Share

Chapter 5

Napahilot sa kaniyang sentido si Alliyah dahil sa nakatambak na mga papeles sa kaniyang lamesa. Napasandal siya sa kaniyang swivel chair at napapikit ng mariin.

Alas-sais na ng gabi. Pinili niyang mag-overtime para naman bukas e mabawasan na ang kaniyang mga ginagawa. Pero parang kahit magdamag pa siyang umupo sa harap ng lamesa niya ay hindi ito mababawasan sa sobrang dami talaga.

Nangalumbaba siya at napatitig sa kawalan. Mag-isa niya na lang ngayon sa office nila. Wala na siyang ibang kasama. Kaya nga napagpasyahan niya na lang na u-uwi na lang muna siya at itutuloy bukas ang kaniyang ginagawa.

Tumayo na siya at nag-umpisang magligpit ng mga gamit niya, at kinuha ang kaniyang sling bag. Naglakad na siya papunta sa elevator at bumaba. Tinungo niya agad kaniyang kotse na nasa parking area. 

"Gutom na ako," she mumbled. Saka hinawakan ang tiyan niyang naghuhurumentado na, habang naglalakad patungo sa kotse niya. Binuksan niya agad ang pinto ng driver

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status