Share

THE DOPPELGANGER

Author: Em Dee C.
last update Last Updated: 2023-08-22 10:46:08

HINDI umiimik na pinagmamasdan ni Joanne ang bawat galaw  ni Russell habang nagbubuhos ito ng wine sa baso ng alak. Pilit siyang naghahanap ng kaibahan ng mukhat at katawan nito sa lalaking nakita niya sa Shopping Mall at napagkamalang si Russel.

Parehong-pareho sila ng lalaking ‘yon,” nasa isip niya, “pati height at built ng katawan nila ay parang iisa. Parang dalawang tao na inihulma sa iisang molde!”

Puzzle sa kanya ang lalaking napagkamalan niyang kanyang boyfriend at naging dahilan ng eskandalong naganap na siya ang nagsimula.

“Hayup na babae’yon,” nasambit niya nang malakas, dahil sa biglang galit na kanyang naramdaman nang maalala ang babaing sumipa sa kanyang likod,“hanggang ngayon nararamdaman ko pa ang sakit ng tadyak niya sa likod ko. Pati ang kirot ng binti kong napilipit dahil sa pagkakabagsak ko nang ma-off balance ako.”

 “Hay, Babe, hindi ka pa ba nakaka-move on hanggang ngayon,” tanong ni Russel, “hindi na nga naghain ng reklamo ‘yong sinabunutan mo. Hindi na rin tinanggap ang perang iniaalok mo...”

“Nainsulto ako,” pagputol ni Joanne sa sinasabi ng boyfriend, “napahiya ako sa karamihan ng tao sa mall,” reklamo niya, “nagmukha akong kawawang tanga!”

Pinagmasdan ni Russel ang babaing nakasandal sa headboard ng kama. Nasa mga mata nito ang galit na hindi masusukat.

“Gagantihan ko ang babaing ‘yon,” banta ng girlfriend niya, “hindi ako matatahimik hangga’t hindi niya natitikman ang kahihiyang ibinigay niya sa akin!”

“Inumin mo muna ‘yang wine, Babe, para makalma ka,” suhestiyon ni Russel, “bakit naman kasi, makikipag-away ka lang ay nag-high heel shoes ka pa!”

“Malay ko bang masasabak ako sa away,” angil ng babae sa boyfriend nito, “kung alam ko bang mapapaaway ako, di sana’y dinala ko ‘yung baril ko!”

“O, tingnan mo ‘yan, pakikipagbarilan agad ang nasa isip mo.” Pilit pa ring pagpapakalma ng boyfriend ang girlfriend nito, “puwede ba relaks ka lang muna?”

Nag-isip ng paraan si Russel kung paano maiaalis sa isip ni Joanne ang babaing nakaaway nito.

“Teka nga, talaga bang kamukha ko ‘yong lalaking napagkamalan mong ako?” Tanong niya.

“Kaya nga ako napaaway,” sagot ng babae na sinundan ng pagsimsim ng alak, “mukha, kilay, mata, bibig pati ang tainga n’yo ay magkaparehong-magkapareho. Para kayong pinagbiyak na bunga,” paliwanag nito.

“Kasing-guwapo ko?” Pagbibiro ng lalake.

“Wala ka bang nawawalang kakambal?” biglang tanong ng babae.

Ilang saglit na nag-isip si Russel, bago naalala ang ikinuwento sa kanya ng kanyang ama.

“May kakambal daw ako sabi ni daddy, pero hindi nawawala,” sagot niya sa tanong, “namatay daw ‘yon, noon pang mga sanggol kami.”

“Sigurado ka bang namatay nga ‘yon? Nakita ba ng Dad mo ang bangkay? Nahawakan ba n’ya? Nailibing?”

Pinagtawanan ni Russel ang biglang na-excite at sunud-sunod na pagtatanong ng girlfriend.

“Puwede bang kalimutan mo na ‘yong kung sino mang lalaking ‘yon na napagkamalan mong ako,” ang wika, “nagmumukha ka ng baliw sa kagaganyan mo, e.”

Sumimangot na ininom ni Joanne ang wine mula sa basong hawak, bago nagsalita, “mahirap kalimutan, e. Para kasi kayong iisang tao!”

Kumunot ang noo ni Russel. Naiirita na siya sa kakulitan ng babaing katabi sa kama.

“Baka ‘yon ang doppelganger ko.” Pagkikibit balikat niya.

“Doppelganger? Ano ‘yon?”

“I-search mo kay Siri.” Sagot ng tinanong.

Inis na bumuntunghininga si Joanne, “hayaan mo na nga siya,” ang sabi, “ang importante ay nandito ka sa tabi ko!”

“Yeah!” Sagot ng lalake na nasiyahan sa nagbagong mode ng emotion ng kasintahan.

Kinuha niya ang glass of wine sa kamay nito.

Animo ahas na lumingkis ang babae sa likod niya. H******n ang kanyang batok at marahang binugahan ng mainit nitong hininga ang tainga ng boyfriend, upang mag-init ang pagnanasa sa katawan nito.

Ramdam ni  Russel ang nag-iinit na katawan ng babaing nakayakap sa kanya. Ang matinding paghahangad sa laman ng kumalabit ang mainit na dila nito sa earlobe niya.

Pagbibigyan niya ang nag-iinit na babae.

Nagdikit ang kanilang mga labi. Nagpagulung-gulong sa malaking higaan, na tila naglalaban kung sino ang iibabaw at sino ang magpapailalim.

At katulad ng madalas mangyari, pinabayaan ni Russell na makapanaig at umibabaw ang girlfriend. Mas gusto niyang ito ang nagi-effort sa bawat pag-iisa ng mga katawan nila.

Mas nasisiyahan siya. Mas nasasarapan!

*** ****

“BRENDON!”

Takot at pag-aalala ang agad naramdaman ni Brendon nang marinig ang makapangyarihang tinig na tumawag sa kanya.

“Dad!”

“Naipa-check mo na ba ang sasakyang gagamitin ni Russell mamaya?”

Napalunok si Brendon.

Nakakaramdam na siya ng pagrirebelde sa sitwasyong kinalalagyan niya sa mansiyon ng mga Rossell. Pakiramdam niya’y isa lamang siyang sampid sa angkan ng bilyonaryong kung tawagin ng lahat ng nasa bahay na iyon ay Sir Theodore Rossell.

Na asawa ng kanyang inang si Solenne Stevens.

Ngunit bakit mistula siyang alalay lamang ng anak nitong si Russell Rossell? Para lang siyang badigard at tagasilbi ng mga kung anu-anong kailangan nito.

“O, bakit nakatulala ka riyan,” tanong ng bilyonaryo sa kausap, “para kang laging nawawala sa sarili mo!”

 “Ha…Dad, kasi…” naghahagilap ng alibi si Brendon sa kung bakit lagi siyang natutulala, “ano kasi…”

“Sagutin mo na lang ang tanong ko,” pagputol ng stepfather sa gustong sabihin ng stepson, “naipa-check mo na ba ang sasakyan ng anak ko?”

ANAK KO.

Ang huling dalawang salitang sinabi ng kanyang ama-amahan. Na tila ba ipinamumukha sa kanya na hindi siya anak nito at si Russell lang ang nag-iisang anak na siyang nag-iisa at tanging nagtataglay ng apelyidong Rossel na siyang kadugtong ng pangalan nito.

Stevens pa rin ang dala niya apelyido hanggang sa mga sandaling iyon.

“Naipa-check mo ba ang sasakyang ipinapa-check ko sa iyo sa mekaniko,” muling tanong ng bilyonaryo sa tumaas na boses, “yes or no?”

“A, e, naipa-check na po. Yes po. Okay na po.”

Umiiling na tinalikuran na ni Theodore si Brendon. Nasa movement ng katawan at expression ng mukha nito ang inis na hindi itinago.

Nang biglang may naalala. Muling hinarap ang anak ng kanyang asawa, “by the way, how many times have I told you never to call me Dad,” tanong nito.

Natigilan ang tinanong. Naumid ang dila na hindi makasagot.

“I am not your father and I’m not giving anyone who is not my son to call me Dad,” pahayag ng makapangyarihang bilyonaryo na kanyang kaharap, “call me Sir Theodore, okay?”

Yuko ang ulong tumango si Brendon, kasabay ng mahinang pagsasabi ng “yes, Sir Theodore.”

Nakaramdam siya ng labis na panliiit sa sarili, lalo na nang walang paalam siyang iniwan ng lalaking ayaw magpatawag sa kanya sa taguring “dad”.

Tagos sa puso ang sakit ng mga pangungusap na binitiwan nito kay Brendon. Na sa pakiramdam ng kanyang stepson ay nakakainsulto, sa dahilan na ito ay anak ni Solenne Stevens ang pangalawang legal na asawa ni Theodore Rossel.

“May araw ka rin Sir Theodore Rossell. May araw din kayo ng anak mong si Russell. Gagantihan ko kayong mag-ama! At mangyayari agad ‘yon. Isinusumpa ko! ”

Sa pagitan ng mga nagngangalit na ngipin lumabas ang mga salitang binitiwan ng napopoot na si Brendon. Sumpang ibinaon niya sa kanyang puso at isipan.

“Handa akong lumangoy sa apoy ng impiyerno magantihan ko lang kayo!” Dagdag pa nito.

Nag-aapoy ang poot sa damdaming pinuntahan niya ang kotseng gagamitin ng anak ni Theodore Rossell. Kumuha ng wrench mula sa tool box ng suwelduhang mekaniko ng stepfather niya na nagme-maintain ng mga sasakyan ng pamilya nito.

Binuksan ang hood ng kotse. At nagsimulang magkalikot ng mga kung ano-ano doon.

“Mawawalan ng heir ang iyong ama, Russell Rossell. Kung hindi sa ospital ay malamang na sa sementeryo ang magiging kasunod na biyahe mo!”

Gumulong ang mahinang halakhak sa lalamunan ng lalaking naghahangad ng kamatayan ni Russell Rossell

*** ****

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAGBABAGONG BUHAY

    EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   SINO ANG ITUTULAK? SINO ANG KAKABIGIN?

    NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani­-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   PAALAM, BRENDON

    SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   HULI KA, BALBON!

    NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   ANG TOTOONG RUSSELL

    TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa

  • LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY   TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

    SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status