로그인Nagising ako nang madaling araw dahil naiihi ako. Nasa labas ang banyo namin. Pero bago pa man ako makalabas ng bahay ay may naririnig akong umuubo.
Nakita ko yung lalaking ginamot ni Lola, nakahiga siya sa banig. Siya pala yung umuubo. Dali dali akong lumapit sa kanya.
“Nasasaktan ka po?” tanong ko.
“Nauuhaw ako.” mahina at paos na anito saka muling naubo.
“Teka lang po.” tugon ko at dali-dali akong tumakbo para kumuha ng tubig sa kusina.
Sanay na ako sa mga ganitong eksena. Marami nang ginamot si Lola Karing. At dahil dalawa lang kami, paminsan minsan ay inuutusan niya ako na tulungan siya sa maliliit na bagay.
Pagbalik ko sa pwesto ni Kuya ay may dala na akong isang baso ng tubig.
“Kuya, tubig mo po.” sabi ko.
Tumingin muna siya sa akin saka marahang umupo. Tapos ay kinuha niya ang baso mula sa akin, saka yun ininom.
“Salamat.” aniya.
Ngumiti lang ako saka kinuha ang baso at tumalikod na para ituloy ang pagbabanyo ko. Nang matapos ay bumalik na akong muli sa aking silid at natulog.
Kinabukasan nang magising ako ay nakita kong gising na rin ang lalaking ginamot ni Lola. Nakatayo ito sa labas ng kubo namin, may benda ang braso, nakatingin sa puno ng kape at tinititigan ang bunga nun na parang noon lang siya nakakakita ng ganun.
Napalingon ito sa direksyon ko nang maramdaman ang presensya ko.
Nginitian ko siya.
“Kuya, marunong ka pong gumawa ng saranggola?” tanong ko sa kanya.
Ganun na lang ang tuwa ko nang ngumiti siya at tumango. Sa tuwa ko ay tumakbo ako pabalik sa kubo at kumuha ng ilang pirasong tingting, sinulid, lumang dyaryo at kanin. Saka ko muling binalikan si Kuya.
Nang makita niyang papalapit ako ay napatingin siya sa hawak hawak ko. Tapos ay narinig ko siyang tumawa.
Bigla naman akong tinubuan ng hiya, sa pag-aakalang pinagtatawanan niya lang ako. Malulungkot na sana ako nang lumapit siya sa akin.
“Gusto mo talagang magpagawa?” tanong niya na nakangiti.
Nang makita kong nakangiti na ulit siya ay nabuhayan ako ng loob at malawak ang ngiting isinukli at tumango nang malakas.
Kinuha niya sa akin ang mga hawak ko.
“Para saan ang kanin?” takang tanong niya.
“Pandikit po.” sagot ko.
Muli na naman siyang tumawa habang napapailing. Naglakad siya at pumasok sa kubo. Dumiretso siya sa lamesa at inilapag ang mga ibinigay ko saka naupo at mukhang gagawa nga ng saranggola.
Umupo ako sa tapat niya at pinanood kung paano niya yun gagawin. Para sa susunod ay alam ko na kung paano ang tamang paggawa.
“So ikaw si Iska, apo ni Lola Karing?” tanong niya sa akin pero sa ginagawang saranggola nakatingin.
Tumango ako.
“Mataas po bang lumipad yan?” sa halip ay tanong ko.
Nang tumingin ako kay kuya ay ngumiti lang ito sa akin.
Ilang sandali pa lang kaming nakakaupo ng pumasok si Sungit. Tumingin pa ito sa direksyon namin, saka walang imik na pumasok sa loob ng silid.
“Sungit!” bulong ko na nakanguso.
Napangiti si Kuyang Mabait nang marinig ang sinabi ko.
“Pagpasensyahan mo na. Ipinaglihi kasi yan sa ampalaya.” bulong nito.
Napabungisngis ako dahil sa sinabi niya. Napatakip pa ako ng bibig para hindi lumabas ang tunog ng tawa ko.
“O ayan, okay na.” sabi ni Kuya ng matapos siya.
Napatalon pa ako sa sobrang tuwa at agad na tinanggap yun nang inabot na niya sa akin.
“Salamat po!” malakas na sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay kahit hindi pa kumakain.
“Iska–” narinig ko pang tawag niya pero dahil sa sobrang saya at pagmamadali ay hindi ko na siya nilingon pa.
Tinakbo ko yung lugar kung saan nagpapalipad ang ibang bata. Buti na lang at maaga pa kaya wala pa sila. Solo ko ang lugar, wala yung kontrabida.
Masaya ako dahil ngayon lang naging maganda ang lipad ng saranggola ko. Hindi kasi maganda yung mga ginawa ko dati. Wala naman kasing nagtuturo sa akin kung paano gumawa. Minsan, tinulungan ako ni Lola pero ang pangit ng kanyang gawa.
Yung akala kong masayang paglalaro ay agad na naputol. Dahil dumating ang mga batang lalaki na lagi akong inaaway.
Nagtatawanan na agad silang lahat habang papalapit sa akin.
“Uy, si Tiktik. Aga mo ah. Hindi ka ba lumipad kagabi?” pang-aasar na bungad ni Boyet. Ang pinakamayabang pero puro sipon naman.
Oo, sila nga yung mga bata na tumatawag sa akin ng Tiktik, dahil aswang daw kami ni Lola.
Hindi ko na lang sila pinansin na parang wala akong nakikita. Basta nakatayo lang ako at mahigpit ang hawak sa sinulid ng saranggola ko.
Bigla na lang tumakbo palapit sa akin si Buboy ang kapatid ni Boyet. Nagulat ako nang agawin nito ang sinulid sa akin saka tumakbo. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ng ibang bata para wag makasunod.
Ganun na lang iyak ko nang makitang hawak na ni Buboy ang saranggola tapos ay walang pakundangan niyang binali. Napaupo ako sa lupa at iyak ng iyak habang pinagtatawanan ng mga salbaheng bata.
“Tiktik, aswang! Tiktik, aswang!” paulit-ulit nilang sabi habang nagtatawanan.
“Mga salbahe kayo!” sigaw ko habang umiiyak ng malakas pero lalo lang silang nagtawanan na parang tuwang tuwa pa na nakikita akong umiiyak.
“HOY!!!”
Malakas na sigaw ng isang lalaki ang narinig namin na nagpahinto sa tawanan ng mga salbahe.
Nang lingunin ko kung sinong nagsalita, nakita ko si Kuyang Mabait na palapit sa amin.
Thanks for dropping by....
Mag-asawa pala yung nakakita sa amin, si Mang Rudy at si Aling Tesa. Mabuti na lang at naniwala sila sa kwento kong magkasintahan kami ni Leon at tinulungan nila kami. Si Mang Rudy na ang umalalay kay Leon. Nasa 6ft kasi ang height ni Leon at ang laki ng kanyang katawan kaya hirap na hirap ako. Isinama kami ng mag-asawa sa tirahan nila. Malayo layo rin ang ang aming nilakad at hindi nga ako nagkamali, may mga bahayan dito. Halos kagaya nung baryo na pinanggalingan ko. Yung payak lang ang pamumuhay. Dinala kami ng mag-asawa sa isang kubo. “Dito dati nakatira ang anak ko at asawa niya pero nasa bayan na sila ngayon. Pwede nyo munang gamitin ito. “ ani Aling Tesa. “Paano ba ang gagawin natin dyan sa nobyo mo? Mukhang kinukumbulsyon na yan. Wala pa naman si Mang Igme na manggagamot at isa pa yung nasa ospital at may sakit.” tanong ni Mang Rudy pagkatapos niyang maihiga si Leon sa nakalatag na banig. “Magtanong ka muna sa kapitbahay kung sinong marunong gumamot.” baling nito sa a
Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uusap nila kanina, papunta raw kami sa San Pablo, Laguna dahil dun daw namataan si Ate Victoria.Narinig ko rin sa usapan ni Leon at Renz na isasama daw ako ni Leon para mapilitang sumama si Ate kapag nakita niya ako.Gustong gusto kong sabihin na hindi naman yun gagana kay Ate dahil wala siyang pakialam sa akin. Pero sigurado akong hindi naman sila maniniwala. Kaya minabuti ko na lang na manahimik. Isa pa ay mabuti na ito para hindi na nila ako ikulong basement, hindi ko alam kung anong merun dun.Isa pa, baka sakaling maghimala. Baka nga makunsensya si Ate kapag nakita niyang nahihirapan na ako. At maisipan niyang bumalik na, tutal magkadugo naman kami kahit paano.Palibhasa’y hapon na ng uma
Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila. Wala akong pakialam kahit pa sobrang mahal. Kung kapalit naman ay ang kapayapaan ng buhay ko. “Salamat Joan.” sabi ko bago kami maghiwalay para umuwi.Nagtungo ako lugar kung saan kami maghihintay ng sundo pabalik sa mansion. Nakita ko agad si Dina at ang iba pa naming mga kasama. Wala doon ang iba na kasabay namin kaninang umaga. Ang sabi ni Dina ay iba iba raw ang oras ng uwi mga ito. Nakauwi na ang iba, samantalang nasa school pa rin yun ilan. Wala akong ganang sumakay ng sasakyan dahil naiisip kong sa mansion pa rin ni Leon ang uuwian ko.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Dina naman ay busy sa pagbabasa ng pocketbook nito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag
Cacai POV Alas sais pa lang ng umaga ay ginigising na agad ako ng mayordomang si Manang Lourdes. Mumukat mukat pa akong humarap sa kanya. “Ayusin mo na ang sarili mo para hindi ka mahuli sa klase.” bungad nito at saka inilapag ang paper bag sa paanan ng kama. “Uniporme mo, ipinadala ng ama mo.” wika pa nito. Napabalikwas ako ng marinig ang sinabi niya. “Po? Nandyan si Papa?” tanong ko. “Ipinadala lang niya yan. Bilisan mo kung gusto mong umabot sa almusal.” wika nito saka ako tinalikuran na naman. Nakakalungkot man na wala si Papa, masaya pa rin ako kahit paano dahil tuloy naman pala ang pag-aaral ko. “Salamat po. Akala ko di nyo maaalala.” sabi ko kay Manang Lourdes na ngayon ay nasa pintuan na. Akala ko talaga ay inisnab niya yung sinabi ko kagabi na may pasok ako sa school. “Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay na ‘to.” anitong hindi ako nililingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Dali dali akong tumayo at kinuha ang paper bag.
Nahihirapan akong matulog kahit madaling araw na. Mayat maya akong nagigising. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganitong lugar at sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako para magbanyo. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kama nang may marinig akong sigaw ng isang lalaki. Akala ko ay guni guni lang pero narinig kong muli ang pagsigaw. Baka may masamang nangyayari sa labas. Mabuti na lang at gising pa ako . Paano na lang pala kung may sunog? Inihanda ko ang ang aking sarili. Para kung sakali mang magkatakbuhan ngayong gabi ay hindi ako mapapag-iwanan dito sa loob ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko na dahan dahang naglakad palapit sa pintuan at marahan yung binuksan. Mabuti na lang at si Dina ang huling lumabas kanina at iniwan niyang hindi naka-locked ang pintuan. Madilim sa pasilyo pero may naririnig akong mga boses na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Konting hakbang pa ang ginawa ko para malinaw na marinig ang mga nag-uusap. Wala naman akong balak na magtag
Cacai POV Katatapos ko lang kumain nang biglang bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng pangkasambahay na halos kaedad niya ang pumasok. “Kukunin ko lang yang pinagkainan mo.” sabi nito at tinungo ang table ng kinainan ko. Mukha siyang mabait kaya hindi ako nag alangan na kausapin siya. “Matagal ka na ba dito?” pag usisa ko sa kanya. Ngumiti at tumango ito habang patuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit ganun ang mukha ng mga tao dito? Ang dilim, may namatay ba?’ pangungulit ko pa. Nahinto ang kasambahay sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na tila gulat at nag-aalala. “Shhh… wag ka ng maingay baka marinig ka nila.” tulirong anito na parang ito pa ang mas takot kesa sa akin na bihag nila. So, kaya naman pala. Sa reaksyon pa lang niya ay mukhang tama nga ang hinala ko. Namatayan ang mga taga rito kaya ganun kadilim ang awra sa bahay na ito, walang kabuhay buhay at wala ni isa mang ngumingiti. Kaya pala sobrang bitter nila. Sabagay ganun naman talaga kapa
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






