“Kita nyo yan?” anito at itinuro ang gumagalaw na object gamit ang cursor. “Truck assignments, container loading at internal scheduling… Lahat yan real time.”Lumalim ang tingin nilang lahat.“Yang papel na hawak mo ang printed copy nito. Screen logs, activity logs pati timestamps, nakarecord na sa system natin.” ani Kate at nagscroll. “Hindi lang yan…” Nagbukas pa siya

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 228

    Gabi na pero buhay na buhay pa rin sa loob at labas ng police station. Sa labas ay may kariton na may laman na ilang termos ng kape, palamig, chicharon, balut at penoy na pinapalibutan ng mga pulis at sibilyan. Nakatayo at ang iba ay nakasandal lang habang umiinom ng kape at palamig sa plastic cup.“Boss, dalawang balut. Yung mainit pa!” sigaw ng isang pulis na galing sa loob ng istasyon.“Yes, boss!” sagot ng nagtitinda.Mas malaki ang istasyon na ito kumpara sa iba. Kaya ordinaryo nang tanawin na makita sa gilid ng entrance ang mga nakahilerang reporters na mga taga-radyo, tv, at dyaryo, ilang kilalang news website. Araw araw ang mga itong nag-aabang sa mga bagong balita o insidenteng pwedeng magamit sa kanilang trabaho. Nakaupo ang mga ito sa bench habang nagbibiruan.“Mukhang walang ganap ngayon ah.” sabi ng isang taga dyaryo.“Hintay ka lang, Pag ganitong tahimik bigla na lang may sasabog.” sagot naman ng taga-TV.“Magsuntukan na lang kayo para magkaroon ng balita.” biro ng

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 95

    Abot abot ang kaba ni Cacai habang papalapit na papalapit si Leon. Nasa nasa tapat na ito ng kama ay marahan itong sumampa. Hindi na nakagalaw si Cacai na animoy naestatwa kahit hanggang sa makalapit na si Leon sa kanya. At nang madikit si Leon sa dalaga ay saka niya ito siniil ng halik sa l

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-27
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 101

    Napatango tango si Renz , alam na alam niya ang ibig sabihin ni Leon. Sa naranasan nila habang lumalaki siya, kahit sino ay hindi niya gugustuhing pumasok o mapabilang sa mundong dati ay kanya nang tinakasan. Isang buhay na kahit ang pinakamatindi niyang kaaway ay hindi niya gugustuhing maranasan. L

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-27
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 93

    Kanina pa tingin ng tingin si Cacai sa relo. Mahigit isang oras na siyang tapos kumain ng hapunan. Nakagawa na siya ng assignment, nakaligot na’t lahat lahat pero hanggang ngayon, wala pa rin si Dina. Naiinip na siyang maghintay sa kaibigan. Excited pa naman siya pero mukhang hindi pa yata matutul

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-26
  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 91

    Mabilis ang mga hakbang ni Leon kaya sa labas na ito naabutan ni Cacai. Paglabas ng dalaga sa pinto ay nakita niya sa harap ng mansyon ang nakaparadang sasakyan. Nakatayo si Leon sa tapat ng passenger seat. Hawak nito ang pinto ng kotse. Alam ni Cacai na siya ang pinagbubuksan nito ng pinto lalo

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-26
Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status