LOGINSamantala, si Cacai naman ay nasa bahay, nakatambay lang sa sala at hindi maiwasang hindi maalala si Leon. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Miss na miss na niya ito. Kaaalis alis lang nung IT na nagtuturo sa kanya ng flow ng system ng NorthPoint. Kaya tahimik na ulit ang paligid at normal na araw lang sana…, nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa may pintuan. “Miss me?” anang baritonong boses. Agad siyang napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Leon, nakatayo sa may pintuan. “Leon..” usal niya saka mabilis na tumakbo palapit rito at agad na niyakap ito., mahigpit at parang ayaw nang pakawalan. Napangiti si Leon at agad gumanti ng yakap. Nai-angat pa niya ang dalaga nang bahagya habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso dito. Pagkuway marahan niya itong ibinaba saka ito kinintalan ng banayad na halik sa labi. Halik na may pananabik pero hindi nagmamadali. Maya maya ay marahan silang naghiwalay. “For you..” ani Leon at iniab
Katakot takot na pasasalamat ang ginawa ng mag-asawa matapos ibigay ni Cacai ang pera. Naiyak pa nga ang mga ito at hindi pa rin makapaniwala. “Mag-aral kang mabuti ha.” sabi pa ni Cacai sa bata habang ginugulo ang buhok nito. “Opo.” tugon nang bata na ngayon ay may maaliwalas ng mukha. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at sumakay sa bus papunta kina Ate Tessa. Naging maayos naman ang pagbisita niya. Nanghihinayang ang mga ito nang hindi niya kasamang dumating si Leon. “Hayaan nyo po, pagbalik ko, kasama ko na ulit siya.” pangako niya sa mga ito. At bago siya bumalik ng Maynila ay muli siyang inimbitahan ng mag-asawa na bumalik sa isang araw dahil anniversary daw ng mag-asawa at imbitado sila. At syempre, hindi yun tinanggihan ni Cacai. Nang hapong din yun ay bumalik sila ng Maynila. Kinabukasan…. Pagising ni Cacai, normal na araw lang sana pero isang balita ang bubungad sa kanya. Pagbaba niya sa kusina, sinalubong agad siya ng mga kasambahay na para bang ang sasaya. “Viral ka
Sa isang malaking terminal, punong puno ang biyahe papunta sa ibat ibang probinsya gaya ng Laguna, Batangas at Lucena. Maaga pa pero buhay na buhay na ang lugar. May mga taong nakapila sa ticket booth. Merun ding mga nakaupo sa mahabang bangko, ay may mga bus naman na nakaparada. Maririnig ang dispatcher na isinisigaw ang kanilang destinasyon. “San Pablo! Aalis na!” “Lucena, last call!” “Batangas!” Naghalo halo na ang ingay ng makina, usapan ng mga taong naroon at tunog ng preno at busina ng mga sasakyan sa loob ng terminal. Ingay yun na nakakairita sa karamihan, pero para kay Cacai nalilibang siya sa lahat na naririnig at nakikita niya. Nakatayo siya sa gilid. Simple lang ang suot niya, shorts, tshirt, tennis shoes , sombrero at may bitbit na backpack. Kasama niya sina Hito at Hippo, hindi gaya niya ay halatang hindi gusto ng mga ito na naririto. “Madam.. Bakit ba tayo nagtyatyaga sa mausok na lugar na ‘to? Pwede naman tayong magchopper o kotse.” reklamo ni Hito ha
Samantala... Pagulong gulong si Cacai sa kama habang kinikilig na kinakausap si Leon sa kabilang linya. “Ewan ko sa ‘yo….” kunwari’y galit galitan niyang sabi sa lalaki. Napangiti si Leon dahil kanina pa silang nag-uusap dalawa at kanina pa rin nito sinasabi na naiinis ito sa kanya, pero kanina pa rin ito tumatawa sa mga simpleng bagay na pinag-uusapan nila. “Di mo na nga ako tinext kagabi tapos, dika pa magpapakita ngayon.” kunwariy nagtatampong sabi ni Cacai. Nakatingin si Leon sa salamin habang nakahawak sa kanyang maliit na sugat sa gilid ng kilay. Kung ano anong alibi na ang ginawa niya para magpalusot kung bakit hindi niya mapuntahan ang dalaga. “Wag ka nang bumalik sa NorthPoint.” pag-iiba niya ng usapan. Saglit na natahimik si Cacai saka ito nagtanong. “Bakit naman?” “Magpapadala na lang ako ng babaeng IT sa bahay nyo para magturo sayo ng mga dapat mong matutunan. Mas okay yun, mas marami kang malalaman.” Saglit na napaisip si Cacai. May punto si Leon. Wala naman siy
Maya maya pa ay nasa tapat na ng bahay nila ang sinasakyan nina Victoria at mga kasama niya. Huminto ang sasakyan sa harap ng gate at bago pa siya bumaba ay tumingin si Jamie sa kanya, halatang nag-aalala pa rin sa kanya. “Okay ka na ba?” alalang tanong nito habang nakakunot ang noo. Bahagyang tumango si Victoria. “Okay na.” tugon niya, hindi ngumiti at o wala pa ring kasigla sigla sa boses niya. Marahan niyang binuksan ang pinto at bumaba. Hindi na niya nilingon pa ang mga kasama at hindi na rin siya nagpaalam. Ramdam niya ang bigat ng katawan habang naglalakad papasok ng gate. “Ano bang nangyari sa babaeng yun? Parang lutang.” takang tanong ni Jamie habang nakahabol ang tingin kay Victoria. Umingo ang isa sa mga kasama nila. “She’s always been like that. Biglang bigla na lang nababago ang mood niya. Rich kid syndrome.” anito at natawa. Alam kasi ng mga ito na galing sa marangyang pamilya si Victoria at sanay na rin sila sa mala-diva nitong ugali. Kaya hindi na rin
Natulala na lang si Victoria at hindi nakapagsalita. Her eyes glued to the man whose presence stood out above everyone else.Habang si Leon naman ay masyado abala sa pakikipag-usap sa mga kasama at hindi man lang nag-abalang tumingin sa paligid niya. Nang magsimula na ang mga itong humakbang, halatang seryoso talaga ang lahat sa kanilang pinag-uusapan. Kaya nang mapadaan ang mga ito sa tapat ng mga modelo, hindi man lang sila nalingunan dahil lahat ng tingin ng mga ito ay nakatuon sa ibang direksyon…, doon sa eroplanong nakaparada sa kabilang bahagi at seryosong seryoso nila iyong pinagmamasdan.Napatingin si Victoria sa mga kasamahan, sa lahat ng mga tao sa paligid, sa mga kapwa niya modelo at mga crew. Naririnig niya ang bulungan ng mga ito kung gaano ang mga ito humahanga sa napakagwapong may-ari ng Pacific Air na boss nilang lahat na narito.“Siya ba talaga yung may-ari ng Pacific?”“Ang gwapo naman.”“Ang bata pa pala.”Bukod dun ay kita rin niya ang respeto at paghanga ng
Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila.
Sa kalaliman ng gabi, habang payapa ang paligid at mahimbing na natutulog, mahinang pag ungol ang kumawala sa bibig ni Leon. Dinadalaw siya ngayon ng nakaraan sa gitna ng kanyang panaginip. Muling bumabalik ang mga larawang matagal na niyang ikinubli sa kanyang alaala….. “Aray! Dahan dahan naman.
Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uus
3rd person pov. Saglit na natigilan si Cacai at napatitig kay Leon na matiim na nakatingin at mahigpit na nakahawak sa kanyang pupulsuhan. “Malapit na kasing mapuno.” mahinahon niyang sagot. Iniisip na baka nagmamalasakit na ito sa kanya.“Magbabayad ako ng ibang tao para gumawa niyan. Oras na ma







