Pumasok ang sasakyan sa loob ng village compound, kung saan ang mga pulang parol ay nakasabit pa rin sa gilid ng kalsada. Huminto si Margaret sa tapat ng villa, bumaba ng kotse dala ang dalawang kahon ng mamahaling prutas, at lumakad papunta sa kabilang bahay.Maingat siyang kumatok at iniabot ang prutas, may bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang kilos.“Butler Earl, ito po ay pasasalamat ko sa mga parol na ipinadala ninyo. Kaunting prutas po bilang pasasalamat. Sana po ay tanggapin ninyo.”Ganoon talaga si Margaret—anumang kabutihang natatanggap, maliit man o malaki, ay hindi niya nakakalimutan. Lagi niyang hinahanap ang tamang pagkakataon para makabawi, dahil kung hindi, parang hindi siya mapakali.At kung siya naman ay masaktan o tratuhin nang masama, hinding-hindi rin siya magpapalampas.Dahil ang mga parol na iyon ay nagpasaya sa kanya, natural lang na gusto niyang ibalik ang kabaitan na ibibigay sa kanya.Buti na lamang at tinanggap ito ni Butler Earl nang may ngiti at magalang na
“Miss Margaret, what a coincidence, namimili ka rin pala ng mga panregalo para sa pasko?”Sa basement parking ng mall, maagap na inalalayan ni Knight si Margaret nang muntik na itong matumba. May banayad na ngiti sa kanyang mukha.“Thanks.”Matapos magpasalamat, bahagyang umurong si Margaret upang mapanatili ang kaunting distansya. Ngunit napansin niyang tila masyado itong halata, lalo’t tinulungan lang naman siya ng lalaki. Kaya’t nagpasya siyang magpakita ng kaunting kabaitan, kahit papano.“Hmmm, namimili rin kayo ni Matthew?”Saglit siyang sumulyap kay Matthew na mula pa noong una ay masama na ang tingin sa kanya. Agad niya ring iniwas ang kanyang paningin. Napakaswerte ko naman talaga ngayong araw na 'to…“Is there any problem?” Napansin din ni Knight ang lantad na pagkainis ng kapatid at tinapik ito sa batok.“Kuya naman! Wala naman akong ginagawa! Hindi pa nga ako nagsasalita, bakit mo ako bunatukan sa harap ng iba?” hawak-hawak ni Matthew ang ulo habang reklamo ng reklamo.Hin
Sanay na si Leo sa mga mamahaling bagay kaya hindi na ito bago sa kaniya."Yes tita Cass, I guess it's fine, kung gusto mo, kunin mo na lang. Isa lang namang pendant 'yan. Daddy can but me more if I want to"Matagal na niyang kinalimutan ang bilin ng mommy niya tungkol dito. Para sa kaniya, isa lang itong gold pendant and nothing special.Napakarami na niya nito sa bahay. Galing sa kanyang lolo, lola, at daddy. Tuwing papasok taon, binibigyan siya ng kaniyang lola ng samu’t saring ginto, at alahas. Sobrang dami na hindi na niya ito napaglalaruan at inaalikabok na lang sa mga aparador.Tungkol naman sa motibo ng lola Auntie niya? Isa lang naman silang grupo ng matatandang halos minsan pa lang niyang nakita. Sabi ng daddy niya, ang lahat ng kamag-anak sa side ng ina ay puwedeng balewalain at ituring na hindi kakilala. Kung hindi lang para bumawi sa pagkapahiya ng ina niya kanina, hindi rin siya pupunta. Kaya kung gusto talaga ni Tita Cass ang pendant na bigay ng iba, ibigay na lang ito
On a private hotel room,Pagkapasok ni Leo sa private ng hotel, agad siyang napatingin sa matandang lalaking naroon—magiliw ang aura, at may maamong ngiti sa mukha.“Is this the Lola Auntie mommy was talking about?.” isip niya.Hindi naman siya mahiyain, at kahit ngayon pa lang sila nagkita ni Anastasia, magiliw siyang bumati,“Good evening po, Lola!”“Wahhh! Hi apo,” masayang sagot ni Anastasia habang kumikislap ang mga mata sa tuwa.Tumayo si Anastasia upang yakapin ang bata, pero dahil sa edad niya at sa laki na ng bata, hindi na niya ito mabuhat. Mabuti na lang at mabilis si Leo. Agad siyang yumakap sa matanda at nagpakitang lambing.Hinaplos-haplos ni Anastasia ang ulo ng bata, pinagmamasdan ito ng mabuti. Habang tumatagal, lalo siyang natutuwa. Kamukha ito ng kanyang ina, bagama’t taglay nito ang matang parang kay Xander—ang amang halos ayaw niyang maalala. Ngunit hindi na mahalaga iyon. Ang kabuuang hitsura ng bata ay mala-anghel, maganda at sobrang cute.Dahil sa tuwa, agad ni
Nagulat at natuwa si Leo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Margaret. Ilang araw na siyang nagtatago sa bahay ni tita Cassandra, takot na baka maparusahan dahil sa nangyaring pagkahimatay ng kanyang ina noong huli silang nagkita. Gustuhin man niyang itanong ito sa kanyang ama, pinangungunahan siya ng takot na baka lalo lamang siyang mapagalitan.Dahil sa matinding guilt, hindi siya nag-attemp na tumawag sa kanyang momny. Kaya laking gulat niya nang ito pa ang unang tumawag.Ibig sabihin ba nito'y hindi na galit si mommy?Masiglang sinagot ni Leo ang tawag. “Mommy! Matagal ka nang hindi tumatawag. Miss na miss na kita!”Nang marinig ni Margaret ang masiglang tinig ng kanyang anak, bahagyang nanginig ang kanyang mahahabang pilikmata. Parang ang tagal na simula nang huli silang nagkausap.“Leo,” mahina niyang tawag. Hindi niya alam kung paano magsisimula.Habang si Leo naman ay excited na nagsalita, ikinukuwento kung gaano niya kamiss ang ina. Sa huli, maingat siyang nagtanong, “Mom
It was deep into the night, and the cold breeze of winter whispered through the air. Amid the bamboo grove that remained green despite the season, the soft yet chilly rustle of leaves could be heard. The red lanterns hanging from the bamboo swayed gently with the wind.Sa musikang likha ng kalikasan, magaan ang hakbang ni Margaret habang may hawak na parol. Tinatahak niya ang landas sa gitna ng kawayanan patungo sa isang bahay sa kabila ng kanyang tinitirhan.Pagtapat sa pinto, pinindot niya ang doorbell. Mabilis itong bumukas.Lumabas ang isang lalaking nasa 40s ang edad, bihis na bihis sa isang eleganteng suit. Bahagyang maputi na ang buhok nito. Nang makita siya, tila sandaling natigilan ang lalaki, ngunit nang mapansin ang parol na hawak ni Margaret, agad itong ngumiti ng may pang-unawa."Good evening," bati ni Margaret sabay ngiti at mahinang pag-iling ng hawak na parol. "I'm your neighbor next door, My name is Mayang. I just wanna say thank your for decorating my house. Sobrang