Share

Chapter 13

Author: Calut qho
last update Huling Na-update: 2024-12-05 13:38:33

MATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan.

“Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak.

Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya.

“Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya.

"Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mars Carilo
my kasunod pba na chapter nito?
goodnovel comment avatar
Calut qho
salamat po. now lang nakapag-update hehe ...... pero salamat pa rin nay, sa pagbabasa
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
na add ko Ms. Calut Qho Ang kwento ni Mike Deloso
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 13

    MATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan. “Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak. Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya. “Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya. "Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter Chapter 12

    PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter: 11

    SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 10: A Brother's Embrace

    HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 9: Kiss of the Past

    HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter 8: Between Duty and Love

    Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status