Share

AKO SI RUSSELL ROSSELL

“AYUN! “

Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig.

“Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake.

Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad.

Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang  patayin sa gulpi.

Nangiti si Brendon.  Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan.

Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot.

Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito.

“Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan.

Agad siyang kumaripas ng takbo.

“HOY!” Narinig niyang sigaw nito.

Kumakalabog ang puso sa takot na tinulinan pa niya ang pagtakbo, na wari ay nakikipagkarera ng sprint running sa Olympics.

“Huwag kang pahuhuli sa aking hayup ka,“ narinig niyang hiyaw ng humahabol sa kanya, “durug ka sa aking gago ka oras na maabutan kita.”

Mabilis siyang nagpasikut-sikot. Walang takot na tinalon ang mga sasakyang nagdaraan.

“Siguradong paglalamayan ako kapag inabutan ako ng matandang ‘to.” Ang nasa isip niyang hindi man lang lumilingon upang hindi mabawasan ang bilis ng kanyang pagtakbo.

Hanggang sa makarating sa parking place ng isang shopping mall.

Nagpasikut-sikot sa mga sasakyang naroon, naghahanap ng sasakyang puwede niyang buksan upang magamit sa pagtakas kay Domingo Sabado.

Namataan ang isang sasakyang kilalang-kilala niya, pati ang nagma-may ari niyon.

Ang sasakyan ni Joanne Javier!

Ang sasakyang kabisadung-kabisado niyang distrungkahin.

*** ****

NAGWAWALA sa galit si Joanne.

“Paano nawala ang kotse ko sa parking space nang hindi n’yo nalalaman?” Nanggagalaiting tanong niya sa guard at tagabigay ng tiket sa parking space ng Shopping Mall.

“Ma’m, iniabot po sa akin ng nagmamaneho ng inyong sasakyan ang parking tiket n’yo,” inilabas ng taga-tiket ang. "heto po.”

Maliwanag na nakasulat sa tiket na iniwan niya sa glove compartment ang numero ng parking space na pinarkingan niya ng kanyang kotse, at nakasulat din doon ang numero ng plaka ng kotse niyang nawawala.

Isang tao ang agad niyang naisip, “si Brendon,” nasambit niya na sinundan ng pagmumura, “hayup talaga’ng hayup na ‘yon. Ni hindi man lang ako hinintay!” agad niya itong tinawagan.

“Bakit mo kinuha ang kotse ko nang walang sabi-sabi?” Sita agad niya.

Emergency!” Sagot ng kanyang tinawagan.

“At ano namang emergency ‘yon?” Singhal niya sa kausap sa telepono.

“Nandito ko sa hotel. Puntahan mo ‘ko rito at dito ko na ipapaliwanag sa ‘yo ang lahat.” Pag-iwas ni Brendon na magpaliwanag.

“Pa’no naman ako pupunta d’yan, e, dala mo’ng kotse ko?” Pagtutungayaw ni Joanne.

“Mag-rent ka na lang ng car or mag-taxi ka!”

“Hayup ka talagang Brendon ka! Lagi ka na lang may dalang problema sa ‘kin!” Gigil na saad ng babae bago tinapos ang pag-uusap nila ng kausap sa phone.

Ang hindi niya namamalayan ay lihim na nakamasid sa mga kilos niya si Owen Garcia, ang anak-anakan ni Gemma Garcia.

*** ****

NAKARATING sa hotel na kinaroroonan ni Brendon si Joanne.

“Baka dito sila nagmi-meet ni Russell Rossell” Ang nasa isip ni Owen na lihim na binuntutan ang sasakyang naghatid kay Joanne.

Palihim at maingat niya itong sinundan. Ngunit nawala ito sa kanyang paningin at hindi malaman kung saang elevator nagpunta.

“Hey, Russell,” pagbati sa kanya ng isang babae, “si Joanne ba ang hinahanap mo,” tanong nito.

“Ha...e… nakita mo ba siya?” Pabiglang naitanong niya.

“Sa seventh floor, room 704,” pagbibigay alam nito sa kanya, “ikaw pala ang katagpo niya rito, ha?” kumindat ang babae na may halong malisya.

“A…e… s-sige. Thanks.” Pag-iwas na agad ni Owen.

Nagmamadali nitong pinuntahan ang elevator at agad pinindot ang numero 7 upang makarating sa seventh floor.

“Buti na lang at wala akong nakasabay,” bulong niya sa sarili, “magkakahirapan sa paliwanag kapag may nag-urirat sa ‘kin ng kung anu-ano.”

ROOM 704

“Bakit ka basta nagpunta rito,” usig agad ni Joanne kay Brendon, “Paano kung may nakakita sa ‘yo? Kung may nakakilala sa ‘yo?”

Hindi pinansin ni Brendon ang pag-aalala ni Joanne. Agad na inabot niya sa babae ang kopa ng alak kasabay sa paghalik sa bibig nito.

“Masisira ang mga pinaplano natin kapag nabisto ni Russell ang tungkol sa atin.” Pag-aalala pa rin ni Joanne.

“Huwag mong intindihin ang Russell na ‘yon,” puno ng kayabangang saad ni Brendon, “tanga ‘yon. Manang-mana sa ama niyang kayang-kayang paikutin ng mama ko,” panlalait pa nito sa mag-amang Rossel, "uminom ka muna!” utos iyon.

Walang pag-aalinlangang inubos ni Joanne ang alak na nasa kopa.

“Bakit mo ba itinakbo ‘yung kotse ko?” tanong niya sa kay Brendon na muling nagsasalin ng alak sa kopa na kanya pa ring hawak, “ano na naman ba’ng problema mo?”

“Wala! Nakatuwaan ko lang.” Pagsisinungaling ng lalake.

Hindi na muling nakapagsalita ang babae ng siilin siya ng halik ni Brendon, matapos niyang muling sairin ang alak sa kopang hawak.

Halik na gumapang sa kanyang leeg, humagod sa kanyang balikat at bumaba sa kanyang dibdib.

Mas naiibigan ni Joanne ang paraan ng pakikipagtalik ni Brendon. Ang matapang at walang pasintabing paggalugad ng mga palad nito sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan.

Na nagpapakilig sa kanya. Nagpapainit sa bawat himaymay ng kanyang laman.

“Brendon…”

Waring hindi narinig ng lalake ang halos padaing na bulong niya. Nagpatuloy ito sa pagtatanggal ng kanyang saplot, habang ang mainit nitong palad ay patuloy na pinaiinit ang tila nagsisimula nang magbaga niyang katawan.

Nalaglag ang suot niyang damit sa kanyang paanan.

At katulad ng inaasahan ni Brendon, walang suot na panloob ang babaing laging handa sa “pakikipaglaban”.

“I love it!” Ibinulong ng lalake sa kanyang tainga, kasabay sa mahinang pagbuga ng mainit nitong hininga.

Napalunok ang babae. Sabik na hinintay ang inaasam nitong ibang pang gagawin ng lalaking kaharap.

At hindi siya nabigo sa kanyang inaasahan.

Bahagyang bumaon ang kanyang kulay pulang mahahabang kuko nang sinimulan nito ang paghalik sa kanyang kahubaran. 

Alam niyang luluhod ang lalake sa kanyang harapan, at bibigyan siya nang mas matinding kasiyahan.

"Brendon..." Naibulong niya na puno ng pananabik.

Nang…

KRRRINNGG…

Sabay na napalingon ang dalawa sa pintuan .

“Room service!” ang narinig nilang wika ng tinig ng nasa labas ng pinto.

Inis na agad iniwan ni Brendon si Joanne upang buksan ang pinto. Ang gusto niya’y singhalin ang kung sino mang iyon na umantala sa nag-iinit na nilang mga katawan ni Joanne.

“Ipinadala po ng hotel manager ang pinaka-espesyal na alak ng hotel, para kay Mr. Russel Rossell,” natigilan si Brendon, “kayo po si Mr. Russel Rossell, right?”

“Ha? Ah… Oo! Oo, ako nga si Russell,” pagsisinungaling agad ni Brendon, “sige. Iwanan mo na ‘yan!”

Halos ipagtulakan na niya ang service crew ng hotel, na hindi niwasang tingnan ang babaing walang saplot na suot na nasa likuran ng inakala niyang si Russel Rossel.

**** ***

SHOCKED!

Napangangang hindi malaman ni Owen kung ano ang kanyang mararamdaman habang pinapanood ang video ni Joanne at Brendon, na palihim na kinunan ng service crew na kanyang binayaran.  

...Na hindi agad niya napilit kumuha ng video sa pamamagitan ng kanyang cellphone..

“Sir, matatanggal ako sa trabaho, kapag nahuli akong kinuhanan ng video ang client ng hotel. Baka makulong pa ako!” Pagtanggi ng service crew sa ipinagagawa niya.

Inayos niya ang pagkakalagay ng kanyang cellphone sa bulsa ng polong suot ng service crew, kung paano makukunan ang nasa loob ng hotel room nang hindi mapapansin ng taong naroon.

Sabihin mo lang na ipinabibigay kay Russel Rossell ang espesyal na alak na ‘yan,” pagpapaliwanag niya sa service crew, “basta ‘wag ka lang nerbiyosin at walang papalpak sa ipinagagawa ko sa ‘yo.”

Inilagay niya sa kamay ng service crew ang limang libong piso, kabayaran sa ipinagagawa niya.

Alam kong malaking tulong ‘yan sa pamilya mo,” saad niya, “at sagot kita kapag nagkaproblema ka sa ipinagagawa ko sa iyo. Marami aikong konekson.”

"Pero..." Pagdadalawang isip pa rin ng service crew.

"Sinabi kong ako'ng bahala sa 'yo, e! O, ayan, ten k na 'yan," pagpipilit pa rin ni Owen na sinabayan ng paglalagay ng panbagong limang libong piso sa kamay ng kausap, "go! Gawin mo na'ng pinagagawa ko sa 'yo. Baka mainis mo na ako, e, ako pa ang gumawa ng isyu na ikakapahamak mo. Go!" Isang patulak na tapik sa balikat ang ibinigay niya sa inuutusan, na napilitan nang sumunod sa kanyang utos.

Huminga muna nang napakalalim ang lalake, bago humakbang papunta sa pinto ng room 704. at isinagawa ang ipinagagawa ni Owen.

Wari'y nabunutan ng tinik ang lalake na lapitan siya at iabot nito sa kanya ang kanyang cellphone. 

“Ano nga pala ang pangalan n’yo, Sir?” Tanong ng service crew sa kanya.

Nginitian ni Owen ang nagtanong, “Russell Rossell,” pagpapakilala niya.

Biglang nagkulay suka ang service crew. Nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.

“K-Kayo po si Russel Rossell,” nanginginig ang tinig na tanong nito, “e, ss-sino ‘yung …”

Nakatawang iniwanan na ni Russell ang service crew, na hindi na hinintay na tapusin ang sinasabi nito.

At sa mga sandaling iyon lamang niya naunawaan ang dahilan ng biglang pagkatigagal at pamumutla ng service crew nang magpakilala siya bilang si Russell Rossel.

“Hayup na babae,” nagngingitngit na nasambit niya, “nilalagyan pala ng ipot ng manenok ang ulo ng doppelganger ko!”

Hindi niya matanggap na ginagago lang ng kung sinong babae ang kanyang doppelganger. Ang lalaking aangkinin niya ang pagkatao sa nalalapit na panahon.

Em Dee C.

Dear readers, please comment. Tell me kung ano ang nagustuhan o ang inayawan ninyo sa aking isinulat para sa inyo. I need your comments to be able to write better chapters (and better scripts for the future) for your entainment. EM DEE C

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status