Share

SOLENNE STEVENS

Penulis: Em Dee C.
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-22 10:48:40

“SOLENNE STEVENS!”

Kunot ang noong pinagmasdan ni Solenne nang mula ulo hanggang paa ang babaing bumati sa kanya.

Maganda ang babae na kung pagmamasdan ay tila nasa early 40s ang idad. Mataas ito nang isang dangkal sa kanya. At dumagdag na kagandahan nito ang makikislap, masayang mga mata na nakangiti sa kanya.

“Sino ka,” Tanong niya nang may kahalong pangmamaliit, “kilala ba kita?”

“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako makikilala, e,” sagot ng babae, “I’m Francine! Francine de Castro. Mag-buddies tayo noong college tayo.”

“Francine…” Mahinang pagsambit ni Solenne sa pangalan ng kaharap, habang nag-iisip.

Funk kung tawagin niya ang Francine naka-buddy niya noong college days niya. Funk, dahil pangkaraniwan lang ang mukha nito. Iyong hitsurang makikita sa tabi-tabi, sa mga palengke at mga tindera sa bangketa.

“Ikaw ‘yong babaing walang ka-class-class! Mahilig makibarkada sa magaganda at may pera.” Sambit niya nang nang-uuyam.

Sa kanyang sarili ay hindi niya tinanggap na buddy ang babaing ‘yon. Ngunit binayaan niyang sumama sa kanila ng mga barkada niya, para may alalay siya. Yeah, alalay lang niya noon si Francine de Castro. Taga buhat ng kanyang bag, sapatos at iba pang mga gamit.

Kumunot ang kanyang noo.

“Magkasing-idad lang tayo ‘di ba?” Naitanong niya nang .hindi sinadya.

Muling hinagod ng tingin ni Solenne si Francine de Castro. Alangan sa hitsura ng babaing kanyang kaharap ang idad na sinkuwenta’y tres, na siyang idad na niya.

“You look young,” hindi niya napigilang sabihin, “and so beautiful! Nagpa-cosmetic surgery ka ba?”

“No! Nasa genes lang talaga namin ang hindi agad nagmumukhang matanda. At maganda ako talaga kahit noong bata pa ako. Gandang ngayon lang na-develop. Medyo tanga pa kasi akong mag-ayos noong college days natin.”

“Ah, yes! Pinapag-aral ka nga lang pala ng amo mo sa unibersidad na pinapasukan namin, kaya ka nakapag-college. I remember, ni hindi ka nga makabili ng lipstick noon, e.” mahina ang umiinsultong halakhak ni Solene, “ngayon, may pera ka na ba? Afford mo na bang bumili ng mga make-up, kaya nakakapagpaganda ka na?”

Aral na ngiti ang gumuhit sa mukha ng kausap ni Solenne.

“Dahil wala siyang anak at nag-iisa na lang sa buhay, sa akin ipinamana ng naging amo ko ang lahat ng kanyang kayamanan at mga negosyo,” sagot ni Francine na walang alis ang titig sa mga mata ng kausap, “I am now one of the richest businessperson here in NCR., Solenne,” pagmamalaki nito, "aren't you happy for me, Buddy," dag nito na halatang nag-aasar.  

Nawalan ng kibo ang napangangang si Solenne. Agad na-express sa kanyang mukha ang inggit na hindi naitago sa matalas na paningin at pakiramdam ng kanyang kaharap.

Kumuha ng tiyempo si Francine upang magantihan ang kaharap sa mga panlalait nito sa kanya.

“Ikaw, kumusta ka na,” tanong niya, ng may sarcasm, “may asawa ka ba? Anak? May apo,” sunud-sunod na tanong nito.

“Isa lang ang anak ko, binata na siya,” pagbibigay alam ni Solenne sa kausap, “and by the way, I am the wife of multi billionaire Theodore Rossel,” pagyayabang pa, "at ang aking anak ang magiging tagapagmana ng kayamanan ni Theodore Rossell,” dagdag na kayabangan pa nito na hinaluan ng kasinungalingan upang ma-impress ang kausap.

“Teka, ang natatandaan ko hindi naman Theodore Rossell ang pangalan ng naging asawa mo, ah. Actually hindi ka nga niya pinakasalan! At naging mistress ka na lang niya nang magpakasal siya sa iba.”

“Excuse me!” Nasabi ni Sollenne na nainis.

“Yes! Natatandaan ko ‘yon,” pagpapaalala sa kanya ni Francine na hindi pinansin ang pag-excuse niya, “drug lord ang naka-live in mo no’n. Ano na nga ba’ng pangalan niya? Nasa dulo ng dila ko, e. Wait lang iisipin kong mabuti.”

Galit na tinalikuran ni Solenne ang kausap at taas ang noong nilayuan ito, habang ang kanyang damdamin ay nabalutan ng insecurity at matinding pag-aalala.

“Hey, Solenne, naalala ko na,” sigaw ni Francine nang may maalala sa kahapon niya, “Domeng ang pangalan ng dyowa mo no’n! Domingo Sabado!”

“Buwisit! Buwisit kang Francine ka.” Nanggigigil na bulong niya, habang matuling naglalakad patungo sa escalator.

Ayaw na niyang maalala ang mga nagdaang mga araw sa buhay niya. Ang malulungkot, masasakit at umiinsultong mga alaalang nais na niyang ibaon sa limot.

“Maraming nakakaalam ng pangit kong kahapon at naaalala pa nila iyon,” ang nasa isip niya habang minamani-obra ang kanyang sasakyan upang makalabas sa parking area, “paano kung kailan kasama ko si Theodore ay saka may makasalubong kami na katulad ni Francine at magdadaldal nang katulad ng pagdaldal ng gagang 'yon?”

 INSECURITY JUMPS IN.

“Ipapa-annul ni Theodore ang kasal namin kapag nalaman niya ang totoong pagkatao ko.” patuloy niyang pag-iisip habang nagmamaneho, nang hindi matiyak kung saan pupunta, “hindi ako makakapayag na muling bumalik sa dating buhay ko. No…no way!”

Napatigil sa harpan ng malaking clinic ang sasakyang minamaneho ni Solenne. Napatitig siya sa signage na naroon.

KOREAN COSMETIC SURGEON

“Magpapa-cosmetic surgery ako,” naisip niyang bigla, “tama. Ipapabago ko ang mata, ilong at bibig ko para hindi na ako makilala ng mga dating nakakakilala sa akin!”

Naghanap ng mapaparkingan ng kanyang sasakyan si Solenne.

Nang…

BOG!

Nabangga ng kung kaninong kotse ang kanyang sasakyan.

Mabilis na bumaba ng kotse si Solenne. Halos kasabay niya’y bumaba rin ng sasakyang bumangga sa kanya ang nagmamaneho nito.

Nagharap ang dalawa.

Nanlamig ang paa’t kamay na natigilan ang babae.

“Solenne,” Pagsambit ng lalake sa kanyang pangalan,”what a small world!”

Hindi makangiti si Solenne. Takot ang nakalarawan sa kanyang mukha. Takot na matagal na panahon na nang huli niyang maramdaman.

“Kumusta ka na?”pangungumusta ng excited na lalake, “ang gara ng tsikot mo, a. Mukhang nakatisod ka ng mayaman!”

Mabilis na kumilos si Solenne. Nagtangkang muling sumakay sa kotse at takasan ang lalaking mabilis naman na pinigilan siya.

“Saan ka pupunta,” tanong nito, “kay tagal na panahon tayong hindi nagkita, tapos bigla mo na lang akong tatalikuran at iiwan!”

“Bitiwan mo ako, Domeng.”

“Bakit kita bibitiwan,” tanong ng lalake sa kanya, “akala mo ba’y hindi ko alam na ikaw ang nagtsutsu sa akin sa mga parak? Ikaw ang dahilan kaya ako nakulong!”

“Hindi ko kagustuhan ang mga nangyari,” pangangatwiran ng babae, “pinagbantaan ako ni hepe na susunugin ang mukha ko kung hindi ko ituturo ang kinaroroonan mo.”

“Sumama ka sa akin,” saad ng lalake na hinigpitan pa ang pagkakapigil sa braso ng babaing hawak, “kilala mo ako. Hindi ako natatahimik hagga’t hindi ako nakakaganti sa umaatraso sa akin!”

Kilalang kilala nga niya ang kalupitan ng taong gusto siyang gantihan. Ang lalaking kanyang naka-live in at ama ng kanyang anak na si Brendon.

Kilalang-kilala niya si Domingo Sabado!

“Teka muna pala, naalala ko lang bigla,” saad ni Domingo, “hindi ba buntis ka noong makulong ako? At sa pagkakaalam ko'y anak ko ang ipinagbubuntis mo noon.”

Hindi makaimik si Solenne.

“Nasaan ang anak ko?” Biglang tanong ng lalake sa malakas na boses at halos idikit na ang mukha nito sa mukha ng tinatanong.

 Nanginginig na sa takot, ngunit nagpilit magpakita ng katapangan si Solenne sa kaharap, “wala kang anak,” sigaw niya, “nagkaroon ako ng miscarriage noong makulong ka!”

Natigilan si Domeng. Nag-isip.

“Niloloko mo ‘ko,” tanong nito, “alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga lumuloko sa akin,” saglit itong tumigil at tinitigan ang kausap nang may pananakot, “o, gusto mong ipaalala ko sa ‘yo, ha, Solenne?”

“H-hindi. Hindi kita niloloko! Totoo’ng sinasabi ko…”

Matagal na nagtitigan ang dalawa. Patatagan.

Biglang hinatak ni Domeng si Solenne at pilit isinasakay sa sasakyan.

Na hindi mapapayagan ni Solenne.

“EEEEEEEE”

Ang malakas na tiling lumabas sa kanyang bibig, ngunit agad ding natahimik nang sikmuraan siya ng lalaking naga-abduct sa kanya.

“Unghh…” Ang naging d***g na lamang niya.

At walang malay siyang bumagsak.

Isang security guard ang nakapansin sa mga nangyayari. Itinutok ang baril nito kay Domingo Sabado at lakas-loob na marahang lumapit.

Agad namang binunot ni Domeng ang baril niyang nakasuksok sa baywang ng kanyang pantalon.

“Pasasabugin ko’ng bungo ng babaing ‘to kapag lumapit ka dito!” Pagbabanta niya.

Hindi nagpapigil ang security guard. Nagpatuloy ito sa paghakbang papalapit kay Domeng.

Patay kung patay ang magiging labanan. At walang halaga sa security guard kung maging collateral damage man sa labanan nila ang babaing nakahandusay at walang malay.

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.

BANG!

*** ****

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAGBABAGONG BUHAY

    EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   SINO ANG ITUTULAK? SINO ANG KAKABIGIN?

    NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani­-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAALAM, BRENDON

    SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HULI KA, BALBON!

    NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG TOTOONG RUSSELL

    TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

    SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status